logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 4: Nagseselos?

"May dahilan ba ang pag-uwi mo ng Pilipinas?" seryosong sambit ko. Pero hindi siya nakasagot agad at nanahimik na lang.
"Hindi pa tapos ang school year at may pasok ka pa pero nandito ka at hindi mo man lang sinabihan ang mama mo na uuwi ka. Nag-away ba kayo ng papa mo?" dugtong ko. Agad naman siyang napabuntong hininga at malungkot na tumingin sa'kin.
"I'm sorry, I lied. Nag-away nga kami ni dad kaya ako umuwi at hindi ko sinabihan si mom kasi baka mag-alala siya sa'kin. Hindi ko na kayang tiisin ang ugali ni dad, lagi niya akong pinagbabawalan sa mga bagay na gusto kong gawin. Parang wala akong ginawang tama at puro mali ang nakikita niya. I did everything just to make him proud of me but he didn't care. I'm tired Eukie, nakakapagod na siyang intindihin," malungkot na saad niya.
"Alam ba niya na umuwi ka rito?" tanong ko at tumango naman siya bilang sagot.
Naintindihan ko si Julian at kung ako ang nasa posisyon niya, aalis din ako at uuwi ng Pilipinas. Pero naintindihan ko rin ang dad niya, kapakanan lang ni Julian ang iniisip niya pero wala siyang karapatan na pagbawalan ang anak niya. Nasa hustong edad na si Julian, may sarili na siyang pag-iisip at alam niya na kung ano ang makakabuti at makakasama sa kaniya. Pero sana naman magawa niyang suportahan at pahalagahan ang mga bagay na ginawa ng anak niya para sa kaniya.
"Pero sana maintindihan mo ang dad mo kung bakit niya nagawa ang mga bagay na 'yun sa 'yo. Ikaw lang din ang iniisip niya at huwag mong iisipin na hindi proud ang dad mo sa 'yo. Kahit strikto at perfectionist si tito Mayson, mahal ka nun at proud siya sa 'yo kahit hindi man niya sabihin." Unti-unti siyang ngumiti dahil sa sinabi ko kaya napangiti na lang din ako. Pero hindi ko napigilan ang malungkot, namiss ko na ang tatay ko at gustong-gusto ko na rin siyang makita. Pero kailan naman kaya mangyayari 'yon?
"Ate Eukie, Kuya Julian." Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Julian at agad nilingon ang kapatid ko.
"Sorry sa abala ate pero kailangan kang kausapin ni nanay," aniya bago inabot ang cellphone niya. Kinuha ko naman ito at nagpaalam sa kanila para lumabas ng bahay.
"Hello nay, gusto niyo raw akong makausap?" wika ko nang makalabas na ako ng bahay. Alas sais na ng gabi pero hindi pa rin siya nakakauwi.
(Hello anak, buti nakauwi ka na. Hindi ako makakauwi ngayong gabi, may lagnat si Sofia at walang mag-aalaga sa kaniya. Ang mga magulang niya umalis para sa isang medical mission at bukas pa sila makakabalik. Kaya ikaw na muna ang bahala sa kapatid mo, okay? Pasensya ka na talaga anak ha?)
"Ayos lang po nay, huwag po kayong mag-alala sa amin dito. Ako na po ang bahala kay Ethan, alagaan niyo lang po riyan si Sofia."
(Salamat anak, mag-iingat din kayo riyan. Uuwi ako bukas ng tanghali kaya hintayin niyo 'ko. At huwag mong kakalimutan na inumin ang mga gamot mo. Ibababa ko na 'to, kumain kayo riyan okay? mahal na mahal ko kayong dalawa)
"Opo nay, mahal na mahal ka rin po namin."
Limang taon ng nagtatrabaho bilang kasambahay sa pamilya Montero si nanay. Siya rin ang nag-aalaga sa anim na taong gulang na si Sofia at nakilala ko siya noong isang beses na sumama ako kay nanay. Mabait siya, matalino, sweet at napakakulit na bata. Pero ang mas nagustuhan ko sa kaniya ay ang pagiging mature niya kung mag-isip. Mayroon siyang kuya pero hindi ko ito nakilala o nakita nang minsan akong pumunta sa bahay nila. Hindi naman ako interesado na makilala o makita siya, ang gusto ko lang namang makita sa panahong 'yon ay si Sofia.
"Eukie.." Agad akong lumingon nang marinig ko ang boses ni Julian. Lumapit siya sa direksyon ko at nginitian ako nang makarating siya sa harapan ko.
"Uuwi ka na ba?" tanong ko at tumango naman siya bilang sagot.
"Hinihintay na ako ni mom sa bahay at gusto ko pa sanang mag-stay ng matagal dito kaso pinapauwi niya na 'ko," sagot niya.
"Ayos lang Julian, kailangan mo ring magpahinga."
"Dadalaw na lang ulit ako rito bukas kapag tapos ko ng ayusin ang mga requirements ko. Mag-iingat kayo, okay? at kainin niyo yung binili ko kanina. Alis na 'ko at pumasok ka na baka magkasakit ka pa."
"Opo boss, copy that." Ngumiti siya dahil sa sinabi ko, kitang-kita tuloy yung dimples niya. Ang cute niya talagang tingnan kapag nakangiti siya.
"Good, I have to go. Huwag mo na akong ihatid, diyan ka lang tapos pumasok ka agad kapag nakaalis na 'ko. Good night and see you tomorrow," nakangiting wika niya.
Niyakap niya muna ako bago siya umalis at sumakay sa nakaparada niyang kotse. Matapos kong maisara ang gate, pumasok na ako sa bahay at agad ni-lock ang pinto.
"Ate, naihanda ko na ang mga pagkain na binili ni kuya Julian. Kain na po tayo."
"Sige, magbibihis lang ako saglit."
Nagtungo ako agad sa kwarto para makapagbihis ng damit. Naupo ako sa kama pagkapasok ko at ngayon, ramdam ko na ang pagod ng katawan ko pero hindi ko naman ito naramdaman no'ng nasa shop pa ako. Bakit kaya? hindi ko maintindihan.
After kong magbihis ng damit, bumaba na rin ako at pumunta ng kusina. Nag-simula na rin naman kaming kumain ni Ethan at sa tingin ko, hindi namin mauubos 'to. Sa dami ba naman kasi ng binili ni Julian, eh kaso dalawa lang kami ng kapatid ko ang kakain nito.
Nang matapos kaming kumain, niligpit at nilinis ko agad ang mesa. Itinabi ko na lang din ang mga natirang pagkain at umakyat na sa taas para makapagpahinga na. Pagkapasok ko sa kwarto, uminom muna ako ng gamot bago umupo sa kama.
Ngunit biglang sumagi sa isip ko ang seryosong mukha ni boss Bryce. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya maintindihan. Nag-aasaran pa silang dalawa ni Jessie pero matapos niyang paalisin si Dylan at Owen sa tabi ko, bigla na lang siyang naging seryoso. Tapos nung makita niya si Julian, hindi niya na 'ko kinausap at nanatili pa rin siyang seryoso. Dumagdag pa yung apat niyang kaibigan na kung makatingin sa kaibigan ko ay parang may nagawa itong atraso sa kanila. Pero mas lalo akong nagtaka nung magtanong si boss Bryce kung sino ang lalaking kinakausap ko. Kinabahan talaga ako kanina at buti na lang hindi ako inatake sa puso. Naguguluhan ako, ano ba kasi ang problema niya?
"Hello Jessie, napatawag ka?" ani ko matapos kong sagutin ang tawag niya.
(Gusto lang kitang kumustahin, okay ka lang ba? napagod ka ba kanina?) Halata sa boses niya na nag-aalala siya kaya hindi ko tuloy napigilan ang mapangiti. Ang swerte ko talaga na siya ang naging kaibigan ko.
"Medyo napagod lang pero okay lang ako. Ikaw kumusta ka? pinagalitan ka ba ng mama mo?"
(Okay lang ako Eukie, hindi naman ako pinagalitan ni mama. By the way, no'ng bumalik si kuya Bryce sa shop seryoso pa rin ba siya?)
"Oo at mas lalo siyang sumeryoso nang makita niya si Julian. Hindi siya nagsasalita at hindi niya ako kinakausap tapos dumagdag pa yung apat niyang kaibigan na ang seryoso rin ng tingin sa 'kin. Haysss.. naguguluhan ako sa pinsan mo." Hindi ko napigilan ang mainis nang maalala ko ang mga nangyari kanina sa shop. Kung wala lang talaga si Julian kanina, siguro magmumukha akong baliw at tanga sa paningin nilang lima.
(Nagseselos si kuya Bryce) maikling sagot niya dahilan para magtayuan ang balahibo ko sa braso.
"Hoy! kilabutan ka nga sa sinabi mo. Bakit naman 'yan agad ang naisip mo?"
Loka talaga itong si Jessie, si boss Bryce nagseselos? imposibleng mangyari 'yun.
(Hindi naman magbabago bigla ang mood niya kung hindi. I swear, wala akong kahit na anong sinabi sa kaniya para magalit siya at maging seryoso. Siguro naman napansin mo ang pagbabago ng mood niya nang makita niya si Dylan at Owen sa tabi mo? Tapos dumating pa itong si Julian, edi mas lalong nagselos 'yun)
Imposible ang mga sinasabi niya at malabong mangyari 'yon. Nanggaling sa mismong bibig ni boss Bryce na may nililigawan siya. Kaya imposible na nagseselos siya at kahit kailan hindi mangyayari 'yun.
(Hindi kasi natin napag-usapan ito kanina dahil nga inutusan niya tayong pareho. Pero totoo ang sinabi ko Eukie at sigurado ako na nagseselos si kuya Bryce. Maniwala ka man sa hindi pero 'yun ang totoo. Sa mga tingin pa lang ng pinsan ko sa 'yo, nahalata at naramdaman ko na)
Pero bakit nireto niya ako kay Owen kung totoong nagseselos siya? kaya imposible talaga ang mga sinabi ni Jessie. Bakit ba kasi ako naguguluhan? at pakialam ko ba kung nagseselos nga siya?
(Hayaan mo, mag-iimbestiga ako para sa 'yo. Pero sana naman kapag nalaman mo na ang totoo, magbago na 'yang takbo ng puso't isip mo at masubukan mo na ang magmahal)
Hindi sa natatakot akong magmahal, ang gusto ko lang kasi ay kusa ko itong maramdaman at hindi dahil sa gusto ko lang subukan. Ayokong magsisi sa huli at ayokong saktan ang sarili ko. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para sa mga gan'yang bagay. Pamilya at pag-aaral muna ang iisipin ko bago ang pag-ibig.
Matapos naming mag-usap ni Jessie ay humiga na rin ako sa kama at makalipas ang ilang segundo, nakatulog na rin ako ng mahimbing.

Komentar Buku (77)

  • avatar
    Fhem De Castro

    it was so painful yet i can't stop myself from reading one chapter to another. Good job author. MORE Story please. 🤗🤗🤗🤗

    03/05/2022

      0
  • avatar
    Rhea Jean Adlawan Adapon

    thanksse

    2d

      0
  • avatar
    Jocelyn Macer

    ha hidi ko po yan alam hahah🤫🤫🤫

    7d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru