logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5

Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ng pambahay tumungo na ako sa hapag kainan kasama si nanay habang hinihintay namin si hania'ng makababa. Pansamantala muna akong titira dito sa bahay nila hania habang wala pang pasukan, hindi rin naman tumutol si hania dahil dalawa lang naman sila ni nanay na nakatira dito sa bahay.
Mahirap basahin ang ekspresyon ni hania habang pababa ito ng hagdan. Hindi ko na nakikita yung kaninang saya sa kanyang mga mata. Bakit nga ba? Siguro naaalala na naman niya ang kanyang mga magulang at namimis ang mga ito.
Hindi pa pala sapat yung pagpasaya ko sa kanya dahil sa tuwing uuwi siya dito sa bahay bumabalik yung sakit na kanyang nararamdaman. Hindi naman talaga madali yung pinagdadaanan niya dahil alam ko kung paano niya kamahal ang kanyang mga magulang at ito lang ang kanyang naging mundo noong panahong nabubuhay pa ang mga ito.
"Hinintay niyo pa pala ako" bungad ni hania na nakangiti pa ngunit alam kong pilit lang ito para hindi namin makita na malungkot na naman siya.
Wag mong pilitin hania... Ok lang yan alam kong balang araw matatanggap rin ng puso't isip mo.
"Syempre naman, Hindi naman siguro mabuti kung kakain kami kahit alam namin na may isang hindi pa kumakain diba? " Sagot ko pa na nginitian siya ng tudo.
" Whatever Andrew! HAHAHA daming sinabi" Pasimpleng irap niya pa at ngisi-ngising umupo sa harap namin ni nanay
Hindi na ako nag abala pang sumagot sa kanya dahil pagsusungitan na naman niya ako kaya bumaling ako sa aking ina upang makapag simula na kaming kumain pero ayun na naman ang tinatagong ngisi ni nanay na halatang aasarin na naman ako nito kapag kaming dalawa nalang. Nginitian ko lang siya para kunwaring hindi ako nakahalata Hahahaha
"Eheeeeeeem... Ano yun nay?" tanong ko kunwari
" Wala naman. Segi na't magsimula na kayong kumain. kukuha muna ako ng maiinom." Sagot ni nanay at nginisihan pa ako bago lumakad buti nalang hindi nakatingin sa amin si hania.
Nalintikan na talaga pag nagkataon....
Tahimik naming sinimulan ang pagkain habang kumukuha si nanay ng maiinom. Nakakailang lang dahil napakatahimik dahil wala namang kumikibo sa aming dalawa ni hania. Panay din ang sulyap ko sa kanya habang siya naroon lang sa pagkain ang tingin. Dumating na si nanay at agad na sinalinan ng maiinom ang baso ng prinsesa este hania Hahahaha agad naman itong nagpasalamat bago ngumiti.
"Andrew anak, Ikaw nalang ang maglagay ng sa iyo"
"Ahh opo nay hehehe"
" Kamusta pala ang pamamasyal ninyo hania? Nalibang ka naman ba?" Pagtatanong pang ani ni nanay
Ngumiti muna si hania bago sumagot. Yung ngiting nagpapahiwatig na naging masaya siya sa pamamasyal namin kani-kanina lang. "Yes yaya i enjoyed! masayang kasama si Andrew" tumingin pa ito sa akin kaya nginitian ko rin.
Heheheheehee.......
"Alam mo ba nay na parang batang pinagkaitan ng laruan ito si hania Hahaha parang kanina lang nakalabas sa mall at naglalaro doon sa Game Zone at ito pa nay! Alam mo bang muntik ng ma-----"Naudlot ang pinakamagandang kwento ko dahil nilagyan lang naman nitong si hania ng hotdog ang bibig ko at parang tinatakot ako gamit ang matalim niyang tingin.
"Haha let's eat first andrew ok? You're so talkative! I thought you're hungry aren't you?" Ngisi sakin ni hania kaya natawa si nanay.
" Yes Hehehe let's eat because im hungry" Pag eenglish ko pa. Hindi ko pa ito nasabi ng tama dahil punong-puno ang bibig ko.
Masaya naming tinapos ang hapunan at tuwang-tuwa si nanay sa mga kwento ko tungkol sa mga ginawa ni hania ng namasyal kami. Hindi rin nawala ang pagtaas at pag llaki ng mata sakin ni hania habang patuloy ko itong kinukwento ngunit hindi rin naman ito umangal kaya may lakas akong ikwento ang lahat.
Maagang umakyat ng kwarto si hania dahil may gagawin daw siya kaya tumulong nalang ako sa aking inang magligpit ng dapat ligpitin at maglinis ng dapat linisin. Nag presenta na rin akong maghugas ng pinggan para makapag pahinga na si nanay. Habang naghuhugas ako iniisip ko kung ano ang ginagawa ni hania sa mga oras na ito. Naisip ko rin na pupuntahan ko ito pagkatapos nitong ginagawa ko.
7:30 na ng gabi ng ninais kong umakyat sa silid ni hania kaya nandito ako ngayon sa labas ng kwarto niya at nagdadalawang isip kung tutuloy pa ba.
Bahala na si cinderella! gooooo... Hahahaha
*Katok*
walang sumasagot
*Katok ulit*
wala pa rin. Baka tulog? Wag nalang.
Akma akong aalis ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad si hania na namumugto ang mga mata
Umiiyak na Naman siya....:(
"Oh Andrew? What is it?" Ngiting tanong niya habang umiiwas ng tingin.
"Bakit namumugto yang mga mata mo?" Tanong ko ring sagot
"Ahhh Hehehe wala may pinanood kasi akong movie eh nakakaiyak kaya nahawa ako" Halatang nagsisinungaling na sagot niya
"Talaga ba? panood naman ako niyan pards" biro ko kaya natawa siya
"Haha tapos na eh"
" Pwede namang ulitin diba?"
" Bukas nalang Haha gabi na"
" Matutulog kana?"
" Hindi pa naman. Ano pala ginagawa mo dito? You ok?"
" Ahh ano.. wala lang gusto ko lang pumunta dito bawal ba? Masama bang umakyat ng hagdan tapos kumatok? diba pwedeng trip ko lang Haha" naiilang na sagot ko. ano bang sinasabi ko! Hayssst
" Haha lakas ng trip mo ah? Segi pasok ka muna gusto ko ng kausap eh" Sabi niya kaya pumasok na rin ako.
" Ang ganda naman ng kwarto mo pards babaeng babae ah. Haha" Pagpuri ko at umupo sa sofa. Siya naman naupo sa kama kaharap ko
"Why? do you expect it looks like a boy room?" Nagtatakang tanong niya kaya palihim akong natawa
" Hindi ko naman sinabi Haha"
" Ok Haha! kwentuhan nalang tayo Andrew. Kwentuhan mo ako tungkol sa buhay mo"
" Aba nagiging chismosa kana ah?" Pagbibiro ko, agad namang nag iba yung mukha niya " Joke lang eto naman di mabiro eh no? Hahahaha"
" Segi na kwentuhan mo na ako" Nagmamadali pang sabi niya at sinampa ang katawan padapa sa kama na parang Bata kaya natawa ako sa kanya.
"Segi makinig kang mabuti dahil one word lang to at ikaw ang iintindi kung anong kwento ng buhay ko.... Hahahaha joke lang! Segi na mag kukwento na ako at kapag natapos ako ikaw naman? Game Bespards?"
" Game" Ngiting sagot niya
" Ahhmm Bata pa lang ako iniwan na kami ni tatay nasa anim na taon ako non. May sakit si tatay sa puso pero binaliwala niya lang yon dahil sa hirap ng buhay, palagi siyang wala sa bahay dahil kumakayod pang tustus sa pangangailangan ng pamilya. Hindi siya tumitigil dahil pinagbubuntis ni nanay ang bunso naming kapatid non kaya tudo kayod ang tatay. Isang araw umuwi si tatay dahil tinawagan ko ito at sinabing mangaganak na si nanay at kailangang dalhin sa hospital, wala pang isang oras dumating na siya at halatang pagod na pagod, magulo ang buhok at madumi pa ang damit pero wala siyang pakialam dun agad naming dinala sa hospital si nanay at ng makarating kami sa hospital at naidala si nanay sa panganganakan niya. kinausap ako ni tatay na ako muna ang magbantay sa aking ina dahil hahanap siya ng pera pambayad sa hospital at pang bili ng pangangailangan ng baby kaya pumayag ako at niyakap ang aking ama" Huminto muna ako sa pag kwento dahil alam kong maiiyak ako sa sunod na mangyayari sa kwentong ito.

Komentar Buku (5)

  • avatar
    OperioCyrine

    Good

    26/01/2025

      0
  • avatar
    MaunioMarife

    thanks po

    04/11/2024

      0
  • avatar
    G. SangcadAbdul Rahman

    thanks

    20/08/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru