logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

The Bloody Contract

The Bloody Contract

misshychii


KABANATA 1: FAMILY DEBT

(ASHIANNA RAILEY POINT OF VIEW)
"Saan ba tayo pupunta? Ano ba talaga ang problema mo baka matulungan kita," nayayamot na sabi ni Penelope habang nakasunod sa akin.
"Kailangan ko ng pera sa ngayon,"
Napakalaki ng utang ng pamilya ko at hinahabol na mga loan shark si papa sa labis na utang niya. Hindi ko akalain na gagamitin niya sa pagsusugal ang mga pera namin imbis na maghanap buhay siya. Mahirap na nga kami tapos nangungutang pa siya.
"For what? Diba may sahod ka na dahil working student ka?" tanong niya habang nakasunod pa rin sa akin.
Maganda si Penelope at maputi. Parehas lamang kami ng edad and she has long straight black hair habang hanggang balikat lang sa akin. Girlish type of girl siya habang ako naman ay boyish type. Mas matangkad nga lang ako ng ilang dangkal sa kanya.
"Hindi pa rin sapat ang maging assistant library kaya I need more money. Malaki ang utang ng pamilya ko sa mga loan shark at araw-araw ay pumupunta sila sa bahay para maningil," sagot ko sa kanya at halos nadadaanan namin ay kumpleto na ang tauhan nila.
Damn it, saan ba ako makakuha ng trabaho nito? Kahit part time job lamang.
"Gusto ko sana kita tulungan pero isa rin kami sa mahihirap na pamilya kaya tutulungan na lang kita maghanap ng trabaho. Don't give up yet," paalala sa akin ni Penelope habang patuloy pa rin kami sa paghahanap.
Napatigil ako sa isang cellphone accessories na naghahanap ng cashier nila. Nagkatingnan kami ni Penelope at sabay na tumango sa isa't-isa. Lumapit agad ako sa bantay na mukhang nagtataka sa biglang paglapit ko dahil sout ko pa rin ang aking uniform.
"Pwede ko ba makausap ang may-ari nito? Para mag-apply ako sa inyo for work," magalang kong tanong at ni-head to toe ako ng lalaki na bantay.
"Wait," sabi niya at nakipag-usap sa kaibigan niya.
Pinag-uusapan nila akong dalawa at maya-maya lumapit din ito sa akin agad. "Pasensya na pero nakahanap na pala kami," sabi niya kaya napatingin ako kay Penelope.
Nagbuntong hininga na lang siya at nagsimula na maglakad. "Sige, salamat," tanging sabi ko at sumunod kay Penelope.
I think they lied, sadyang hindi lang nila gusto na makapagtrabaho ako sa cellphone accessories nila. Kinapa ko ang aking cellphone sa bulsa dahil nagri-ring ito. Napatigil sa paglalakad si Penelope at tumapat sa akin.
My cellphone samsung duo are ringing. Pagkita ko sa caller ay si mama pala. Sinagot ko ito dahil baka nag-alaala na ito sa akin. My dismissal time is 12:00 am but it's already 4:00 pm.
"Hello," bati ko sa kabilang linya.
"Nasaan ka, anak? Bakit hindi ka pa rin umuuwi?" nag-alaala niyang tanong.
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na naghahanap ako ngtrabaho to help them baka pagalitan nila ako.
"May binili lang ako na mga gamit for my project," sagot ko sa kanya at napataas ng kilay si Penelope sa naging sagot ko.
"Okay, come home agad. May sasabihin kami ng papa mo sa iyo," sabi niya at pinatay na agad ang tawag.
Bakit parang kinakabahan ako mamaya? I felt something that going to happen. "Project pala? Nice alibi. By the way, umuwi na tayo kasi gumagabi na at may klase pa tayo bukas. Baka makita mo pa bukas 'yong crush mo," asar sa akin ni Penelope at biglang namula ang aking mukha.
Lagi ko kasing inaabangan ang paglabas niya dahil college student na siya while senior high pa lang ako. Minsan ko lang siya nakikita dahil bihira lang siya lumabas sa room nila.
"Langya ka talaga, tara sumakay na tayo ng jeep para makauwi na tayo," sabi ko at pumara na nga kami ng jeep na papunta sa barangay namin.
Medyo magkalayo ang bahay namin pero okay lang atleast may kasama akong umuuwi. Nakatira kami sa Kirai Village sa Barangay Santos. Pagkaupo namin sa jeep ay humihinto sila kapag may sasakay na pasahero. Halos magsiksikan na kami rito sa daming nakaupo.
Ang konduktor naman ay nakasampa pa sa jeep. Bumuhos bigla ang malakas na ulan na may kasamang pagkidlat. Takot pa naman ako sa thunder at lightning lalo sa dilim o kapag nawawalan ng kuryente ang lugar namin.
Mabuti na lang lagi akong may dalang payong. Napansin ko na pumasok na ang jeep sa village namin. Unang baba si Penelope habang huli naman ako. Napatigil agad ang jeep dahil may ilan na nagsibabaan na at kasabay nila si Penelope.
"Mauuna na ako, bye. Mag-ingat ka. See you tomorrow," paalam niya at lumabas na.
Napangiti na lang ako at napansin ko na kunti lamang kaming mga tao rito. Nagsimula na rin tumakbo ang jeep at napatitig ako sa bugso ng ulan sa bintana ng jeep. Bakit feeling ko may mangyayari na something? Or is this just my thought. Pinilig ko na lang ito sa aking isipan. Hindi nagtagal ay nasa tapat na kami ng bahay ko kaya tinuktok ko ang piso sa bakal para hudyat na titigil ang jeep. Hinanda ko na rin ang aking payong.
"Ito na po ang bayad," sabi ko sabay abot sa driver ng 2o pesos.
Ang mahal talaga ng pamasahe sa ngayon kasi patuloy na tumataas ang presyo ng gasolina kaya hindi ko naman masisi ang mga driver na taasan nila ang pamasahe pero may ilan na over na makasingil. Kinuha naman niya ito at ako naman ay nagsimula na pumasok sa bahay namin.
Gawa sa kawayan ang bakod namin na pwedeng masira if tatadyakan mo ng malakas at boung pwersa. Ni-lock ko ito agad pero napansin ko na nagkaroon ng veranda sa kwarto ko. Kailan kaya 'yan ipinagawa kasi noong umaga ay wala 'yan. Saan kaya kumuha ng bayad sina mama?
Pumasok na ako sa bahay at naabutan ko sina mama at papa na nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv. Hindi nila alintana ang ulan at pagkidlat. "Nakauwi na po ako," sabi ko at sinara ang pinto pagpasok ko.
Napatingin sila sa aking dalawa. "Saan na 'yong mga kagamitan ng projects na binili mo?" nagtatakang tanong ni mama at mukhang napansin niya na wala akong dala na binili.
"Iniwan ko kay Penelope, sabay kasi kaming bumili," pagsisinungaling ko at hindi pinahalata sa kanila na wala akong binili.
"Sige, magbihis ka na. May pag-uusapan tayo ng tatay mo dahil may paparating na bisita," sabi ni mama kaya naman tumango na lang ako.
Mamaya ko na lang itatanong sa kanila 'yong balkonahe sa aking kwarto. Hanggang second floor ang bahay namin na gawa sa kahoy. Umakyat na ako sa maliit naming hagdan papunta sa aking kwarto.
Sino kaya 'yong paparating na bisita? Sinawalang bahala ko na lang 'yon at pumasok na tuluyan sa aking kwarto. Sinara ko agad ang pinto at nilibot ang tingin sa paligid. Bakit ang daming nagbago sa kwarto ko?
Ang arrangement, ang mga gamit ko at ang disenyo ng kwarto ko lalo na 'yong veranda na kahit gawa sa kahoy ay napakagandang tingnan. Ang pinto ng veranda ay dalawang pinto na parang bintana. Kahoy at glass ang pinto. Nilapag ko ang aking bag sa study table ko kasama ang cellphone ko.
Nagbihis ako agad at nilagay ang uniform ko sa basket kasi lalabhan ko na lang bukas. May extra uniform pa naman ako para bukas since I have two uniforms with pair. Nagsout lang ako ng white loose shirt na may print na tom and jerry and black jogging pants.
I tied my hair into bun at saka bumaba na sa sala since may pag-uusapan pa kami nina mama. Pagbaba ko ay nandoon pa rin sila sa sala pero nakapatay na ang tv since malakas ang ulan at may kunting pagkidlat.
Umupo ako sa bakanteng single sofa na katabi ng upuan nina mama na sofa na malaki. Malapit sa pinto ang mga sofa namin. "Anong pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanila at nagkatingnan naman sila sa isa't-isa.
"About sa utang natin," panimula ni mama kaya napataas ang aking kilay.
"Ma, tutulungan ko kayo sa pagbabayad sa utang," nakangiti kong sagot sa kanila pero hindi man lang sila ngumiti.
I wonder why? I think there is something that they hiding from me. "Anak, wala na tayong problema sa utang dahil bayad na ito," sagot sa akin ni mama while my father is keep quiet.
Huh? Paano wala na? Sa laki ng utang namin na umabot sa million. Paano nila nabayaran ang utang? Saan sila kumuha ng pambayad. "Nabayaran niyo na? Paano? Kanino kayo kumuha ng pera?" sunod-sunod kong tanong dahil nalilito ako sa kanila.
"Nabayaran natin sa pamamagitan ng may tumulong sa atin at wala siyang hiningin kapalit. But..." sabi ni mama na nagdadalawang isip sa sasabihin niya.
I smiled kasi ang bait naman ng taong 'yon. To think na bihira na lang mamigay ng malaking halaga na pera ng walang kapalit.
"Mabuti naman kung wala tayong ibabayad sa kanila na pera. Pero, bakit niyo pinulot ang sasabihin niyo?" nagtataka kong tanong habang malungkot ang mukha ni papa.
"Wala siyang hiningi na pera bilang kapalit pero may iba siyang hiningi na kapalit," mahinang sabi ni mama kay nagsimula na ako maguluhan sa kanila.
Ano naman kaya ang hiningi na kapalit? "Ano naman ito?" I asked while watching their reactions.
My father is just keep quiet while sadness plastered on his face. I wonder why he is sad.
"They want you to marry their son. That's the payment to what they have done,"
Napatayo ako sa gulat. I can't believe it.

Komentar Buku (3)

  • avatar
    Syrljynxs

    next na fless

    08/11

      0
  • avatar
    Lopez felicianoAngelica

    nice

    18/07/2023

      0
  • avatar
    AlcalaHannah Kimberly

    Very interesting

    05/08/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru