Tumigil si Holly sa harap ng AC's Bar. Ito ang pangalawang beses na pumunta siya sa ganitong lugar. Una ay nang maghiwalay sila ng ex-boyfriend niya at ang pangalawa ay ang ngayon. Dahil sa edad niyang 18, ay nakakapasok na siya sa mga ganitong lugar. Dumiretso si Holly sa bar counter. "Masyadong matapang ito, Miss. Sigurado ka ba dito?" Inilapag nito ang baso ng in-order niyang alak. "Hindi ako o-order kung hindi ako sigurado," pagsusungit niya. Kinuha niya ang baso at diretsong ininom ang laman nito. Tiningnan niyang muli ang barista na nakangiwi na sa kaniya. "Isa pa." Nawawalan naman ng pag-asa itong sumunod. "Ano ba babe, n-nakikiliti ako..." Nasagi siya sa likod ng mga ito. "Ano ba!" iritableng sigaw niya. Nagulat ang dalawa. "S-sorry hindi ko si--" "Anong sorry babe? Bakit ka nagso-sorry sa kaniya?" Lumapit ang lalaki kay Holly. "Hoy, ikaw...bakit mo sinigawan ang girlfriend ko ha?" Inirapan niya ito. "Hoy! Tinatanong kita!" Inilapag niya ang hawak na baso at naaasar na tiningnan ang dalawa na mukhang lasing na rin. "Sino rin bang may sabi sayong sigawan mo ako ha!" "Sino bang unang sumigaw? Ikaw 'di ba!" Parang sobrang bigdeal naman nito dito. Sila na nga 'yong nakasagi sa kaniya. "Mag-sorry ka sa girlfriend ko, bilisan mo." Natawa siya. "Sino ka ba para utusan ako?" Nanlisik ang mga mata nito. "Ako? Ako lang naman ang boyfriend ng babaeng 'to? Kilala mo ba siya ha?ha?" Tumayo si Holly. "Wala akong pakialam kung sino ka at sino siya. Tabi!" Binunggo niya ang balikat nito. "Hoy!" Hindi na niya nilingon pa ang dalawa. Hinayaan niya itong magsisigaw doon. Masyado ngang matapang ang alak na ininom niya dahil nakaramdam na siya ng hilo. Nakipagsisikan siya sa mga taong nagsasayaw sa dance floor at nakisabay sa tugtog. Tumalon-talon siya at kumembot-kembot. "Woohh!" sigaw niya. "Ang saya dito!" "Hi, gorgeous!" Nahihilo niyang inaninag ang mukha ng lalaking lumapit sa kaniya at sinabayan ang pagsayaw niya. Napangiti siya. "Hi, handsome!" Inikot niya ang magkabilang braso sa leeg ng lalaki na ikinatuwa naman nito. Ito ang unang beses niyang gawin 'yon sa ganitong lugar at sa hindi niya pa kilala, wala naman sigurong masama, Papa nga niya ay wala nang pakialam sa kaniya. "Hahaha!" tawa niya na napalitan din ng iyak maya-maya. "H-hey, why are you crying?" Pinahid niya ang luha at tumawa ulit. "Masaya lang ako! Congratulations to me! Hahaha!" Sumayaw pa siya ng sumayaw na parang walang kapaguran. "Wohh! Hahaha!" Sumusuray siyang bumalik sa kinauupuan niya kanina nang mapagod na siyang makipagsayaw. "K-kuya, isa pa. G-grabe, ang sarap ng alak niyo k-kuya, hahaha!" Nahihirapan na siyang i-focus ang paningin sa baristang kaharap. Masyado na siyang nahihilo. "Lasing na kayo, Miss." Natawa siya. "Ano bang pakialam m-mo? May pakialam ka ba sa'kin h-ha?" "Lasing na po ka--" "Bar ito 'di ba? B-bakit bawal m-maglasing? Bigyan mo pa ako ng isa! B-bilis!" suray niyang sigaw. "P-pero..." "Bigyan mo siya." Nilingon ni Holly ang lalaking umupo sa tabing upuan habang sumusuray ang tingin. "Ang gwapo mo n-naman, hehe. At saka s-salamat, i-ito kasing si kuya...lasing na daw a-ako, hehe." Hindi naman ito sumagot. "Kaso ang s-sungit mo pala. A-alam mo bang a-ayaw kong dini-dedma a-ako? A-ayaw ko no'n, hehe." Nasisiguro ni Holly na nakakahiya na ang hitsura niya pero wala siyang pakialam. Mapakla siyang tumawa. "May bago ng p-pamilya ang P-papa." Humikbi siya. Sobrang sama g kaniyang loob. Bakit ba naaalala pa niya 'yon? Hindi ba nakakamanhid ang alak? "Magpatuloy ka." Natawa siya habang tumutulo ang luha. "Kamamatay lang ni M-mama..." Inubos niya ang natitirang laman ng kaniyang baso, "...n-nakuha niyang mag-asawa agad. Ah, mali pala dahil m-matagal na, hahaha!" Natawa na naman siya, bukod sa mga sinasabi niya ay dahil din sa pagku-kuwento niya sa estrangherong lalaking kaharap niya. "H-hoy ikaw, b-bakit mo ba ako k-kinakausap ha? Hehe." "Lasing ka na," sabi nito. Umirap siya. "Ano naman ngayon ha? Sino k-ka ba?" Tumayo si Holly ngunit nawalan ng balanse. Mabuti na lamang at may sumalo sa kaniya mula sa likuran. "Hi, gorgeous." Nahihirapan niyang iminulat muli ang mata para tingnan ang lalaking sumalo sa kaniya. "Ah, hehe," wala sa sariling tawa niya. "Mag-isa ka lang ba? Ihahatid na kita." Ngumiti si Holly. Alam pa niya ang ginagawa niya pero hindi na niya mapigilan ang mga ginagawa niyang kilos at mga sinasabi. "W-walang problema, hahaha!" Sobra na ang hilo niya at nasusuka na rin siya kaya ipinikit niya ang mga mata at hinayaan na itong akayin siya. "She's with me. Ako ang maghahatid sa kaniya." Natigilan silang pareho nang kunin nito ang braso niya at hilahin palapit sa katawan nito. Nahihilo na siya at lalo pang nahilo dahil sa ginawa nitong paghila. Siya 'yong lalaking kausap niya kanina sa counter. "Sigurado ka ba?" tanong naman ng isa pero hindi na ito nakatanggap ng sagot. "Halika na." Inalalayan siya nito sa paglakad. "T-teka lang, hindi kita kilala. Uuwi ako mag-isa, kaya k-ko." Pilit niyang binabawi ang braso pero wala na siyang lakas. Masyado ring mahigpit ang pagkakakapit nito. "A-ano ba!" "Hindi mo rin kilala ang lalaking 'yon pero magpapahatid ka?" Hinarap ito ni Holly. "Bakit ba?" Tinuro niya ang lalaki. "Ikaw, bumalik ka na do'n. K-kaya k-kong umuwi mag-isa. Ha! Ako pa ba?" Binitawan siya nito kaya muntikan na naman siyang matumba. Mabuti na lamang at naagapan siya nitong mahawakan ulit sa braso. "Ihahatid kita." "Uuwi na a-ako. Salamat na lang." Kinapa niya ang susi sa pouch niya. "Ihahatid kita," pag-uulit na naman nito. Tiningnan niyang muli ang lalaki. Sino ba ito? "Sandali nga, kilala mo ba ako? Bakit feeling ko k-kilala mo na a-ako? Ha?" Hindi na naman ito sumagot. Walang emosyon at nakatingin lang sa kaniya. "Ang wirdo mo." Sa wakas ay nakuha na niya ang susi ngunit nabitawan naman niya. "A-ano ba naman 'yan." Pinulot ito ng lalaki at ito na rin ang nagbukas ng pinto. Binuksan din nito ang kabilang pinto at inalalayan siyang makapasok. "Saan mo ako d-dadalhin? Kung kidnap for ransom 'to, ngayon pa lang s-sinasabi ko na sayo, wala kang makukuha sa Papa ko." Naipikit niya ng mariin ang mga mata niya. "Wala na siyang... pakialam sa'kin...*hik." Wala na yata siyang mailuha pa, purong kalungkutan lamang ang nararamdaman niya. "Teka, alam mo ba ang bahay k-ko?" Tumingin siya sa labas ng bintana kahit nahihilo at tama nga ang nilikuan nito. "H-hoy, stalker kita 'no? Ano bang pangalan mo?" Tiningnan niya ang lalaki. Kahit sumusuray ay hindi lumagpas sa paningin niya ang nagsusumigaw nitong matangos na ilong, makinis din ang mukha nito at maputi, mas maputi at makinis pa yata ito sa kaniya. Maayos din ang buhok nito na mayroong bangs, parang 'yong sa mga Korean. "Koreano ka ba? Ano bang pangalan mo?" Sinilip niya ang mukha nito. "Ah, alam ko na. Siguro tatay mo Koreano at ang nanay mo ay Filipina, t-tama ako 'no? Kaya pala ang gwapo mo, hehe." Hindi na naman ito umimik. "Nakakatakot ka naman.Akala ko ba stalker kita? Dapat masaya ka ngayon kasi... kasi nakausap mo na ako 'di ba?" Humagikhik siya. "Lasing ka, matulog ka na." "Sagutin mo muna 'yong tanong ko, Koreano ka ba? Hehe." Kumurap-kurap na ang mata niya at bumibigat na rin ang pakiramdam. "S-sagutin mo na kasi." "Hindi." Sinilip niyang muli ang mukha nito. "Eh, ano pala? Hapon ka? Intsik? Mukha ka kasing taga-ibang bansa, hehehe." Hindi ito sumagot. "Ang sungit n-naman ng isang 'to. A-alam mo bang ayaw k-kong dini-dedma?" Humikab siya. "Sleep." Ngumuso siya. "Grabe n-naman mag-utos ang isang...to." Parang may kung anong humile sa kaniya at ang mga mata niya at mas bumigat pa lalo at hindi niya magawang labanan, dahilan upang unti-unti siyang mapapikit at makatulog.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
nice
07/10/2024
0ganda
23/07/2024
1good story
13/07/2024
0Lihat Semua