logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

DARK HUNTER

DARK HUNTER

Louie Belocora


ANG PROPESIYA TUNGKOL SA TAGAPAGLIGTAS

EPISODE I: KABANATA 1
BIGLANG dumilim ang buong kapaligiran. Ang kalangitan ay natatakpan ng mga itim at nakakatakot na ulap. Nang mga sandaling iyon, isinisilang ang isang sanggol na nabanggit sa propesiya ng puti at matandang mangkukulam. Binabanggit nito ang mga mangyayari, masama man o mabuti.
"Isisilang na ang taong magtatapos sa lahat ng kasamaan ng itim na mundo. Ang taong puputol sa ugnayan ng daigdig at ng kalawakan." Nanginginig ang tinig ngunit naiisigaw iyon ng matanda.
Nakasuot ito ng punit-punit na telang damit. Kulay itim at mayroong mahaba't puting buhok. Nagliliwanag ang mga mata at may hawak na lumang baston.
"Hah! Hindi ko na kaya!" pagsisigaw ng inang manganganak.
"Kakayanin mo iyan, mahal. Para sa kapakanan ng ating daigdig at buong kalawakan. Kailangang mailabas mo ang batang tatapos sa kasamaan." Hawak ng ama ang kanang kamay nito ng sobrang higpit.
Nakahiga ito sa malapad at may kahabaang bato. Apoy ang nagsisilbing liwanag sa madilim na kapaligiran. Sunod-sunod ang sigaw ng ina at pinipilit na mailabas na ang sanggol subalit nahihirapan siya.
"Malapit na. Sige!" sigaw din ng matandang magkukulam.
Unti-unti na ngang nailalabas iyon at kita na ang ulo ng sanggol. Biglang umihip ng pagkalakas-lakas ang hangin ngunit hindi nila iyon pinansin.
"Hah..." mahabang sigaw ng ina.
Sa tuluyang paglabas ng sanggol ay siya namang pagpapakita sa kalangitan ng maliwanag at bilog na buwan. Marahang iniangat ng matanda ang bagong silang gamit ang dalawang kamay at iniharap sa tatlong buwan.
"Itim na mundo, naisilang na ang nakatadhana." Humalakhak ito na siya namang pagkulog ng malakas.
Nawala na sa pagkakakapit ang kamay ng ina sa ama dahil tuluyan na pala iyong nalagutan ng hininga.
"Mahal?" tumulo ang luha nito. "Mahal, gumising ka. Naisilang mo na ang sanggol. Mahal? Mahal..." mahaba nitong sigaw nang makumpirmang patay na nga iyon.
Sa paglabas ng kidlat ay siya namang pag-iyak ng bagong silang.
"A-ang iyak ng t-tagumpay." Nakangiti at nanginginig na sabi ng matanda at marahang ibinababa ang sanggol.
"Hindi ako papayag!" galit at halimaw na tinig ang nagsalita mula sa kalawakan.
"Nasa propesiya na. Nasa propesiya!" ganting sigaw ng matandang magkukulam.
Namatay ang lahat ng apoy na nagsisilbing liwanag. Wala ni isang makikita kundi kadiliman.
"Ibigay mo sa 'kin ang sanggol." Nagpapaikot-ikot ang halimaw na tinig.
Hinawakang mabuti ng matanda ang bagong silang upang hindi ito maagaw ninuman. Marahang niyang itinaas ang baston at lumabas doon ang liwanag.
"Hindi. Hindi ako papayag." Makailang beses na nawawala ang liwanag at ibinabalik naman ng matanda.
"Talaga?" unti-unting napapatingin ang matanda sa kanang direksyon at naroon ang nakangiting demonyo ng itim na mundo.
Nakakapangilabot ang mga titig nito. Ang ngiting nakakamatay at ang nag-aasul na apoy na bumabalot sa buo nitong katawan.
"Akin na ang anak ko." Mabilis na inagaw ng ama ang sanggol sa mga kamay ng matanda at mabilis na nagtatakbo.
Pinalakas ng matandang mangkukulama ang liwanag sa baston at pinipilit na ibalot ang demonyo.
"Bilisan mo! Lumisan na kayo!" malakas na sigaw nito at pinipigilan ang lakas ng demonyo.
"Tagapaghatid ka lamang ng balita at propesiya. Hindi ikaw ang nakatakdang pipigil akin at sa itim na mundo." Itinaas ng bahagya nito ang kamay at lumabas doon ang asul na apoy. "Wala kang magagawa." At mabilis na inihagis sa matanda.
Maririnig ang malakas na sigaw mula rito. Tuluyang nawala ang liwanag sa baston. Samantalang ang mga mata ng ama ay nagkukulay berde upang makita ang napakadilim na paligid. Nakatingin lamang ang sanggol na tumigil na sa paghikbi.
"Kailangan kitang protektahan anak. Mahabang paglalakbay pa ang dapat mong tapusin. Kayrami pang pagsubok ang dapat mong tahakin. Mga kalungkutan at kasiyahan pa ang iyong haharapin. May mga lihim ka pang dapat tuklasin." Patuloy sa mabilis na paghakbang ang ama patungo sa kung saan na hindi niya batid dahil ang mahalaga sa kanya'y maitakas ang itinakdang anak.
"Hindi na kayo makakalayo at makakatakas pa." Sa sunod-sunod na halakhak siya namang paglakas muli sa ihip ang hangin.
Tila dinadaanan sila ng napakalakas na bagyo o kalamidad.
"Hah!" pasigaw ng ama ng may kung anong matulis na bagay ang tumama sa kanyang binti dahilan upang sandali siyang mapaluhod.
Napatingin siya sa paligid at napagmamasdan niya ang paglipad ng isang nilalang kung saan. Muli niyang ibinaling ang titig sa anak. Ngumiti siya dahil ayaw niyang mawalan ng pag-asa.
"Zion..." Nagpapa-eko-echo sa tainga niya ang pagtawag sa kanyang pangalan.
"Nasaan ka? Tulungan mo kami." Nagpapalinga-linga ang ama at alam niyang iyon ang matandang mangkukulam na ina ng kanyang asawa.
"Ilapag mo sa lupa ang bata at tumayo ka," Tugon ng tinig na ipinagtataka nito.
"Huh? Bakit?" madalian niyang tanong.
"Sundin mo ang sinasabi ko at ako na ang bahala sa itinakda," tugon muli ng tinig.
Napatingin ang ama sa anak at dumaloy sa mga mata niya ang butil ng mga luha. Nanginginig ang mga kamay niyang inilapag iyon sa lupa. Hindi mawala ang tingin niya habang unti-unting tumatayo.
"Ibuklat mo ang iyong mga kamay." Bigkas muli ng matanda at sinunod iyon ng ama.
Sa isang iglap ay may hawak na siyang isa pang sanggol at hindi iyon ang kanyang anak. Agad siyang napatingin sa lupa at wala na roon ang tunay na anak.
"Nasaan na siya?" pabigla niyang tanong.
"Nasa akin na ang anak mo. Tumakbo ka nang tumakbo at gamitin ang hindi tunay na sanggol upang linlangin ang demonyo. Utak ang labanan na nais niya, ibibigay natin," unti-unting naglalaho ang tinig.
Tumango ang ama at mabilis na takbo ang kanyang ginawa.
"Ibigay mo sa 'kin ang sanggol." Sa nakakatakot na tinig ay isang bola ng apoy ang tumama sa likod ng ama.
Napadapa siya at mabilis namang bumagon. Naka-upo siyang napapaatras habang pinagmamasdan ang demonyong papalapit ng papalapit. Ang init na mula roon ay ramdam na nito. Mahigpit niyang hinawakan ang hindi tunay na sanggol.
"Hindi ko ibibigay ang anak ko. Hindi!" matapang na sigaw nito.
"Bakit?" inilapit ng demonyo ang nakapangingilabot nitong mukha. "May magagawa ka pa ba?" humalakhak ito ng pagkalakas-lakas.
Inilapat ng demonyo ang dalawang kamay upang tanggapin ang sanggol na hinihingi niya. Pinagmasdan ng ama ang maamong mukha ng hawak at ngumiti. Kinakailangan niyang magkunwari ng labis.
"Patawad anak. Sana mapatawad mo ang ama sa magagawa ko." Tumulo ang kanyang mga luha. "Hanggang dito na lang marahil ang buhay mo." Unti-unti niyang iniaangat ang sanggol upang iabot sa demonyo.
Nang mahawakan at makuha iyon, muli itong humalakhak. Mula sa likod ay hinila nito ang isang nagliliwanag na espada.
"Nakikita mo ba ito?" nakakatakot na tanong ng halimaw.
"A-ang aking s-sagradong espada..." may panginginig ang tinig ng ama.
"Oo. Tama ka, Zion. Itong espada mo mismo ang papaslang sa iyo." Humalakhak ito ng malakas.
Marahang napapaatras ang ama dahil sa takot mula sa kanyang espada na ngayon ay hawak na ng pinakamasamang demonyo mula sa itim na mundo. Kayrami ng masasamang nilalang ang napatay nito at naikulong sa mundong rehas (PENTEZUM) para sa kanila.
"Paano mo nakuha ang aking espada?" nanlalaki ang mga mata nito.
"Bakit hindi mo balikan ang iyong mundo?" muli itong humalakhak. "Iyon nga lang, kung makikita mo pa ito." Ibinaon nito ang espada sa dibdib ni Zion.
"Hah..." mahaba at malakas nitong sigaw kasabay ng unti-unting pagbalik ng liwanag sa buong paligid.
Tuluyang naglaho ang demonyo kasama ang inaakalang nakatakda. Nakahawak naman ang ama sa sariling espada na nakabaon pa sa dibdib. Lumabas sa bibig niya ang sariwang dugo at unti-unting ipinipikit ang mga mata. Mula sa harap nito, sumulpot ang matandang mangkukulam na nagdurugo pa ang braso. Hawak niya ng mahigpit ang tunay na nakatadhana. Napagmasdan pa ng ama ang anak bago tuluyang matumba at malagutan ng hininga.
"A-anak..." maririnig pa ang huli at mahina nitong sambit.
Lumapit ang matanda sa harap nito.
"Ang anak mo ang magpapatuloy sa henerasyong dapat ay nagtapos." Hinawakan nito ang espada. "Walang may makakapagbago sa propesiya ng itinakda." At malakas niya iyong hinugot.
Nagliwanag ang katawan ng ama at sa isang iglap ay naglaho iyon ng parang bula.
"Dadalhin kita sa mundo ng mga ordinaryong nilalang. Kailangan mong lumaki ng simple. Saka lamang kita muling kukunin at ipapaliwanag ang tunay mong pagkatao. Nasa dugo mo ang tinataglay naming kapangyarihan kaya't hindi ka malalapitan ng sino mang masama." Iniangat nito ang hawak na baston at sa isang kisap-mata ay naglaho ang dalawa.
Mula sa daigdig ng may mga dugong mangkukulam (ZIFORNUM) ay napunta sila sa mundo ng mga ordinaryong tao. Pinagmasdan ng matanda ang buong paligid at nasa baybaying-dagat sila. Tanghali ng mga oras na iyon at wala ni isang tao. May ilang bahay-kubo sa tapat ng dagat at mga maliliit na bangka. Isang simpleng bahay ang nakaagaw pansin dito at mabilis siyang nagtungo roon.
"Umaasa akong lalaki kang may magandang mga katangian." Inilapag niya sa harap ng pinto ang sanggol na ibinalot sa puting tela na nanggaling sa mahika ng baston.
Hinaplos pa ng matanda ang maputi nitong pisngi at ngumiti.
"Ang markang ito ay palatandaan na ikaw ang tangi at nag-iisang tagapagligtas ng lahat ng mundo. Ikaw ang prinsipe at hari. Ikaw ang pinakamakapagyarihan." Nagliwanag ang baston at mula sa kaliwang dibdib ng sanggol ay lumabas ang isang marka.
Tila isang letrang 'H' at may simbolo rin sa gitna na isang espada. Mula sa malayo ay tanaw ng matanda ang papalapit na bangka. Marahil iyon ang magmamay-ari ng bahay na pag-iiwanan niya ng itinakda.
"Ang espada namang ito ang magiging gabay mo sa lahat ng segundo, minuto at oras." At ipinatong ng matanda ang sagradong espada na mula pa sa ama ng sanggol.
Nagliwanag iyon at pumasok sa loob ng katawan ng itinadhana. Sa huling kisap ay siya namang paglaho ng matandang mangkukulam.
"Paalam, mahal kong apo..." huling malamig na tinig.
Ilang minuto, narinig ng mag-asawang namamangka ang iyak ng isang sanggol na alam nilang nagmumula sa harap ng kanilang tahanan.
"Hali ka't tingnan natin." Hinila ng ginang ang asawa.
Nagulat mula sa nagtatangis na sanggol. Napapangiting binuhat iyon ng ginang.
"Saan galing ang batang iyan?" nagtataka ng labis ang lalaki.
"Isang biyaya, asawa ko. Marahil ay bigay ito ng Diyos sa atin sapagkat hindi tayo nabiyayaan ng anak." Nakangiti pa ring pinapatahan ito ng ginang at tumigil naman iyon sa pag-iyak.
"Mukhang nagustuhan niya ang iyong bisig at kanta." Nakangiti na ring sabi ng lalaki.
Pumasok sila sa loob ng may labis na saya sa mukha at buong pakiramdam.
IPAGPAPATULOY...
-----
[A/N: Hmmm... Ano nga ba ang nangyari sa nakaraan? Sino ang itinakda at bakit ito kailangang paslangin ng masasama? Basta ang sure ako, magiging malupet ang akdang ito. 🧐]

Komentar Buku (22)

  • avatar
    Reychel Rodriguez Sobreviga

    hello po

    6d

      0
  • avatar
    AmpuanAlinhor

    hyy

    25d

      0
  • avatar
    Len Sinadjan

    good

    08/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru