logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Mission 5: Reintroduction (ii)

"Huh? Nagbibiro ka ba? That's not Crimson. That's obviously Azure!" Ani niya na para bang nakarinig siya ng masamang biro. Halos magsalubong yung kilay niya sa gitna na nagpakunot sa noo niya. "I know you're hurting because of what happened to Crimson but... Kai-kai, stop fooling yourself."
Di ko mapigilang magtaka at mapatanong sa sarili. Nasaktan si Kaizer dahil sa kung ano man ang nangyari sa akin noon? Anong ibig sabihin nun? Pero kahit hindi ko alam kung ano yung mga pinagsasabi nila, mas mabuting malinis na yung miunderstanding dito. Na ako naman talaga si Crimson at hindi si Azure.
"Um... Crimson po talaga yung pangalan ko." Di na ako nakapagpigil at nagsalita na ako para sa sarili ko.
Since kilala nila ako at itong taong nagngangalang Azure, at napagkakamalan lagi akong si Azure, ibig bang sabihin nun, mas kamukha ko si Azure kaysa sa sarili ko? Ay, ewan ko ba. Naguguluhan na talaga ako. Bakit parang may nakalimutan akong bagay na napakaimportante? At medyo naiinis na ako kasi di ko maalala yung importanteng detalyeng 'yon.
"..." Natahimik sandali si Tita Penelope pagkarinig niya sa sinabi ko. Parang may malalim siyang iniisip habang nakatitig sa akin. Medyo naiilang na nga ako kasi matagal-tagal rin siyang ganun. Sunod ko nalang namalayan na nagsasalita na siya. "Nasan ba nanay mo? Gusto ko siya makausap."
"I'll say it again, tita. Let me explain everything from the beginning. Darating din ta----"
This time, ako na yung pumutol sa sasabihin ni Kaizer. Parang di naman kasi uubra kung iko-chronological order niya pa. Lagi kasi siyang nasasapawan. Mabuti na yung diretsohan na. "May pinuntahan po yung nanay ko at apat na araw na po siyang di umuuwi."
"Apat na araw na hindi siya umuuwi? Wait, wait... Dark is missing for a month. And now, Ice is gone for four days. Don't tell me she---" Unti-unting nanlaki yung mga mata niya nung may bigla siyang narealize. "Oh, shoot! Hindi ko gusto yung naiisip ko. Emery, 'wag mong dagdagan yung trabaho ko!"
Walang ano-ano'y humarap ulit siya sa monitor ng computer niya at mabilisang nagpipipindot sa keyboard at mouse yung mga daliri niya na para bang may mire-research siyang importante at hindi dapat madelay.
Mababakat sa mukha ng nakakatanda ang pagkabahala, at para bang nag-aalala siya sa kalagayan ng mama ko. Dahil aligaga siya, di ko maiwasng mag-alala na rin para kay mama. Diba sabi niya, may pupuntahan lang siya? Bakit di mapalagay si Tita Penelope?
Fifteen Minutes Later...
bang!
Parang nakawala yung mga kaluluwa namin mula sa mga katawan namin nang bigla na lang bumukas ng malakas ang pinto papasok sa Computer Lab. At hindi lang 'yan, nasundan pa ito ng sigaw.
"AAAAAYYYYYYSSSSS!" Isang babaeng mukhang kasing edad lang din ni Tita Penelope ang bumaba sa hagdanan mula sa first floor. Sa likuran niya ay may nakabuntot na isang lalaking sa tansya ko ay halos ka-edad lang din namin ni Kaizer.
Hindi ko masabing galit ba siya o excited o ewan. 
"That's our Tita Sharmaine. Behind her is his adopted son, Sebastian. Remember to call her Tita Red if you talk to her. She doesn't like her name... too girly she said." Pag i-introduce ni Kaizer sa mga bagong dating.
So siya pala yung tinutukoy niyang Tita Sharmaine niya daw? Parang warfreak nga! Pero cool pa rin tignan. Nakasuot siya ng black na leather jacket at black pants and shoes. At di lang yun, ang cool din nung buhok niyang long pixie na in-undercut. Alam ko babae siya pero 'tol, ang gwapo ng aleng 'to! Bukod pa sa mga naunang nabanggit, kapansin-pansin din yung dalawang piercing niya sa kaliwang tenga. A total opposite dito kay Tita Penelope na naka semi-formal.
"Red! Wala ngang Ice dito! Gaga ka talaga!" Sinigawan din siya ni Tita Penelope.
Mabilis siyang naglakad kay mabilis siyang nakalapit sa amin. "Shut up, babs. Alamin mo yung lokasyon niya, bilis."
"Wow, ha? Can you even bring her back? Not even the chancellor can do that, you know?" Tapos ibinalik na naman ni Tita Penelope yung atensyon niya sa computer. "Tsaka sinusubukan ko nang i-check yung mga possible locations na pupuntahan niya. I'll tell you if I found out anything as ASAP."
"Wala akong pake kung di kayang pabalikin ni Dark yung babaeng 'yon. Gagawin kong hostage tong anak niya." Sabi nung Tita Sharmaine sabay turo sa akin. Yun pa lang ang unang pagkakataong nagkatinginan kami straight in the eyes. Medyo kumalma siya nung naalala niyang nakatayo lang ako at nakikinig. Ngumniti sa akin na para bang wala siyang sinabing gagamitin niya ako laban sa nanay ko. "Long time no see, Azure. Gwapo ko pa rin after three years no?"
Pati ba naman siya mapagkakamalan akong si Azure? Clone ko ba yun? Carbon copy?
"Mas gwapo ako sayo, mom." Singit nung lalaking kasama niya. Umakto din siyang sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kamay.
"Okay, fine." Umay na sagot ng nanay niya. "Hindi na kita kokontrahin pero ngayon lang yan."
Ngumiti lang siya ng nakakaloko sa mama niya bago ibinaling ang tingin sa akin. "Azure, welcome back." Bati niya sabay dampi nung kamao niya sa braso ko.
Nanaman? Sa lahat ng tumawag sa akin dito, si Kaizer lang yata yung hindi ako napagkamalang ibang tao!
"Wait, wait." Minasahe ni Kaizer ang bridge ng ilong niya. Nararamdaman ko talaga medyo naiinis na siya pero pinipigilan niya lang. Hahaha... ikaw ba naman laging ma-interrupt? Why do you keep on mistaking Crimson as Azure?"
"Crimson? Pinagsasabi mo, Kai-kai? Diba nga, patay na yung batang 'yun?" Imbis na sagutin si Kaizer ay tanong din ang ibinato sa kanya ng Tita Sharmaine. Isang disturbing na tanong. Pano niya nasabing patay na ako eh nandito nga ako sa harap nila?! Dagdag pa niya, "Your fiancée's long gone, and I'm sorry to remind you that. Pero kailangan mong gumising sa kahibangan mong 'yan. Di matutuwa yung nanay mo 'pag nalaman niya 'to."
"But..." Mukhang may gustong sabihin si Kaizer pero tingin ko mas confused pa siya kaysa sa akin. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya.
Kaya naman, ako nalang ang naglakas-loob na sabihin yung side namin. "Hindi ko po alam kung sino yung tinutukoy ninyong Azure pero sa pagkakaalam ko po, Crimson ang binigay na pangalan sa akin ni mama. Yun din yung tawag niya sa akin sa kasalukuyan."
"What the f*ck? This is so messed up!" Nasa estado na si Tita Sharmaine kung saan kahit siya ay hindi alam kung tatawa ba siya o dapat bang mabahala. "Hindi ako pwedeng magkamali. You have that mole under your left eye. Ikaw si Azure. Crimson, your deceased twin sister, doesn't have one."
"..." Wala akong masabi dahil sa gulat na may halong confusion. Twin sister? may kakambal ako? Ba't di ko alam 'yun? Tsaka parang di rin naman nabanggit ni mama sa akin ang tungkol dun.
"Di talaga ako pwedeng magkamali. 'Yang nunal mo ang isa sa mga palatandaan namin kasi magkamukhang-magkamukha kayo ng kakambal mo. Three years ago, Crimson died." Ani ni Tita Sharmaine. "Bakit tinatawag ka ng mama mo sa pangalang Crimson? Tsaka di mo ba maalala yung totoo mong pangalan?"
Bago pa man ako makaisip ng maisasagot, umimik si Kaizer at siya na rin ang nag explain. "Apparently, Cri--- Hindi daw niya maalala yung mga panahong nung nandito pa siya. So there's a big chance na hindi na niya naaalala ang lahat simula nung gabing yun up until the earliest memories."
Pasimple akong tumingin sa kanya pero napansin ito kaagad ni Kaizer at kaagad na iniwas ang tingin. Galit kaya siya na hindi ko sinabing lalaki ako? Pero akala ko kasi napansin niyang hindi ako babae. Sa tagal ba naming magkasama kanina, di niya talaga napagtanto 'yun?
"Imposibleng mismong si Ice eh nakalimutan ang bagay na yun. She did this on purpose. She must have some reason behind this." Komento ni Tita Penelope pero di rin naman masabi kung ano.
"And the fact na wala siyang maalala... Hindi kaya..." Hindi na itinuloy ni Tita Sharmaine yung sasabihin niya sana. Naakatinginan sila ni Tita Penelope at para bang nagkaintindihan silang dalawa sa pagitan lang ng eyecontact.
"Tingin ko yun din yung dahilan." Bumuntong hininga si Tita Penelope. Bakas sa mukha niya ang panghihinayang. "Hindi ko alam na umabot sa ganito yung galit niya sa atin. She literally just threw everything away. Gusto niya ring putulin yung relasyon ni Azure sa atin. Azure, of all people!"
"We still have your Aemie so I wasn't worried that Ice chose to leave us with Azure. That's her choice. Kung tagapagmana lang yung problema, we can just appoint a new one. But really, I'm glad nakabalik na si Azure dito sa HQ."
"Seriously? You're considering Aemie? She might turn the whole HQ into a life-size dollhouse! Honestly, I won't complain if Sebby or Kai-kai will take over." Natatawang sabi ni Tita Penelope. "But there's no point in discussing that matter. Azure is now with us again."
Nagpatuloy pa yung usapan nila pero hindi na ako nag-abala pang makinig. Di ko rin naman kasi 'yun maiintindihan. Bahala na. Tutal, nandito lang naman ako para malaman ko kung nasaan si mama. Wala na akong paki-alam pa sa ibang mga bagay-bagay dito. Ang gulo eh. 
Totoo ngang may nunal ako sa ibabang banda ng kaliwang mata ko. Lahat sila, maliban kay Kaizer, iisa lang ang sinasabi. Na ako si Azure. Sino ba talaga ako?
"If you're not my fiancee then..." Biglang nagsalita si Kaizer sa isang mahinang boses, sakto lang na marinig ko. Nung tinignan ko siya, nakadungo lang yung ulo niya kaya di ko masabi kung anong ekspresyon meron sa mukha niya. "I'd like to cancel my wedding proposal."
Sigurado ako na sa akin lang yun sinabi ni Kaizer pero di ko alam na nakikiusyoso din pala 'tong si Sebastian. "Seryoso, tol? Di kayo talo netong si Azure. Tomboy 'to eh. HAHAHA 'di 'yan Barbie."
Teka... pano nalaman ni Sebastian na di ako Barbie? Ganun ba talaga nila ako ka kilala. So ibig sabihin ba nun, si Kaizer ang hindi masyadong nakakakilala sa akin?

Komentar Buku (63)

  • avatar
    Derek Heshbon Lita

    its good

    28/07

      0
  • avatar
    Casmero Noche

    wow super duper cool

    14/07

      0
  • avatar
    MendezMarsh

    ❤️❤️❤️

    12/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru