logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

6. MALAS

Nang natapos i-discuss ni ma'am Crystal kung paano ang nilalaman ng test nya para bukas ay kinolekta na nya ang mga project. Habang nagpapasa ang mga kaklase ko hindi ako mapakali sa inuupuan ko at mukhang sasabog na ang didib ko sa kaba. Laking pasasalamat ko naman nang mukhang hindi napansin ni ma'am na hindi ako nagpasa.
Bago maka-alis ang ma'am nag-volunteer na 'ko, na ako na ang magbi-bitbit ng mga gamit nya. Habang inaayos ang mga gamit ni ma'am, napansin ko si Neria na umuubo nang malakas at may binitawang salalita sa gitna ng pag-ubo. "Sipsip," nagpaparinig na naman.
Sumunod na lang ako kay ma'am Crystal sa paglabas. Nang makarating kami sa faculty, naroon ang ilang mga teacher, inilapag ko na ang gamit ni ma'am. "Thank you, Macahia." Nagtaka naman siya dahil hindi pa rin ako umaalis at nanatiling nakatayo.
Tumaas ang kilay nya na tila nagtatanong, hiyang-hiya ako na sinabi sa kanya ang nasa isip ko, "ma'am puwede po ba na bukas na lang po ako magpapasa ng project?"
"Hindi mo ba kayang magpasa ngayon?" Umiling ako. "Kahit mamayang hapon? Hanggang six available pa 'ko rito sa school. Eh kapag bukas pa, para fair sa mga kaklase mo na nagpagpasa ngayon, may minus na 'yon iha."
"Okay po, thank you po," basta ang mahalaga ay makapagpasa ako.
Sa mga susunod na klase, hindi mapakali ang paa ko at paulit-ulit na sumisilip sa orasan, uwing-uwi na 'ko. Nang sa wakas at tumapat na ang minute at hour hands sa 12, mabilis kong tinahak ang pinto, nasa malamang napansin ng mga kaklase ko.
Kumpara sa mga naglalakad sa corridor ako ang pinaka mabilis, konti na lang para na 'kong tumatakbo. Pagkababa agad akong sumakay sa bike at nagbisikleta nang mabilis.
Nang sa wakas at nasa bahay na 'ko, hindi na 'ko kumain sahalip ay pinuntahan ko ang kuwarto ni Gavin. Tanda ko pa na binura ko na ang project ko sa laptop nya, dahil ni-remind nya ko rito at baka raw mapuno ang storage ng laptop nya, pero nagbabakasakali pa rin ako na nadoon pa rin 'yon.
Kumatok ako sa pinto. "Gavin?" Pabalik-balik ako sa paglalakad sa harap ng pinto, ang tagal naman, buksan ko na kaya? Kumatok na ulit ako, sa wakas binukasan na nya. "Andiyan pa ba sa laptop mo ang project ko? Ang name ay literature project."
Binuksan nya nang malaki ang pinto at umupo sa desk chair, pumasok na 'ko sa loob. Nakabukas na ang laptop nya na mukhang kanina nya pa ginagamit. "Saan mo si-n-ave?" Tanong nya.
"Sa documents."
Ch-in-eck nya ito, "wala na eh," tiningnan ko rin para makasiguro, wala na nga. "Kaka-clear ko lang din kanina ng recycle bin," binuksan nya pa ang recycle bin, wala ngang laman.
Oh no, "hindi na ba talaga mare-recover 'yon?"
Umiling siya, parang maiiyak na 'ko. "Puwedeng pahiram ng laptop mo?"
"Gagamitin ko sa pagr-review sa exam."
Tumango ako, naiintindihan ko naman. Lumabas na 'ko at kumatok sa katabing kuwarto, kuwarto ni Dexter. "Dexter, puwede pahiram ng laptop mo?"
"No."
Pumunta ako sa kuwarto ni ma'am Veronica at sir Nomer, pero mukhang walang tao sa loob. Pagsilip ko sa first floor ando'n pala si ma'am sa living room, na ginagamit din ang laptop, mukhang para sa trabaho. Bumaba na 'ko sa second floor at nilapitan si ma'am. "Ma'am Veronica, puwede po kayang mahiram ang laptop ni sir Nomer?"
Panaka-nakang sumilip sa'kin si ma'am dahil nasa meeting siya, nag-sign pa siya sa'kin na hintay lang. Mayamaya rin ay kinausap na nya 'ko. "Ano ulit?"
Nahihiya naman akong inulit ang sinabi ko kanina. "Puwede po kayang mahiram ang laptop ni sir Gomer, gagawa lang po ako ng project."
"Nando'n sa--- ay, dala nya, nasa work." Tumango ako at tumalikod, may pumatak na isang luha sa mata ko, pinunasan ko ito.
Pumunta ako sa kuwarto at nagbakasakali na napatong ko lang ito kung saan, pero wala talaga. Nagpaalam muna ako kay nanay na pupuntang computer shop, nag-tricycle na 'ko para mas mabilis. Nang makapunta sa computer shop, agad akong umupo sa bakante. Naiinis ako, malas ba 'ko? Bakit ngayon pa nangyayari 'to?
Wala akong scratch na ginamit sa paggawa ng project ko noon, diretso akong nagsulat noon sa MS word, kaya umaasa na lang ako ngayon sa memorya, may mga ilang scene na hindi ko na natatandaan, mas maganda 'yong dati kong ginawa, na'san na ba 'yon? Bakit ngayon pa nawala.
6 p.m. na, hindi na 'ko naka-abot sa schedule na binigay sa'kin ni ma'am Crystal, wala pa 'ko sa 1/4 ng istorya. Sa kalagitnaan ng pagsusulat, sumasakit na ang ulo ko, parang wala na 'ko sa huwisyo na gumawa. Kaya binigyan ko ang sarili ko ng break, kahit konting segundo lang.
Binuksan ko ang Facebook ko at bumungad sa'kin ang share post ni Lyka, binasa ko ito. "Some friends are like pennies, two-faced and worthless." -Iliketoquote.com. Pati pala sa social media pinaparinggan pa rin ako.
Nag-scroll ako, share post naman ni Micka, magkasunod pa talaga. "You must learn who is gold and who is simply gold-plated." -OurMindfulLife.com. Sabihin n'yo kaya 'to sa'kin nang harapan, hindi 'yong parinigan lang ang alam, para sa'kin kaduwagan 'to.
Binuksan ko ang account nila at ni-restrict ito. Umalis na 'ko sa Facebook, sinayang ko lang pa la ang oras ko, mas hindi lang pala gaganda ang pakiramdam ko. Pinagpatuloy ko na ang pagsusulat.
Pagdating ng alas diyes ng gabi ay may kumulbit sa'kin. "Ineng, magsasara na kami."
Nanlaki ang mata ko, ha? Wala pa 'ko sa kalahati. "Kailangan ko pa kasing tapusin 'to, kahit mga ilang oras lang."
"Kinausap kasi kami ng barangay, na bawal ng magbukas hanggang hatinggabi, dahil maraming nagrereklamo na magulang, sige na ineng."
Wala sa huwisyo akong umalis doon at bitbit ang mga pina-print ko na hindi pa tapos at may ilan pang mali ang spelling dahil hindi ko na na-double check. Habang naghihintay ng tricycle, bumuhos na lahat ng luha ko. Malas nga siguro ako.
*****
Habang nage-exam, may ilang tanong na hinulaan ko na lang, hindi ako nakapag-aral kahapon, pero buti na lang at mahilig akong mag-review kaya kahit hindi ako nakapag-aral kahapon, may ilan pa rin akong natatandaan.
Natapos na ang first day ng exam namin. "Grachell, pinapatawag ka ni ma'am Crystal," ani ni president.
Tumayo na 'ko, bago ako lumabas tumigil muna ako sa upuan ni Neria. "Unahan na kita, baka sabihin mo na namang sipsip eh, pinatawag kasi ako, anong gusto mo, tanggihan ko?" Hindi siya naka-imik, at pinagtitinginan na ako ng mga kaklase ko, tutal ako naman ang bad guy para sa kanila, totohanin ko na.
Pagkarating ko sa faculty, sinenyasan ako ni ma'am na maupo sa bakanteng monoblock, nakayuko ako at hindi makatingin sa mata ni ma'am. "Hindi po ako makakapag pasa ngayon ng project, siguro po bukas na lang."
Kasalukuyan ngayong nagc-check ang ma'am ng mga project. Napansin ko naman ang isang green folder na may kapareha ng title na ginawa kong story. She is not a tomboy. Agad na nanlaki ang mata ko. "Ma'am!" napasigaw ako at kinuha ang folder. "Ito po ang story ko, kahapon pa po 'to nawawala."
Kinuha ni ma'am Crystal ang folder mula sa'kin. "Pero kay Ken Basco ito nakapangalan."
Napanganga ako, hindi ako makapaniwala. "Ma'am sa'kin po 'yan, maniwala po kayo sa'kin."
Tumingin siya sa'kin bilang guro. "Papuntahin mo rito si Ken."
Agad akong sumunod, parang sasabog ako ngayon, galit na galit ako, gusto ko siyang sabunutan. Masama akong tumingin sa direksyon nya. "Ken! Pinapatawag ka ni ma'am."
Pagkarating namin sa faculty, hindi na nag-atubili pa si ma'am Crystal at tinanong, "sinasabi ni Grachell na sa kanya raw 'to, totoo ba?"
"Hindi po!" Angal nya. "Ako po ang gumawa n'an."
Sinungaling!
Hindi mawari ang tingin sa'min ng aming guro. "Ganito na lang, may itatanong ako sa inyo tungkol sa story, dapat sabay kayong sumagot." Napanatag naman ako dahil alam na alam ko ang takbo ng story na ginawa ko. "Sino ang bidang babae?"
"Samantha Quinn," sabay naming sabi.
"Ano ang isang pangalan ng isang extra na binangit sa scene na nagpapa-xerox?"
Alam na alam ko ito dahil ginamit ko ang palayaw ng kakilala ko. "Marie," sabi ko.
Nang masabi ko 'to saka lang umimik si Ken. "Marie!"
Tinuktok ni ma'am ang lamesa. "Ken, first warning, sabi ko sabay."
Tumango naman siya, dito ay mas naging confident ako. Nilipat na ni ma'am ang page sa pahuli, "happy ending or not?"
"Not," ani ko.
"Happy ending," ani ni Ken, magkaiba kami ngayon ng sagot.
Sinara na ni ma'am ang folder at pinagmasdan kaming dalawa. "It has a happy ending."
Nanlaki ang mata ko at gulat na gulat na tumingin kay Ken. "Binago mo?!"
Tumaas lang ang balikat nya at may ngiting tagumpay ang nakalapat sa kanyang mukha. "Wala akong binago ha," tumingin na siya kay ma'am Crystal, "ma'am, pa'no ba 'yan?"
Tumango ito sa kanya. "You may leave."
"Thank you ma'am."
Nangingilid na ang luha ko at napailing sa nangyayari. "Ma'am maniwala kayo sa'kin, ako talaga ang gumawa no'n, binago nya lang!"
Napapatingin na sa'min ang ilang guro, wala na 'kong pakialam. "Don't make a scene here, Macahia," may tono ng awtoridad sa boses nito. "Hindi lang ito ang dahilan kung bakit kita pinatawag, hindi mo naipasa ang exam ko."
Dito tuluyang bumagsak ang balikat ko. Ipinakita nya sa'kin ang test paper ko, may isang page ako na hindi ko nasagutan, kung nasaan nandito ang essay na malaki ang points at true or false na dapat may two points sa bawat question, pero hindi ko nasagutan. Siguro dahil sa dami kong iniisip ganito ang nangyari. Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ako nag-double check.
"Malaki ang part ng exam sa grades at hindi ka pa nakapagpasa sa'kin ng project, while calculating your grades, it's 79."
Isa na lang, nagmakaawa na 'ko kay ma'am. "Ma'am, please, kailangan na kailangan ko po ng scholarship."
Umiling siya. "Napagbigyan na kita dati, naulit na 'to, this time hindi na kita mapagbibigyan."
"Ma'am, please."
May determinasyon sa mga mata nya. "You may go."
This time, I was unable to defend myself.
*****
Pagkarating ko sa bahay, pagbukas ko ng kuwarto namin, wala roon si nanay at Carlo. Dumiretso ako sa banyo at umupo sa sulok, dito tuluyang tumulo ang luha ko, dito lang ang lugar na panatag ako, kahit na kung minsan mabaho rito, kaya ko ngang kumain dito eh, ako lang siguro ang nakakagawa nito, mac-consider ba 'yong talent?
Pagod na 'ko.
Pagkatapos ng klase, trabaho. Pag-uwi trabaho pa rin, kapag summer, summer job. Kapag nakatapos ng pag-aaral, sa trabaho rin ang uwi, wala bang pahinga? Nabuhay ba 'ko sa mundo para magtrabaho? Pagod na 'ko, ayoko na.
Dumating pa sa punto na wala na akong scholarship, masama ba kung mangarap na pumasok sa private school, kahit ito man lang ibigay n'yo sa'kin.
Pagod na pagod na pagod na 'ko.
May nakita akong gunting sa bintana kung saan nakapatong doon ang mga sabon, nanginginig na kinuha ko ito at itinapat ang matilos na bahagi sa aking pulso.
Ito ba ang sagot?
Hindi ko maibo ang kamay ko, hanggang sa may kumatok. "Ate?" Nabitawan ko ang gunting na nagsanhi ng ingay. "Bilisan mo diyan, natatae na 'ko."
Tahimik akong umiiyak habang nakatingin sa gunting.
My younger brother saved me.

Komentar Buku (16)

  • avatar
    AiZa DaTu

    nice story

    3d

      0
  • avatar
    Lå Dÿ Josè

    😍😍😍😍😍😍

    22d

      0
  • avatar
    Jericho Mallillin

    goods

    15/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru