logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 3

Chapter 3
Admirer
Bakit niya ako tinanong kung saan ako nag-aaral? Hindi niya ba nakikita 'tong uniform ko? Obvious naman siguro at imposibleng hindi niya alam kung saang school 'to! Nasa iisang city lang kami at dapat alam na niya iyon! Or baka... interesado rin siya sa akin?
Pero tumakbo pa rin ako. Tumakbo na naman ako.
Ayos naman ako noong papunta ako sakaniya. Pero sa tuwing nakakalapit na ako ay may nararamdaman akong kakaiba. Nakakalungkot at nakakakaba. Na parang pakiramdam ko anumang oras ay masasaktan ako kapag napalapit ako sakaniya.
"Good morning, Pat. Come on, join us." Bati sa akin ni Mommy.
"Good morning, Mommy, Daddy. Busog pa po ako, sa school nalang ako kakain." 
"Na naman, Patrina? Tatlong araw ka nang hindi nag-aalmusal dito. Ayaw mo ba sa luto ng Mommy Tina mo?" seryosong tanong ni Daddy.
Agad akong umiling. "N-No, it's not like that, Daddy, Mommy. Of course, gustong-gusto ko ang luto ni Mommy." paliwanag ko sabay yakap kay Mommy na ngayon ay nakasimangot pa rin.
"Really?"
"Yes, Mommy. Ang galing-galing mo kayang magluto. That's why Daddy and me loves you very much, we're so lucky to have you." Lambing ko pa. "Kaya smile, Mommy. Magbabaon nalang po ako, promise to eat it during our lunch break!"
Unti-unti na ring ngumiti si Mommy at niyakap ako pabalik. "Alright, you got me there."
"Kaunting lambing mo lang, bumibigay na agad ang Mommy mong marupok." Daddy laughed. "Sige na, magbaon kana nitong mga niluto ng Mommy. Sasabihan ko si Kyle na bantayan ka kapag hindi ka kumakain sa school, okay?"
Huh! Si Kyle pa talaga? "Daddy, kapag sinabi niyo kay Kyle na may baon ako, uubusin niya lang 'yun!"
"Kyle is a good boy!" Tumawa ulit si Daddy na sinabayan pa ni Mommy. "I know for sure, aalagaan ka niya. And, hindi na ako magtataka na paglaki niyo ay siya ang mapapangasawa mo---"
"D-Daddy?!" Hindi makapaniwalang saad ko. "That's ridiculous! Daddy, how can you---ugh! That's awfully disgusting!"
"You're funny, Patrina. Nothing is impossible. And in fact, you're only 16 years old, bata pa kayo at who knows na in near future, baka kayo nga ang magkatuluyan."
"No, no, no, Daddy! You've got to be kidding me." Sarkastiko akong tumawa at humalik na sa pisngi nilang dalawa. "Papasok na po ako."
Iniabot na sa akin ni Mommy ang baunan ko. "Ubusin mo 'to, okay?"
"Yes, thanks Mommy." Tumingin din ako kay Daddy at ngumisi sakaniya. "Alright, thank you rin Daddy."
"Ingat sa daan!"
My daddy is a pilot. Si Mommy naman ay isang make-up artist. Hinahatid ako ni Daddy tuwing umaga kapag may libre siyang oras, at si Mommy naman ang sumusundo sa akin kapag uwian na. Minsan kapag maagang umuuwi si Daddy ay silang dalawa ni Mommy ang sumusundo sa akin. 
Nasanay naman na ako. Hinahayaan ko nalang sila dahil nag-iisa nila akong anak at ayoko namang namimiss nila ako. Gusto rin ni Daddy na pag-aralin ako sa private school pero tumanggi ako. Napag-usapan naming tatlo nina Kyle at Kelly na sa public school nalang dahil mas masaya. Hindi naman kami matatalino at baka masayang lang ang tuition fee. Mahilig pa naman kaming mag-cutting.
At saka, mas masaya talaga at enjoy sa public school. Lalo na sa aming mga tamad.
Naglalakad na ako papalabas ng gate namin nang makita kong nakatayo si Kelly at Kyle sa tapat ng door bell namin. Nakaturo pa ang index finger ni Kyle sa pindutan at mukhang hindi pa nila tuluyang napipindot iyon nang lumabas ako.
"Trina!" Tumawa si Kelly sabay pulupot sa braso ko. "Hindi ka ata ihahatid ngayon?"
"Maaga ang pasok ni Daddy tapos pupunta pa si Mommy sa isang birthday party." Paliwanag ko, inilalabas na ang camera.
"Kumain kana ba? Tara daan muna tayo sa France." Alok pa ni Kyle.
"G!"
Nag-unahan kaming tatlo sa pagtakbo padiretso ng sidewalk. Nasa Scout Borromeo pa ang France na kakainan namin. Masarap doon at paborito naming kainan iyon sa tuwing naglalakad kami papasok sa school. Kaso baka makita ako ni Mommy, lagot ako. Hehehe.
"Welcome to France!" Sigaw ni Kuya Jepoy. "Tatlong order ba, mga suki?"
"Yes, yes, yes!" Sigaw naming tatlo.
Si Kuya Jepoy ay ang pinakasikat na nagtitinda ng pares dito sa Scout Borromeo. Sikat siya syempre kasi nag-iisa lang naman siya. At sobrang sarap ng pares niya! Lalo na kapag nilalagyan ng patis. Ang tawag niya sa invisible restaurant niya ay Pares, France.
Naalala ko pa noong first year palang kami ay nangako kami kay kuya Jepoy na paglaki namin ay papatayuan namin siya ng sarili niya mismong restaurant. Kaso mukhang nanganganib iyon dahil... ni pangarap nga namin ay hindi pa namin alam.
"Ang bilis ng panahon, parang dati ay si Kyle pa ang pinakabansot sa inyo." Sabi ni Kuya Jepoy kaya malakas kaming natawa ni Kelly.
"Hanggang ngayon, bansot pa rin naman 'yan---"
"Hoy! Anong bansot? Tignan mo nga, hanggang dibdib na lang kita! Unano!"
"Tama na 'yan! Kumakain ang tao!" Awat ko sakanila. "Ubusin na natin 'to, malelate na naman tayo."
Naglabas na si Kyle ng wallet niya upang magbayad kay Kuya Jepoy. Hindi na ako nagulat nang mag-abot siya ng limang daan. "Salamat po, kuya Jepoy. Sa susunod ay magte-take-out ako para makain namin sa school."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa school. May isang oras pa kami bago ma-late.
Naglabas ako ng kitkat at inabutan ang dalawa kong kasama. Isang pakete na ang binabaon ko dahil masyadong inggetero ang dalawang 'to at sigurado akong buong araw na naman nila akong hindi papansinin kapag isa lang ang binabaon ko.
5 minutes na kaming late nang marating na namin ang aming building. Nagtutulakan pa kami kung sino ang unang papasok dahil masyadong masungit ang teacher namin sa English Class. Si Ma'am Sally. Parang lagi siyang may dalaw kahit ilang taon na rin siyang menopause.
"S-Swerte!" Sigaw ni Kyle at Kelly nang makitang wala pa si Ma'am Sally sa room.
Dumiretso na kaming tatlo sa upuan namin. Nasa bandang dulo kami dahil inayos 'yung seating arrangement namin noong lumabas 'yung grades namin sa First Quarter. Obvious naman na nasa dulong row kaming tatlo.
Itinapat ko nalang ang camera ko sa bintana habang naghihintay sa teacher namin. Wala pa naman si Ma'am kaya makakagalaw pa kami ng maayos.
Pero agad nang nahinto sina Kyle at Kelly sa pagchichismisan nang sumigaw ang first honor namin na nandiyan na raw si Ma'am. Hindi ako nakinig dahil pabida lang ang kaklase naming iyon at siguradong nantitrip na naman. Pero nang mismo nang camera ko ang naitutok ko sa pisara ay hindi na ako nakagalaw pa
Nanatiling nasa camera ang mga mata ko habang eksakto kong nakuhanan ang isang pamilyar na lalaki sa tabi ni Ma'am Sally.
"Good morning, everyone. I want you all to meet your new classmate. Please, listen." umpisa ni Ma'am sabay tingin sa lalaking katabi niya. "Step forward, Mister."
Tumango ito at tumingin sa aming lahat na walang mababakas na kahit na anong ekspresyon sa kaniyang mukha.
"Hello, I'm Grant Cameron V. Arceo."
O... M... G...
I can't... I can't believe it...
I'm... I'm inlove...
His face, his eyes, his voice, my memories with him... I know, at this moment... I am inlove.
Argh! Stop hallucinating!
"Please, sit next to Ms. Calderon." Ma'am Sally smiled. "Don't worry, nagkakaroon tayo ng seating arrangement every quarter so I expect na mamo-move ka sa malapit na row this quarter. And class, please be friendly with Mr. Grant Arceo."
"Yes Ma'am!"
Hindi pa rin ako gumagalaw habang nakatingin sakaniya. Nakapako sakaniya ang mga mata ko habang dinadama ang malakas na pagtibok ng aking puso ko.
He's Grant... Grant Arceo.
He once called me stupid. And now, I think I really am. I am stupidly inlove with him.
Sobrang bilis ng pangyayari. I can't believe this is really happening. Parang noon ay... mga bata palang kami. At ngayon, mas matangkad na siya sa flag pole namin.
Naalala niya pa kaya ako?
Nag-iba na ang lahat sakaniya. Sobrang tangkad, itim na itim ang kaniyang buhok, may makinis siyang balat at maugat na mga kamay. Tuwid ang pagkakaupo niya at kitang-kita ang perpektong pagkakahugis ng kaniyang mukha. And he's... he's sitting next to me. And I was just staring at him.
Nakatitig lang ako sakaniya hanggang sa matapos ang oras namin sa English Class.
Parang... parang gusto ko nalang siya titigan habang-buhay! Mukhang alam ko na ang pangarap ko!
"Trina, ayos ka lang ba? Kanina ka pa namumutla ah?" kinalabit ako ni Kelly sabay subo sa akin ng mamon.
Nabilaukan ako sa ginawa niya kaya mabilis kong kinuha ang tumbler ko at uminom.
Break time na. Pero hindi pa rin nagpapahinga ang utak ko sa kakaisip kay Grant. Tahimik lang siya sa klase. Hanggang sa matapos ay diretso lang ang tingin niya sa nagtuturo. Kahit tatlong oras akong nakatitig sakaniya ay ni minsan, hindi siya humarap sa akin. He's not easily distracted.
Sa tingin ko ay hindi na niya ako natatandaan. Hindi na niya ako nakikilala.
And, hello? Walong taon na ang nakakalipas! Siguradong nakalimutan na talaga ako no'n. At saka, wala nga naman talaga kaming malalim na pinagsamahan.
"E-Excuse me, magpapahangin lang ako."
"Sama kami!" pangungulit ni Kyle.
"No." masungit kong sagot sabay sukbit na ng bag ko papalabas ng cafeteria.
Gusto kong sumigaw, gusto kong tumili! Kanina pa ako nagtitimpi at pakiramdam ko anumang oras ay sasabog na ako sa tuwa... at ahm, sa kilig.
Teka, nasaan ba siya? Hindi ko na siya nakita simula nang lumabas kami para pumunta rito sa Cafeteria. At... at sobra pa rin akong naguguluhan kung bakit siya nandito!
Hindi ko alam na magta-transfer siya sa school namin. At sa mismong klase pa namin! So... kung kaklase ko siya, ibig sabihin ay same age lang kami?
Tapos kahapon... tinanong niya kung saan ako nag-aaral! At ngayon, malalaman ko nalang na kaklase ko na siya? Yow, Mikasa! The world is not cruel! Because the world is... sweet. 
Pumunta nalang ako sa 69 at mag-isang naupo sa tabi ng puno. Tumambay ako roon sa nakalipas na ilang minuto bago na ang next class namin, Filipino. Sigurado akong parang bulate na naman mamaya si Kelly.
"Hey,"
Umikot ang ulo ko nang makarinig ng boses mula sa aking likuran. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makitang si Grant iyon! Shit, anong gagawin ko?!
"H-Hey..." oh my god, is this true stone? Siya ang unang lumapit sa akin?!
"Can I ask something?"
Fuck! Englishero! "Y-Yes, w-what is it?"
"What's our next class? I still don't have the copy of our class schedule---"
"Y-You can have me---mine!" Pilya akong napangiti sabay kuha ng diary ko. Kinuha ko roon ang nakaipit na schedule namin at agad ko iyong iniabot sakaniya. "D-Don't worry, na-xerox ko na 'yan."
Napalunok ako nang diretso lang siyang tumingin sa akin. S-Stop, natutunaw ako!
Sobrang lalim ng boses niya. Maamo ang kaniyang mukha lalo na ngayong napakalapit ko sakaniya. Kitang-kita ko ang bawat detalye. Nakapaganda ng eyelashes niya, para talagang kumikislap kapag tinitignan ang mga mata niya.
"Salamat."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na rin siyang naglakad papaalis. Sinundan ko lang siya ng tingin habang nakayakap ako sa camera ko. Kinuha ko na ang pagkakataon na iyon para palihim siyang kuhanan ng litrato. Kahit nakatalikod siya ay napakaganda niya pa rin tignan. Sa mga mata ko, wala siyang katulad.
Hindi siya palasalita. Nahalata ko na agad iyon noong unang araw ko siyang makilala. Kaya sobrang nakakagulat talagang siya ang unang lumapit sa akin para magtanong. Pero baka... no choice lang din siya dahil---what?
P-Pwede naman siyang magtanong sa iba naming kaklase! Pero bakit sa akin siya nagtanong? Oh my god, don't tell me... naaalala niya ako?
Huh! Wake up, Trina. That's impossible.
Magkasalubong ang kilay ko nang pumasok ako sa Filipino class namin. Pero nawala agad iyon nang makita ko si Grant na binabasa ang schedule na binigay ko sakaniya. He's so... adorable! K-Kawaiii...
"Hoy! Trina! Saan ka galing ha? Siguro nakikipagdate ka 'no? Sino ha? Sinong dini-date mo? Bakit mo pa kailangang itago sa amin 'to? Grabe, you're unbelievable! Parang wala tayong pinagsamahan! Diba, Kyle?!" singhal sa akin ni Kelly.
"O-Oo nga!" gatong pa ni Kyle sabay pameywang din sa akin.
"A-Ano bang sinasabi niyo?"
"Wow! Kailan ka pa nagsisinungaling sa amin, ha Trina? Kailan mo pa tinatago sa amin 'yang manliligaw mo? Anong section? Taga saan? Kaklase ba natin? You're unfair! Diba, Kyle?!"
"Oo nga!"
"Hindi kami nagsisikreto sayo tapos ikaw, may nililihim ka pa sa amin, may manliligaw ka na pala? Paano mo ba nasisikmurang gawin sa amin ito, Patrina? Hindi ba kami mahalaga sayo?"
"Oo nga!"
"T-Teka, teka!" Awat ko sakanilang dalawa. Pinagtitinginan na kami ng iba pa naming mga kaklase. At saka... nakakahiya. Argh! Katabi ko pa naman si Grant! "M-Manahimik nga kayo! Nakakahiya, sigaw kayo ng sigaw! P-Pumunta lang ako sa---"
"She's with me."
O__O
Sabay-sabay na umikot ang ulo naming lahat at napatingin sa nagsalita. It was Grant. H-He...
Tumahimik ang kaninang maingay na klase dahil sa pagsasalita ni Grant. Habang ako... malapit nang mamatay sa... k-kilig---aaaaaaaaaaaa!
"W-w-w-w-what's the meaning of this, Trina?!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Kelly.
Nasapo ko na lamang ang noo ko at palihim na sinamaan ng tingin si Grant.
"H-Hindi, nagbibiro lang siya---"
"Magkasama kami kanina. May problema ba roon?"

Komentar Buku (57)

  • avatar
    Jhepot Biay

    ang ganda po

    19d

      0
  • avatar
    Princess Zafra Prado

    I want this story🥰

    10/08

      0
  • avatar
    Anna Javan

    𝙨𝙪𝙥𝙚𝙧 𝙜𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙗𝙖𝙨𝙝𝙞𝙣

    03/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru