logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

KABANATA 5

NAKIKITA ni Vince ang damit na suot niya ngayon. Medyo tulad ng sa prinsipe na napapanood niya sa mga palabas. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang nababalot ng mga mahahaling bato gaya ng ginto, diyamante at iba pa na sadyang nagniningning.
"Opo, mahal na prinsipe. Kayo po si Zion, ang nag-iisang anak ng magiting na salamangkera rito sa Zifornum at pinakamatapang na mandirigma mula sa Zenerus." Sa mga binigkas na iyon ng tumatawag sa kanyang prinsipe, mas lalo siyang naguluhan.
"Hindi ko maunawaan. May mga magulang akong nag-aalaga at nagpalaki sa akin. Sina Itay Reynald at Inay Jean. Ang sinasabi mong mga taong nagmula rito at Zifornum at Zenerus ay hindi ko mga kilala." Naglakad-lakad si Vince papunta sa malawak na espasyo at tinanaw ang labas ng palasyong kinalalagyan niya.
"Mahal na prinsipe, hindi mo pa alam ang tunay mong pinagmulan at darating ang..." naputol sa pagsasalita.
"Wow! Dragons?" namangha si Vince sa mga pinagmamasdang bagay na nagliliparan sa himpapawid.
Nakangiting lumapit ang kanyang kausap.
"Ano po ang inyong sinabi? Ang mga nilalang na iyan ay likha ng mga magagaling nating salamangkero. Sila ang mga Zigord, isa sa mga nilalang na nagmamasid sa buong Zifornum.
"Zigord..." tumango-tango ang binata.
Naagaw ng kanyang pansin ang mga nilalang na tila naglalaban. May hawak ang mga ito na parang maliit na piraso ng sanga. Itinataas nila iyon sa ere at lumalabas doon ang malalakas na liwanag.
"Napanood ko na po ito sa mga palabas. Nangyayari pala ito sa tunay na buhay." Tila maging interesado ito at natutuwa sa mga punagmamasdan. "Ngunit sandali lang, hindi po ba ako nananaginip lamang?" pinisil-pisil niya pa ang balat at hinawakan ang buong mukha.
"Hindi, mahal na prinsipe. Kayo ay panandaliang dinala rito ng inyong lola upang ipakita kahit sandali ang tunay mong pinagmulan." Nakangiting tugon ng kausap.
"Lola ko po? Sino siya?" nagtatakang napatingin dito sa Vince.
Ibinalik ng lalaki ang tanaw sa buong Zifornum. "Siya ang pinakamatanda at pinakamahusay na salamangkero ng ating kaharian. Siya ang ina ng babaeng nagsilang sa iyo na si Sofhia." Unang salaysay nito.
"Bakit tinatawag mo akong Zion gayong Vince ang tunay kong pangalan?" tanong ng binata at nahahawa ito sa lalim nitong bumigkas ng tagalog.
"Sa mundo ng mga tao, ikaw ay si Vince. Ngunit sa buong kalawakan sa ngalan ng mga mabubuting daigdig, ikaw ay si prinsipe Zion sapagkat ipinangako sa lahat ng sagradong dugo na ang pangalan ng iyong ama ay magiging pangalan mo rin." Lumapit pa ng bahagya ang lalaki sa binata. "Hindi ko pa maipapaliwanag ang lahat sa iyo, mahal na prinsipe. Tandaan mo lamang ang mga makikita at matutuklasan mo ngayon. Darating ang araw na babalik kang muli rito at mauunawaan mo. Nais mo bang ikutin muna ang buong Zifornum? Ang iyong nakatadhanang isa sa mga magiging kaharian mo?" nakangiting mga tanong nito.
Sa loob ni Vince, hindi niya pa man mapagtagpi-tagpi ang katotohanang nais nitong iparating ngunit may bahagi ng puso niya ang nagsasabing pakinggan ito at sadyang tunay ang kanyang mga narinig. Tumango na lamang siya dahil nais niyang madama ang sinasabing pagiging prinsipe niya.
"Sige po. Kuwentuhan ninyo ako at dalhin sa aking tunay na pamilya." Bigkas ni Vince at sumunod sa paglakad ng tauhan. "Ano po pala ang inyong pangalan." Tanong habang naglalakad.
"Salamat sa iyong mga katanungan at ninanais malaman mahal na prinsipe. Ako si Jerson, isa sa kanang kamay ng reyna Darlyn. Siya ang iyong tita dahil kapatid ito ng iyong ina." Maigi lamang nakikinig si Vince at tanda niya lahat ng mga sinasabi nito.
Habang pababa ng hagdan ay yumuyuko ang lahat ng nilalang na kanilang nakakasalubong bilang pagbibigay-pugay. Lahat ng mga iyon ay may kakaibang saya sa mga mukha nang mapagmasdan ang binata.
"Ituloy po ninyo." Bigkas ni Vince.
"Ang iyong lola na pinakamakapagyarihang salamangkera ang siyang nagligtas sa buhay mo noong panahong ika'y isilang at nais mapaslang ng demonyo mula sa itim na mundo. Hindi mo pa mauunawaan ngayon, sa darating lamang na pagkakataon." Tumango si Vince at hindi na nagtanong pa. "Narito na tayo labas, mahal na prinsipe." Itinuro pa iyon ni Jerson.
Pinagmasdan ni Vince ang buong paligid. Napakaganda mula sa mga nagliliwanag na bulaklak. Tila nasa sinasabi siyang langit. Ang lahat ng mga nilalang na nasa harap niya ay may matutulis na mga tainga at berdeng mga mata. Ngunit iba siya, asul ang sa kanya.
"Magbigay-pugay sa prinsipe ng Zifornum." Malakas na pagkakabigkas ni Jerson.
Lahat ay napatingin sa kanila at unti-unting yumuyuko nang mapagmasdan ang kanilang prinsipe. Ang iba ay hindi pa makapaniwalang kaharap na nila ngayon ang sinasabing itinakda.
Napahawak si Jerson sa mga tainga nang bumulong sa kanya ang ihip ng hangin.
"Dalhin mo na siya sa Zenerus sapagkat ilang sandali lamang siyang magtatagal sa ating daigdig at kinakailangan niya ng magbalik sa mundo ng mga tao..." alam niyang galing iyon sa matandang mangkukulam.
Tinapik niya ang balikat ni Vince at napatingin sa kanya ang nakangiting binata dahil sa kasiyahang nararamdaman.
"Bakit po? Kuya Jerson?" ngiting tanong nito.
Napangiti rin ang lalaki sa tinuran nito. "Puputulin ko muna ang tuwang nararamdaman mo rito sa Zifornum. Kailangan mo namang makita ang daigdig ng iyong ama, ang Zenerus." Hindi batid ni Vince kung bakit siya napapikit at sa isang kisap ng liwanag ay naglaho silang dalawa.
Doon lamang nagpakita ang matandang mangkukulam kasama ang reyna, si Razelle at mga kambal nitong anak na sina Airam at Aira.
"Bakit po hindi tayo maaaring magpakita agad sa aming pinsan?" may pagtatakang tanong ni Airam.
"Oo nga po. Naririto na siya kanina at dapat ay kinausap na lamang natin," pagsang-ayon ni Aira.
"Sapagkat hindi pa ngayon ang tamang panahon. Sinabi ko lamang sa aking kapangyarihan na ipapakita ko ang kanyang pinagmulan. Hindi niya pa rin naman talaga mauunawaan. May mga bagay siyang kailangan tuklasin na magaganap lamang sa mundong kanyang kinagisnan. Sa ngayon, mabuting may alaala siyang sandaling sasariwain." Nakangiti ang matandang mangkukulam at bumalik na sa loob ng palasyo.
"Magpapa-iwan muna kami ni Aira, mahal kong ina. Kailangan pa naming mag-ensayo sa paggamit ng iba't ibang mahika." Saad ni Airam.
"Natutuwa akong ninanais ninyong maraming matutunan." Hinaplos ni Razelle ang pisngi ng dalawa.
"Dapat po talaga, ina. Gusto naming ituro balang araw sa itinakda ang aming mga nalalaman." Nakangiting sabi ni Aira.
"Darating iyon, mga mahal kong anak." Halos maluha si Razelle sa kasiyahang nararamdaman. Niyakap niya ang kambal na mga anak.
Mula naman sa loob ng palasyo, naririnig ng matandang mangkukulam ang lahat ng mga binigkas ng kanyang mga apo.
"Tama. Darating din kayo roon. Kayrami ng mga pagbusok at matinding ensayo ang inyong haharapin kasama ni Prinsipe Zion. Hindi pa ngayon ngunit nalalapit na." Huling sabi nito.
-----
NAPADILAT ng mga mata si Vince. Una niyang napagmasdan ang mga nag-eensayong mandirigma ng Zenerus. Hawak ng mga iyon ang matitibay na mga espada.
"Maligayang pagdating sa daigdig ng iyong ama, mahal na prinsipe." Itinuro nito ang napakalaking kahariang nasa harap nila.
Halos mamangha nang labis si Vince sa napagmamasdan. Naglalaban sa kulay puti at asul ang disenyo nito. Hindi na siya malapaglabas pa ng tinig mula sa mga natutuklasang daigdig.
"Totoo po ba ang lahat ng ito?" wala na siyang ibang masabi.
"Siyang tunay, mahal na prinsipe. Pagmasdan mo ang iyong hukbo sa hinaharap." Yumuko ang lahat ng mga mandirigma nang makita si Vince.
May kung anong bagay ang nagliwanag sa kanyang baywang. Napatingin siya roon at bahagyang nagulat.
"Ano po ito?" natatakot siyang hawakan at kunin.
"Mahal na prinsipe, iyan ang makapangyarihang espada ng iyong namayapang ama. Ang espadang nakatakdang gagamitin mo sa isang matinding digmaan."
IPAGPAPATULOY...

Komentar Buku (22)

  • avatar
    Reychel Rodriguez Sobreviga

    hello po

    6d

      0
  • avatar
    AmpuanAlinhor

    hyy

    24d

      0
  • avatar
    Len Sinadjan

    good

    08/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru