logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

KABANATA 5: THEIR ISSUE

KABANATA 5: THEIR ISSUE
***
(ASHIANNA RAILEY POINT OF VIEW)
Halos hindi ako makatulog kagabi sa kakaisip sa sinabi ni Penelope. Paano kung totoo nga na bampira ang pumatay sa mga kaklase ko? Sino na naman ang sunod niyang papatayin? Anong klaseng nilalang 'yong nakita ko kagabi? Sigurado ako na hindi ako namamalikmata sa aking nakita.
Mabilis akong lumabas sa aming bahay at hinabol naman ako ni insan. "Hoy! Sabay na tayo! Hintayin mo ako!" sigaw niya at tumakbo palapit sa akin.
Nakasout na rin siya ng kanyang uniform. "Kanina ka pa tinatawag ni tita pero hindi ka man lang lumingon kaya pinamigay niya sa iyo itong lunchbox mo. May problema ka ba kina tita? Tungkol ba ito sa narinig ko kagabi?" tanong sa akin ni insan habang sabay kaming naglalakad.
Natahimik ako sa naging tanong niya. "Alam mo, huwag mong pabayaan ang pamilya mo at patawarin mo na sila. Hindi naman nila sinasadya ang ginawa nila pero wala na silang magagawa. Pero, nasa iyo pa rin ang desisyon kung hahayaan mo silang makulong o papayag ka. It's your choice," payo sa akin ni insan at tinapik ang aking balikat.
"Siguro kailangan ko muna mag-isip ng matagal. By the way, alam mo ba 'yong binabalita ngayon tungkol sa mga babaeng natatagpuang patay sa ilog?" tanong ko habang nakatingin sa daan.
Bawat nadadaanan namin ay may ginagawa. May ilan din na nag-uusap, may ilan na nagbabasa ng dyaryo. "Oo naman, kalat kaya ito sa social media lalo na sa facebook. Kaya ikaw mag-iingat ka dahil halos lahat ng biktima ay galing sa school niyo. Naitindihan mo ba?" tanong niya at tumango ako sa kanya.
"Oo naman, mag-iingat ako,"
Malapit na pala ako makarating sa paaralan ko dahil mas nauuna ito kaysa sa kanya. "Tandaan mo ito, mag-iingat ka. Magkita na lang tayo sa bahay," paalam sa akin ni insan at kumaway habang naglalakad na siya palayo.
Kumaway na rin ako sa kanya at pumasok sa gate. Mabuti na lang at hindi ko nakakalimutan 'yong ID ko. No ID, no entry sa school namin. Habang naglalakad ako ay naririnig ko pa rin 'yong issue.
Bawat nadadaanan ko ay napapatingin sa akin.
"Diba siya ay HUMSS 12 A?"
"Siya diba 'yong top student nila na si Ashianna?"
"Oo, ang ganda niya pero sana mag-iingat siya baka siya na sumunod,"
"Halos sa section nila 'yong mga biktima,"
Sinout ko na lang ang aking earphones dahil nakakairita ang sinasabi nila. Halos ganyan na ang naririnig ko kaya nagsasawa na ako. Hindi ba sila nahihiya na naririnig ko ang pinagsasabi nila? O baka naman sinasadya nila.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa classroom namin. Napatitig sa akin ang mga kaklase ko dahil sa bigla kong pagdating. Wala namang problema sa pagdating ko pero bakit nagulat sila ng ganun. Nakita ko si Penelope na nakayuko sa kanyang arm chair.
Tinitingnan ko sila dahil malapit lang sa pinto ang upuan ko. Napansin ko na lahat sila ay nakatitig sa akin at may ilan na umiiyak pa. "May problema ba?" malakas kong tanong sa kanila at lahat sila ay natahimik.
Ang lulungkot ng mga mukha nila dahil sa sunod-sunod na pangyayari sa section namin.
"Alam mo na ba ang nangyari kay Elena?" tanong ni Kaye na classmate ko.
Siya ang class muse namin dahil sa kanyang ganda at talento. Class president lang ako dahil ako ang nangunguna sa klase namin.
Tumango ako kasi kahapon ko pa nalaman dahil kay Penelope and I check it to social media at totoo nga pero napansin ko na walang pakialam ang mga pulis. "Oo, nalaman ko rin sa social media. Ano na ang sinabi ng school tungkol sa issue na ito?" tanong ko lahat sa kanila kahit alam ko naman ang gagawin at sasabihin ng school.
"Wala silang pakialam dahil mas maganda sa kanila ang image ng school. Kahit lahat tayo ay biktima ay wala silang pakialam," naiiyak na sabi ni Chanelle na malapit kay dahil magkaibigan sila.
Siya ang class secretary namin dahil sa galing niya sa calligraphy at pagsusulat. Tama ang sinabi nila. This school is only care about the image of this school. Baka binayaran din nila ang mga pulis to keep their mouth shut.
"Hindi naman ito bago. Mag-ingat na lang tayo baka tayo na ang isunod ng taong 'yon," paalala ko sa kanila at umupo na sa aking upuan.
Nag-ingay ang mga kaklase ko pero natahimik din papasok ni Ma'am Magsalin. Nilapag niya ang kanyang mga gamit sa mesa pati ang kanyang laptop. "Ma'am, ano na po ba ang balita sa nangyari sa dalawa kong kaklase?" lakas na loob na tanong ni Megan na class treasurer namin.
Tiningnan siya ni Ma'am na parang panget ang sinabi ni Megan. "Tapos na ang issue na 'yan. Saka kailangan ko pa ba alamin ang tungkol sa bagay na 'yan," sarcastic na sagot sa amin ni Ma'am Magsalin.
Tumaas ang kanan kilay ko dahil sa sinabi niya. What kind of teacher of this? Wala silang pakialam if may mamatay na mga student. Ang mahalaga sa kanila ay sahod nila. "Ma'am, it's your responsibility na alamin ang tungkol sa dalawa mong students na namatay. Remember, ikaw ang adviser namin pero mas pinili mo manahimik at huwag makialam. Hindi ka ba naawa sa pamilya ng mga biktima?" tanong ni Aaron na class vice president namin.
Siya ang pumapangalawa sa akin at nakasout siya ng salamin. Pero, siya ang tipong nerd na hindi natatakot dahil sasabihin niya talaga ang ipaglalaban niya. "Hindi ako ang mga pulis, kung gusto niyo alamin ang pagkamatay nila edi bahala kayo. Teacher ako at hindi imbestigador. Let's proceed to our classes," malamig na sagot sa amin ni Ma'am Magsalin.
Nakaramdam ako ng galit sa sinabi niya. Naramdaman naman ito ni Penelope kaya napalingon siya sa akin. Hinawakan niya ang kanan kamay ko na nakakuyom sa aking arm chair.
"One of the greatest problems of our time is that many are schooled but few are well manner educated," natatawa kong sabi na medyo malakas kaya napalingon siya sa akin.
Gulat na gulat siya sa sinabi ko dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsalita ako ng ganito. Hindi ko lang napagilan dahil wala siyang pakialam. "Kung ilalagay mo sa sitwasyon mo, Ma'am. Anak mo ang namatay at walang pakialam 'yong teacher niya at school. Hindi ka rin ba magiging ganito tulad sa amin?" I asked with sarcastic voice.
I saw how her face frowned and get mad to what I have said. "It's not my fault if namatay sila. This is their fault,"
Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Sasagot sana ako pero may pumasok na apat na lalaki. Napansin ko na kanina pa tahimik ang kaklase kong ibang babae at lalaki. Humarap sila sa amin at doon ko lang napansin na sila ang Versity 4.
Tahimik lang si Knoxx habang may hawak na libro. Ang hilig niya talaga magbasa ng libro dahil palagi na lang siyang may dala. "Announcement, we will start starting from tomorrow the rules. Hahanapin namin ang mga taong over 95 ang average sa semester na ito. Got it? So, be ready?" paalala sa amin ng leader nila kaya nakaramdam ako ng kaba.
Alam ko kung ano ang ginagawa nila sa mga taong over 95 ang average. Lagi nilang binubully o pinapahirapan ang mga taong 'yon. May ilan nga na nanahimik at lumipat ng ibang school, may ilan din na binaba nila ang kanilang average at may ilan na nag-suicide.
Kapag lumiit ang average mo ay titigilan ka nila. Kinakabahan ako dahil baka over 95 ang average ko this semester. Napansin ko kay Knoxx na tumutulong siya ng palihim sa mga na-bully. Halatang napipilitan siya pero kaibigan niya 'yong leader nila.
"Naitindihan namin, Zaiver," sagot ng mga kaklase namin.
So, Zaiver ang pangalan ng lalaking 'to. "Good,"
Nakita ko kung paano niya ako dinaanan ng tingin at umalis na. Tumatawa pa 'yong dalawa niyang kasama na natutuwa sa sinabi niya. Kapag sikat at mayaman ka ay feeling mo ay ikaw na ang hari na handa mong tapak-tapakan ang isang tao dahil mahirap siya o wala-wala siya.
'No matter how much you tried to fight of your life, it doesn't mean you can fight them when you have nothing in their world.'

Komentar Buku (3)

  • avatar
    Syrljynxs

    next na fless

    08/11

      0
  • avatar
    Lopez felicianoAngelica

    nice

    18/07/2023

      0
  • avatar
    AlcalaHannah Kimberly

    Very interesting

    05/08/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru