logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 2: Bryce Gutierrez

"Ethan aalis na 'ko, dito ka lang sa bahay ha? at mag-review ka lang diyan. 'Tsaka baka gabi na 'ko makakauwi, text mo 'ko kapag nakauwi na si nanay," sabi ko nang makababa na 'ko galing kwarto. Tumango naman siya bilang sagot at nginitian ako.
"Ingat ka ate ha?"
"Oo naman, mag-iingat ako para sa inyo ni nanay. Sige, alis na 'ko," nakangiting sagot ko at lumabas na ng bahay.
Medyo malayo pa ang labasan, dalawang kanto pa ang dadaanan ko bago makarating sa paradahan ng jeep. Pero ayos lang, exercise na rin 'to para sa 'kin.
Matapos ang labing-limang minutong paglalakad, nakalabas na ako sa lugar namin. Sumakay din naman ako agad ng jeep at buti na lang lumarga ito agad kahit konti pa lang ang pasaherong sumakay. Minsan kasi kailangang papunuin ang jeep bago ito umalis pero ngayon hindi na.
Pagkababa ko ng jeep, pumasok na ako agad sa shop. Sinalubong ako ni Jessie sa pinto at inalalayan papaupo sa isang sofa.
Hindi ko napigilan ang magtaka habang nakatingin sa kan'ya. Bakit naging ganito 'to ngayon? ano kaya ang nakain niya?
"Buti na lang nakarating ka na. Maya-maya dadating na si kuya Bryce kasama ang mga kaibigan niya. Excited na akong makita si Aiden, siguro gumwapo siya lalo ngayon," kinikilig na sambit niya.
Matagal niya ng crush si Aiden at patay na patay siya sa lalaking 'yon kahit may girlfriend na.
"Pinaupo mo 'ko para riyan? mamaya na tayo mag-usap dahil may trabaho pa 'ko," tugon ko bago tumayo. Napanguso siya at napahalukipkip sa harapan ko.
"Kahit kailan talaga wala kang interes sa lalaki. 'Tsaka diba ang sabi ni kuya Bryce magdahan-dahan ka sa pagtatrabaho?"
"Alam ko, pero ayokong makatanggap ng special treatment mula sa kaniya. Tinanggap niya nga ako para mag-trabaho rito diba? 'tsaka kaya ko naman. Promise mamaya mag-uusap tayo pero ngayon trabaho muna ako."
Wala na rin siyang nagawa para pigilan ako. Nagtungo ako agad sa counter at sinuot ang apron ko. Kokonti pa lang naman ang pumapasok na customer sa shop kaya hindi ako nahirapan sa paggawa at pag-se-serve ng kape. Si Jessie tumulong na rin kaya napadali ang trabaho ko. Absent kasi si kuya Paul, siya ang nag-iisang barista ng shop. Pero dahil sa absent siya, ako muna ang pumalit sa kaniya.
"Eukie, nandito na sila," ani Jessie sabay sundot sa tagiliran ko. Napaangat naman ako ng tingin at napatingin sa pinto.
Si boss Bryce ang unang pumasok kasunod nun ay si Aiden Ocampo na crush nitong kaibigan ko. Sunod na pumasok ang magkapatid na Alcuizar, si Dylan at Griffin. At ang huling pumasok, si Owen Dela Vega. Siya ang lalaki na nirereto sa 'kin ni boss Bryce pero hindi ako interesado sa kaniya.
Hindi dahil sa ang choosy ko, wala lang talaga akong maramdaman towards sa kaniya. Given ng may sakit ako sa puso, pero ewan ko ba kung bakit hindi ko man lang magawang ma-in love sa isang lalaki.
"Good afternoon, kuya Bryce," nakangiting bati ni Jessie nang makalapit si boss sa direksyon namin. Umupo naman yung apat at nginitian na lamang kami.
"Good afternoon, boss Bryce," bati ko rin sa kaniya.
"Good afternoon Eukie at sa pinsan kong pangit," nakangiting sagot niya. Sinamaan siya ng tingin ni Jessie pero tinawanan niya lamang ito.
"Pasalamat ka nandito si Aiden dahil kung wala, nasapak na kita. Ang ganda ko tapos sasabihan mo 'ko ng pangit, ang sama mo talaga sa 'kin kuya Bryce," nakangusong wika ni Jessie. Napailing na lamang ako, isip bata talaga.
"Parang biro lang eh, sineseryoso mo agad kaya ka nasasaktan. Maganda ka naman talaga pero bakit hindi ka man lang napansin ng crush mo?" natatawang tugon ng pinsan niya.
Napabungisngis na si boss Bryce at hindi na maipinta ang pagmumukha ng kaibigan ko. Kaya hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na matawa dahil sa itsura niya ngayon.
"Pakialam mo ba? gwapo ka nga pero wala ka namang jowa," naiinis na tugon ni Jessie.
"May nililigawan na kaya ako ngayon at mas maganda 'yun sa 'yo."
"Talaga ba? kung mas maganda siya kaysa sa 'kin, bakit hindi mo man lang siya nagawang ipakilala sa amin?"
"Kasi ayoko, dahil baka laitin mo na naman kagaya nung huling babaeng niligawan ko."
Nakakarindi na sa tenga ang bangayan nilang dalawa, buti sana kung mahina silang mag-usap kaso ang lakas. Napapatingin na sa kanila ang ibang customers pero hindi pa rin sila tumitigil.
Lumapit bigla si Dylan at Owen sa direksyon namin. Tumatawa pa silang dalawa habang nakatingin sa mag-pinsan.
"Eukie, ano ang problema ng dalawang 'yan?" tanong ni Dylan nang makalapit siya sa puwesto ko. Tumigil na rin naman ang dalawa ngunit ang sama ng tingin nila sa isa't-isa.
Kung hindi lang talaga sila mag-pinsan, mapagkakamalan mo silang mag-syota.
"Huwag niyo na lang silang pansinin, nag-aasaran lang ang dalawang 'yan. Ano nga pala ang order niyo?" tanong ko.
"Dalawang cappuccino at dalawang caffè americano," nakangiting sagot ni Owen.
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at nag-simula ng gumawa ng in-order nila. Pero bigla kong sinundot sa tagiliran si Jessie na ikinalingon niya. Nagulat pa siya nang makita ang dalawa sa tabi ko. Napatingin din si boss Bryce sa direksyon ko pero bigla siyang lumapit at pinaalis ang dalawa sa tabi ko.
"Ako na rito Eukie, linisin mo na lang yung mesa at ikaw Jessie iligpit mo yung mga tasa at plato tapos hugasan mo," seryosong sambit ni boss na ipinagtaka ko.
Ngayon ko lang siya nakita na ganito ka seryoso kaya si Jessie hindi na nag-reklamo at sinunod agad ang utos ng pinsan niya.
Umalis ako sa counter at lumapit sa kaibigan ko na kasalukuyang nagliligpit ng tasa at plato.
"An'yari dun sa pinsan mo?" tanong ko. Napalingon ako kay boss Bryce ngunit nanatili pa rin siyang seryoso kahit sa paggawa ng kape.
"Hindi ko nga rin alam eh, ewan ko ba riyan. Huwag mo na lang pansinin at gawin mo na lang ang inutos niya," sagot ni Jessie. Hindi naman na ako nagsalita pa at ginawa na lang ang inutos ni boss Bryce.
After kong linisin ang mga mesa, tinulungan ko rin si Jessie sa paghugas ng mga tasa at plato. Nang matapos kami, nagtungo kami agad sa counter pero wala na si boss Bryce. Nandito ang mga kaibigan niya pero nasaan siya?
"Eukie umalis pala si Bryce, may pinuntahan lang. Babalik din daw siya mamaya," wika ni Griffin nang mapatingin siya sa direksyon namin. Nginitian ko na lamang siya at napatingin sa labas ng shop.
Ang dilim ng kalangitan at sa tingin ko uulan ng malakas. Ngayon pa talaga na kung kailan iniwan ko yung payong ko sa bahay.
"Hello ma, napatawag ka? nasa shop ako ni kuya Bryce." Nilingon ko naman si Jessie na kasalukuyang kausap ang nanay niya. Nag-salubong na naman ang dalawang kilay niya at sa tingin ko, pinagalitan na naman siya.
"Okay, magpapaalam lang ako kay Eukie, bye," aniya bago ibinaba ang tawag. Bigla siyang sumimangot at malungkot na tumingin sa akin. Alam ko naman kung bakit.
"Ayos lang, naintindihan ko naman," ani ko.
"Pasensya ka na Eukie ha? pinapauwi na kasi ako ni mama dahil hinahanap daw ako ni lola."
"Okay lang 'yun, ano ka ba. Hali ka, hatid na kita sa labas," wika ko sabay akbay sa kaniya.
Nagpaalam muna siya sa mga kaibigan ni boss Bryce bago kami lumabas ng shop. Buti na lang may dumaan na taxi at sumakay din siya agad matapos niya 'kong yakapin.
Napatingin ulit ako sa madilim na kalangitan. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko sa tuwing nakatingin ako riyan. Lalo na ngayon, bigla kong naalala ang madilim na nakaraan. Ang panahon na iniwan kami nina mama't papa sa magkaibang oras at araw pero sa parehong panahon na kung kailan bumuhos ang malakas na ulan.
Unti-unti nang pumapatak ang ulan kaya ang mga tao sa paligid naghahanap na ng pwede nilang masilungan.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan at kasabay nun ay ang pagbuhos ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
'Miss na miss ko na kayo.'
Napayuko ako sabay punas ng mga luhang nagbabadyang bumuhos sa pangalawang pagkakataon. Pero nagulat ako nang may biglang nag-abot ng panyo sa gilid ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at lumingon sa taong nasa tabi ko.
"I think you need this," aniya. Tinanggap ko ang inabot niyang panyo kaya napangiti siya nang pagkatamis pero bigla ko siyang niyakap nang hindi niya inaasahan.
"Thank you Julian, namiss kita," nakangiti ngunit lumuluhang usal ko.
"I miss you too.. hindi na kita iiwan pangako 'yan."

Komentar Buku (77)

  • avatar
    Fhem De Castro

    it was so painful yet i can't stop myself from reading one chapter to another. Good job author. MORE Story please. 🤗🤗🤗🤗

    03/05/2022

      0
  • avatar
    Rhea Jean Adlawan Adapon

    thanksse

    2d

      0
  • avatar
    Jocelyn Macer

    ha hidi ko po yan alam hahah🤫🤫🤫

    7d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru