Parang baliw na tinitigan ni Bong ang lunch box sa harapan niya. Mukhang masarap ng pagkain pero pakiramdam niya hindi niya dapat ito kainin. Kaya kinuha niya ang phone niya at pinicturan ito. Gagawin niyang pang inggit ito sa mga kaibigan. Nang matapos picturan ay inilagay na niya ang kaniyang cellphone sa bulsa niya. Saka kinuha ang kutsara at isinubo ang pagkain. "Ang sarap! Siya, kaya nagluto nito? Puwede na siyang maging asawa ko" mahinang usal sa sarili saka nangingiti na kumakain. Pagkatapos kumain ni Bong ay pumunta siya sa CEO office. Ipinatatawag daw siya sabi ng kasamahan niya. Ngumiti ang sekretarya ng Daddy ni Nicolo kay Bong ng makita siya. Tumayo din ito at nilapitan siya. "Hi Pogi! Mukhang bago ka dito ah. Puwede bang makipagkilala?" maarteng tanong ni Antonette saka hinawakan sa kuwelyo si Bong. "I'm sorry pero Ipinatatawag daw ako ng Boss mo" tanggi na sabi ni Bong. Inis din siya sa mga babaeng walang ginawa kundi ang lumandi sa lalaki. "Sige pumasok ka na sa loob, suplado!" galit na turan ni Antonette. Pinihit ni Bong ang pinto ng opisina ni Tito Samuel Rodriguez. "Hi po Tito!" bungad na bati ni Bong sa matanda at nakipag kamay. "Oh Hijo. Maupo ka" alok ni Samuel. "Napagod ka ba kakatayo? Puwede naman na ikuha kita ng kapalitan mo" nag aalalang sabi ni Samuel kay Bong. "No po Tito. It's okay. Nag eenoy pa nga po ako sa trabaho na ito" sagot ni Bong. Yes, alam ni Samuel ang dahilan ng pagpasok ng trabaho ni Bong sa kanilang kompanya. Alam niya din ang plano nito. At dahil sa pagiging malakas ng loob ni Bong kaya napapayag din siya ng mga ito para ikunstaba sa gagawing pagpapanggap ni Bong. "Tito balik na po ako sa post ko" paalam ni Bong. Saka tumayo ito. "Okay Hijo basta kapag napapagod ka na puwede ka naman magpahinga sa trabaho mo" wika ni Samuel sa binata. "Thank you for understanding Tito Samuel" ani ni Bong. Ngumiti at tumango ng ulo si Samuel kay Bong. Pagkalabas ng opisina ng CEO ay hindi pinnansin ni Bong ang sekretarya ng Tito niya na nagpapacute pa din sa kanya hanggang sa pag labas niya. Dire diretso siyang naglakad papunta ng elevator. Pagkababa galing sa elevator ay diretsong naglakad si Bong at nadaanan ang reception area. Napansin niyang nakikipag usap si Letty sa isang lalaki. Parang seryoso pa ang mga ito. Napatiim ang bagang ni Bong at napakuyom ang kamao. Nakaramdam kasi siya ng selos sa kausap ng dalaga. Nilapitan niya ang mga ito at tumikhim. "Aheemm!" napalakas na tikhim ni Bong na ikinalingon nina Letty at ang kausap nito. "Oh Bong, tapos ka ng kumain?" masiglang tanong ni Letty. Walang ekpresyon ng mukha na tumingin ito kay Letty. "Anong problema niyon?" nagtatakang tanong ni Letty sa sarili. "Tapos na" maikling sagot ni Bong at saka binalingan ang lalaki. Masama niya iyong tinitignan. Napansin naman ni Letty ang reaksiyon ni Bong sa kausap. "Bong siya si Vince isa din siyang empleyado dito sa kompanya" pakilala ni Letty sa kausap na lalaki. "Hi Pare" nakangiting bati ni Vince kay Bong. Hindi gumanti ng ngiti si Bong dito. At binalingan si Letty. "Doon na ako sa post ko" paalam ni Bong kay Letty. Tumango ng ulo si Letty kay Bong. Nagtataka sa mga ikinilos ng lalaki. Sumapit ang uwian alas singko na ng gabi. Ready na si Letty umuwi. Sukbit ang kanyang bag at lumabas ng building ng kompanya. Napansin pa niya si Bong. "Uwi na ako Bong" sabi ni Letty. "Hatid na kita" prisinta ni Bong. "Hindi ka na galit?" walang prenong tanong ni Letty. "Bakit naman ako magagalit? Tapos sayo pa" sagot ni Bong. "Eh baka may trabaho ka pa" aniya ni Letty. "Malapit na din akong mag out. Kung okay lang sayo mag antay ng mga five minutes" nahihiyang wika ni Bong. Saka napatunghay sa mukha ni Letty. Saglit na natahimik si Letty at nag iisip kung aantayin niya si Bong para ihatid siya. Nakakahiya din naman na tanggihan ang pagmamagandang loob ni Bong para sa kanya. Mataman na naghihintay si Bong sa sagot ni Letty. Pinagmamasdan ang mukhang maamo nito. Hindi niya alam kung bakit laging ganito ang nararamdaman kapag kaharap si Letty. "Sige, doon na kita sa loob hintayin" nakangiting sagot ni Letty. Para namang tumalon ang puso ni Bong ng marinig iyon mula sa dalaga. Pakiramdam niya lahat ng isinakripisyo niya ay unti unting nasusuklian. Tumalikod na si Letty kay Bong habang si Bong ay malaki ang ngiti na tinitignan si Letty. Tinawagan ni Bong ang kaibigan na si Nicolo para sabihing mag out na siya para maihatid si Letty. Hindi niya mapapalampas ang pagkakataon na ito sa kanya na ibinigay ni Letty. Naglakad na si Bong para puntahan si Letty sa loob ng building. Nakita niyang tahimik itong nakaupo. Napangiti siya kay Letty ng humarap ito sa kanya. "Halika na, baka gabihin ka pa masyado" masayang aya ni Bong kay Letty. Saka tumayo si Letty at sinabayan si Bong sa paglalakad. Sakay na sila Bong at Letty ng sasakyan ni Bong. Paminsan minsa ay tinitignan niya si Letty na tahimik na nakaupo sa tabi niya. "Saan pala ang bahay niyo?" basag na tanong ni Bong sa katahimikan ni Letty. Kahit alam ni Bong ang bahay ng dalaga ay maganda na tanungin pa din ito para hindi halata na may alam ito tungkol sa dalaga. "Ah natandaan mo nuong nagkita tayo. Malapit lang doon ang bahay namin" sagot ni Letty. Napangiti si Bong kay Letty. Bumilis ang tibok ng puso ni Letty. Para kasing kakaiba ang mga ngiti ni Bong sa kanya. Ngayon na kasama niya ito sa loob ng sasakyan ng binata ng solo. Ganito din ang naramdaman niya nuong unang nahawakan ni Bong ang kamay niya pati na nuong nagsalo sila sa iisang payong. Hindi niya maintindihan pero naisip niya na huwag na lang pansinin ang nararamdaman. Nakatingin sa daan si Bong saka binalingan si Letty. Nahuli niyang nakatingin ito sa kanya. Napangiti siyang itninutok ulit ang mga mata sa, daan. "Nahuli ako na tinitignan siya" nahihiyang sabi ni Letty sa sarili na nakatingin na sa labas. "Iliko mo diyan sa isang kanto. Malapit na diyan ang bahay namin" turo ni Letty kay Bong. "Dito ba talaga kayo nakatira? Malapit lang ako dito nakatira" pagsisinungaling na sabi ni Bong. "Talaga? Magkapitbahay pa pala tayo. Kaya pala nakita kita dito nuon" sagot ni Letty. Saka itinuro ni Letty ang kanilang bahay. "Salamat sa paghatid" nakangiting wika ni Letty nang makababa ng owner ni Bong. "Okay lang. Ikaw pa, nanginginig pa" birong sabi ni Bong. Napatawa ng malakas si Letty sa sinabi ni Bong. "Sige na umuwi ka na" nakangiting taboy ni Letty kay Bong. Napakamot naman si Bong sa kanyang ulo. Inaasahan niyang yayain siya ng dalaga sa loob ng bahay nila. "Ate!" malakas na tawag ni Len. Sabay na napalingon sina Bong at Letty. Saka lumapit sa kanilang dalawa si Len. "Sino siya Ate?" tanong ni Len. "Ah si Bong ka trabaho ko. Bong kapatid ko si Len" pakilala ni Letty kay Bong. Saka nagwave ng kamay ang dalagita kay Bong. Ngumiti naman si Bong sa dalagita. "Sige uuwi na ako, kita na lang tayo bukas" paalam ni Bong kay Letty. Nakangiting nagwave ulit ang dalagita sa kanya saka tumalikod kay Letty. Pinagmamasdan ni Letty ang papalayong si Bong. Ngayon lang naging komportable sa isang lalaki lalo na kapag kausap niya ito. Napansin naman ng kapatid niya parang wala sa sarili ang Ate niya na tinitignan si Bong. "Ate, boyfriend mo? Ang gwapo niya bagay kayo" kinikilig na tanong ni Len. "Hindi nga nanliligaw" sagot ni Letty. Para namang nabigla siyang napatingin sa kapatiid. "Oyy si Ate, nag eexpect ka bang liligawan ka ni Bong? Basta ako boto sa kanya kaya sagutin mo kaagad ha" kinikilig sa sabi nito kay Letty. "Halika na nga pumasok na tayo sa bahay" aya ni Letty na nangingiti sa sinabi ng kapatid. "Hey, where have you been?" tanong ni Leandro sa anak na si Bong. Ngayon lang kasi niya ito nakitang umuwi ng bahay pagkatapos ng isang linggo. "Papa, nasa mga kaibigan ko lang po ako" sagot ni Bong. Napatigil ito at napaharap sa ama. "You mean one week you stay with your friends?" may inis na tanong nito sa anak. "Papa, I'm twenty seven and I'm old enough to do what I want to do" inis na sagot ni Bong. "Are you trying to say na huwag ka namin pakialaman ng Mama mo sa lahat ng gagawin mo! Bong, isang linggo kang hindi pumapasok sa kompanya mo! Anong gusto mong isipin namin?!" galit na tanong ni Leandro. "Papa I'm just taking a leave from my work saka hindi naman po napapabayaan ang kompanya ko" sagot ni Bong sa ama. Malaki na siya pero pinapakialaman pa din nito ang mga gusto niyang gawin. "Kung wala na po kayong sasabihin, aakyat na po ako sa taas" paalam ni Bong sa anak. Natigilan si Leandro sa mga sinabi ng anak na si Bong. Nag iisa na lamang anak nila ito. Nang mamatay ang kapatid nito sa isang aksidente ilang taon na ang nakakalipas. Nag aalala lang siyang baka mawala din ang anak sa kanilang mag asawa. Iyon lang naman ang ikinakatakot niya para sa anak na si Bong.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
good
06/06/2025
0Excited sa susunod n mangyayare
10/10/2024
0nice
28/09/2024
0Lihat Semua