logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

️ ️ ️ ️ ️ ️ ️ ️ ️ ️ ️ ️ ️ ️

hindi pa rin tumitila ang ulan kaya nanatili nalang muna si Eliana sa kubo, iginala n'ya ang paningin lumang gamit ng kan'yang dating maestro na naroon.
puno na ng alikabok ang mga espada ang nakahilera sa mga palapag, naamoy n'ya ang hangin na dulot ng alikabok na naroon.
hindi ako pwedeng tumuloy dito.
Sa pag iisip palang na alam ni Nanay Yasemin ang lugar na kinatatayuan n'ya, ayaw na n'yang madamay pa ang matanda.
wala na s'yang magawa kundi hintaying tumila ang ulan, pinagmamasdan n'ya ang lumang ipit na itinali n'ya sa kan'yang kasuotan.
"Karren...". Bulong n'ya, nakakabuo na ng usok sa kan'yang bibig dahil sa lamig, nakakaramdam pa rin s'ya ng ginaw kahit sa kapal ng kan'yang kasuotan.
Ilang araw ng pabalik balik ang ulan.
***
"Ayoko po talagang pumunta sa templo". Tila walang naririnig si Doki kahit kanina pa s'ya nakikiusap na huwag s'yang dalhin nito sa templo.
"Wag mong kakalimutan ang mga itinuro ko sa'yo, huwag mong sayangin ang dalawang taon na nasa pangangalaga kita". 
Patuloy lang na piniringan ni Doki ang kan'yang mata, matapos isuot sa kan'ya ang itim na peluka, naitikom nalang n'ya ang kan'yang bibig, at pinilit na pakalmahin ang sarili sa bigat na nararamdaman n'ya sa kan'yang dibdib, kahit papaano ay itinuring na n'ya ito na parang pangalawang ama, at nasanay na rin s'ya sa presensiya nito kahit na bumibisi-bisita lang ito sa kan'ya.
"Kahit anong mangyari huwag mong tatanggalin ang takip ng mata mo pagdating mo sa templo". Paalala sa kan'ya ni Doki.
"Opo" maikli nalang n'yang sagot, alam n'yang wala s'yang karapatan na kulitin ito dahil hindi n'ya ito ama.
Oo nga pala.
"Maestro" napasinghap si Eliana ng marinig n'ya ang pagtunog ng pinto.
sino s'ya? Maestro natatakot ako.
"Nasan si maestro Kira?" Boses iyon ni Doki.
Wala s'yang ideya kung anong nagaganap sa paligid n'ya, hindi n'ya maiwasang makaramdam ng kaba ng magsalita ang kasama ni Doki, matanda na ang boses nito.
"Natatanggap ko ang mga sulat na pinapadala mo, hindi pala s'ya nagsabi sa'yo, Matagal na s'yang huminto simula noong namatay ang paborito n'yang mag-aaral". Mahinang natawa ang matanda dinig din ang paghakbang nito palapit sa kan'ya.
"Sandali lang" tawag ni Doki.
"S'ya ba ang tinutukoy mo? Mukhang mahihirapan akong turuan ang isang to". Napuno ng kaba ang buong katawan ni Eliana ng maramdaman ang palad ng matanda sa buhok n'ya.
"Wag mo s'yang basta hawakan".  Asik ni Doki kay Arman.
"Kaya ko po". Buong tapang na sagot ni Eliana. 
Hindi mo na kailangang pilitin ang sarili mo.
ngumiti si Eliana.
"Mukhang huli ka na". Tila mapang asar ang boses ng matanda na iyon, at puno ng pamimikon.
***
Bahagya n'yang pinasadahan ng daliri ang lumang espadang ginamit n'ya noon.
Tanaw ang repleksyon ng kan'yang mga mata mula sa bakal na talim ng espada, kulay kape pa rin ito sa tulong ng kwintas na ibinigay sa kan'ya ni tatay Reggie.
Inilagay ang isang maliit na bulaklak na pinitas n'ya kanina sa harap ng lalagyang bakal na naroon.
Pasensya na, hindi ko kayo naabutan.
di n'ya maitatanggi na nanghihina pa rin s'ya matapos s'yang umalis sa kanila, ilang oras ba n'yang isinuot ang kwintas para manghina s'ya ng ganito.
Nananatiling kulay abo ang langit ng muli s'yang sumilip sa labas ng pinto, ayos na rin kung lalabas s'ya dahil wala na din namang ulan.
Kailangan n'yang makaipon ng kahit ilang ginto kung sakaling mangungupahan s'ya habang naghahanap s'ya ng paraan para makatuntong sa palasyo.
nasasampal ang kanyang mukha ng nagtataasang mga damo na nakaharang sa daanan palabas ng lugar na iyon, halatang matagal na itong hindi tinutuluyan mula noong pumanaw si Doki.
napasalampak s'ya sa basang lupa ng mabangga s'ya ng kung sino, hindi n'ya iyon napansin ngunit nahagip ng mata n'ya ang marka sa noo ng babae.
"Tu-tulungan mo ko... ginoo" napasinghap sya ng maramdaman ang pagkapit ng dalaga sa kan'ya.
tila umuulit sa isip nya ang mga salitang sinasabi nito, nakatigil lang ang kaniyang paningin sa nagliliwanag na marka sa noo nito na gaya ng isang maliit na alitaptap, ngayon lang n'ya nakita ng malapitan ang hitsura ng markang iyon, hugis apoy na parang ibinurda mismo sa balat nila.
Hindi nalang s'ya nakaimik, patuloy lang s'yang tumayo, at sa huli ay binigyan n'ya lang ito ng malamig na titig upang tigilan s'ya.
Sa halip ay tinalikuran n'ya lang ito ngunit napahinto din s'ya ng muli itong magsalita mula sa kan'yang likuran.
"Pakiusap, parang awa mo na." Iling lang ang naisagot n'ya dito, at marahas na tinanggal ang pagkakapit ng kamay nito sa kanyang braso, hindi mawala sa isip n'ya ang marka sa noo nito na kanina n'ya pa tinitignan.
***
"Lahat ng biktima n'ya ay May mga paso sa noo, posibleng minamarkahan n'ya sila bago n'yang patayin". 
"Mangkukulam lang ang kakayahang gumawa ng bagay na iyon, siguradong si sonel iyon". Natutop ni Eliana ang bibig ng marinig ang pangalan ng kan'yang ina, May mga pulis na din sa paligid.
"Hindi ko na s'ya nakikita, wala na siguro s'ya dito".
"Sigurado tumakas na yon".
Hindi ganon si mama!
Nanginginig na humawak s'ya sa pader na kinauupuan nila, tumakas lang sila ng kapatid n'ya para mangolekta ng mga bulaklak sa mga ligaw na tanim na nakikita nila, halos dalawang Linggo na ring hindi lumalabas ang kanyang ina at naiintindihan kung bakit napapadalas nalang ang pagtahimik nito.
"Karen, umuwi na tayo, ayos na siguro to para kay mama". Bahagya s'yang ngumiti sa kan'yang kapatid, binalot nila ang kanilang sarili sa kumot bago umuwi.
***
"Bitawan mo ko, hindi kita matutulungan".
Nakikita n'ya ang takot sa mga mata ng babae, bago pa ito tumakbo palayo sa kan'ya.
Sinong tinatakasan mo?
Kung hahayaan n'ya ito doon ay maaaring malaman n'ya kung sino ang mangkukulam na tinutukoy nila.
Marahas na binitawan ng babae ang kan'yang braso at mabilis na tumakbo.
May mga yapak na unti unting lumalakas papunta sa kinaroroonan n'ya.
hinawakan n'ya ng mahigpit ang kaniyang espada ngunit bago n'ya pa iyon mahugot,
isang maliit na kutsilyo ang tumama sa puno sa gawing kaliwa n'ya, kamuntik na nitong mahagip ang kaniyang tainga.
Nanlaki ang mata n'ya ng huminto ang tatlong lalaki sa kinaroroonan n'ya, nakatali ang mga tela na kulay lila sa kanilang braso at noo.
"Ang babae nakita mo ba s'ya? Sigurado akong nakita mo s'ya, dito s'ya dumaan".
Hindi pwedeng sila ang gumagawa ng bagay na iyon.
"Alam ko kung nasan s'ya, pero ibibigay n'yo sa'kin ang isang sandata na meron kayo".
Narinig n'ya ang pagtawa ng lalaking may balbas.
"Mas maganda siguro kung isa isa ka naming pasasayahin". 
"Hindi ako interesado".
Mabilis nalang n'yang inihakbang ang kaniyang paa para lampasan sila.
Bago pa man makatakas ay tinutukan s'ya ng espada ng kalbo.
"Mukhang mapapakinabangan ka pa namin bago ka namin patayin" nakangising pananakot ng balbasin. napasinghap s'ya sa sinabi nito lalo pa ng magtawanan sila sa harap n'ya.
"Pag matigas talaga ang ulo Kailangan parusahan para matuto" dugtong pa nito, namumula ang mga mata ng lalaki, puno ng pandidiring pinasadahan n'ya ng tingin ang tatlong Naka amba ang espada sa kan'ya.
Tinuhod n'ya ang lalaking nasa gilid n'ya ngunit napangiwi s'ya ng apakan ng dalawa ang kan'yang Paa.
Naramdaman n'ya ang pagdapo ng daliri ng ni balbasin sa kan'yang batok at hinila ng malakas ang kan'yang buhok na lalong bumuhay sa galit n'ya.
Anong gusto n'yo?
Hindi n'ya alam kung paano s'yang tatakas sa ganoong posisyon nila, alam n'yang kaunting galaw n'ya lang ay madali s'yang mapapatay ng tatlo.
Hindi s'ya nakapaghanda dahil sa mga gumugulo sa isip n'ya.
masyadong malapit ang talim ng espada ng mga ito ng tignan n'ya, wala s'yang nagawa ng hawakan nila ang kan'yang braso, hindi na n'ya napansin pa ang malakas na pagsipa nila sa likod ng kan'yang tuhod na naging dahilan para mawalan s'ya ng balanse at matumba.
"Bitawan mo ko!" Asik ni Eliana ngunit madiin lang na hinila ng balbasin ang kan'yang suot mula sa likuran, at ang mga kamay n'ya na hawak ng dalawang kasamahan nito.
Masyado silang malakas.
Naramdaman nalang n'ya ang malakas na pagkakauntog ng kan'yang likuran sa makakapal na damo at ilang patay na patpat na pinagdalhan sa kan'ya ng mga lalaking iyon.
hindi s'ya makapag isip ng maayos, hindi n'ya rin naigalaw ang kan'yang katawan maliban sa panginginig.
"Lumayo kayo" muling sagot n'ya, naluluha na ang kan'yang mga mata.
Tanging tawa lang ng mga ito ang naririnig n'ya, malakas ang pagkakahatak ng tatlo sa telang nakaharang sa kanyang buhok, ngunit natigilan sila at muli s'yang tinignan.
"Patayin na muna natin s'ya". Mungkahi ng malaking lalaki na nakahawak pa rin ng madiin sa braso n'ya.
"Tumigil ka, ngayon lang ako nakakita ng ganito, hindi ko alam kung saang bansa ka ng galing ngunit ngayon lang ako nakakita ng klase mo". Natatawang tanong ng balbasin.
"Teka.." nauutal na wika ng kalbo.
"Lumayo kayo!" sigaw niyang muli.
Para s'yang mababaliw sa pamilyar na halakhak ng mga ito, unti unti pa ay nagiging madilim ang anyo ng mga lalaki sa paningin n'ya— isang senaryo na madalas na dumadalaw sa panaginip n'ya tuwing gabi, hindi iyon bago sa kan'ya.
"Tama na" mahinang bulong n'ya, ayaw na n'yang maalala pa ang mga iyon.
ngunit hindi na mabilang kung ilang beses n'ya iyong sinabi bago s'ya bumalik sa katinuan nanginginig rin ang kan'yang mga kamay—ng maramdaman n'ya ang pagkawasak ng tela sa kanyang pang itaas at ang hapdi na dulot ng pagkapigtas ng kwintas mula sa kaniyang leeg, at ang malakas na paghila ng malaking lalaki sa kan'yang buhok, pakiramdam n'ya ay matatanggal na ang kan'yang anit sa ginagawa nito.
Nandilim ang kaniyang paningin, halos maging doble ang lakas nya ng tanggalin n'ya ang pagkakakapit ng dalawang lalaki sa kaniyang braso, nanlilisik ang mga matang tumingin s'ya sa balbasin na ngayon ay hawak ang kwintas n'ya.
nasaksihan nalang ng dalawa ang pagkabaluktot ng kamay ng lalaking balbasin, na naging dahilan para mabitawan  nito ang kwintas at gumulong kung saan.
Napasinghap ang dalawa at tinutok ang espada sa kaniya.
"Halimaw ka, anong ginagawa mo sa kan'ya?" 
Sinalag n'ya ang bawat sandatang muntik nang tumama sa kan'yang katawan.
sinipa n'ya ang malaking lalaki upang mahiwaan ang kalbo sa tagiliran, ngunit hindi n'ya inaasahan ang isa pang sandatang tumama sa kan'yang braso para dumugo ito.
"Ikaw ang mangkukulam, ikaw". Natatarantang sambit ng kalbo sa kabila ng pagdurugo ng labi nito,sa muli n'yang paglingon sa lalaki mas lumakas ang pagsigaw nito dahil sa sakit tila nagbubuhol na ang ugat nito sa katawan dahil sa ginagawa ni Eliana.
"Lumayo ka sa—" sigaw ng malaking lalaki.
hindi nalang n'ya pinansin ang isisigaw sana ni nito, mabilis nyang inihakbang ang kan'yang paa, ginawa n'ya iyong pagkakataon upang ibaon ang kanyang sandata sa lalamunan ng lalaki at hinugot ng marahas.
Napalingon s'ya ng marinig n'ya ang tawa ng balbasin sa ginawa n'ya, namimilipit pa rin sa sakit ang kalbo matapos n'yang bitawan ito 
"Tama patayin mo sila dahil tinatawag ka nilang mangkukulam, magkano gusto mo? Babayaran kita, hindi ko sasabihin sa iba ang tungkol sa'yo, wag mo kong patayin".  Ngisi lang ang isinagot n'ya sa lalaking balbasin, alam n'ya kung anong nais nito, at hindi na n'ya ulit gugustuhin pang magpauto sa kanila, hindi n'ya alam kung bakit wala s'yang nararamdaman na konsensya sa kan'yang ginagawa.
para bang nag uunahan sa tibok ang kanyang puso at pulsuhan bumabalik ang panghihina sa kan'ya, ngunit bago pa man makatakbo ang balbasin ay agad nyang pinuntirya ang likod nito saka sinaksak, kumalat ang dugo ng lalaki sa lapag, sinalag n'ya ang espadang tatama sana sa kan'yang batok mula sa likod.
Isang nakakatakot na ngiti ang ipinakita n'ya sa kalbo, nag uumapaw ang takot nito sa mata, na ngayon ay hindi na magawang ihakbang ang paa dahil sa kontrol na ginagawa ni Eliana sa katawan n'ya.
"Maawa ka sa'kin, May pamilya ako, sinusunod ko lang sila para May maipakain ako sa pamilya ko". nanginginig na nagmamakaawa ito habang nakatingin sa kan'ya.
"Ibigay mo to sa anak ko kung sakaling makikita mo s'ya, malabo ang mata n'ya, gusto n'ya pang makakain ng masarap sa Atrahel". Pilit na inilabas ng lalaki ang salamin saka inilahad sa harap ng nakatulala na dalaga.
"Tumahimik ka!" Puno ng galit na iniangat ni Eliana ang kan'yang kamay saka iyon isinara.
sa huli ay sinaksak ng lalaki ang sarili, sa ilalim ng kontrol ni Eliana.
Marahan s'yang lumapit sa kalbo na nag aagaw buhay na ngayon, at bakas ang mga luha sa mata.
"Huwag kang mag alala iisipin ng pamilya mong nagpakamatay ka". Bulong n'ya.
Pinulot n'ya ang salamin na hawak ng Kalbo kanina, nakaramdam na din s'ya ng matinding panghihina.
Pinulot n'ya ang mga espada at ang palakol sa tabi ng dalawang bandido, ibinalot n'ya ito sa tela na kinuha n'ya pa sa kasuotan ng nakahandusay na balbasin, bago kunin ang supot na dala n'ya kanina.
Tinanggal n'ya ang telang nakatali sa noo ng dalawang lalaki sa kan'yang harap, alam n'yang hindi s'ya ang gumagawa ng mga iyon.
"Anong klaseng proteksyon ang tinutukoy mo?" Tanong n'ya sa hangin. Nais n'ya iyong itanong sana kay Reggie ngunit hindi n'ya alam kung paano.
pinagpag n'ya ang kan'yang kasuotan na nahulugan ng mga patay na dahon kanina.
isinandal n'ya ang kan'yang likod at malakas na napabuga ng hangin.
mabilis s'yang tumayo saka binuhusan ng langis ang dalawang lalaki agad n'ya iyong sinilaban bago iniayos ang kan'yang kasuotan, nanghihina na rin s'ya kalahating oras na n'yang pinipilit na buhatin ang bangkay ng kalbong lalaki patungo sa gubat.
Inayos n'ya ang posisyon nito bago iniwan, pinilit n'yang tumakbo palayo doon.
Ilang oras pa n'yang tiniis ang pananakit ng kan'yang ulo, ngayon n'ya lang ulit nagamit ang kan'yang mga mata at hindi s'ya sanay sa linaw na nakikita n'ya, pakiramdam n'ya ay May nabuhay sa kan'yang kaloob looban.
pagkahilo na lang ang huli n'yang naramdaman matapos makaramdam ng paningirot mula sa kan'yang dibdib, ilang minuto pa ay tuluyang bumalot ang kadiliman sa kan'yang mga mata.

Komentar Buku (7)

  • avatar
    GalichaRea

    excellent

    22/07

      0
  • avatar
    DumpMerry

    nice

    27/06

      0
  • avatar
    BoXiao

    This is a good story. Please continue 🥺💕🥺

    18/03

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru