Beranda/A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte/
Chapter Four
Muntik pa kaming madapa dahil nagtutulakan kami palabas ng pinto. Sakto namang paglabas namin ay rinig namin ang malakas na pagdamba ng pinto at ang pag-lock niyon. Pareho kaming napahawak sa mga tuhod namin habang hinihingal. Nagkatinginan kami at parang mga baliw na tumatawa ng malakas. Alam naming si Kuya Fernand na 'yon. Ayaw kasi talaga niya nang naiistorbo ang tulog niya. Hindi naman sa masama at masungit siyang tao. Ganu'n lang talaga siya sa aming dalawa ni Kuya Mark. "Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya sa akin habang hinahagod ang likod ko. Napaubo ako at napahawak sa dibdib ko. Mabilis ang pagkakatibok niyon at para akong mawawalan ng hininga pero pinilit ko pa ring ngumiti sa kanya bilang sagot. Dahil baka sugurin pa niya ang kapatid niya at mabulgar pa ang sakit ko. Sabay kaming naka-paa na naglakad patungo sa bandang gilid ng bahay namin at umupo sa isang mataas na upuang de-kawayan. Sariling gawa ito ng Tito kung baliw na kapatid ni Tita Merna at ng ama ko. "Sure ka bang okay ka lang?" Ulit niyang tanong sa akin. "Oo." Sabi ko at napatingin sa mga paa naming madumi. "Eh ikaw. Naisuka mo ba lahat?" Awtomatikong nagbago ang reaksiyon ng mukha niya na parang maduduwal na naman. Dumura siya ng ilang ulit. "Walanghiya ka talaga! Tigilan mo na ang kakaasar sa akin ng gan'un. Ayan tuloy napalabas tayo. Makakapasok lang tayo pa'g dumating si mama." Tumawa ako. "Baliw ka talaga! Kung anu-ano na lang naisip mo." Sabi niya na bahagya pang ginulo ang buhok ko. Tiningnan ko siya. Kung totoong kapatid ako nito siguradong mas mahal na mahal pa ako nito. Wala kasi silang kapatid na babae at ako naman ay nag-iisa na lang na natira sa pamilya namin kaya siguro malapit kami sa isa't-isa. "Bakit ka ba kasi bumalik sa bahay? Ano bang nangyari at para kang mababaliw?" Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya. Hindi niya kilala ang ex-boyfriend kong si Christian dahil noong nag-high school ako ay hindi pa naman kami masyadong close at medyo malayo rin ang bahay namin sa isa't-isa. "Hindi mo ba alam na baliw na ako dati pa? Trip ko lang 'yun." sagot ko na lang. Mas mabuti ng hindi niya malalaman dahil alam kung aasarin lang naman niya ako. "Wala ka naman sigurong ginawang kabalastugan sa simbahan di'ba? Alam kong sumimba ka lang ngayon dahil nalaman mong may gwapong sakristan." Paarte akong napatakip sa bibig ko at suminghap. "Oh my God! Nagseselos ka ba? Incest na ba to– Aray!" Malakas niya akong binatukan sa ulo. "Joke lang naman! Kahit di pa tayo mag-pinsan hindi naman kita papatusin uy!" Sabi ko at nanglalait ang tingin na tiningnan ang tiyan niya. Babatukan niya sana ulit ako pero mabilis akong tumayo. Walang tigil ang asaran namin hanggang sa dumating na sina Tita nang matapos ang misa. Iyong mga taong dumadaan galing sa simbahan ay napapatingin sa akin. Naaalala ko na naman tuloy ang nangyari kanina sa loob ng simbahan pero wala akong pakialam sa kanila. Hindi naman sila ang kinahihiyaan ko. Umupo ako sa tabi ni Mark nang lumapit si Tita sa amin. Namumula ang mga mata niya na parang puputok na siya sa inis. "Anong meron?" Tanong ni Mark. "Pinahiya ako ng pinsan mo sa loob ng simbahan." Inis na sagot ni Tita. "Bakit? Ano bang ginawa niya?" "Umiiral na naman ang kabaliwan niya. Nagpapa-music ba naman ng pagkalakas-lakas sa loob ng simbahan at ibinigay sa akin saka tumakbo." Bumunghalit ng tawa si Mark at kahit naiinis ako sa tuwing maalala ko ang ginawa ko kanina ay nakitawa na rin ako. Sa lahat ba namang klase ng kanta ay iyon pa talaga. Pero mabuti na rin 'yon. "Anong kanta ba daw, Ma?" "Ay! huwag mo akong tanungin! Napakabastos! Sa loob pa talaga ng simbahan niya ginawa." Sabi ni Tita na bahagya pang winagayway ang kamay sa ere saka inis na umalis. Lumapit si Ayren sa amin pagkatapos nitong magbihis sa kanilang bahay. "Ate Sam. Bakit hindi ka bumalik?" "Tapos na ang misyon ko." sagot ko. "Pudang, anong kanta ba ang pinapa-music ng Ate Sam mo?" tanong ni Mark kay Ayren. Pudang ang tawag namin sa kanya dahil iyon ang palayaw niya noong bata pa siya. Tinatawag lang namin siyang Pudang kapag siya lang o kami-kami lang basta iyong hindi naririnig ng mga magulang niya. Demonya kasi ang mama niya at alagad naman ni satanas ang ama niya. Feeling kasi nila magaganda mga anak nila at hindi daw nababagay ang palayaw na 'yon dito. As if, naman! At saka sila lang din naman ang gumawa ng palayaw na 'yon! "Di ko alam Kuya pero 'yon yong bagong kanta." "Bago? Ano? Kantahin mo nga." "Yon iyong... Hehe." Tumawa siya dahil nahihiya siya saka nagpatuloy. "Cheycharon ka ba?... Sumisigaw ka– este umiingay ka kasi putangina~" Nauna na akong bumunghalit ng tawa sa kanta niya na sinundan naman ng pinsan ko. Binago niya kasi ang lyrics at malayong-malayo na 'yon sa totoong kanta. Para kaming baliw na napapasandal sa pagkakaupo habang tumatawa. Rinig pa namin ang tunog ng kawayang upuan dahil sa ginawa namin. Tumayo agad ako dahil baka madisgrasya na naman ako tulad kanina. Medyo may katandaan na kasi ang de-kawayan na upuan. Nakitawa na din si Ayren sa amin. Pero natigilan ako nang may maalala ako maya-maya. "Nasaan ang cellphone ko?" Tanong ko. "Nand'on po kay Kuya Christian. Siya po ang nagpatay ng cellphone mo kanina. Sabi niya sa amin. Siya na daw ang magbibigay sa'yo dahil magkakakilala daw po kayo." Napanganga ako. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya nang malamang siya pala ang pumatay sa music. At sinabi pa talaga niyang magkakakilala kami at siya pa mismo ang magbibigay– teka. "Ano?!" Lumaki ang mga mata ko. Ibig bang sabihin pupunta siya dito? "Oh ayan na pala si Kuya." Sabi ni Ayren at patakbong nilapitan ang binatang naglalakad palapit sa amin. Nataranta ulit ako at isa lang ang tanging nasa isip ko kung saan magaling ako doon. Mabilis pa sa alas-kuwatrong tumakbo ako palayo bago pa siya makalapit sa amin. Maputik ang daan patungo sa amin dahil naglalaba ang demonyitang ina ni Pudang sa poso na malapit lang sa daan kaya sa kasamaang-palad ay na-slide ako. Iyong tipong flat na flat ang pagkakahiga ko sa maputik na lupa. Napapikit ako sa sakit ng katawan ko at nang dumilat ako ay mukha na ng anghel este! Animal na sakristan ang nakita ko. "Are you okay?" Rinig kong tanong niya saka ko pinikit ang mga mata ko.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Nice story
31/07/2024
0gandaa
18/07/2024
0good
15/07/2024
0Lihat Semua