logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 3

“Hija, ano ba kasing nangyari kahapon? Ano yung mga pinagsasasabi ni Manang na nagbabasag ka ng mga plato saka kinakausap mo daw ang sarili mo?” Kailangan ko makaisip ng palusot, hindi ko naman pwedeng sabihin na nakakita ako ng engkanto di ba? Pero pwede rin naman kasi naniniwala naman sila sa ganun, pero tingin ko talaga ay hindi pwede.
“Uh—kasi po Tita. Nag…Nagpapractice lang naman po ako ng pag-acting…Uhm---tinatry ko po kasi yung acting skills ko dahil naalala ko noong nasa college pa ako, member ako ng drama club” Please bumenta ka naman oh.
“Oh is that so? E sana naman hija ay hindi ka na nagbasag pa ng mga plato, sayang tuloy” Napayuko ako, e kasi naman, naimbyerna talaga ako dun sa engkanto na yun.
“Sorry po Tita, hindi na po mauulit”
“Hay sige na hija, ayos na yun, basta wag ka na lang masyadong magpapadala sa pag-aacting mo sa susunod” Napatango-tango naman ako.
“Uh Tita?” Nag- angat ako ng mukha saka siya tinignan.
“Yes hija? Ano iyon?” Gusto ko kasing abalahin ang sarili ko habang nandito ako sa probinsya, gusto kong makita ulit si Mr. Engkanto. Ang cool pala na maranasan mong makausap ang isang kakaibang nilalang. Pero ang layo naman kasi masyado nung burol, ang laki-laki kaya ng hacienda. Kaya naman may naisip akong paraan para hindi na ako masyadong mahirapan kapag gusto kong puntahan si Mr. Engkanto.
“May bike po ba kayo dito sa Hacienda na pwede kong gamitin?” Napangiti naman ng todo si Tita Verone, mukhang umaayon sa akin ang tadhana ah.
“Actually, may binili kaming bike para kay Lanie nung nakaraang buwan. Hindi naman niya ginagamit kasi nga hindi daw siya marunong. Kaya kung gusto mong gamitin, feel free to do so” Ewan ko ba pero parang nakaramdam ako ng sobrang tuwa. Bakit parang ang saya ng pakiramdam ko kapag iniisip ko na pupuntahan ko yung Engkanto na yun?
“Thank You Tita” Pasalamat ko sa kanya saka nagpaalam na babalik na muna ako sa kwarto ko para mag-ayos.
Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko habang nakaharap ako sa salamin. Nakasuot ako ng puting shorts at isang plain black shirt. Ready for biking!
“Hey cous’ san ang punta?” Narinig kong sigaw ni Lanie mula sa entrance door ng mansion.
“Magba-bike lang!” Sigaw ko pabalik at sinimulan na ang pagpedal sa bike. Ang sarap langhapin ng sariwang hangin na dumadampi sa aking balat. Eto pala ang feeling ng nakatira ka sa probinsya, sariwa ang hangin at maganda ang tanawin, hindi tulad sa Maynila na polluted na ang hangin at puro matataas na gusali pa ang makikita.
Nang marating ko ang kaduluhan ng hacienda, sa gate, ay tinawag kong muli ang tagapamahala nun.
“Manong, pakibukas!” Lumapit ito sa akin.
“Naku Ma’am, hindi po pwede. Baka kung anong mangyari sa inyo diyan, tulad nung kahapon na tumatakbo ka ng mabilis at halatang takot na takot” Oh snap!
“Ah yun po ba? E hinabol ako ng aso, may trauma pa naman ako sa ganun kaya sobrang natakot talaga ako. Pero ngayon ay nakabike naman na ako kaya hindi na ako mahahabol nun” Pagyayabang ko pa. Mukha namang nakumbinsi ko siya dahil napatango-tango siya. Ganun ba ako kagaling magsinungaling? Nagmimistulang expert ako e.
“Sige po, basta wag niyo ipapahamak ang sarili niyo diyan ha, ako ang malalagot sa mga Villaruel.” Nag-okay sign lang ako kay Manong. Ako pa ba? Wala akong kinatatakutan---Oooppsss! Nagulat lang ako kahapon. Nagulat lang ako kay Mr. Engkanto, hindi ako natakot ah.
Nang mabuksan ang gate ay lumabas na agad ako, baka magbago pa ang isip nito ni Manong e. “Excuse me Miss? Dito ba ang Hacienda Villaruel?” Napatingin ako sa nagsalita.
~ Alam mo ba na may gusto akong sabihin sayo
Magmula ng makita kita’y naakit ako~
Syete! Anong kabaliwan na naman ito Eliza?
“U-uh yes, eto nga…” Gosh! Pakiramdam ko ay bigla akong sinakal ng maluwag letchugas! Kasi naman, lalabas ka lang ng gate ng hacienda, makakakita ka na agad ng gwapo at matangkad na nilalang. Teka! Tao ba ito? Baka isa din itong engkanto na nagkukunwaring tao e.
“Bakit? Sino ka at anong kailangan mo dito sa Hacienda Villaruel?” Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa, mukha naman siyang disente sa paningin ko---Pero teka! Looks can be deceiving nuh? Lalo na ang tulad niya na nag-ooverflow sa kagwapuhan brr~
“Nanggaling ka ba dun sa...” Napanguso ako at itinuro ang burol sa gitna ng palayan. “Dun...galing ka ba dun?” Napakunot naman ang kilay niya saka sinundan ng tingin ang itinuturo ko.
“Seriously?” Natatawang ibinalik niya sa akin ang paningin “Hindi pa ako nababaliw para pumunta sa lugar na yun.” Napataas ang isang kilay ko.
“So nababaliw na pala ako kase dun ang punta ko ngayon?” Okay fine, nawala na ang namumuong pag-asa na magkacrush ako sa kanya. Sayang, gwapo pa naman sana tss.
“No, I mean---Bakit ka naman pupunta dun?” In-erapan ko siya. “Hindi kita kilala, don’t talk to me” Mataray kong saad at pinedalan na muli ang bike. Mabilis kong narating ang burol, hindi ko na dinala paakyat yung bike, kahaggard kaya.
“Mr. Engkanto?” Naglakad ako paikot sa puno
“Yohooo! Mr. Engkanto?” Tumingala din ako sa itaas ng puno, nagbabakasakali na nagmimistulang tarzan na naman siya dun. “Hellooo! Nandito ka pa ba?” Tawag kong muli. Alam kong nagmumukha na akong baliw pero so what? Worth it naman siguro pag nakita ko na ulit ang weird at peculiar creature na yun. In short? Si MR. ENGKANTO.
“Binibini?” Nakaramdam ako ng tuwa nang marinig ko ang tinig niyang iyon. Yes! Dumating siya hehe!--- Srsly? Hehe? Hinarap ko siya pero mukhang wrong move yata dahil sobrang lapit niya pala sa akin. Konting lapit pa at for sure na mahahalikan ko siya, at ayoko namang mangyari yun. Meeting an Engkanto is amazing… But kissing one? I don’t think so.
“L-lumayo ka nga” Utos ko, nakakailang. Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng isang sulok ng labi niya.
“Bakit ko naman susundin ang utos mo?” Nang-aasar na naman siya. Required ba talaga sa kanya na asarin ako. Buset! At dahil nahihimigan ko na hindi niya ako susundin, ako na mismo ang lumayo sa kanya.
“Anong ginagawa dito ng Binibining kahapon lang ay tinatakbuhan ako?” Napasinghap naman ako.
“Bakit? Masama bang bumalik ako dito?” Mataray kong tanong sa kanya. Akala mo naman sa kanya itong lupang tinatapakan namin ngayon psh! He chuckled. Tuwang-tuwa ba siyang inaasar ako?
“Masama, lalo na at iniistorbo mo ang Engkanto na nagpapahinga sana ngayon” Napaatras ako nang humakbang siya papalapit sa akin. Saan naman niya balak magpahinga, sa sanga ng puno? E mangangalay lang din naman siya dun.
“K-kung ayaw mo ako dito, e di wag…Aalis na lang ako tss” Tinalikuran ko siya pero naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako. “Sandali, hindi ka maaaring lumisan agad…” Napangiti ako ng bahagya saka ko siya muling hinarap.
“At bakit naman hindi? Akala ko ba ay magpapahinga ang Ginoong Engkanto?” Banat ko at tinaasan pa siya ng kilay. I saw him snickered.
“Paumanhin Binibini, ngunit tama ba ang narinig ko? Tinawag mo akong Ginoo?” Naestatwa ako ng bahagya nang mapagmasdan ko ang ngiti niya, ngayon ko lang ito nakitang ngumiti ng ganito.
Napadako ang tingin ko sa kabuohan ng kanyang mukha. Matangos ang kanyang ilong, manipis at mapula ang kanyang labi, ang kanyang mata ay kasing-kulay ng abo na bahagya pang natatabunan ng medyo magulo at kulay tsokolate niyang buhok. Mahahaba at malalantik rin ang kanyang pilik-mata, pati ang kakinisan ng maputi niyang kutis ay halatang-halata rin. OMG! Bakit ngayon ko lang narealize na napakagwapo pala ng Engkantong ito?---Duh! E ano naman ngayon kung gwapo siya?
“B-binibini?” Ilang beses akong napakurap, kanina ko pa yata siya tinititigan at mukhang naiilang na siya dahil sa ginagawa ko. Gosh! Nakakahiya ako!
“May dumi ba sa aking mukha?” Napaiwas ako ng tingin. Nagmumukha na yata akong engot na nakatitig lang sa kanya. Hindi sinasadya na nahagip ng aking paningin ang kamay ko na hanggang ngayon ay hawak niya pa rin pala. Marahan ko iyong binawi mula sa kanya.
“W-wala naman…N-nagtry lang ako kung magaling ka ba sa staring contest” Saad ko.
“estering kontes? Ano iyon, Binibini?” Syeettt! Hindi nga pala siya nakakaintindi ng English. Pero hindi ko rin naman alam kung paano ko ieexplain sa kanya kung ano ang staring contest.
“A-ano, wag mo na lang itanong” Tugon ko saka ako naglakad pabalik sa may puno ng Narra. Naupo ako sa damuhan habang nakasilong sa lilim nito.
May something talaga sa lugar na ito…Parang…Parang pinapakalma ako…Parang pinapayapa ang damdamin ko. Ipinikit ko ang aking mga mata upang mas lalo pang damhin ang kapayapaan.
Naramdaman ko na umupo siya sa tabi ko. “Noong unang pagkakataon na nasilayan kita dito, lumuluha ka” Nanatili akong nakapikit at pinilit na huwag na lamang pansinin ang mga sinabi niya. Nagtatry akong magrelax ng mind dito e ipapaalala na naman niya sa akin yung kasaklapan ko, letse.
“Naiidlip ka na naman ba? Nakakamangha…Naiidlip ka ng nakaupo…” Gusto kong matawa sa narinig mula sa kanya. Sa lugar ba nila, kapag nakapikit ay natutulog na agad? Ang cheap ha. ---Speaking of, naaalala ko yung sinabi niya kahapon.
Iminulat ko ang mga mata ko saka siya sinulyapan
“Yung sinabi mo kahapon bago ka umalis, kaharian. May kaharian ba kayong mga Engkanto?” Napangiti siya ng bahagya. Argh! Wag nga siya ngumiti sa akin, naaalala ko lang kung paano ngumiti si Carl noon sa akin.---Enough already, Eliza! Wag na ipasok si Carl sa usapan, grr!
“Oo, may kaharian kami…” Ibinaling niya ang paningin sa aming harapan kung saan makikita ang malawak na palayan. “Isang napakalawak na kaharian na pinananahanan ng iba’t-ibang mahiwagang nilalang” Iginalaw niya ang kamay sa ere at tila ba isinasabuhay ang deskripsyon niya kung gaano ba kalawak ang tinutukoy niyang kaharian.
“Mga nilalang? Tulad ng ano?” Ipinatong niya ang braso sa kanyang tuhod saka bahagyang tumingala sa kalangitan. “Mahirap isa-isahin Binibini” Ano ba yan? Magshe-share na nga lang, hindi pa lubos-lubusin.
“Pero teka nga, kung malawak naman pala ang kaharian niyo, e bakit nandito ka? Bakit nandito ka sa mundo ng mga tao?” Pinagmamasdan ko lang siya, hindi ko maintindihan kung bakit tila hindi ko maialis ang titig sa kanya. Parang nakakatuwa siyang pagmasdan, siguro ay na-aamaze lang ako sa ideya na nakakilala ako ng isang Engkanto na noon ay hindi ko pinaniniwalaang nag-eexist pala sa ating mundo. Pero heto ako ngayon, kausap at taimtim na pinagmamasdan siya. Nakakamangha lang talaga, akala ko ay kakaiba ang hitsura ng mga engkanto. Akala ko ay nakakatakot ang wangis nila, yun bang may kulay pulang mata, matutulis na kuko at matatalim na ngipin---Pero hindi pala, dahil ang nakikita ko ngayon ay isang gwapong engkanto na kung isa lamang sanang tao ay paniguradong isa na sa pinakasikat na artista sa industriya.
Nakita ko kung paano siya napabuntong-hininga, tila lumungkot din ang hitsura niya.
“Bakit?” Tanong ko. Napatungo siya at nagawa pang paglaruan ang mga damo gamit ang kanyang kamay. May nasabi ba akong mali?
“Sapagkat mas nanaisin ko pa na palaging gawin ito. Mas nanaisin kong araw-araw na bumalik dito, at kung maaari pa nga ay nais ko na lang din na manatili dito” Sandaling napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin.
“Bakit naman? Pangit ba sa mundo mo? Nakakatakot ba ang paligid? Madilim at matamlay?” Naalala ko kasi yung mga pa-effect sa mga napapanood kong Movie kapag nasasakop ng masasama yung isang world ng fantasy.
“Masigla at maganda ang kinagisnan kong mundo, ngunit hindi ang tradisyon ng aking pamilya”
“Bakit? Ano bang tradisyon yan?” Nacucurious talaga ako dahil sa mga pabitin-effect niya. Humarap siya sa akin saka ako tinignan ng diretso sa mata. Ang mga mata niya, those astonishing ash-colored eyes of him reminds me of something. Ang gandang taglay nito, ipinapaalala sa akin ang kasiyahanang tinatamasa ko noon. Pero paano nito nagagawa iyon sa akin?
“Hindi ko maaaring sabihin sa iyo” Napakunot ang kilay ko. Wow lang ha, napakadamot niya sa info. Iniisip niya ba na baka ichismis ko kung ano man ang malaman ko mula sa kanya? No ah! Hindi kaya ako tsismosa---minsan lang…
“Bakit naman hindi e kahapon pa kaya kita sinimulang kausapin?” Ipaglalaban ko talaga yung katotohanan na siya yung unang nagpaka-FC sa aming dalawa. Siya yung FC kahapon tapos ako pa ang magdadamutan niya ng infos. No effin way na papayag ako hmp!
“Sapagkat hindi pa kita kilala ng lubusan” Tss, yun lang pala. E di bibigyan ko siya ng brief introduction about myself. Oh yeah! Napakatalino ko talaga bruhhh.
“Hi, ako si Cybelle Eliza Marticiao, Eliza na lang. I’m dalawampu’t limang taong gulang. Nakapagtapos ako ng kolehiyo sa kursong BUSSINESS MANAGEMENT” Hindi ko naman alam kung paano tatagalugin yun. “Nagmula ako sa Maynila” Pakilala ko sa kanya saka inilahad ang aking palad sa harapan niya.
“Eliza?” Napatango-tango siya saka pinagpagan ang kamay niya na kanina lang ay pinanglalaro sa damo. Napahiyang binawi ko ang nakalahad kong palad, hindi man lang yata siya marunong ng handshake tsk.
“Oh? Okay na? Magkukwento ka na sa akin?” Napailing-iling siya. Ay? Ayaw pa din? Tumayo siya saka ako sinulyapan.
“Paumanhin Binibini, kailangan ko na umalis” Tumayo na rin ako at pinagpagan ang sarili. Akmang tatalikod na siya nang magsalita ako, dahilan para mapahinto siya at muli akong lingunin. Unfair siya e.
“Sandali lang, hindi ko pa alam kung ano ang pangalan mo”
“Isagani…Isagani ang aking ngalan” Nakangiti niyang pakilala.
“Isagani” Pag-uulit ko sa sinabi niya. Marahang umihip ang hangin sa paligid, isinasayaw ang mga dahon at halaman. Sa pagkakataong ito, nagawang umukit ng ngiti sa aking labi ng hindi ko man lang namamalayan. “Sa susunod ulit” Ngumiti lamang siya sa akin bago siya tuluyang naglaho sa harapan ko.
“Lanie naman, saan ba tayo pupunta?” Kanina niya pa ako hila-hila, hindi ko alam kung saang lupalop niya ba ako dadalhin. Gusto ko pa naman sana magpahinga dahil napagod rin naman ako sa pagpepedal sa bike kaso heto nga ang problema ko, ayaw magpapigil ni Lanie. Mukhang napakaimportante sa kanya ng kung ano man yung gusto niyang ipakita sa akin.
“Nandito na tayo” Nagtataka ako kung bakit pabulong lang ang pagkakasabi niya nun sa akin. Inilibot ko ang paningin sa paligid at doon ko napagtanto na nasa parte kami ng hacienda kung saan naririto ang taniman ng kape.
“Oh e anong----” Tinakpan niya ang bibig ko. Ano ba yan? Para siyang napapraning na ewan.
“Hinaan mo lang ang boses mo, baka marinig nila tayo” Napakunot ang kilay ko saka inalis ang kamay niyang tumatabon sa bibig ko.
“Ano bang----aray ko!” Reklamo ko nang kurutin niya ako sa tagiliran. Para siyang amazona, so harsh!
“Hinaan mo lang kasi yang boses mo”
“E bakit ba kasi? Anong issue mo?” This time ay hininaan ko na ang boses ko dahil ayoko na makatikim pa muli ng kurot mula sa kanya, ang tulis pa naman ng kuko niya. Wala yata siyang knowledge about sa nail-cutter.
Itinuro niya ang bandang likuran ko gamit ang nguso niya. Ano bang trip niya sa buhay? Nilingon ko kung saan ang itinuturo niya.---OMG! Yun yung lalaki na nakasalubong ko kanina sa may gate…
Nandito siya? Pero anong ginagawa niya dito?
“Ang gwapo niya di ba?” Rinig kong tanong ni Lanie sa akin. Sang-ayon naman ako pero…I lost my interest nang makausap ko na siya tss. Baliw? Hah!
If I know, member lang talaga siya ng duwag society kaya sinabi niya yun. Takot lang siguro siya na lumapit dun sa puno dahil paniwalang-paniwala siya sa mga tsismis na kumakalat…which is totoo naman pero, hindi naman nananakit si Isagani ah?
‘Isagani’ Para akong kiniliti nang mag-echo sa utak ko ang pangalan niya. WHAT THE HECK ELIZA?!
“Hindi ka ba nagagwapuhan sa kanya?” Nabalik ako sa wisyo nang muling magsalita si Lanie.
“Ah-eh, g-gwapo naman siya” Sinundot niya ang tagiliran ko kaya naman gulat na napatingin ako sa kanya. Isang nakakalokong ngiti ang nakapaskil sa kanyang mukha, pati ang tingin niya ay may halong panunukso. “Hoy, mali yang iniisip mo ah” Inunahan ko na siya.
“Bakit? Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?” Mapang-asar niyang sabi.
Balak ko pa sanang ipaliwanag sa kanya kung ano man ang mali sa iniisip niya pero hindi ko na nagawa, may kabuteng sumulpot sa kung saan at bigla na lang nakisawsaw sa usapan. “Ms. Masungit?” Ako ba ang kinakausap niya o si Lanie?
Hinarap ko ang ‘talking kabute’. Nanlaki ang mata ko nang bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng lalaking nakasungitan ko kanina sa may gate. You know? Yung muntik ko na sanang maging crush, kaso inispoil niya ako sa kaduwagan niya brrr~
“Magkakilala na kayo?” Napatingin ako kay Lanie na ngayon ay halos mapunit na ang mukha kakangiti. Halata sa hitsura niya na kinikilig siya sa nasasaksihan, kabaligtaran ko na ngayon ay unti-unting nabubuhayan ng kasungitan sa katawan.
“Not really, nakasalubong ko lang siya sa gate kanina” Si ‘talking kabute’ ang sumagot. Buti naman at alam niya na ‘strangers’ pa din kami. Hindi naman porket nakapag-usap ng kaunti ay kilala na agad---Parang sa akin din bumalik kung anuman ang nasabi ko sa aking isip.
“Ow? E di mag-introduce kayo sa isa’t-isa” Lihim akong napairap. Bakit kailangang makipagkilala pa ako sa lalaking yan? Wala naman yata akong mapapala sa kanya tss.
“Hi, I’m Lydenthur, Lyden na lang” Honestly, bagay naman sa kanya yung pangalan niya…but the hell would I care?
I faked a smile and face him “Hi, I’m not interested” Saad ko at hinila na si Lanie papalayo sa kanya. Shucks! Ang harsh ko ba? Well, eto na kasi ang Eliza na produkto ng kasawian.
“Not interested is such a long name! I prefer calling you Ms. Masungit!” Narinig ko pang sigaw niya ngunit hindi na ako nag-aksaya ng panahon para lingunin siya. Ms. Masungit? Ang lakas maka-feeling close ah.
“Gosh! Ang harsh mo sa kanya ghurl” Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong napairap. E sa hindi naman na ako interesado na makilala pa yung lalaki na yun. Si Lanie lang ang makulit na gorabels masyado sa meet ang greet namin ni ‘Talking Kabute’.
“E bakit kasi hindi na lang ikaw ang makipagkilala sa kanya? Ako pa yung pinagtutulakan mo e alam mo namang hindi pa ako nakaka-move on sa…sa alam mo na” Napapasimangot na lang ako.
“Paano ka nga makakamove-on kung ayaw mo naman humanap ng bagong pagkakaabalahan? Nandun na kanina, mukhang type ka din nun ni pogi” Type? Mukha ba akong keyboard? Pero duh! May pinagkakaabalahan kaya ako, may kinakaibigan akong Engkanto nu?
“Hindi ko na kailangan nun, may pinagkakaabalahan na ako” Napangiwi siya saka ako tinignan na tila ba kinikilatis kung nagsasabi ako ng totoo.
“Tulad ng ano? Yung magkulong sa kwarto at makinig sa sad music?” May amnesia ba siya?
“Hello? Lumalabas na kaya ako ng mansion. Busy ako mamasyal at mag-bike”
‘At busy rin ako makipag make-friends sa Engkanto WHAHAHAHA!’
“Hayst ewan ko nga sayo…”
“Pero teka nga, sino ba yung lalaking yun? Bakit nandito siya sa loob ng hacienda?” Sa palagay ko kasi ay hindi naman trabahador sa Hacienda yung lalaki dahil sa porma nito.
“Business Partner nila Dad ang family nila. Dito sila kumukuha ng supply ng kape, coconuts at pinya para gawing ibang produkto” Napatango-tango naman ako. Pero ang layo ng sagot niya sa gusto kong marinig. So what kung business partner nila Tito ang magulang ni ‘talking kabute’? Anong ginagawa ng lalaking yun dito?
“If you’re wondering kung bakit nandito si Lyden, dito muna siya mag-istay sa Hacienda dahil siya ang magmamanage sa paghaharvest ng kape this year” Napa-what-are-you-saying look ako sa kanya.
“I’m saying na dito muna siya mananatili sa mansion hanggat hindi pa dumadating ang Harvesting Month” OMG! Really? That is so…uninteresting… Psh!
“Okay, whatever. Hindi naman ako interesado sa kanya” Tumayo ako at nag unat-unat ng mga braso. Ughzz! Ang ngalay naman sa katawan ng walang gaanong ginagawa hayst. Nagbend pa ako ng kaunti at iginalaw-galaw ang baywang ko.
“You’re so mortifying” Rinig kong bulong ni Lanie. Huh? Nag-uunat lang ng braso, mortifying na agad? Ang harsh ni pinsan. “Anong mortifying ang pinagsasasabi mo diyan e---” OH.MY.GOD! This is so embarrassing! Napatingin ako sa may entrance door kung saan nakatayo si Lyden habang nakatingin sa akin, bahagya pang nakaawang ang bibig niya. Nakita niya ba ako? Oh noes!
Para akong robot na tumalikod at naglakad paalis sa lugar na iyon. Nakakahiya ako! Shucks! E malay ko ba naman na nandoon yung lalaking yun. Nasa farm lang naman siya kanina di ba? Malay ko ba na papasok siya sa mansion—Err! Nakakainis talaga!

Komentar Buku (33)

  • avatar
    Chelle Desphy

    good

    26/07

      0
  • avatar
    Hydhn Rb

    ayus

    18/07

      0
  • avatar
    BolanoJonel

    Ang ganda ng kuwento nakakatakot

    29/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru