logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chap. 5

-Mira's POV-
Ilang araw nang balisa si Nali. Pansin kong iniiwasan niyang mapunta sa building nila Geraldine.
Tapos tuwing lunchbreak naman, kapag nakikita niya si Geraldine na papasok sa cafeteria, binibilisan niya ang pagkain niya and then aalis na siya.
Masyado siyang obvious. Obvious na may iniiwasang makita
"Hindi naman ako yung iniiwasan ni Nali, hindi ba?" malungkot na tanong ni Geraldine.
Kita niyo, nag-ooverthink na tuloy ang rich brat ng group namin. Naglapag ako ng lemonade sa harap niya. Alam kong favorite niya ang kahit anong pagkain na related sa lemons.
Umiling iling ako.
"Hindi ikaw yung iniiwasan nun. Si Aldrich ang iniiwasan niya. Nagkataon lang na nasa same department kayo ng fiance niya. Huwag kang mag overthink diyan, Geraldine." malumanay na pagpapaliwanag ko sa kaniya. Malinaw na malinaw, para hindi niya misunderstood.
"Pero, why do I have this feeling... Na parang kasalanan ko? Nagi-guilty ako. Dapat pala hindi ko nalang sinabi." I shook my head.
"I beg to disagree. Hindi yan guilt, Geraldine. Malungkot ka lang, favorite mo kasi si Nali. You care for her. Kaya ganyan nalang ang reaction mo nung biglang nagbago ang daily school routine at behavior niya. And maganda na rin sinabi mo yung about kay Aldrich."
She pouted after listening to my brief explanations, "Alam mo? Bagay mo talaga yang course mo, psychology. Napakamanipulative at ang lakas ng convincing powers mo."
Napangisi ako, "Thank you for the compliment." natatawang sabi ko.
"mmmp!" inirapan niya muna ako bago ininom yung lemonade na binigay ko sa kaniya kanina.
Napailing nalang ako bago ko ininom yung kape ko. Lumalamig na kasi eh. Lamig ng panahon ngayon.
"Hi girls!" muntik ko na maibuga yung kape na iniinom ko. Biglang hinanap ng mata ko si Sylvia.
Kasama niya na naman yung dalawang transferee. Na siyang kinabahala ko.
"Hello girls, naisipan namin ni Justine na maki-join sa inyo. Ang boring kasi kapag kaming dalawa lang nitong kaibigan ko." kinindatan ni Christian si Sylvia, na ikinablush naman ng rich brat namin.
May soft spot talaga siya sa mga genuine gaya ni Nali, at mga pogi na tao gaya ni Christian.
"Pwede ba akong umupo sa tabi mo? Mira?" napalingon ako kay Justine nasa likod ko siya. Halata mo na agad na si Justine ang nagsalita dahil sa accent niya, may pagka-slang.
Sasagot na sana ako ng hindi, kaso bigla nalang siyang umupo sa tabi ko, bago pa man ako makapagreact. Para akong na-bato sa upuan ko.
Umupo sa tapat ko si Sylvia, "Ano gusto niyo? My treat!" exclaimed Christian. Rich boy rin kasi siya.
"Gusto ko ng Egg Pie tapos lemonade na rin." tinignan ko si Sylvia. Parang halos araw araw nalang siyang nagpapalibre kay Christian. Pero kapag kami nila Nali at Geraldine ang manglilibre sa kaniya, todo tanggi naman siya.
"Treat niya eh." inosenteng sabi ni furture engineer namin.
"Ako lemonade, ubos ko na kasi yung akin." inabot ni Geraldine ang glass milktea like cup niya kay rich boy. Ayaw kasi ni rich brat na gumagamit ng plastic. Masama daw iyon sa kapaligiran.
Nature lover rin kasi si Geraldine. Basura sa dagat ang dahilan kung bakit muntik na siyang mamatay dati, nung mga 4 years old palang siya.
Simula noon. Nangako na siya sa sarili niya na hinding hindi siya gamit ng plastic. And if ever man na makagamit siya. Irereuse or irerecycle niya.
Yun ang kwento sa amin ni Geraldine.
"How about you? Justine? Mira?"
"Ice tea and waffle." maikling sabi ni Justine sa kaibigan niyang rich boy. Tumango naman ito.
"Miss Mira?"
Umiling ako, "Actually paalis naman na ako---!" napatigil ako sa pagsasalita, nung may naramdaman akong magaspang na kamay sa upper part ng right tigh ko, hinahaplos haplos pa.
Naistatwa ako. Hindi ako gumalaw ni kahit isang milimetro man lang. Nag-init bigla ang pisngi ko.
Pasimple akong tumingin kay Justine na nakatingin lang sa lamesa, na parang bored na bored sa mundo. Pero kitang kita ko sa mga mata niya na nag-ienjoy siya sa paghaplos ng hita ko.
Nagpapasalamat ako sa diyos, na walang ni isang nakapansin sa nangyayare sa ilalim ng mesa.
"Ahh–– ano, ehem. Siguro palabok nalang at ice tea. Pakidamihan yung hipon, chicharon at green onions. Thank you." pilit na ngiti kong sabi kay Christian.
"May palabok!? Gusto ko rin pala nun!" biglang sabi ni Sylvia. Nginitian ng matamis ni Christian si Sylvia.
"Noted. Alis na ako." sabi ni rich boy, saka umalis, pumunta sa counter.
Kasabay nang pagkaalis niya ay ang pagkatanggal ng kamay ni Justine sa tighs ko.
Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Napangisi ng lihim si Justine.
>°•📚•°<
As soon as matapos kong kumain. Umalis na agad ako sa cafeteria. At patakbong naglakad papuntang building naming mga med students.
Kinakabahan talaga ako kapag nasa malapit ang lalaking iyon. Bakit ba siya nandito in the first place!?
"Ahh!" napasigaw ako nung may biglang humila sa left wrist ko. Mabilis ang mga pangyayare. Namalayan ko nalang na nasa may rooftop na kami ng building ng mga nag aacountancy, at nakasandal sa pader.
"What the heck!? Kidnapping ang ginagawa mo! Aren't you scared that I might sue you!?" pasigaw na pagbabanta ko sa kaharap ko.
Naglaho na bigla lahat ng composure na meron ako sa buong katawan ko. Basta siya ang kaharap ko, nagiging ibang tao ako!
Ang dalawang braso niya ay nasa magkabilang gilid ng ulo ko. While his right knee's in between my legs. He's seriously harrassing the heck out of me!
"Let go of me, you pervert!" tinutulak ko siya pero mashado siyang malakas. Perks of being a man.
I turned my head sideways, nung inilapit niya sa mukha ko yung mukha niya.
"Aren't you happy? I followed you here, in the Philippines... all the way from US. Just to see my little flower...you." Justine said, as he softly caress my left cheek. Para akong matutunaw sa mga tingin niya.
"Hindi naman kita inutusang sundan mo ako dito!" pinipilit ko parin siyang itulak pero ayaw talaga eh! Para akong tangang nagtutulak ng isang pader!
Tinigtignan niya lang ako sa mga mata mo, nagbuntong hininga ito. Naamoy ko pa ang minty na hininga niyang tumama sa aking mukha. Maya maya pa ay lumayo na siya sa akin.
"Don't act as if you're not happy to see me at all. Alam kong masaya ka na nandito ako. Iba ang sinasabi ng bunganga mo, pero iyang katawan mo iba ang ipinapakita." tumalikod siya sa akin at naglakad palayo.
Narinig kong sumara ang pinto ng rooftop. Dahan dahan akong napaupo sa malamig na sahig ng building.
Gulong gulo ang isip at parang sasabog na ang puso ko, dahil sa iba't ibang emosyon na nararamdaman ko ngayon.
>°•📚•°<
Nag ring na ang bell, meaning oras na ng uwuan. Inayos ko agad ang mga binders and books ko. Hinawakan ko nalang yung ibang mga libro, kasi hindi na kasya sa bag ko.
Lumabas na ako sa room namin. Nadatnan kong naghihintay ang pinsan ko sa labas ng pinto.
"Ako na maghawak niyan couz." tinignan ko lang si Yuri, bago ako magsalita.
"Thank you." pagpapasalamat ko, inabot ko sa kaniya ang tatlong books na buhat ko.
Pinsan ko si Yuri sa kapatid ng father ko.
Close kami niyang si Yuri. Bata palang kasi kami, ay magkakilala na. Childhood bestfriends kami, at hanggang ngayon parin naman bestfriends parin kaming dalawa.
"Napakanerdy mo talaga. Kailangan mo ba talagang dalhin ito araw araw?" tanong sakin ni Yuri habang naglalakad kami papuntang parking lot.
Sinamaan ko siya ng tingin, "Para yan sa mga specialized subjects ko. Palibhasa paeasy easy lang kasi kayong mga nursing students." pang-asar ko sa kaniya.
Yuri glared at me.
"Anong pa-easy easy? Anong akala mo sa nursing? Madali lang? Ang hirap kaya! And for your information, kapag wala kaming nurses, walang mag aassist sa inyong mga doctor kayo." proud na sabi niya, slightly offending me.
"Whatever."
Wala nang nagsalita sa amin after nun. Until Yuri broke the awkward silence.
"Ipinapatanong ni tito Robert kung kamusta ka na daw at kailan ka uuwi sa bahay niyo sa US." seryosong sabi sakin ni Yuri.
Tumigil ako sa paglalakad, and he followed. I stared at him blankly.
"Sabihin mo sa kaniya, kung pinapauwi niya ako dahil lang sa mana ko kay mom. Hinding hindi ako uuwi. Mukha siyang pera." I said mercilessly, at nagpatuloy na akong maglakad ulit.
Linggo linggo akong nakakatanggap ng letter galing sa lalaking iyon, for the past three years. Nakakasuka siya, acting like a concern father and everything. Alam ko naman ang habol niya sa akin.
Malas niya dahil hindi ako ganoon kadaling utuin. Labas na ako sa buhay ng lalaking iyan.
Humabol naman agad si Yuri, "Pero couz, dad mo parin si tito Robert."
"Yuri, hindi mo kasi maintindihan eh
Ang kapal ng mukha niyang hingin ang pera na ipinamana sa akin ni mommy. Eh hindi niya naman once na minahal ang asawa niya o kaya naman bigyan ng attention ang nag-iisa niyang anak. Much worst, noong nangbabae siya." Hindi pa iyon. Marami rin siyang mga illegal businesses na labis kong kinasusuklaman.
Nanahimik ang pinsan ko, staka bumuntong ng hininga.
"Okay, I respect your way of thinking at mga desisyons mo. I won't bring up the sensitive topic ever again. Please don't hate me." pagmamakaawa siya sa akin.
I gave him a side glance.
"Ano ka ba? Ikaw ang pinaka-favorite ko na pinsan. Kaya hinding hindi ako magagalit sayo."
Mahina niya akong siniko, "Ako lang naman ang nag-iisa mong pinsan eh! Kaya malamang sa malamang. Ako lang talaga ang favorite mo."
Natawa nalang sa sinabi niya. Totoo nga naman, wala naman na akong ibang pinsan bukod sa kaniya.

Komentar Buku (20)

  • avatar
    Rona Mae Faraon Amistoso

    Good plot, nice story. Keep it up author 👍👏

    29/05/2022

      0
  • avatar
    Allan Dave Aclan

    ganda 100

    14/07

      0
  • avatar
    Reynold Villalva Mantes

    nice story❤️

    04/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru