logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2

Ten years later…
“Mukhang pinakinabangan mo na naman iyang mahiwagang stethoscope,” nakangiting bungad ni Megan kay Savannah.
Ngumisi lang si Savannah at saka dinaluhan si Megan sa harap ng dining table. Ginamit niya ang stethoscope sa pagbukas ng isang safety deposit box. Kailangan niya ang gamit na iyon, na para lang sana sa mga doktor, para sa pag-crack ng code. “Madaling-araw na, bakit ngayon ka lang kumakain?”
“Minomonitor kita, nagtaka ka pa,” sarkastikong tugon nito.
Megan was her partner. Sinisigurado nitong walang CCTV camera ang makaka-capture sa mga transaksyon niya. Ito rin ang nagsisilbing human GPS niya. Ito ang nagsasabi kung saan siya lulusot kung sakaling nagkaaberya sa trabaho niya.
“Nasaan na ang flash drive?” tanong ni Megan maya-maya.
Iniabot niya rito ang flash drive na ninakaw mula sa bahay ng isang journalist sa bayan nila. Pinatrabaho iyon sa kanya ng mayor na siyang pinagsisilbihan niya sa loob na rin nang ilang buwan. Sa lahat ng kliyente niya, ito lang ang tanging malakas ang loob na nagbigay ng identification. Si Roma ang ka-transact nito. Iyon ang papel nito sa grupo.
“Ano ba kasi ang laman niyan?” tanong niya kay Megan.
“Hindi ko alam. Alam mo namang hindi tayo pwedeng magtanong, ‘diba? Ang utos ni Roma, burahin ang lahat ng laman ng computer ng journalist na ‘to. Sigurado ka bang nabura mo lahat?”
“Oo naman. Lahat, pati ‘yung sa laptop. ‘Yung cellphone, tsinek ko rin, wala namang kakaiba. Wala na akong nakitang ibang gadgets pa r’on.”
“Tsinek ko ring maigi ang laman ng cellphone niya. Wala ngang kahina-hinala,” sang-ayon ni Megan.
Habang natutulog ang walang kamalay-malay na journalist ay h-in-ack ni Megan ang cellphone nito. Iyon ang espesyalidad ni Megan sa grupo nila. Kaya nitong i-hack ang kung anu-anong gadgets. Hindi na niya mawari madalas kung ano ang ginagawa nito sa harap ng computer. Ang mga letra at numero na lumalabas sa monitor ng computer nito ay hindi niya kayang ianalisa. Sinubukan ni Megan na ituro sa kanya ang ginagawa nito ngunit hindi pa rin siya kasing eksperto nito pagdating sa pasikot-sikot sa mga bagay na kayang gawin ng artificial intelligence.
“So, ‘tapos na ang misyon ko sa gabing ito. Matutulog na ako.”
“Oo, mabuti pa nga at matulog ka na. Mas sumasakit ang mata ko sa’yo kaysa sa radiation ng computer. Hindi mo ba babaguhin ‘yang kulay ng outfit mo? Puro itim lang ba talaga ang damit mo, ha?”
“Ikaw ang umo-order ng damit ko kaya alam mo na dapat ang sagot,” natatawang tugon niya. Itim na skinny jeans, itim na hooded jacket at itim din ang blusa ang pinapatungan niyon. Itim din siyempre ang sapatos niya. Sinadya niya iyon para mas madali siyang makapagtago sa dilim.
“Wala ka ba talagang planong makihalubilo sa mga tao sa labas ng lugar na ‘to, Savannah?” seryosong tanong ni Megan bago pa siya tuluyang makaalis sa harap nito.
“Pareho lang naman tayo, ‘diba?” ganting-tanong niya. Hindi na naghintay ng sagot si Savannah at walang ingay na nagtungo na siya sa kanyang silid.
Humiga si Savannah sa kama pero malayo pa sa pagtulog ang isip niya. Naisip niya ang kanyang buhay sa nakalipas na sampung taon. Sa haba ng panahong iyon, wala siyang naidagdag ni isang tao sa buhay niya. Bakit pa?
Wala namang totoong mabuting tao sa labas ng lugar na iyon. Lahat ay may motibo, lahat ay mapanghusga. Iyon nga ang dahilan kung bakit marami silang kliyente, hindi ba? Wala na kasi talagang mapagkakatiwalaan sa mundo ngayon.
Paano siyang magkakaroon ng amor sa mga tao? Wala namang nagpakita ng simpatya sa kanya kahit kailan. Meron pala, si Roma. Si Roma na hanggang ngayon ay misteryo pa rin sa kanya. Hindi pa rin nito ipinapakita ang mukha sa kanya. Kung bakit ay hindi niya alam at ayaw na rin niyang alamin.
Sa takbo ng trabaho niya, natutunan na niyang mawalan ng pakialam hangga’t hindi siya nakakapatay ng tao. Kahit anong ipagawa ng kliyente, gagawin niya basta tama ang halaga. Wala siyang pakialam sa motibo ng mga ito at sa pagkakakilanlan ng mga ito. Pera lang. Ganoon lang kasimple.
Ang kinikita niya ay nasa banko lang, hindi niya masyadong nagagalaw dahil wala naman siyang kailangan. Ang ilang bahagi ng kinikita niya, idino-donate niya sa mga charities, hindi dahil may pakialam siya kundi dahil wala lang siyang mapaggamitan talaga ng pera.
Kung magkano man ang maipon niya hanggang sa hindi na niya kaya ang magtrabaho ay gagamitin niya sa pagtanda. Marahil ay bibili siya ng isang lupain sa probinsya at doon maninirahang mag-isa.
Ipinikit ni Savannah ang mga mata at saka huminga nang malalim. Pinilit niya ang sariling matulog na sana ay hindi na lang niya ginawa dahil binangungot lang siya ng ala-ala ng pagpanaw ng kanyang mga magulang.

Komentar Buku (37)

  • avatar
    Maxima Abana Cabasag

    Good story :)

    19d

      0
  • avatar
    SiarotJenelou

    nice gamr

    28/06

      0
  • avatar
    Harvey S Santillan

    nice story

    31/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru