logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6

Tatlong araw ang nakalipas ng pagtatrabaho ko kay ma'am Clarideth at tatlong araw na rin akong wala pa ring maintindihan sa nangyayari. Kung sa dalawang araw ko pa lang noon dito, may weird na, mas nagiging weird pa ang mga nangyayari.
It's been two days nang umalis kami sa mansyon niya at lumipat sa mas malayong lugar. Hindi ko alam kung saan. Doon daw kami mag-i-stay pansamantala hangga't hindi raw naaayos ni ma'am ang problema.
Problemang hindi ko alam kung ano.
Pero kinakabahan na ako nang sobra. Yung tipong pati problema ni ma'am na hindi ko alam, problema ko na rin.
Ewan.
Basta mabigat sa pakiramdam.
"Kumusta si baby?" tanong ni ma'am sa 'kin nang makalabas ako ng silid.
"Okay na po, ma'am. Natutulog na po siya," tugon ko at pilit na ngumiti ngunit hindi niya ito tinugunan. Tanging pag-aalala pa rin ang nasa hitsura niya.
Dahan-dahan akong lumapit sa amo ko. Hindi ko na mapigilan pa ang kuryosidad ko. Siguro ngayon ay kasama na nila ako, baka naman magbigay si ma'am ng hint sa pinoproblema niya.
"Ma'am, pwede po ba akong magtanong?"
Tinignan niya ako at tinanguan.
Naupo ako na may dalawang dangkal mula sa kaniya at medyo nahihiya pa akong tanungin ang gusto kong itanong. "Ahmm... Ma'am, a-ano po ba ang nangyayari? P-Pasensya na po kung nangingialam ako. Pero ma'am, hindi lang po ako makakilos nang maayos dahil nakikita ko po kayong gan'yan e. Pwede ho kayong mag-kwento sa 'kin kung gusto niyo lang po."
Tinitignan ako ni ma'am at pilit ngumingiti pero halata pa rin ang kaba niya. Parang naging mas maputla siya ngayon kumpara sa una kong pagkakakita sa kaniya sa mall. Parang wala siyang tulog sa kaiisip kung ano ang pinoproblema niya.
Sunod na nangyari, hindi na lang ako nakaimik sa kinauupuan ko nang bigla siyang umiyak sa harapan ko habang umiiling. "A-Ayoko nang makuha pa nila sa 'kin ang--ang anak ko..." sambit niya sa gitna ng paghikbi.
Mas lumapit ako kay ma'am para patahanin siya. Nakahawak ang mga kamay niya sa kaliwang kamay ko habang ang kanan ko namang kamay ay hinahaplos ang likod ni ma'am bilang pagpapatahan.
"W-Wala nang m-matitira sa 'kin... K-Kinuha na nila ang mga anak ko. Ayoko nang m-maulit pa..."
Dahil sa tindi ng emosyon niya, hindi na rin ako nakapagpigil sa sarili ko. Naiyak na rin ako kay ma'am Clarideth. Pakiramdam ko, nasa akin na rin kung ano man ang pinoproblema niya.
"M-Ma'am, maghunos-dili po muna kayo. Makakasama po sa inyo ang sobrang pag-iisip," biglang bungad ni manang Brenda at saka niyakap si ma'am. Hinaplos niya ang likod nito at buhok habang nalulungkot sa nakikita niya sa kaniya.
Nang magtama ang paningin naming dalawa, sinenyasan ako ni manang na umalis muna. Pinunasan ko ang mga luha ko bago ako umalis at hinayaan sila. Lumabas muna ako hanggang sa may pintuan.
"Ericka," agad kong nilingon si manang Brenda nang sundan niya ako. "Ipinagpahinga ko muna si ma'am Clarideth. Bakit ba kayo umiiyak? Ano bang tinanong mo? Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na h'wag ka nang makialam pa?" sabi nito sa 'kin.
"Manang, pasensya na po pero kasama ninyo ako e. Naguguluhan po ako. Sa limang araw ko na pong pagtatrabaho rito, hindi ko alam kung ano pong nangyayari sa inyo. Nag-aalala lang po ako at nakakaramdam ng kaba. Ano po bang nangyayari, manang?" tanong ko naman sa kaniya.
Wala siyang naging imik kundi ang huminga nang malalim. Tila gusto na niyang sabihin sa 'kin ang nangyayari pero may bahid pa rin siya ng pag-aalala.
"Balak kunin ng dating mister ni ma'am si baby Ocean," sabi niya sa 'kin sa mababang tono ng pananalita.
"Po?"
"Sa oras na makuha ng lalaking 'yon ang bata, sigurado akong mababaliw si ma'am Clarideth," dugtong pa ni manang.
"Bakit naman po niya kukunin? Wala pa naman po sa hustong edad ang bata para sumama sa ama niya. Hangga't bata pa si baby Cean, dapat ay nasa puwader siya ni ma'am Clarideth. Saka na lang sila magharap sa korte kung--"
"Ano? Korte? Tsk!"
Nahinto na lang ako sa ginawang pag-ngisi ni manang sa 'kin habang napapailing. "Hindi mo madadaan sa korte ang lalaking 'yon, Ericka. Mapera at mayaman na si ma'am Clarideth pero wala pa rin siyang laban," paliwanag nito. "Maimpluwensya ang dating mister niya kumpara sa kaniya."
"Hindi naman po nararapat 'yo--"
"Hindi kung hindi pero wala tayong magagawa. Malakas siya. At kahit na anumang oras at araw, pwede niya kaming ipapatay sa mga tauhan niya. At kung makilala ka niya? Baka masama ka sa mga kikitilan niya ng buhay."
A-Ano?
"P-Pero... Pero nagtatrabaho lang ho ako rito sa inyo. Wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari. M-Magagawan pa po natin ito ng paraan," sabi ko.
Lumapit pa sa 'kin nang mas malapit si manang. "At ano namang paraan 'yang nasa isip mo? Pagod na kami kakatago ni ma'am para lang malayo kami sa hayop na 'yon. Wala na kaming ibang paraang naiisip kundi ang makipagpatayan sa kaniya," sabi nito sa 'kin.
A-Anong... M-Makipagpatayan?!
Anong klaseng paraan ito?!
At--At hindi ito ang ginusto kong mangyari. Hindi ito kasama sa trabaho ko.
"Saan ka pupunta?" tanong niya sa 'kin nang iwan ko siya.
"H-Hindi po ito ang trabahong hinangad ko. A-Aalis na po ako rito. Ayoko na pong madamay pa," sabi ko sa kaniya.
"Kahit umalis ka, hindi mo pa rin alam kung ligtas ka, Ericka. Hindi mo matatakasan ang hayop na..." hindi ko na pinakinggan pa si manang dahil tuluyan akong lumayo sa kaniya. Ayoko nang makarinig pa ng pagbabanta.
"E-Ericka--"
"Magre-resign na po ako, ma'am. H-Hindi ko na po kaya," sabi ko kaagad kay ma'am Clarideth nang mapasok ako sa silid kung nasa saan siya. Kasama niya si baby Cean na malikot sa higaan niya.
Agad niya namang isinara ang tila notebook niya at tinakpan ng unan ng bata.
"H-Hindi mo na ba kaya ang kakulitan ni baby Cean? I-I can double your--"
"Hindi ko na po kaya kung ano ang nangyayari sa inyo. Hindi po 'yon kasama sa trabaho ko pero--pero mas nahihirapan pa ako ro'n kumpara sa pag-aalaga sa bata," tugon ko.
"I--I'm sorry. Ahmm..."
"Tama na po, ma'am. Aalis na po ako. A-Ayos lang po kahit hindi na ako sumahod basta mawala lang itong--itong kaba na bumabalot sa 'kin. P-Pasensya na po, ma'am."
"E-Ericka wait... Ericka..." hindi na ako nakinig pa o ni nagpapigil kay ma'am Clarideth nang balak niya akong habulin. Agad akong lumabas ng bahay at dire-diretsong umalis.
S-Siguro, tama naman ang naging desisyon ko.
H-Hindi ko alam!
Pero bakit pakiramdam ko, malapit na akong mamatay? Mamatay sa kaba kakaisip sa mga nangyayari.
Pero...
Pero paano si baby Cean?
Nasa peligro ang buhay ng bata.
Kinamot ko nang painis ang buhok ko dahil may doubt sa 'kin na gusto kong manatili para sa bata. Pero kung naroroon naman ako--hindi ko alam!
"Taxi!" pagpapara ko kaya't nahinto sa tapat ko ang sasakyan. Agad akong sumakay rito at agad din naman 'yong pinaandar ng driver nang sabihin ko ang lokasyon.
Kinuha ko ang de pindot kong cellphone at tinawagan si Divine. Hindi ko na rin mapigilan pa ang maluha dahil sa nararamdaman ko.
"D-Divine.."
"Oh? Ericka? Teka, umiiyak ka ba? Anong nangyari?"
Bakas na bakas sa tono ng pananalita niya ang pag-aalala. Hindi kaagad ako nakatugon sa kaniya dahil sa paghikbi ko.
"D-Divine... H-Hindi ko na kaya. M-Mali 'tong napasukan kong trabaho e. H-Hindi ko... Hindi ko alam."
"Bakit? Ano ba ang nangyari? Pinahihirapan ka ba ng amo mo? Sinasaktan? Aba! Gusto mo bang--"
"H-Hindi... Hindi 'yon."
"Huh? E ano? Ano bang nangyayari sa 'yo?"
"H-Hindi ko... Hindi ko makwento rito e. G-Gusto ko sana, harap-harapan tayo. Nasa taxi na ako at pupuntahan kita r'yan sa Bulacan. K-Kaso wala akong pera pamasahe. H-Hindi ko alam kung anong gagawin ko," sabi ko sa kaniya.
"Jusko! G-Ganito na lang, Ericka, baba ka sa terminal ng bus na malapit dyan at sabihin mo sa 'kin. Kami na ng asawa ko ang pupunta sa 'yo. Ahmm... Ipadadala ko na lang din ang perang ibabayad mo sa driver thru gcash niya kung meron siya... Basta... Hintayin mo kami, okay?"
"S-Sige... Sige... Salamat, Divine."
"Okay. Okay. Aalis na kami ngayon din. Sige na."
Ibinaba ko na ang tawag at huminga nang malalim. Kahit na gusto kong maging kalmado, hindi ko magawa. Mabigat pa rin ang paghinga ko.
Maya-maya pa nang makarating kami sa bus terminal, pinasandali ko muna ang driver na maghintay dahil wala akong pambayad. Okay naman sa kaniya kaya't naghintay na lang kami sa pagdating ni Divine.
Panay ang tingin ko sa paligid simula nang maupo ako. Tinitignan ko kung baka makita ko sina Divine at asawa niya. Hindi ako mapakali. Hindi pa rin nawawala ang kaba ko kahit na nakaalis na ako sa puwader nina ma'am Clarideth at manang Brenda.

Komentar Buku (189)

  • avatar
    Clark Meremilla

    ang jehehsjiwuwjwisuwhwnwoisnsjsskskos9eiejjeiw8eiiwheieuejeuejsjsisjejsjsisjsjsjisisjw8yg2nwosuwnsiejekosisjwkisjsksisnsiwusjeisjjsisusiusueusususuejsueusisjejsjejejeueuueueueueueueueusjejueieuejeieiiejekeijdjdusjsjsijekeushejeuneieuehwjjwuwjwuwueueuwjejeueiei8eiejwjeiejjeieisjejwosijejwieiwjejjeiwiwuejwiwiwiwjjejejejejeiiwjwjeiejsjsjsjjsjsjsjsjejueueueueueuwueueuwuuwuwuwuwuwuwuwuueueueueueuwueueiieieieieieisisiiejenjsjsjsususjsjejejejsjejsjeueueueieieueueiieieieueueueueueusjsksijejeiiejeisuejw

    19/08

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    wow

    16/08

      0
  • avatar
    Re Jean Floro

    When po ang next…🥰 ganda nito,when po yung soon ng book 2 po???

    15/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru