logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 3

Hinaplos ko ang kalahati ng mukha ko. Magaspang. Parang 'yong balat ng mga halimaw sa mga dramas. Hindi ko masisisi kung matakot o mandiri man ang ibang tao dahil ni maski ako nga, kay hirap pang tingnan ang mukha ko sa salamin.
Kalahati kasi ng mukha ko ang nasunog. Habang ang kahalati ay maayos naman.
Isinuot ko na ang face mask ko at pinantakip ang bangs ko sa parteng hindi nito matakpan.
"You are now, Faye Cameron. You can do this!"
I used my middle name which is Cameron. Naisip ko kasing mas magandang hindi ko gamitin ang surname ko since baka mahalata ang totoong pangalan ko.
Habang naglalakad. Hindi ko mapigilang malula sa lawak ng unibersidad.
Napangiti ako habang kasabayan ang mga studyante. Kahit kailan hindi ko ito naramdaman.
The peace of walking freely. Feeling the student ambiance.
Doon kasi sa China, kahit kailan hindi ko naranasan ito. Kahit saang lugar ako pumunta dinudumog ako. Palaging may kasamang mga bodyguard.
"Miss, freshman?" Napatigil ako sa paglalakad. Tanong ng isang napagandang babae. Sobrang amo ng mukha nito.
Tumango ako. "Yes." Maybe one of the student officer here.
"Follow those girls. You have your orientation."
"Thank you," simpleng sagot ko at nagmadaling hinabol ang mga babaeng itinuro niya.
Maraming studyanteng nakalinya na pagdating ko. May nagsasalita na rin sa harap. Nakilinya na ako, nasa may pinakalikod ako.
"Success starts from now. You are entering the last step before you become a professional. You should enjoy it and—" Nawala ang pokus ko sa pakikinig nang may tumapik sa akin. Nilingon ko ito.
"Hi!" Kumaway sa akin ang isang nerdy na babae.
But not a typical nerd. Yeah, she wears thick glasses, but the way she dresses herself is not like those usual outfits of nerds shown in movies and TV. She is a modern nerd. She's a black beauty too, like those Barbie dolls. 
"Hello!" nakangiting sagot ko. Nasa likuran ko siya. Ngumunguya ito ng bubble gum at mukhang kanina pa naiinip.
"New style? May sakit ka? Allergy?" sunod-sunod na tanong niya sabay turo sa suot kong face mask. Umiling ako.
"Then what?" nalilitong tanong niya. Mabuti na lang talaga nasa pinakalikod kami kundi baka napagalitan na kami. I can say, she has an unstoppable mouth.
Senenyasan ko siyang lumapit sa akin.
"Because I'm ugly," saad ko. Nanlaki ang mata niya pagkatapos ay bigla na lang humagalpak ng tawa.
Na naging dahilan para magsilingunan ang mga ibang studyante sa direksyon namin.
"What's the commotion there?" Agad akong humarap. Tumigil na rin siya sa pagtawa pero halatang pinipigilan niya lang.
What's funny?
Tinapik niya ulit ako pero 'di ko na siya nilingon. "What?" tanong ko habang nanatili ang mata sa harapan. Wala na akong naiintindihan sa mga pinagsasabi sa harap.
"I like you. For all reasons, yours was the most epic one I ever heard." Rinig ko ang mahinang tawa niya.
"I'm not joking, it's true," sabi ko. Nilingon ko na siya dahil bumababa na ang mga speakers. Nagsisi-alisan na rin ang mga ibang studyante. Tapos na siguro.
"Pangit ka? Eh, sa postura mo pa lang pangmodelo na o artista. Ang ganda ng kutis mo saka sobrang puti. Your eyes is beautiful too, they look so innocent." Napamaang ako habang nilalarawan niya ang itsura ko. Nakakailang pala kapag sa isang taong hindi ako kilala manggagaling. Babae pa!
"Parang mas maputi ka pa sa band paper eh!" nakangusong sabi niya.
"Stop that!" Naiilang kong pigil sa kanya habang parang isang siyentipiko akong pinag-aaralan.
"You're so cute." Napahalakhak pa siya. Napailing-iling ako.
"I will go now." Paalam ko pero bago pa ako makalayo agad na niya akong napigilan.
"Anong course mo?" tanong niya.
"Business Administration." Ngumisi siya. She's really weird.
"Tara na! Parehas tayo!" tuwang-tuwa sabi niya at hinatak na ako.
And this is how it feels when someone treats you well. Even not knowing you. Without the fame. 
Nagkaligaw-ligaw pa kami dahil akala ko alam niya ang pasikot-sikot dito pero hindi pala. Makahatak kasi sa akin. Mabuti nalang may mabait kaming napagtanungan. Siya nagturo kung saan ang building namin.
"Dito tayo!" Wala akong nagawa. She's so energetic. Umupo kami sa pinakalikod.
"Ahm, salamat sa pagsama sa akin, huh."
"Nako! Wala 'yon. I like you na nga, girl. Gusto kitang maging kaibigan at kapag nangyari 'yon, we will go—" pinigilan ko na baka saan pa madiretso ang mga sasabihin niya.
"By the way, I'm Faye Cameron. You are?" Inilahad ko ang kamay ko.
"Ay, oo nga hindi pa ako nagpapakilala." Tumawa siya. "Hello Faye! I'm Bea. Not Bea Alonzo, but the beautiful Bea Curry Tan." Tinanggap niya ang kamay ko. Napailing-iling na lang akong ngumiti sa kanya.
"Pero, may I see your face. Kanina pa ako curious." Napalunok ako.
"I'm ugly." Naparoll eyes siya sa sagot ko.
"Pangalawang beses mo nang sinabi 'yan. Faye, hindi lang pisikal ang basehan ng kagandahan. Kaya kahit ano pang itsura 'yan, tanggap ko. Kaya tanggalin mo na." Tumingin muna ako sa paligid namin kung may nakatingin saka ko tinanggal.
Pinanood ko ang naging reaksyon niya. Nanlaki ang mata niya, pero pagkaraan ay naging puno ng paghanga ito.
Napaatras pa ako nang bigla niyang haplusin.
"It's so cool!" Napamaang ako sa sinabi niya. Hindi ko in-expect na 'yon ang magiging reaksyon niya. Pagkaraan ay tumawa siya.
"You're not ugly. Those scars on your face just symbolize how strong you are as a person. What happened? Saan mo nakuha 'yan?" Sa tuno ng pagkakatanong niya. Parang gusto niya ring magkaganito. Sasagutin ko na sana nang may pumasok na teacher.
"Good morning class, I'm sorry I'm late. Don't worry, no lectures for the first day. I'm Sir Gilbert Smith, your PE teacher. Introduce yourself na tayo agad." Napatingin ako sa katabi ko na parang kiti-kiti.
"Ang gwapo niya." Napailing ako. Nagsimula na ang pagpapakilala.
Nanlamig ako ng ako na ang susunod.
I'm not shy, I can face many people. In my concerts, conferences, and fan meet-ups.
Pero may nagbago na. Noon 'yon.
Dahil sobrang confident pa ako sa mukha ko. That no one will judge me, they will just praise.
"The girl with the mask, please stand and come in front." Tumayo na ako at naglakad papunta sa harap. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba.
"Hello everyone! I'm Faye Cameron. 18 years old," dire-diretso kong sabi.
"Duh, why wearing face mask?" malakas na tanong ng isa sa mga babae kong kaklase.
"Miss can you remove your face mask." Napakagat ako sa labi sa sobrang kaba.
"Sir, pwede po bang hindi na lang?" Nanginginig na ako. Abot-abot ang kaba.
"Tanggalin mo na yan Miss!"
"Oo nga!"
"Let's us see your face!"
"Remove it!"
"Tumigil nga kayo! Ayaw niya nga!" Kita ko ang pagpigil ni Bea sa likod pero hindi siya pinapansin.
Nagbabadya na ang luha ko pero pilit kong pinipigilan. Nilingon ko si Sir.
"Miss, you can remove it. That's the request of your classmates," mahinang sabi niya.
Napailing ako. I can't.
"Please Miss, remove it. Don't be afraid." Bahala na nga. Nanginginig ang kamay na tinanggal ko ito. Napayuko ako.
"Huwag kang yumuko! Face us!"
You can do it Faye. You can do it, this a part of your new life. You want to start, then conquer this. Pagpapalakas ko sa loob ko. Taas noo akong humarap.
There, I saw again those judgemental eyes.
"F*ck!"
"The heck! What's that?"
"A monster skin!"
"Hahahaha!" Tuluyang tumulo ang luha ko.
"STOP! STOP!" malakas ang pagsigaw ni Sir. Pero hindi siya pinakinggan.
I want to be strong but I can't just take it. Hindi ko pa talaga kaya.
Tumakbo lang ako. Hindi ko alam kung saan pupunta basta gusto ko lang makalayo sa mga taong mapanghusga.
Ito ang dahilan kung bakit kahit may mga tao na ring nagsabi sa akin na hindi importante ang panlabas na anyo. Hindi pa rin tumatatak sa isip ko. Dahil sa tototo lang mas marami talagang taong mapanghusga at bumabase lang sa panlabas na anyo.
And that was the harsh reality.

Komentar Buku (128)

  • avatar
    BeltranGeneva Olive

    nice story i love it

    8d

      0
  • avatar
    Mel Mijares

    ngayon kolang to napanood buti na lang dinawload koto

    26d

      0
  • avatar
    Kiel Esteban

    nice

    26d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru