logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 3.1

“MISS Ruiz, overtime on your first day?” tanong ni Carl kay Savannah. Alas singko na nang hapon at wala naman talaga siyang ginagawa. Hinihintay lang talaga niyang lumabas ng silid ang lalaki.
“Hindi po, Sir. Io-off ko na nga po ‘tong computer.”
“Sige, mauna na ako sa’yo.”
“Ingat po.”
Nang wala na si Carl ay nagtungo na si Savannah sa comfort room para isuot ang kanyang ‘working clothes’.
“Masyado pang maaga para sa ‘panlamay outfit’ mo, dear,” tudyo ni Megan sa kanya.
“Sshhh,” saway niya rito. “Sabihin mo na lang sa’kin kung nasaan si Carl.”
Megan was probably tracking Carl’s car using the CCTVs in the streets. “Walang kakaiba. Mukhang daan patungo sa bahay ang tinatahak niya.”
Nagmamadaling binalikan ni Savannah ang motorsiklo niya sa isang parking area na malapit lang sa opisina. Sinunod niya lang ang daan na itinuro ni Megan at sa bahay nga ni Carl siya nakarating. Malapit lang din doon ang apartment niya. Sinadya iyon ni Megan. Ngunit sa totoo lang ay noon lang mismo nalaman ni Savannah ang eksaktong lokasyon ng bahay ni Carl.
Sa tapat ng bahay ni Carl ay mayroong bahay na abandonado at iyon ang napili niyang puwestuhan para sa pagsu-surveillance. Simple lang ang bahay ni Carl De Dios. Dalawang palapag, maliit na bakuran at mula sa kinapupuwestuhan niya ay tanaw niya ang silid nito.
“Wala ring CCTV ang bahay ni Carl,” ani Megan. “Hindi yata marunong mag-ingat ang taong iyan.”
“That’s good though. Hindi ko na kailangang mag-effort na makipagpatintero sa mga CCTV cameras. Pero rito sa mga kalsada ay may mga cameras, meron bang nakatapat sa bahay niya?”
“Meron. Pero madali mo nang malulusutan. Kaya ko ring iikot para sa’yo,” ani Megan saka humagikgik.
Sumandal si Savannah sa pader at saka ipinagkrus ang mga braso sa dibdib. Maghihintay lang siya roon, titignan kung may dadating na bisita o kung may lakad pa si Carl. Hindi siya kikilos hangga’t hindi dumidilim at tumatahimik ang paligid.
“Kumain ka muna.”
Napaigtad na naman si Savannah. “Puwede bang hinaan mo nang kaunti ang boses mo? Ang tahi-tahimik dito, bigla kang nagsasalita.”
“Nagiging magugulatin ka yata,” balewalang sabi ni Megan.
“Mamaya na ako kakain. Nasa misyon pa ako.”
“Wala namang paggalaw diyan. Baka tulog na ‘yang binabantayan mo.”
“Sisilipin ko na.”
Total ay madilim na, safe nang magtrabaho. Mabilis ang kilos na tumalon siya mula sa ikalawang palapag ng gusali. Pinakiramdaman niya ang paligid bago tumawid. Sa likod ng bahay ni Carl siya tumalon. Walang effort, mababa ang gate.
Salamin ang dingding kaya agad niyang nakita si Carl sa sala, nanonood ng TV. Para sa isang businessman ay mukhang hindi ito abala. Savannah stood there watching Carl. He was such a nice view to watch. She cringed at her own thought. Kung malalaman lang nina Roma at Megan ang mga bagay na tumatakbo sa isip niya, baka masuka ang mga ito.
“Nakita mo na ang target?” tanong ni Megan.
“Oo,” mahina niyang tugon. “Nanonood ng TV. Pakiramdam ko, wala akong mapapala rito.”
“May impormasyon na ako tungkol kay Eliza Mariano,” imbes ay sabi ni Megan. “Nasa States siya ngayon, modelo, almost wife pala ‘to ni Pogi. Two years ago, naghiwalay ang dalawa. Ang rason, walang nakakaalam. May date na ang kasal, nagpamigay na ng invitations, pero biglang nakansela.”
Habang nakikinig kay Megan ay nagawa na niyang makaakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Sa bintana ng silid ni Carl siya dumaan. Pinaikot niya ang mga mata sa kabuuan ng silid. Walang kakaiba.
Sa sentro ay may isang malaking kama na kulay puti ang bedsheet at comforter. With the look of his house, it was obvious that he loves white. Puting-puti ang bahay nito. Pwede niya iyong ikompara sa pagkatao ni Carl, walang mantsa, walang dungis. She wondered how he lived his life like that. Lalo na kung ang mga taong nakapaligid dito at ang mundong nais nitong pasukin ay ubod ng dumi. “Politika?” ani Savannah saka napailing.
Nilapitan niya ang study table sa bandang kaliwa ng silid. May mga folders at libro doon. Dumampot siya ng isa ngunit nakarinig siya ng yabag. Napabuga siya ng hangin. Sa lakas ng yabag, alam niyang malapit na si Carl. At hindi nga siya nagkakamali dahil nag-click na ang seradura.
Mabuti na lang at tila pang-log cabin ang disenyo ng kisame. Nakasampa siya bago pa tuluyang makapasok si Carl. Para tuloy siyang superhero ngayon na nakasampay sa kisame. Hinigpitan ni Savannah ang kapit sa kahoy at nagdasal na lang siyang huwag munang hihiga sa kama ang lalaki dahil siguradong makikita siya nito. At sana rin ay magtungo muna ito sa banyo dahil baka hindi pala matibay ang disenyong iyon ng kisame at bigla siyang lumagapak sa sahig.
Sa pagkabigla niya ay naghubad ng pang-itaas si Carl. Napalunok si Savannah at saka nag-iwas ng tingin. Pinigilan naman niya ang mga mata ngunit pilit iyong lumilingon pabalik kay Carl. His body was just perfection. He was buffed, like he was sculpted by a great sculptor, and her eyes were loving it. Hindi tipong pambouncer ang katawan nito, pang-matinee idol. Isang pigura na madalas niyang makita sa mga magazines at advertisements. Teka, kailan pa niya natutunan ang mga bagay na iyon?
Napanganga si Savannah nang makita tinatanggal ni Carl ang pagkakabutones ng pantalon nito. “Sa banyo mo gawin iyan, utang na loob!” sigaw ng isip ni Savannah ngunit hindi naman inaalis ang tingin sa lalaki. Hindi naman ito magnet ngunit ayaw magpapigil ng kanyang mga mata. “Diyos ko!” hiyaw niya sa isip.
Nakahinga siya nang maluwag nang tila marinig ni Carl ang bulong ng kanyang isip. He grabbed his towel from somewhere and walked to the bathroom that was inside his bedroom. Mabilis ang kilos na bumaba si Savannah sa kisame. Napangiwi siya, nangalay ang mga braso niya sa pag-a-ala Darna sa kisame. Bago pa siya makakita ng mga bagay na hindi niya dapat makita ay lumabas na siya mula sa silid.
Ang silid lamang ni Carl ang nag-iisang silid sa ikalawang palapag. Bumaba siya at wala ng kwarto pa roon. Wala ito ni isang kasambahay. He must love being alone. Walang masyadong rikutitos sa bahay. ‘Less is more’ yata ang motto nito sa buhay.
Nang makapag-install ng ilang spy cameras sa bahay ay tahimik na rin siyang lumabas. “Uuwi ka na sa apartment mo?” tanong ni Megan sa kanya. Bumabiyahe na siya niyon pauwi.
“Oo.”
“Hindi ka dadaan dito?”
“Bakit? Miss mo na ako?” pabirong tanong niya.
“Hindi. Magpapabili sana akong pagkain.”
Hindi makapaniwalang napangiti si Savannah. “Ano ba’ng gusto mo?”

Komentar Buku (37)

  • avatar
    Maxima Abana Cabasag

    Good story :)

    19d

      0
  • avatar
    SiarotJenelou

    nice gamr

    28/06

      0
  • avatar
    Harvey S Santillan

    nice story

    31/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru