"Ah!" Napaupo si Holly sa buhangin sapo-sapo ang ilong. "Sorry Miss, hindi ko sinasadya." Tiningnan niya ang lalaking lumapit sa kaniya. Mukhang hindi nito malaman kung anong gagawin. Mukha na itong natataranta. Nagsilapitan na rin ang mga kalaro nito sa kanila. "Ikaw kasi Renier, hindi mo sinalo," paninisi nito sa isa. "Hindi, ayos lang. Hindi naman dumugo," sabi niya. "Sigurado kang ayos ka lang, Miss?" Tumango siya. "Oo,ayos lang ako." Tumayo siya at tinalikuran na ang mga ito. Nagsimula siyang maglakad paalis. "Sorry talaga, Miss," pahabol na sabi pa nito. Naglakad-lakad siya sa tabing dagat. Hinayaan niya ring mabasa ang kaniyang mga paa ng tubig-alon. "Ang sakit no'n ah," asik niya. Tinanaw niya ang lawak ng dagat. Narelax siya sa ginawang 'yon. Dapat pala ay noon pa siya pumunta dito, hindi niya 'yon naisip. Umupo siya sa buhanginan. Pinuno niya ng hangin ang baga at malakas 'yong ibinuga pagkatapos. Paulit-ulit niya 'yong ginawa. Kung may makakapansin lang siguro sa ginagawa niya ay nasisiguro niyang pagkakamalan siya nitong baliw. Maya maya pa ay may lumapit sa kaniya. "Are you okay?" Nilingon niya ang lalaki, ito 'yong nakatama sa kaniya ng bola kanina. Base sa physical appearance nito ay kasing-edad lamang niya ito. "Pwedeng maki upo?" tanong nito. "Sige," sagot naman niya. "About do'n sa sa kanina, sorry talaga. Ako nga pala sa Jin." Inabot nito ang kamay sa kaniya ngunit tinitigan niya lang 'yon. Nahihiya nitong binawi ang kamay mula sa pagkakalahad sa kaniya. "Holly," pakilala niya sa sarili. Ngumiti naman ito. "Nice, ang ganda ng name mo." Hindi siya sumagot, sa halip ay tumingala siya at pinanood ang mga ibong nagliliparan. "May gagawin ka ba mamaya? Gusto kitang i-invite manood ng banda namin, hehehe." Nilingon niya ulit ito. "Kumakanta ka?" "Mamaya lang, wala kasi si kuya kaya ako muna ang papalit." Tumayo ito. "Sige ha? Hihintayin kita mamaya, see you." Ngumiti pa ito at kumaway. Naiwan siyang nakaupo at pinanood na lang ang bawat paghampas ng alon. Ilang minuto pa siyang nanatili sa kinauupuan nang naisipan niyang bumalik na sa beach house. Pumasok siya sa kwartong ginagamit noon ng Mama niya. Pinagmasdan niya ang loob nito, gano'n pa rin at walang pinagbago. Ang Family picture nila ay nando'n pa rin. Bigla niyang na-miss ang Mama niya. Para siyang maiiyak pagkakita sa nakangiti nitong mukha. Umupo siya sa kama. Binuksan niya ang maliit na cabinet na katabi nito. Tumambad sa kaniya ang napakaraming pictures,halo-halo. May may pictures siya na solo no'ng baby pa siya hanggang sa lumaki. Mayroon din silang dalawa ng Mama niya pati ng Papa niya. Isang litarato lang ang naiba. Kinuha niya iyon. Isang lalaki at ang Mama niya. Malawak pareho ang ngiti ng mga ito at kung titingnan mabuti ay para itong magkasintahan. Maganda ang ngiti ng mga ito, pati ang mga mata ay sinasabing masaya nga sila. Siguro ay naging boyfriend ito ng Mama niya. Hindi niya kasi masabing relatives ito dahil wala naman itong pinakilala sa kanila. Pero... "Bakit naman mayroon nito dito?" taka niyang tanong sa sarili. Base sa hitsura ng mga ito ay nasisigurado niyang wala pa siya sa mundo nang kunan ito. Siguro ay nasa 20's pa lang ang Mama niya sa litrato, at ang lalaki naman, mukhang mas matanda ng ilang taon sa Mama niya. Tinitigan niyang mabuti ang lalaki. "T-teka, parang nakita ko na siya." Inalala niya ang hanggang balikat nitong buhok at ang agaw pansing kulay asul nitong mga mata. Parang nakita na nga niya ito. "Ah, alam ko na." Noong birthday ng Mama niya bago ito mamatay. Kung hindi ito nagbago ng hair style ay siguradong ito nga 'yon. Matagal na ang picture pero nito lang nakaraan nang makita niya ito. Posible kaya ang naisip niya? "Imposible 'yon." Imposible ang naisip niya. Imposibleng nagkikita pa rin ang mga ito lingid sa kaalaman nila. Napapraning na talaga siya dahil sa naisip. Kinuha niya ang litrato at lumabas ng kwarto. "Hija, kumain kana," bungad ni Manang Celesta sa kaniya pagkababa. "Inihanda ko na ang pagkain." "Sige po Manang. Kumain na rin po kayo. Sabayan niyo ho ako." "Oh, sige." Naglagay siya ng kanin sa plato. "Ah, Manang Celesta, taga-rito po kayo 'di ba?" "Oo hija, bakit?" "Noon po ba... nakita niyo na si Mama?" Natigilan ang matanda at mukhang nag-isip pa. "Ah, ang Mama mo. Oo, isang beses ko siyang n-nakita noon, noong huli kayong pumunta dito." Nawalan siya ng pag-asa. "G-ganoon po ba?" Tinapos niya agad ang pagkain at nagpaalam sa matanda. Bumalik siya sa kwarto at naligo, matapos ay bumaba ulit. "Ah, Manang. Lalabas lang po muna ako." Pinasadahan niya ang suot na off-shoulder na bestida sa harap ng salamin. May kanipisan 'yon pero maganda pa rin tingnan at may pagka-elegante. Bumagay rin sa tangkad niya at kulay ng balat. "Sige hija, mag-iingat ka." "Sige po, salamat." Lumapit siya sa mga nagkakasiyahan at nagsisigawang mga tao sa harap ng isang organized stage. Ang iba ay nagbabasaan pa at mukhang enjoy na enjoy sa ginagawa. Malalakas rin ang sigawan ng mga ito. "Grabe, ang gwapo ng vocalist!" "Oo nga, ang galing din niya. Kyah!" "Drummer boy, ang cute mo!" "Mas gwapo 'yong naggigitara! Wohh! Ang galing mo!" Lumapit pa siya at nakipagsiksikan. Nakita nga niya si Jin. Gwapo naman talaga ito pero tingin niya ay mas gumwapo pa ito lalo ngayon. Ganoon din naman ang mga kasama nito, ito nga lang ang pinakabata, dahil siguro 'yon sa hindi naman talaga ito ang vocalist ng banda kundi ang kuya nitong pinalitan muna niya. Masaya ang buong paligid pero hindi niya makuhang magsaya dahil hindi naman talaga 'yon ang ipinunta niya dito. Nakipagsiksikan ulit siya para makaalis. Naglakad-lakad lang muna siya sa tabing dagat, niyakap niya ang sarili nang sumimoy ang hangin. Nabasa rin pala ang ibang parte ng damit niya kaya mas lalong malamig sa pakiramdam. Inilinga-linga niya ang paningin sa paligid at sa mga tao, lahat talaga ay nagsasaya maliban sa kaniya. S'ya lang yata ang nasa ganitong klase ng okasyon ngunit nagluluksa. Sa isang store, hindi kalayuan sa kaniya ay natanaw niya ang isang babae. At dahil sa liwanag na nagmumula sa ilaw ay nakilala niya 'yon, ngunit mukha naman itong nagmamadali. "Si Ate Daisy 'yon ah." Tumakbo siya. Hindi siya nagkakamali, 'yon 'yong kaibigan ng Mama niya at siguradong ito nga 'yon. "Ate Daisy!" tawag niya dito pero hindi niya nakuha ang atensyon nito. Tumatakbo rin kasi ito at mukhang nagmamadali. Lumiko ito sa madilim na parte kaya lumiko rin siya at sinundan pa rin ito. "A-ate Daisy?" Luminga-linga siya. Hindi na niya ito makita. Siguradong si ate Daisy 'yon pero bakit naman ito tumatakbo at pumunta sa ganito kadilim na lugar? Walang katao-tao sa lugar at purong mga niyog na lamang ang nandoon. Tahimik din ang buong paligid. May kumaluskos sa 'di kalayuan. "Ate Daisy?" Maingat siyang humakbang papalapit. Masyadong madilim sa lugar kaya naman kinakabahan na rin siya. Ngunit wala siyang nakita nang makalapit. Lumabas siya mula sa kinaroroonan, kalsada na pala ang kabila no'n. "Ate Daisy?" Nakita niya itong pumasok sa isang convinient store, kaya naman mabilis siyang tumawid ngunit nang nasa gitna na siya ay biglang... *Beeeeeeeeeeeeeep! Natumba siya. "Ah!" Duma-usdos ang palad at mga braso niya sa semento. "A-aray," daing niya. Nang maka-recover mula sa pagkakabagsak ay sinubukan niyang umupo. Tiningnan niya ang palad at mga braso, ang daming gasgas at ang ilan ay nasisiguro niyang malalim. Hinipan niya ang siko nang makaramdam siya ng hapdi sa parteng 'yon. "Aray," daing na naman niya. Maya-maya pa ay may pares ng sapatos ang nakita niyang tumigil sa harap. Tiningala niya ang may-ari nito habang nakangiwi. Sisigawan na sana niya ito nang makita ang kabuuan ng mukha nito sa nasisinagan ng ilaw na nagmumula sa poste. "Ikaw?"
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
nice
07/10/2024
0ganda
23/07/2024
1good story
13/07/2024
0Lihat Semua