logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Hues of Deceit

Hues of Deceit

Santa Viela


Prologue

"Dito muna kayo, sa kabilang court muna ako. Titingnan ko muna ang ibang staffs doon." sabi ng Editor in Chief namin. Tumango lamang kaming pareho ni Mike at itinuon na ang pokus sa championship game ng basketball.
Intramurals is always a crucial moment for journalists, there are a vast array of topics and fields to cover and there's nothing nicer than a good coverage. Maganda itong pagkakataon upang mas mahasa pa ang mga kakayahan at mas masanay pa sa kategoryang pinili.
Lumuhod ako ng kaunti para ayusin ang sintas ng sapatos ko. Habang pinapakinggan ang mga sigawan at hiyawan ng iba't-ibang departamento na bumabalot sa buong gym ng St. Gabriel.
St. Gabriel is a well known private school in our municipality, hindi privileged based kaya madami ang estudyante kahit na may binabayarang tuition fees. Ang walang humpay na nararamdaman ng mga tao sa paligid ay lalo lamang dumagdag sa aking kagustuhang ma cover ito.
"Akyat muna ako dun, She. Doon na muna ako kukuha ng shots." sabi ni Mike. Tumayo ako at tinangoan siya. Hindi naman nakaka-bother na magkahiwalay kami sa pag cover sapagkat may tiwala naman ako sa kakayahan ni Mike.
Nanatili ako dito sa baba habang pinagmamasdan ang mga naglalaro ng basketball. Hindi ako maalam sa ganitong laro pero nandito ako't hinihintay ang resulta dahil kakailanganin ko ito sa aking article.
Bukod sa pag abang sa kung sino ang tatanghaling kampyon ay inaabangan ko ding makuhanan ng panayam ang magiging mvp sa larong ito, malakas ang hakot ng audience at readers kapag may varsity faces na kahalo ang publication.
The moment of truth of this championship game is about to be laid before our eyes. I saw how kuya Q stole the ball from the other team and passed it to Kise Romano who's now leading the fast break.
I known the team enough to contemplate that they indeed have the upper hand here, being Q's cousin was a good connection; honestly.
3 seconds... Kise's now being guarded by two players. I thought epu-push niya pang lumapit sa ring pero hindi, mabilis nitong pinasadahan ng tingin ang kinatatayuan then he took a step back. He threw the ball before the buzz rang its volume.
Samu't saring kulay ng mga lobo ang nagsilabasan at liparan sa buong gym, lahat ay halos sumisigaw at nagsisitalon sa sobrang tuwa. It's not surprising though, they also won last school year so most of the audience here were already confident as to who would be the victor at the end.
Inayos ko lang ang buhok at kwelyo ng blouse ko bago napag-desisyonang lumapit na upang ma interview ang nanalong team.
Halos hindi na ako makadaan sa dami ng mga babaeng nakaharang sa exit ng gym. Shit, kuya Q's team is already outside. Hindi ako makalabas, I need to get a damn interview!
And this is also one of the most annoying things sa basketball game ng St. Gabriel. Almost immediately ay umuuwi agad ang mga nanalong kupunan at hindi na nagtatagal sa gym, katulad ngayon ay matapos ang awarding ceremony ay lumabas na agad sila ng walang pag-aalinlangan.
St. Gabriel's known for always hosting the best victory parties, and I wonder why.
Huminga ako ng malalim at inayos ang Campus Press I.D. ko. Inayos ko din ang salamin ko na kani-kanina'y unti-unting dumadaus-dos sa aking ilong at pilit na pinagkakasya ang sarili sa dami na nang tao.
"Excuse me! Padaan!" pinagkasya-kasya ko ang maliit kong katawan sa dami dami ng mga babaeng naririto. I would put 'The Catalyst' to shame kung ito lang hindi ko malagpasan.
"Campus Press! Excuse me!" sigaw ko ulit. Binuhos ko ang lahat ng lakas at tinulak ang sarili sa dagat ng mga taga-hanga, I stumbled into a wall. I heaved a sigh of relief, I passed through the crowd almost swiftly; that was quite easy, I guess?
I gently dabbed the back of my palm on my forehead na agad ding napakunot nang biglang tumahimik ang buong paligid, ang inaakala kong pader ay gumalaw sa aking likuran. I can vividly feel the moisture from its sweaty body frame.
My eyes widen in shock. Kise Romano's my alleged wall! I mean, the MVP! Despite the scowl that was very evident in his face, I smiled widely.
Dagdag mo na din na baka lang pumayag siya dahil sa related kami ni kuya Q ay mas lalo pa akong naglakas loob na mag direct approach nalang at hindi pinansin ang mga bagay bagay sa paligid.
I pushed my sliding glasses frame back from its usual position and stood greatly from where I am currently situated. I can get my interview now.
With a massive amount of confidence, mabilis kong nilabas ang notebook at ballpen ko mula saaking bag. Bahagya kong iwinagayway ang I.d. ko sa harap ni Kise Romano. He looked at me straightly na para bang hindi ito interesado, pero pursigido ako.
Tumikhim ako ng kaunti, "Campus Press, Shennaia Calderon of The Catalyst. Mr. Romano, what moment in this game or this season where you are most proud of youself?" diretsahan kong tanong. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Seems like the odds are in my favor.

Komentar Buku (18)

  • avatar
    Erick Jayson Mateo

    bhb

    02/08

      0
  • avatar
    Nio Jay Bade

    thank you for the gift

    11/07

      0
  • avatar
    Hael Jenelyn

    okccbdvfdh

    11/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru