logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 4

Nakatayo lamang ako sa balkonahe ng ikalawang palapag, nilalasap ko ang malamig na hangin na umiihip sa paligid. “Ma’am Eliza, pinapatawag na po kayo ng Tito Felix ninyo, kakain na po ng tanghalian” Hinarap ko ang nagsalita. Malamang ay katulong siya dito sa mansion dahil sa pananamit niya, pero ngayon ko lamang din naman siya nakita.
“Sige, Salamat” Tugon ko. Hinintay ko muna na mauna siyang umalis bago ako sumunod patungo sa dining area. Natigilan ako nang mahagip ng paningin ko si Lyden na kasalo din pala sa pagkain ng tanghalian. ‘Oh shucks! Dito nga pala siya titira sa mansion, so malamang ay kasama namin siyang kakain huhu’ Naalala ko na naman yung nangyari kanina, hindi pa rin nawawala yung mataas na embarrassment level ko sa katawan.
Balak ko sanang tumakas at huwag na lang muna sumabay sa kanila sa pagkain ngunit ng akmang tatalikod pa lamang ako ay narinig ko ang pagtawag sa akin ng epal kong pinsan. Bakit ngayon pa Lanie? Shucks! Paano na?
“Oh Eliza hija, pumarito ka na at nang makapagsimula na tayong kumain” Rinig kong sabi ni Tito Felix. Hindi pa pala sila nag-uumpisang kumain dahil hinihintay nila ako. Na-guilty tuloy ako dahil parang feeling ko ay pa-importante ako.
Dahan-dahan akong humarap sa gawi nila saka naglakad patungo sa bakanteng upuan sa tabi ni Lanie. Nang maupo ako ay doon ko lamang natanto na katapat ko lamang pala si ‘talking kabute’ OMG! This is so AWKWARD to the maxxx!
Natapos ang kainan ng hindi man lang ako tumitingin sa gawi ni Lyden, nakakahiya naman kasi. Masyado ba akong praning? Oy hindi, masyado lang talaga akong pa-dalagang pilipina yeah. HAHA.
After lunch ay nagtungo ako sa farm para mamasyal at para naman madaling madigest yung mga kinain ko. Halos wala akong makitang manggagawa ngayon, siguro ay mga nagpapahinga o kumakain pa lang ng tanghalian. Nagpunta ako sa taniman ng mga mais. Grabe, para akong pumasok sa isang maze.
Para kasi talagang maze yung style ng taniman, hindi yung basta magkakatabi, merong mga daan na pwede mong pasukan. Basta nga, iimagine niyo na lang yung maze na gawa sa mais plant. Hangang-hanga ako sa ganda ng pagkakagawa nila sa taniman, at syempre sa taas ng quality ng mais nila.
Pero teka! Nasaan na ba ako?
Oh noes! Sa sobrang katangahan ko ay nalimutan ko na kung gaano kalawak ang corn farm…at kung paano ako makakalabas dito! Syete! Nagpatuloy ako sa paglalakad, puro mais ang sumasalubong sa akin sa bawat path na tinatahak ko. Ano ba yan? Masyado na bang naapektuhan ang utak ko dahil lang sa heartbreak?
Huuu! So paano nga ba ako lalabas? Gosh! Sa oras na makalabas ako dito, magsusulat na talaga ako ng novel. ‘The Girl Lost in the Corn Field’ ang ilalagay kong title, Letchugas!
“Ms. Masungit?” Napalingon ako sa nagsalita.
“Talking Kabute?---este Lyden? A-anong ginagawa mo dito?” Naliligaw din ba siya?
“Sinundan kita…Nafeel ko kasi na maliligaw ka” Napataas ang kilay ko. Hah! Nafeel? Ano siya, manghuhula?
“Hah! Sinong may sabi sayo na naliligaw ako? Namamasyal kaya ako” Dipensa ko at tinalikuran na siya. Akala mo naman kung sinong magaling. If I know, naliligaw din siya tulad ko, bagong salta din naman siya dito sa Hacienda nuh?
“Kung gayon ay sasamahan na lamang kita” Naramdaman kong tumabi siya sa akin at sumabay sa paglalakad. Shucks! E di mas maliligaw lang kami kung sa akin siya sasama. Naman! Bi-bingo na yata ako sa kahihiyan sa kanya huhu.
“Huwag ka nga sumabay sa akin, gusto kong mapag-isa” Pagsisinungaling ko kahit pa ang totoo ay ayaw kong maiwan. Ayaw kong maiwan at maligaw mag-isa, gusto ko ng kasama.
“Sa ayaw at sa gusto mo ay sasamahan kita” Mariin kong naipikit ang mga mata ko, saka muling nagmulat. Gosh! Hindi nga kasi pwede dahil maliligaw kami lalo. E paano ko naman kasi sasabihin sa kanya kung hindi pa nga ako nakakaahon sa unang kahihiyan na nagawa ko?
“Hindi nga pwede” Hinarap ko siya. Mas lalo akong nilalamon ng kahihiyan ngayon habang nakikita ko siyang nakangiti sa akin. What’s with that smile? Urgeee!
“At bakit naman hindi?”
“Kasi nga…” Pinagpapawisan ang palad ko.
“Kasi ano?” Tila hindi siya makapaghintay sa isasagot ko.
“Kasi…” I shut my eyes again “Naliligaw ako” Ayaw ko makita ang reaksiyon niya…Ayaw ko… Ngunit hindi ko pa rin nagawang labanan ang kyuryosidad ko. Sinilip ko ang mukha niya at tuluyan akong napamulat nang mapansing walang pinagbago sa hitsura niya, ganun pa din ang ngiti na nakaukit sa kanyang labi. Wala ba siyang balak na asarin ako? O di kaya ay pagtawanan ako? Kasi feeling ko ay nagmumukha na akong engot ngayon.
“Di bale…sabay na lang tayong maligaw dito” Saad niya at hinawakan ang kamay ko.---Oopss! Anong ginagawa niya? Balak ko pa sanang umangal pero hindi ko na nagawa dahil hinila na niya ako at sabay kaming napatakbo patungo sa kung saan, hinahanap ang daan palabas sa nakakaligaw na pook na iyon.
“We did it!” Pinagmamasdan ko lang siya na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha dahil sa labis na tuwa. Para siyang nanalo sa ‘World Cup’ gayong ang na-achieve niya lang naman ay ang mailabas kami sa mala-maze na corn field. “Hey Ms. Masungit…Hindi ka ba natutuwa?” Nagthumbs-up lang ako sa kanya bilang pag-support sa kasiyahan niya.
Tinitigan ko ang mukha niya. Kulay tsokolate ang kanyang mata, matangos ang kanyang ilong, manipis ang kanyang labi at medyo pinkish din. Maputi ang kulay ng kanyang balat ngunit sa tingin ko ay mas maputi pa rin si Mr. Engkanto. Kulay itim naman ang buhok niya na ngayon ay medyo magulo at nasasabitan pa ng ilang dahon. Habulin siguro siya ng mga babae.
“M-may dumi ba sa mukha ko?” Bigla kong naalala si Isagani dahil sa tanong niyang iyon sa akin. Hindi ko namalayang napangiti na pala ako.
“Wala naman, pero sa buhok ay meron” Tugon ko. Agad naman niyang sinuklay ang buhok gamit ang daliri upang matanggal ang mga dahon, ngunit hindi pa rin yun tuluyang naalis lahat.
“Hayst, ako na nga” Saad ko at iniangat ang isang kamay ko. Isa-isa kong tinanggal ang mga dahon na nakasabit sa kanyang buhok. “Ayan, malinis na” Sinulyapan ko siya. Natigilan ako nang makita siyang nakatitig sa akin, nakakailang. Ako ang naunang nag-iwas ng tingin.
“Salamat” - siya
“Thank You”- ako
Sabay kaming napatingin sa isa’t-isa, pagkatapos ay sabay din kaming natawa. Pakiramdam ko ay medyo naluwagan ang kadenang pumipigil sa akin para sungitan ang lalaking kaharap ko ngayon.
“Hoy saan kayo nanggaling ni Lyden? Bakit sabay kayong umuwi kanina?” Naroon ang panunudyo sa tono ng pananalita ni Lanie. Shucks! Bakit nga ba hindi ko naisipan na kapag magkasabay kaming umuwi ni Lyden ay tiyak na bubusugin na naman ako ni Lanie sa mga pang-aasar niya?
“Wala yun, nagkataon lang siguro” I lied. Ayaw ko namang ma-issue, nakakahiya lalo na kay Lyden.

“Hmm? Ganun ba? Akala ko pa naman may something na kayong dalawa” Magkasabay lang umuwi, may something na agad? Ang issue mo cous’ ah.
“Anyway, nasabi sa akin ni Mang Anton na hindi lang daw dito sa loob ng hacienda ka namamasyal? Lumalabas ka rin daw” Napaisip naman ako, sino yung subunggero na yun? Ipapatokhang ko e.
“Sinong Mang Anton?” Tanong ko sa kanya.
“Yung Gate Guard namin dito sa Hacienda” Ah, yung si Manong na may lahing tarsier. “Saan ka naman nagpupunta kapag lumalabas ka ng Hacienda?”
“Diyan lang sa may palayan, nagba-bike” Napaawang naman ang bibig niya.
“Nagba-bike? Gosh Eliza! Napakalaki ng espasyo sa loob ng Hacienda, dun ka pa talaga dumadayo” Napairap naman ako sa hangin. Duh! E ano naman ngayon? This is a free country kaya pwede kong gawin kung ano ang gusto ko tsk.
“Mas gusto ko dun, mas tahimik at payapa” Pagdadahilan ko. She let out a big sigh. Napahawak pa siya sa kanyang sentido at tila ba isang ina na nahihirapan magdesisyon para sa kanyang anak. Like eww! Hindi ko bet na maging nanay ko siya.
Maya-maya ay umalis na rin siya dahil ipinatawag siya ni Tita Verone, tutungo sila sa palengke. Gusto ko sanang sumama para makita ko kung anong klase ba ang palengkeng meron sila dito sa probinsya pero naisipan kong sa susunod na lang dahil balak kong bumalik sa burol upang tignan kung nandoon ba ulit si Isagani.
Nang marinig ko ang tunog ng papalayong sasakyan ay agad akong pumanhik sa kusina para kumuha ng mga prutas na pwede kong ibigay kay Isagani, syempre offering yun para maging official frennies na kami HAHA.
Isinilid ko sa plastic bag ang dalawang piraso ng saging, may apples, ubas, at peras. Sana lang ay matuwa siya sa mga ito at ng makumbinsi ko na siya na magshare sa akin ng infos. Hindi ko naman talaga balak ichismis yun e, gusto ko lang talaga makarinig ng mga exciting na kwento.
“Para kanino yan?” Napaigtad ako dahil sa gulat. Punyeta! May lahi yata talagang kabute itong si Lyden. Gosh! Kung may sakit siguro ako sa puso ay malamang dead on the spot na ako.
“Para sa akin, bakit? May angal ka?” Masungit kong saad at binuhol na ang plastic bag.
“Ah, ang dami naman yata. Hindi ka pa ba nabubusog dun sa kinain nating lunch kanina?” Aba! Parang sinabi niya lang na ‘Hoy hindi na bulate yang nasa tiyan mo, anaconda na’
“Hindi, kaya wag ka na magtanong” Saad ko at nilagpasan siya, hindi naman sa ayaw ko siyang kausapin, nahihiya pa rin kasi ako sa kanya at isa pa, kailangan ko pang puntahan si Isagani.
“Bye Eliza!” Narinig kong tawag niya sa pangalan ko.
Nilingon ko siya at nakita ko na naman ang ngiti niya na tila ba nakadrawing at hindi mabura-bura.
Gosh! What’s his deal?

Komentar Buku (33)

  • avatar
    Chelle Desphy

    good

    26/07

      0
  • avatar
    Hydhn Rb

    ayus

    18/07

      0
  • avatar
    BolanoJonel

    Ang ganda ng kuwento nakakatakot

    29/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru