logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Napangiwi si Eliana sa pagdampi ng basang tela sa kan'yang braso.
"Hindi ko ba nasabi sa'yo?".
"Masasaktan ka lang pag sinubukan mo pang gamitin ang iyong kakayahan, hindi yan gagana sa armlet na suot mo". Natutulala lang s'ya sa sinasabi ng kan'yang ama, unti-unti ay naiintindihan n'yang hindi s'ya normal na tao.
"Hindi ko naman na po iyon uulitin".
Sinubukan n'ya lang ulit buhat ng kan'yang kuryosidad, dahil hindi na din n'ya naririnig ang boses na gumugulo sa utak n'ya simula ng isuot sa kan'ya ang Shalmanser na iyon.
Hindi na iyon matanggal sa braso n'ya at ayaw din iyong tanggalin ng kan'yang ama.
Nakakatuwa lang na pagkatapos ng araw na iyon ay bumalik na sa dati ang kan'yang ama, ngunit naroon pa rin ang lungkot dito, hindi na nawala ang naidulot ng pagkawala ng kan'yang ina.
Tinigil na rin n'ya ang pag iisip dito hindi na n'ya ito naramdaman at hindi na rin s'yang aasa pang babalik si Sonel kaya't binaon nalang n'ya sa kan'yang isip na patay na ito gaya ng pinaniniwalaan ng kanyang ama.
Matagal ding tumitig si Nikolai sa kan'yang mata bago muling punasan ang pasang natamo n'ya mula sa Shalmanser.
Lumingon s'ya kay Karren, bukas ay pwede na itong makapasok sa akademya, nakasuot lang ito ng balabal na ibinigay ni Nikolai, isa pa ay normal lang naman ang kulay ng mata ni Eliana maliban nalang sa buhok nitong pareho ng kan'ya.
Tumayo s'ya matapos s'yang asikasuhin ni Nikolai, saka lumapit kay Eliana, kinuha n'ya ang maliit na bagahe nito na May mga lamang damit mga lapis at mga kapirasong papel.
"Mauuna ka pa sa'kin, kwentuhan mo ko ah" ngumiti s'ya kay Karren na ngayon ay nagsusulat pa rin ng kung ano-ano.
"Sige". Nakangiting tango ni Karren
_____
Inilalagay n'ya sa tela ang mga mani na napulot n'yang nahuhulog mula sa puno, natitiyak s'yang matutuwa si Karren pag uwi n'ya.
Hindi na n'ya napansin pa ang pagkahulog ng telang nakabalot sa buhok n'ya dahil sa kanyang ginagawa.
Marami na rin s'yang napulot sapat na siguro iyon para basagin nila ni Karren.
limang oras ng wala ang kan'yang ama para mangisda, kaya kinuha na n'ya ang pagkakataon para makatakas dito at habang tulog si Karren.
Nagulat nalang s'ya ng mauntog s'ya sa isang malambot na bagay, agad s'yang lumayo ng maamoy n'ya ang pawis nito.
May hawak itong panungkit at sako, nanlaki nalang ang mata ni Eliana ng magsalita ito.
"Anak ng mangkukulam, wag kang matakot mabait ako". Sabi sa kan'ya ng isang lalaking nasa apat na pu na ang edad, 
Tumayo lang s'ya at sinubukang tumakbo ng mapansin ang pagngisi nito sa kan'ya, nanakit ang kan'yang kamay dahil nahuli s'ya nito.
Walang pagsasawalang isip na kinagat n'ya ang braso nito upang mabitawan s'ya, nalasahan n'ya pa ang maalat na pawis ng lalaki ngunit pinilit n'yang tumakbo, dala dala ang supot ng mani.
"Ate bakit hinihingal ka? San ka galing?" Tanong ni Karren, hawak nito ang manika ng lumapit sa kan'ya.
Pinakita ni Eliana ang tela ng mani na dala n'ya at inilatag iyon sa mesa.
"Muntik na akong makagat ng manok sa labas...."
"Tignan mo marami akong nakuha." 
"Ang daya mo, hindi mo ko sinama, anong hitsura ng manok pag hindi luto?". Alam n'yang nagtatampo ito, sana hindi nalang n'ya sinabi iyon.
"Nakakatakot". Tawa n'ya, tumawa nalang din si Karren sa sinabi n'ya.
Nagulat sila Eliana sa malakas na pag bukas ng pinto at iniluwa nito ang kan'yang amang pawisan.
"Papa!". Natatawang banggit ni Karren para matumba ang kartong nakatakip sa lampara, at mabilis na tumakbo palapit sa kanyang ama.
"Karren!" Nakangiting tawag ni Eliana saka inilapag ang picture book na hawak n'yasa isang lamesita sa tabi ng kanilang higaan, gabi na rin at sinigurado din ni Eliana na hindi sila masisilip mula sa labas.
Agad na pinatay ni Nikolai ang gasera na ikinatama ni Eliana, kung ganitong oras naman ay ayos lang na nakabukas na ang gasera sa oras na uuwi ang kan'yang papa.
"Aalis tayo". Seryosong sambit ni Nikolai..
Natahimik sila ng saglit bago muling marinig ang sumigaw.
"Dito sila nakatira!! Nakita ko ang bata nandito s'ya!" Malakas na sigaw ng estranghero.
Tumakbo papalapit si Karren kay Eliana dahil sa gulat, agad n'ya itong niyakap, at marahang tinakpan ang tainga, posible kayang s'ya ang tinutukoy ng taong iyon.
Magtama ang paningin nila ni Nikolai, umiling s'ya sa kan'yang ama.
"Papa, hindi ko alam kung pa'no, hindi kami lumabas". Paliwanag n'ya kay Nikolai.
"Dun kayo sa kwarto". Utos sa kan'ya ni Nikolai, hindi mawala sa isip n'ya ang takot, at ang pagsisisi.
Kung pwede n'ya lang ibalik ang oras, at mas naging maingat.
agad n'yang binuhat si Karren upang magtago sa loob ng isang bariles.
"Lumabas kayo!!" Malinaw iyon na nagbigay ng pagkataranta sa kanya, malalakas na kalampag at pagkatok ang ginagawa ng mga tao sa labas ng bahay na tinutuluyan nila.
Nilingon n'ya ang kan'yang kapatid na hanggang ngayon ay humihikbi sa takot.
"Papa"  tawag ni Karren, binuksan ni Nikolai ang bariles na pinagtataguan nila.
"Yung bintana sa kwarto, doon kayo dumaan". 
"Papa hindi ko kaya". Pag iyak n'ya 
"Gawin mo".
Sandali itong tumahimik at muli s'yang nilingon.
"pasensya na, hindi ako malakas, hindi ko kayo kayang protektahan". Iyon ang huling salita ng kan'yang ama bago bumalik sa kinaroroonan nito kanina.
"Patayin n'yo ang mga mangkukulam na yan!" Sari sari ang sigaw na kumakalat sa paligid.
kasabay ng pag dagundong ng mga paa ng kabayo na tila papalapit sa lugar kung nasaan sila.
"Ang hari nandyan ang hari!". 
Nanginginig ang kamay na humawak si Karren kay Eliana, mariing tinatapakan  ni Eliana ang bibig ng kan'yang kapatid.
Maliwanag sa labas, naaaninag n'ya ang liwanag ng mga sulo mula sa butas sa pagitan ng mga bato ng kanilang dingding.
"Bigyang daan ang bagong hari" sigaw ng isang lalaking armado.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ng hari sa mga taong nagtitipon sa harap ng tinutuluyan nila.
"Nakita na namin kung san sila nagtatago!"  sigaw ng mga sibilyan mula sa labas,
"Kamahalan, magpatuloy na po tayo para makarating po tayo ng maaga sa palasyo, hayaan n'yo ng ang Heneral ng pulisya ang umayos ng gulo na to". Inawat lang ng hari ang kanyang tagasunod saka bumaba sa kabayo.
"Padaanin n'yo ako!". Utos ng hari sa kanila, may galit ang tono ng boses nito.
"Kamahalan!" Awat sa kan'ya ng kanyang mga kawal ngunit tila hindi iyon narinig ng hari.
"Kumalma kayo!" Sigaw pa ng ilang kawal sa mga nagsisigawan.
"Papa, anong gagawin ko?" Nanginginig na tanong n'ya kahit hindi iyon naririnig ng ama.
ilang katok ang ang narinig nila.
"Halughugin n'yo ang bahay nila". Sigaw ng Heneral.
"Kamahalan?" Tawag ng Heneral ng itulak ito ng hari.
naguguluhan s'ya dahil sa takot na nararamdaman habang patuloy lang sa pag-agos ang luha n'ya.
Tama kung tatalon sila ng kapatid nya ay maaari silang mabuhay.
Umiinit na ang paligid at nalalanghap na rin n'ya ang usok ng mga tela at kahoy na nasusunog na nanggagaling pa sa mga sulong nasa labas.
hinawakan n'ya ng mahigpit ang kapatid, ng makahawak sya sa bintana saka n'ya narinig ang tunog ng pagkaskas ng bakal mula sa kinaroroonan ng kan'yang ama.
tila bumagal ang lahat ng nasa paligid ng makita n'ya kung paanong bumagsak ang kan'yang ama, sa harap ng lalaking nakasuot ng isang mamahaling kasuotan at ang palamuti sa ulo nito.
Malinaw sa mata n'ya ang dugong umagos mula sa likuran ni Nikolai, hindi makalampas sa paningin n'ya ang isang itim na enerhiyang nagliliwanag patungo sa kinaroroonan nila ni Karren.
Hindi na n'ya pinansin pa ang biglang pananakit ng kan'yang braso na hindi n'ya alam sa anong dahilan.
Papa!
Walang lumalabas sa kan'yang bibig, ngunit iyon lang ang salitang nabubuo sa utak n'ya.
"Papa!" 
Kasabay ng pagtawag ni Karren sa kanilang ama ang pagtama ng enerhiya na iyon sa kan'yang dibdib.
Hindi ako makahinga.
Malakas ang pagtama nito na naging dahilan upang mabitawan n'ya si Karren sa kan'yang pagkahulog sa labas ng bintanang tinutuntungan n'ya kanina.
Nakita n'ya kung paanong gumuho ang bahay na nasa harap n'ya, diretso s'yang gumulong sa mga damo at mga matutulis na sanga sa gubat bago mauntog sa malaking puno na humarang sa kan'yang harapan.
___
"Buhay ka" nagising s'ya mula sa tinig ng lalaki na nakasuot ng pangkaraniwang kasuotan ng isang alipin, May mga sinasabi ito sa kan'ya na hindi na n'ya pinansin pa dahil napupuno ang utak n'ya ng takot.
"Karren, papa!" Sigaw niya, mabilis s'yang tumakbo patungo sa bahay na ngayon ay halos mabuwal na, saka hinanap ang katawan ng kan'yang kapatid nagkalat ang mga natuyong dugo sa katawan ni Karren, parang piniga ang dibdib n'ya sa kan'yang nakita.
kinuha n'ya ang ipit sa sunog na manikang natagpuan n'ya.
"Karren.." nagsimulang tumulo ang luha ni Eliana, para s'yang mababaliw sa mga nakikita n'ya ni hindi n'ya magawang yakapin ang katawan nito.
"Papa!!" Malakas n'yang iyak ng makita n'ya itong natatabunan ng malalaking tipak ng mga bato at mga kahoy, pinilit n'ya iyong iniaangat ngunit matigas na bangkay na ang nag-aabang sa kan'ya.
Nag-iingay ang mga uwak sa paligid na s'yang tanging nagbibigay ng ingay ng panahon na iyon.
Naramdaman nalang n'ya ang paghila ng lalaki sa kan'ya ngunit agad n'ya lang tinampal ang kamay nito.
"Babalik sila kaya tumayo ka na d'yan". kalmado lang nitong sabi.
"Hindi." Paulit ulit n'yang binabanggit ang salitang iyon bago s'yang pinilit buhatin ng lalaki.
___
Sariwa pa rin ang mga sugat ni Eliana, kitang kita pa rin ang mga pasa sa kan'yang katawan, tahimik lang s'yang nakatingin sa ipit ng datnan s'ya ni Doki.
tatlong araw na s'yang namamalagi sa kubo nito ngunit hanggang ngayon ay ayaw n'yang nilalapitan s'ya ng lalaki.
nakakaramdam pa rin s'ya ng takot sa tuwing nararamdaman ang presensya ni Doki sa paligid n'ya.
Ilang beses na s'yang sinubukang kausapin nito ngunit lumalayo lang s'ya sa tuwing lumalapit si Doki sa kan'ya.
"Papatayin mo rin ako diba?" Nanlaki ang mata ni Doki sa sinabi n'ya , nilapag nito ang tinapay at halamang gamot sa lamesa dahil sa pagka bigla.
Lumingon sa kan'ya si Doki, na hanggang ngayon ay hindi n'ya pa rin pinapansin.
Mama hindi ko na kaya...
Iyon lang ang tumatakbo sa isip n'ya habang nilalaro ang ipit sa kan'yang palad, muli n'yang iniangat ang kanyang kaliwang kamay upang muli iyong sugatan ng kapiraso ng kahoy na hawak n'ya.
"Bakit mo naisip yan?" Nakaramdam s'ya ng kaba ng lumapit si Doki sa kan'ya.
Ayos lang, kasalanan ko, wala akong nagawa.
Tinitiis n'ya ang kirot na nararamdaman n'ya sa kanyang pulso na paulit ulit n'yang ginagasgas ng kahoy  na para bang hindi na naririnig ang sagot ng lalaking nasa harap n'ya.
"Anong ginagawa mo?!" Nataranta s'ya ng marinig ng malakas ang sigaw ni Doki.
malakas din ang paghila ni Doki sa matulis na kahoy na hawak n'ya kaya't nagulat nalang s'ya.
Bakit? 
hindi n'ya kayang titigan ang lalaki na nasa kan'yang harapan ngayon.
"Bakit? Bakit mo ko pinapakialaman?". Pasigaw n'yang tanong at mas lalo pang isiniksik ang sarili sa sulok.
Napansin n'ya  ang paninitig ni Doki sa mga pasang nasa braso n'ya at sa armlet na naroon kaya agad n'ya iyong iniwas ng lumapit ito sa kanya ambahan na hahawakan iyon.
"Nawalan na ako ng anak". Natahimik si Eliana sa sinabi nito.
Si mama.. hindi huwag mong sasabihin ayokong marinig.
"Hindi ko alam kung patay na ba talaga s'ya dahil hindi ko pa nakikita ang bangkay n'ya simula noong nawala s'ya, pero parang nagdadalamhati na rin ako sa tuwing naiisip ko s'ya". 
Isinubsob n'ya ang kan'yang ulo sa kan'yang tuhod, wala s'yang maisasagot dito dahil hindi naman sila pareho ng sitwasyon, hindi n'ya kailangang marinig ang kwento ng lalaki.
Hindi mo ko maiintindihan.
"Tumingin ka sa'kin".
"Tu—" tumigil ka na. — Eliana
"hindi kita kayang protektahan, kaya mas mabuting mabuhay ka, at matutong protektahan ang sarili mo". nakagat n'ya ang kan'yang dila sa sinabi nito.
Pano, gusto kong malaman kung pano n'yo nasasabi yan. 
"Kung ganon patayin mo s'ya, patayin mo ang hari".  Sagot ni Eliana.
Tama, patayin mo s'ya.
Nagulat nalang si Doki sa sinabi n'ya, nanginginig ang kan'yang mga kamay habang hinihintay ang sagot nito.
"Pasensya na, hindi ko magagawa ang gusto mo".  Mahinahong sagot ni Doki.
Napangiti s'ya ng mapait sa sinabi nito.
Sino ba ako para sundin n'yo? 
"Papatayin ko s'ya". Puno ng galit na bigkas ni Eliana, nagmumukha na s'yang baliw sa sinasabi n'ya.
"Kailangan n'yang mamatay, papatayin ko s'ya!" Naiiyak na sigaw n'ya sa harap ni Doki, halata na ang pamumula ng kan'yang  mga mata.
"Yan ba ang gusto mo?". Seryosong tanong ni Doki sa kan'ya bago sinimulang durugin ang mga dahon sa isang mangkok.
"Maestro, turuan n'yo kong lumaban, turuan n'yo akong humawak ng espada". Sa ilang segundo ay naging mahinahon din ang tono ng boses ni Eliana.
"Tama, isa kayong sundalo diba? Marunong kayo—kaya mayroon kayong espada" puno ng luha ang mata n'ya ng lumuhod s'ya sa paanan ni Doki.
Marahan na inalis ni Doki ang kamay ni Eliana mula doon.
"Yan lang ba talaga ang gusto mo?". Muling tanong ni Doki.
Pakiusap tulungan mo ko.
"Maging kalmado ka, hindi madaling pumatay gaya ng iniisip mo". Pangaral sa kan'ya ni Doki.
Gusto n'yang matawa sa sinasabi ni Doki, bakit parang napakadali lang na pinatay nila ang pamilya n'ya na para sabihin iyon ni Doki sa kan'ya.
Yun ba ang sinasabi mong hindi madali? 
"May dahilan para mabuhay ka, yun nalang ang isipin mo, kung desperada kang matuto, tutulungan kita, pero di mo masisiguro kung anong mangyayari sa mga pinaplano mo".
Nag iwan ng katanungan ang huling sinabi nito sa kan'ya, desperada s'ya ngunit wala s'yang kasiguraduhan kung tutulungan s'ya ni Doki.
Napaluhod nalang s'ya at naibagsak ang kanyang katawan sa higaan bago bumaluktot doon.
Gusto n'yang sumigaw ngunit hikbi lang ang lumalabas sa labi n'ya.
Ayoko na.

Komentar Buku (7)

  • avatar
    GalichaRea

    excellent

    22/07

      0
  • avatar
    DumpMerry

    nice

    27/06

      0
  • avatar
    BoXiao

    This is a good story. Please continue 🥺💕🥺

    18/03

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru