logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 3

Napabalikwas ng bangon si Holly nang magising kinabukasan.
Kinapa niya ang sarili. "P-p-paano ako nakauwi?"
Wala naman sigurong nangyari sa kaniya. Kinapa niya ang braso at nakaramdam ng sakit. "A-aray."
Ano na naman kaya ang nangyari sa kaniya? Nadapa na naman ba siya?
Humiga siya muli at inisip ang mga nangyari simula sa pagpunta niya sa bar kagabi hanggang sa...
Praning niyang niyakap ang sarili. "T-teka, may ginawa ba siya sa'kin? Bakit ang sakit ng braso ko?"
Inalala niyang maigi ang mga nangyari. Wala talaga siyang ibang maalala. Ang tanging pumapasok lamang sa isip niya ay ang paghigit nito sa kaniya mula sa lalaking sumalo sa kaniya nang muntik na siyang matumba at magpresintang ito ang maghahatid sa kaniya, 'yon lang.
Naipikit niya ang mata ng mariin. Praning na siya kung pag-iisipan niya ng masama ang taong 'yon.
"Pero bakit masakit ang braso ko?" Hinilot-hilot niya ang kanang braso. Masakit talaga.
Tatayo na sana siya para ayusin ang sarili nang biglang umingit ang pinto ng kaniyang kwarto.Si Manang Flor siguro.
Tuluyan nang bumukas ang pinto at pumasok doon si... si Locel.
Hindi agad siya nakahuma, hindi niya inaasahan ang pagpasok nito.
Nagtataka niya itong tiningnan at pinasadahan ang kabuuan nito. Maganda naman, 'yon nga lamang ay mukha itong masungit at hindi mapagkakatiwalaan.
"Holly," tawag nito sa kaniya.
Parang biglang kumulo ang dugo niya nang tawagin siya nito. Nangungunot pa rin ang noo niyang panoorin itong maglakad palapit.
"Anong ginagawa mo dito?" diretsang tanong niya. Naiinis siya sa presensya nito.
"Pinapatawag ka na kasi ng Papa mo at kakain na ng lunch, kaya ako na ang nagprisentang umakyat."
Natawa siya ng matabang. Totoo ba ang sinasabi nito? Ang Papa niya? Mukha bang maloloko siya nito?
"Hindi niya ako pinapatawag, umalis ka na. Kakain akong mag-isa," walang gana niyang sabi at humiga ulit. Tumalikod siya sa gawi nito at naiinis itong pinakiramdaman. Hindi pa rin ito umaalis.
"Holly, mag-ayos ka na ng sari--"
"Umalis ka na sabi!" Hindi na niya napigilang hindi sumigaw. Nanggigigil siya sa presensya nito at gusto niya itong sabunutan at itulak palabas... palabas ng kanilang bahay at palabas sa buhay ng Papa niya.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Naiimagine niya kung gaano kataas ang mga kilay nito sa oras na'yon.
"Sige, basta bumaba ka at kumain," sabi nitong mahihimigan naman ang pagiging sarkastiko. Hindi siya magaling na artista, hindi nito kayang itago ang tunay na ugali.
Nang umingit ang pinto pasara ay tumayo siya at padabog na nagtungo sa banyo. Sobrang nag-init ang ulo niya nang dahil lamang sa paglapit nito. Nakuha pa nitong magbait-baitan sa harap niya, eh mukha naman na hindi totoo ang ipinapakita nito. Pinapahiya lamang nito ang sarili.
Matapos ang isang oras ay lumabas na rin siya. Malas niya at nasa sala ang mga ito, ang Papa niya at si Locel.
"Anong oras ka umuwi?" walang kagana-ganang tanong ng Papa niya.
Hindi siya sumagot dahil hindi niya rin alam.
Dahil sa pananahimik niya ay nagbago bigla ang ekspresyon nito at galit siyang tiningnan. "Iyan na lang ba ang gagawin mo ha? Holly?" tanong nito sa mataas na boses.
"P-papa."
"Isa ka pa bang matinong babae? Maglalasing at uuwi ng madaling-araw?" Lumapit ito sa kaniya.
Hindi niya napigilang matawa ng mapakla. "Bakit Papa? Ikaw ba, naisip mo bang irespeto ang pagkamatay ni Mama? Ipaliwanag mo sa'kin lahat Pa--"
Malakas siyang sinampal nito dahilan para hindi niya maituloy ang sasabihin. Maging ang mukha niya ay napabaling sa lakas ng pagkaka-sampal nito.
"Wala kang karapatan magtanong," mariin nitong sambit.
Inangat niya ang tingin dito at naglakas-loob na nagsalita. "Iyan na lang din ba ang lagi mong isasagot sa'kin Papa? Ang wala akong karapatan magtanong at malaman ang totoo?"
Tinaas nito ang kamay para muli siyang sampalin pero naiwan ito sa ere. Nangiginig ang kamay nito, nagpipigil ng galit.
"Tama na Marlon," awat ni Locel sa Papa niya. Bumaling naman ito sa kaniya. "Hija..."
"M-malalaman ko rin ang totoo, kahit hindi n'yo sabihin."
"Tumigil ka na sabi!" sigaw nito.
"Hindi ako titigil Papa," mariin niyang sagot.
Hindi na siya nag-atubili, pasiring niyang tinalikuran ang mga ito at lumabas ng bahay. Nangangalit ang kalooban niya. Anak siya nito ngunit wala siyang karapatan?
Padarag siyang sumakay sa kotse at pinaharurot 'yon palayo. Hindi niya alam kung saan pupunta basta't gusto niyang maakaalis sa bahay na 'yon. Masyado na siyang nasasaktan sa pakikitungo ng mga ito sa kaniya. At pakiramdam niya ay mag-isa na lamang siya.
Nais lamang naman niyang malaman ang totoo ngunit walang nagsasalita kahit na isa sa kanila. Si Manang Flor, si Locel, lalo na ang Papa niya.

Wala naman kasi siyang kilalang relatives ng Mama niya na pwedeng lapitan at pagtanungan. Wala itong ipinakilala sa kanila, ang kwento lang nito ay ulila na ito simula pa pagkabata, pero nabanggit na may isa itong kaibigan. Iyon nga lang ay hindi niya alam kung sa Batangas pa rin ito nakatira dahil isang taon na rin simula no'ng huli silang pumunta sa beach house nila doon.
Hapon na nang makarating si Holly sa beach house nila sa Batangas. Ang lugar na ito ang naisipan niyang puntahan dahil ayaw muna niyang umuwi sa kanila, maliban do'n ay gusto niya ring magbaka-sakaling makita ang kaibigan ng Mama niya.
Isang babae ang sumalubong sa kaniya sa gate. Nasisiguro niyang nasa 60's na ito.
Pinagbuksan siya nito. "Ikaw ba ang anak ni Marlon? Ako nga pala si Celesta."
"Ako nga po, magandang hapon po, Manang Celesta."
"Pumasok ka na at ipaghahanda kita ng meryenda."
"Sige po."
Sumalpak siya sa sofa nang makapasok. Animo'y pagod na pagod sa b'yahe.
Inilibot niya ang paningin sa kabuuang palapag. Wala pa ring nagbabago. Ang malaya at payapang atmosphere sa kabahayan ay naroon pa rin. Ang bago lamang ay si Manang na care taker. Wala na 'yong dati. Close kasi sila nito at akala niya ay ito ang sasalubong sa kaniya. Medyo nalungkot siya, gusto rin kasi niyang magtanong-tanong dito.
"Oh, hija. Pasensya na at ito lamang ang naihanda ko, hindi ko kasi alam na darating ka, wala ring sinabi ang Papa mo kaya hindi ako nakapaghanda," mahabang lintanya nito.
Uminom siya ng tubig. "Ayos lang po. Ah, pwede po bang magtanong?"
"Ano 'yon hija?"
"Ah, nasaan na po si Manang Minda, yung dating care taker po nitong bahay?" Umayos siya ng upo at hinintay ang sagot nito.
"Si Minda? Noong mamatay ang Mama mo ay umalis na rin siya, hindi na siya nagtrabaho dito kaya naman kumuha ulit ang Papa mo ng panibagong mag-aalaga nitong bahay."
Napabuntong-hininga siya. "Kung gano'n po, nasaan na po siya ngayon?"
"Ang alam ko ay sumunod na siya sa anak niyang nasa Romblon."
"Gano'n po ba?"
Nawalan siya ng pag-asa. Masyadong malayo ang Romblon para puntahan, ngunit hindi naman imposible.
"Oo hija. Anong gustong mong hapunan nang sa gano'n ay makabili ako ng maluluto?"
"Kahit anong seafoods na lang Manang," mahinahon niyang sagot.
"Oh, sige."
Tumayo siya at umakyat sa ikalawang palapag, sa kwarto niya. Naligo muna siya bago bumaba ulit.
Papalubog pa lang ang araw kaya naman lumabas muna siya at naglakad lakad sa tabing-dagat. Marami pa rin ang lumalangoy, mukhang nagkakasiyahan.
"Miss!"
Lumingon siya sa sumigaw na iyon ngunit bola ang sumalubong sa mukha niya.

Komentar Buku (22)

  • avatar
    Boss Josh Peñaflorida

    nice

    07/10/2024

      0
  • avatar
    Kim Jandi Barrientos Felicilda

    ganda

    23/07/2024

      1
  • avatar
    BarboJacob

    good story

    13/07/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru