logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

“Nag-chat sa'kin si Fynlae kagabi, Dan! Sabi mo daw kay Kuya ay kasama kita sa inyo?” bungad sa'kin ni Eisha pagdating ko sa room.
Tumango ako at inayos ang bag ko sa upuan. Umupo ako at napatingin sa kanya na naghihintay yata ng isasagot ko.
“Oo, baka pagalitan ka, e.” sagot ko.
Ngumiti s'ya sa'kin at sinenyas na pupuntahan muna si Jessie kaya naman napatango ako.
Minsan ang weird ni Eisha, I really don't know what's wrong with her. Bumuntong hininga ako at nagmasid sa loob ng room. May iba't-ibang mundo na naman ang iba kong kaklase, sina Tine at Alwin ay wala pa.
Pagtingin ko sa may bandang kaliwa ay nahuli kong nakatingin sa'kin si Primo–ay hindi pala sa'kin, kay Martin pala.
Napangiwi ako at bumaling sa harapan, napansin kong nakakumpol du'n ang mga kaklase ko. Tumayo ako saka lumapit doon, nagbebenta pala si Andrea ng Nachos at Cheese Curls. Natakam ako kaya naman bumili na din ako.
“Ilan nga ulit sa'yo, Danica?” tanong ni Princess na nakatingin na sa'kin. Tinutulungan kasi n'ya si Andrea sa pagbebenta.
“Ten lang.” sagot ko at tinanguan naman n'ya.
Inuna nila iyong mga nakapila kanina pa kaya sumandal ako sa upuan ni Niana sa gilid ko, nang ibigay sa'kin ni Andrea iyong nachos ay agad ko itong kinuha at binigay ko ang fifty pesos ko.
“Wala ka bang barya, Dan?” tanong ni Princess at umiling ako. “Maya ko na lang kunin sa'yo yung bayad, puro coins naman kasi iyong binayad nila kanina.” dagdag n'ya at tinanguan ko na lang.
Bumalik ako sa pwesto ko at kinain 'yong nachos, medyo weird yung mood ng room kasi hindi pumasok si Ma'am Dueñas, she's sick daw, e.
“Penge naman ako, Dan!” nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Alwin sa gilid ko.
Nilahad ko sa kanya ang nachos na nasa papel at kinuha agad n'ya iyon.
“Anong oras daw iyong program?” tanong n'ya habang nakatingin sa harapan.
“Ewan ko.” tamad na sagot ko at natawa siya.
“Natulog ka ba ng maayos?” tanong n'ya na hindi ko sinagot.
Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ng nachos hanggang sa maubos iyon, tumayo naman si Alwin papunta kina Tine na nasa harapan ang pwesto.
Hanggang sa maubos nag oras ng first period ay hindi ako nakipag-usap kahit kanino, hindi ko alam pero tinatamad talaga akong buksan ang bibig ko ngayon, dumating naman si Ma'am Wena, she's wearing her serious look.
I hated her from the very beginning but I know that she's just doing her job. She's one of my terror teacher but I learned a lot from her, she doesn't give any favoritism peg to anyone in our class.
Nagsimula na siyang mag-discuss, as usual, recitation na naman at pinapatayo n'ya ang hindi nakakasagot, para bang kasalanan para sa kanya ang hindi nakakasagot ang isang estudyante.
“Class, you need to review every lesson that we tackled today. Magkakaroon tayo ng diagnostic test bukas, hindi pa naaayos iyong mga test paper na gagamitin kaya bukas na lang, okay?” imporma ni Ma'am Wena at sinang-ayunan naman naming lahat bago siya magpaalam.
Lumipat na ako ng upuan para sa Math Subject, buti na lang talaga at Talde ang apelyido ko, laging nasa dulo. Tumabi ako kay Paul na nakikipagharutan na naman kay Timothy.
“Paul, matutulog muna ako, sabihin mo kay Ma'am masakit ang ulo, okay?” imporma ko sa kanya at tumango na siya saka nagpatuloy sa pakikipagharutan.
As usual, nakatulog na naman ako pero nagising din agad dahil sa may pa-quiz na naman si Ma'am. Mabuti na lang at na-aral ko kahapon iyong mga diniscuss ngayong araw.
“Ilan ka, Dan?” tanong sa'kin ni Primo na nakasimangot pa!
“Fifteen.” sagot ko.
Napangiwi siya sa narinig n'ya. “Sana all.” aniya saka ngumuso naman.
“Ilan ka ba?” nagtatakang tanong ko sa kanya at ngumisi siya.
“Isa lang, syempre! Akala mo sa'kin, lima ang kaluluwa?” biro n'ya na kinangiwi ko.
Nakakatawa ba iyon?
“Funny.” umay na sabi ko lalo siyang natawa.
“Joke lang, ano ba! Eight lang ako.” bawi niya at tumango naman ako.
Wala namang masama kung nakakuha siya ng mababang score, at least hindi itlog. Tsaka di ko naman siya masisisi kung wala siyang naintindihan sa mga lessons, pareho lang naman kami, kaibahan lang ay inaaral ko iyon sa bahay, ewan ko na lang sa kanya.
“Ayos na yan, di mo naman first time.” nakangising sabi ko at inirapan n'ya.
Lumabas na siya ng room dahil inutusan siya nina Axl na dalhin iyong mga papel namin sa faculty kung saan ang table ni Ma'am.
Lumipat ulit ako ng upuan para sa last subject before ang breaktime. Now, katabi ko naman si Eisha, nakangisi siya sa'kin.
“Bakit?” tanong ko at hinawakan ang mukha ko baka kasi may dumi o kung ano.
“Wala, ang ganda mo.” aniya saka ngumiti sa'kin at pinisil-pisil pa ang pisngi ko.
Nauumay ko siyang tiningnan. “Tigilan mo ako, Eisha, wala akong piso.” sabi ko at natawa siya.
“Di ko need ng piso, need ko isang milyon.” patawa-tawa pa n'yang sabi at agad nang umayos ng upo nang dumating ang teacher namin sa AP.
Natapos ang discussion nang hindi naman bumibigay ang mga mata ko na kanina pa sumusuko. Ewan ko ba, kapag kasing mahaba ang discussion at walang recitation ay nabo-boringan ako.
Nag-aya sina Alwin na bumaba pero hindi ako sumama, bumili na lang ako ng carbonara kay Andrei, siguro kahit isang taon na puro ganito ang kinakain ko ay hindi ako magsasawa.
“Hindi ka ba natatae sa araw-araw na pagkain mo ng carbonara, Danica?” bulong sa'kin ni Jessie at agad akong umiling.
“Hindi! Ang sarap kaya! Saka kahit isang buong taon mo akong pakainin nito, ayos na ako.” sagot ko at inubos na iyong carbonara at agad na uminom ng tubig na baon ko.
Ngumiwi siya sa'kin at pumunta kay Andrei para bumili ng siopao, natakam naman ako kaya bumili na rin, ew, self, gaya-gaya!
“Danica!” napalingon ako nang tawagin ang pangalan ko, kita kong si Primo iyon. “Yari ka! Pinapapunta ka ni Ma'am Ferrer sa faculty, may ginawa ka daw.” pananakot n'ya sa'kin at agad akong kinabahan.
Ano kayang sinasabi niyang ginawa ko? Tangina kasing Primo, ’to! Agad akong lumabas ng room at tumungo sa faculty.
Nakangiti si Ma'am Ferrer nang makarating ako sa table n'ya. Kabado pa ako, ano kayang ginawa ko?!
“Danica! May ginagawa ka ba?” tanong niya at umiling naman ako, syempre, konting plastikan! “Anak, pwede mo bang i-check muna ang mga papel ng section Archimedes? Since ikaw kasi ang naka-perfect ng quiz kanina. Hehe.” dagdag n'ya at pasimple akong ngumiwi.
Eto na nga ba ang ayaw ko, iyong nauutusan! Ngumiti ako ng bahagya at tumango, abot tenga naman ang kanyang ngiti nang i-abot ang mga papel.
“D'yan ka na lang muna sa table ni Ma'am Hidalgo, i-e-excuse kita sa next subject teacher n'yo, sino ba?” aniya at napabaling ako sa kanya habang inaayos ang mga papel bago ako maupo.
“Si Ma'am Dioneda po.” sagot ko at tumayo siya.
“Ma'am Jen!” nanlaki ang mata ko nang tawagin niya ang teacher namin sa Filipino. “Excuse mo muna si Talde, huh? May pinapagawa lang ako sa kanya.” imporma niya at agad namang um-oo si Ma'am.
“Sure! Danica, kumain ka pagkatapos mo d'yan.” sagot n'ya na kinagulat ko pa lalo.
Tumango na lang ako at inumpisahan na ang pag-che-check ng mga papel, unang papel pa lang ay itlog na ang score. Napakamot ako sa kilay ko, nakaka-stress ang pag-che-check ng mga papel lalo na kilala ko ang mga may-ari ng mga papel.
Most of them are famous, but why can't they focus on their ACADs? Ano to, pagandahan at pababaan ng grades? Nakaka-disappoint dahil kung umakto sila ay para silang mga bad bitch pero wala naman talagang ibubuga sa ACADs. I know naman na hindi nila naiintindihan ang mga tinuturo, pero bakit kahit isang puntos ay wala pa din? Hanggang sa matapos ako ay wala akong nakitang papel na lumagpas sa 2 ang score.
Pina-record pa ni Ma'am sa'kin ang mga score. Syempre dahil sa dakilang Marites ako, tiningnan ko ang mga past scores nila, hindi na ako nagtaka pa, puro mababa. Iniisip ko tuloy kung anong nararamdaman nila kung makita nila ito? Ano kayang sasabihin ng mga magulang nila? Katulad din ba ni Mama at Papa ang magulang nila na pine-pressure sila? O baka naman hindi? Baka ayos lang sa kanila kung mababa ang grades ng mga anak nila basta makapasa lang?
Ang daming tanong na nasa utak ko, hindi ko alam kung kanino ko iyon itatanong para mawala ang sakit sa ulo ko.
Binalik ko na ang record book  sa table ni Ma'am Ferrer, wala na siya doon dahil may klase pa siya sa ibang section. Tahimik akong lumabas at pumunta muna ako sa CR para maghugas ng kamay. Pagkatapos nu'n ay bumalik na ako sa room namin.
Yumuko ako at naglakad papunta sa pwesto ko, ngumiti naman sa'kin si Ma'am Jen habang nakaupo sa may likuran at nag-re-report naman sa harapan ang mga kaklase ko.
“Danica.” tawag niya sa'kin at agad naman akong pumunta sa likuran imbes na sa pwesto ko. Nang makalapit ako ay tinapik n'ya ang upuan na bakante sa tabi n'ya. “Upo ka dito.” aniya na sinunod ko naman agad. “Since you won't have a grade for this reporting, may ipapagawa na lang ako sa'yo, check mo lahat ng papers ng kabilang section at paki-record na din.” dagdag n'ya at napalunok ako.
Hindi ko alam kung paano ako pumayag, ang alam ko lang ay nakaupo na ako sa tabi ni Ma'am at nag-che-check na naman ng mga papel, nauumay na ako sa mga scores na nakikita ko, parang na-e-encourage akong maging petiks na lang sa pag-aaral, you know why? Cause I think that grades are just a numbers, and it can't make you happy.
Sa tingin ko kasi ay mas na-e-enjoy nila 'yong teenage life nila at ako hindi dahil sa strict yung mga magulang ko at puro na lang aral ang inaatupag ko sa araw-araw, kahit pa naman sabihin kong naglalaro ako ng mga mobile games at gumagala kahit walang permiso sa magulang   ay hindi pa rin iyon sapat para masabing masaya ang teenage life ko.
Natapos ko ang mga chine-checkan ko na katulad ng kanina, dismayado ako sa resulta, halos lahat din ay mababa ang scores. Binalik ko na kay Ma'am Jen ang record book at inayos ko ang mga papel saka nilagay doon sa folder kung saan ito nakalagay kanina.
Tapos na ang mga reporter at pinapalinis na lang ni Ma'am ang room, tumayo ako at agad namang nagpasalamat si Ma'am na tinanguan ko lang. Kinuha ko ang bag ko sa pwesto ko at lumabas na ng room, sumunod naman sa'kin sina Tine at sabay-sabay kaming bumaba sa garden.
Tinatamad pa akong umuwi, lalo na kung puro sermon lang naman ang dadatnan ko. Umupo ako sa tabi ni Tine, samantalang si Alwin at Marianne ay bumili ng makakain sa canteen.
“Ba't naman ang tamlay mo pagbalik mo ng room kanina?” tanong ni Tine na bumasag sa katahimikan.
“Kaka-disappoint na makita 'yong mga grades na mababa sa kabilang section, ngayon naiintindihan ko na si Mama kung bakit siya disappointed sa'kin kapag bumababa ng isang puntos ang mga grado ko.” matamlay na sagot ko.
Napasinghap siya sa narinig. “Hindi iyon sa ganu'n, Dan. It's not about the grades, it's all about enjoying your teenage life. Grades are just a numbers, it's normal to be disappointed, mag-enjoy ka, h'wag mong pilitin 'yong sarili mo kapag di mo kaya, you can do whatever you want, pwede mo namang hindi sundin ang mga magulang mo kahit minsan lang, di mo deserve lahat ng mga achievements lalo na kung napipilitan ka lang, you deserve an achievement na na-enjoy mo 'yon habang ginagawa mo.” mahabang litanya n'ya.
Napalunok ako at nahihiyang yumuko. Hindi ko alam kung bakit iba ang nararamdaman ko ngayong si Tine na ang nagsalita. Prangka naman kasi talaga siya pero dati ay hinihimay pa n'ya ang mga salitang binibitawan n'ya sa'kin ngayon ay sa tingin ko at di na siya nakapagtimpi pa.
“Alam mo, Dan, 'yong mga advice mo samin, labas lahat sa ilong, di mo naman ginagawa. Diba dapat ikaw mismo iyong unang gumagawa bago mo iyon i-advice sa iba? Ano na, Mare? Nabusog ka ba sa mga sinasabi mo?” nauumay na tanong n'ya.
Umiling ako saka mapait na ngumiti sa kanya.

Komentar Buku (197)

  • avatar
    CuranCianna

    Maganda sya basahin lalo na kung sa teenagers since relatable Naman. Madaming nakaka di paniwala na nangyare lalo na Yung last part. I'll recommend this to my friends, sure ako maiiyak din Yung mga Yan. nice story, I love it!! Magsulat ka pa Ng more stories, aabangan ko yan!!

    01/07/2022

      0
  • avatar
    Jahziel Salvador

    super beautiful movie

    18d

      0
  • avatar
    Juliana7

    very good.

    18d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru