logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Hiding Mr. Clairedevon's Triplets

Hiding Mr. Clairedevon's Triplets

Ron Zartha


Chapter 1

"Ericka, tapos ka na, hindi ba? Bakit ayaw mong maghanap ng trabaho?"
Anong ayaw? Araw-araw akong naghahanap ng trabaho pero mukhang tinataguan yata ako.
"Palagi naman akong naghahanap e. Tsaka minsan, nawawalan ng time dahil kay tita. May sakit na kasi siya. Hindi ko alam kung ano pang gagawin ko e," sabi ko na lang sa kapit-bahay naming napaka-tsismosa. Makapagsalita naman 'to, akala mo kung sinong may trabaho e utang lang naman nang utang.
"Sana makahanap ka na. Alam mo yung anak ko? Maganda ang trabaho niya ngayon. Kaya tignan mo, nakapagpatayo na kami ng bagong bahay," sabi niya sa 'kin sabay turo sa dalawang palapag nilang bahay.
Ngumiti lang ako nang bahagya sa kaniya.
"Maganda po ang bahay niyo, ah? In fairness. Maganda ang pagkakapintura," pagpuri ko habang tumatango-tango.
"Aba syempre! Magaling yata ang nagpintura sa bahay namin. Kaya ko nga binayaran ng malaki e," sagot naman nito.
"Ahh... Gano'n po ba?" tanong ko kaya't tumango siya bilang sagot. "Ano pong pinambayad ninyo? Utang?" tanong kong muli sa kaniya. Biglang sumeryoso ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Joke!" bawi ko sabay tawa na halatang napaka-peke. Nakisabay naman siya sa 'kin kahit alam kong peke rin.
"Sige, mauuna na ako. Gusto kong i-enjoy ang bango ng bahay namin. Sana, someday, mapaganda mo rin ang bahay niyo. Tignan mo, oh? Lubak-lubak," pagpuna pa niya sa bahay namin.
"Sige, mauna na po kayo. Papasok na po ako sa bahay naming hindi galing sa perang utang. Babye," paalam ko sa kaniya at saka pumasok sa loob. Pagkasara ko ng pinto, nasandal na lang ako rito at huminga nang malalim. Mabuti't kaya ko pang pagtimpiin ang utangera na 'yon dahil kung hindi, matagal nang sira ang mukha niya sa 'kin.
"Rikang..." dinig kong tawag sa 'kin ni tita na mula sa kwarto. Mukhang narinig niya ang pagdating ko.
Kaagad kong tinungo ang kwarto niya at nakitang nakahiga siya sa kama. Nilapitan ko siya at naupo sa gilid ng kama. "Kumusta na po kayo? Pasensya na po, ah? Naghanap po ako ng mawo-work e," sabi ko sa kaniya habang hinahaplos-haplos ang likod ng palad niya.
"Hija, pasensya na, ha? Nagiging pabigat si tita sa 'yo. Alam mo, hindi mo naman kailangang gawin ang lahat sa 'kin e. Ramdam ko nang hindi na ako magtatagal pa--"
"Tita naman e!" pagpapatigil ko sa kaniya at hindi ko na napigilan pa ang sarili na umiyak na parang 5 years old. "Pinapaiyak mo naman ako e! H'wag ka nga pong magsalita ng gan'yan," sabi ko pa sa kaniya habang ipinupunas ang braso ko sa mga luha ko.
Dinig ko naman ang pagtawa niya nang mahina.
"Nagpapatawa lang naman ako e. Hindi ba nakakatawa?" tanong niya.
Habang umiiyak, pinilit kong tumawa. Para na tuloy akong baliw sa harapan niya. Umiiyak? Tumatawa?
"Sshhh... Tigil na, Rikang. Para kang bubwit kung umiyak. Ang ingay. Sige na, magpapahinga lang ako saglit," sabi pa nito sa 'kin.
"Pahingang ilang minuto lang po, ah? H'wag po muna ngayon. Kawawa ako," sabi ko sa kaniya. "Aray!" daing ko pa nang kurutin niya ang pisngi ko na parang naku-cute-an sa isang bata.
"Alam mo, Rikang. Ang cute-cute mo pa rin. Para ka pa ring baby na inalagaan ko noon," sabi ni tita sa 'kin habang nakangiti.
Makakurot naman siya sa 'kin. Ang sakit!
Naaalala ko tuloy yung ex-boyfriend ko na--teka? Bakit ko ba inaalala 'yong g*gong 'yon?
Psh!
"Sige na, tita. Maghahanda lang ako ng tanghalian natin. Kakain ka pa po, ah?" Tumango at ngumiti siya sa 'kin bilang sagot. Inilapag ko muna nang dahan-dahan ang kamay niya sa ibabaw ng tiyan niya bago ako umalis dala ang binili kong ulam. Kailangan niyang makahigop ng sabaw. Mag-nilaga ako ngayon.
Oo, utang ko ito. At sa kaibigan kong may pamilya na ako umuutang. Pero wala pang isang linggo, nakakagawa naman ako ng paraan para mabayaran ko siya.
Minsan nahihiya ako sa kaniya lalo na kung hindi na niya tinatanggap ang ibabayad ko minsan. Ayos lang daw sa kaniya. Hangga't meron daw siya, tutulong daw siya sa 'min ni tita. Naiintindihan daw niya kami.
Pero nakakahiya pa rin.
Ayokong pag-isipan ako ng ibang tao na ginagamit ko lang siya para makahingi ng pera.
Pero sana, makahanap na ako ng trabaho. Bakit ba ayaw sa 'kin ng trabaho?
Nagsimula na akong maghanda at magluto ng makakain namin ni tita. Pero sa pagkilos ko, hindi ako makahinga nang maayos. May inaalala ako na hindi ko naman alam kung ano? Bakit hindi yata ako mapakali?
Marahan pa akong napalingon sa kinaroroonan ni tita nang kantahin niya ang Two Less Lonely People In The World. Marahan pa akong napangiti. Maganda ang boses ni tita. Sabagay, noon, palagi siyang sumasali sa mga singing contest. Gine-guest din siya sa iba't ibang okasyon. Sa mga resorts, pinapakanta rin siya. Kulang na lang, kunin siya sa GMA o ABS-CBN.
Para akong nakikinig ng musika habang naghahanda. Hindi ko napansin na maluluto na pala ang hinahanda ko lang kanina. Kahit kailan, gamot sa pagod at hirap ang boses niya. Sana maging sa sakit niya.
May Breast Cancer si tita. Ang sabi niya, lahi raw. Pero hindi ko alam dahil wala naman akong alam sa mga gan'yan.
"Tita, prepared na po ang food mo," sabi ko pa sa kaniya. Naglakad ako papasok sa kwarto niya. Nakita kong natutulog siya. Napangiti na lang ako dahil nakangiti siya habang tulog.
Lumapit ako sa kaniya at naupo sa tabi ng kama. "Tita, kakain na po tayo," Nakangiting sabi ko pa sa kaniya pero nananatili pa rin siyang tulog. Hinaplos ko ang buhok niya. Kahit kailan, maganda talaga siya. Kaya manang-mana ako sa kaniya e.
Ipinatong ko nang bahagya ang ulo ko sa dibdib niya at niyakap siya. Nakatingin ako sa mukha niya. Siya ang dahilan bakit ako nabuhay sa mundong 'to. Oo, hindi man ako galing sa sinapupunan niya, pero siya naman ang nag-alaga sa 'kin.
Ngunit sa patuloy ko pang pagtitig, may isang bagay ang biglang pumasok sa isipan ko. Pinakinggan ko ang dibdib niya kung pumipintig pa ang puso niya pero...
"T-Tita?" tawag ko sa kaniya. Agad akong bumalik sa pagkakaupo at hinawakan ang palapulsuhan niya. Pilit kong pinapakiramdaman kung pumipintig din ito. "Tita..." tawag ko pa ulit sa kaniya.
Nataranta na lang ako nang tumayo ako. Hindi ko alam kung paano siya hahawakan. "Tita, gising na. K-Kakain na tayo," gising ko pa sa kaniya pero nananatili pa rin siya sa pagkakahiga niyang 'yon.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at bigla akong napaupo sa sahig. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod at kamay ko habang nakatitig sa kaniya. Maging ang pagpintig ng puso ko, unti-unting umuutal kasabay ng paghikbi ko. Hindi ko rin napansin na may tumutulo na pa lang luha sa mga mata ko.
"T-Tita..." huling sambit ko sa pangalan niya. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko kaya't bigla na lang bumuhos ang buong emosyon ko.
A-Ang tita ko... W-Wala na.
DALAWANG ARAW ang lumipas ngunit hindi pa rin ako matahimik. Kasalukuyan akong umiinom ng alak, habang si Divine--ang kaibigan ko, ay kanina pang pigil nang pigil sa 'kin.
"Ericka, hindi matutuwa ang tiyahin mo sa 'yo sakaling buhay pa siya. Gusto mo ba na makita ka niyang umiinom ng alak?" pagsaway niya sa 'kin.
"H-Hindi ko alam e. D-Divine... W-Wala akong nagawa," sambit ko sa kaniya habang humihikbi. Panay rin ang suklay ko sa buhok ko dahil hindi ako mapakali. Nagi-guilty ako.
"Ano ka ba, Ericka? H'wag mo ngang sisihin ang sarili mo. Una sa lahat, hindi mo ginusto ang nangyari sa tita mo. Alam mo dahil d'yan sa pinaggagagawa mo, pinapatay mo na rin ang sarili mo n'yan e," sabi niya sa 'kin habang inilalayo niya ang mga alak ko.
"M-Mas okay n-nga e. A-Ano pang silbi ko rito sa l-lintek na mundong 'to?!"
Inilapat ko ang mukha ko sa magkapatong na braso ko sa mesa. Ibinuhos ko pa ang mga luhang gusto ko pang ilabas. Parang hindi ako matahimik.
"Don't give up yourself, Ericka. Alam kong 'yan din ang sasabihin ng tita mo sakaling makita ka niyang nagkakaganito. You were born because there's a reason. Lahat ng bagay, may rason, ika nila. Just be brave and have courage. Ganito talaga ang mundong ginagalawan natin. Ano? Papatalo ka pa?"
Bagaman hindi ako tumutugon kay Divine, rinig ko ang lahat ng mga sinasabi niya.
Ramdam ko pa ang paghaplos niya sa likod ko bilang pagpapatahan. Kahit papaano, nawawala ang bigat ng kalooban ko.
"Girl, palagi akong naririto. Nag-asawa lang naman ako pero best friend pa rin kita. Kung kailangan mo ako, nandito ako. You're not alone in this world. Okay?" sabi niya pa sa 'kin.
Tiningala ko ang ulo ko at tinignan siya. Bagaman walang boses, nagpasalamat ako sa kaniya at saka siya niyakap.
Kahit kailan, hindi ako iniwan ni Divine. Lahat ng tulong at pangangailangan ko, siya ang nagbibigay. Napakalaki ng utang na loob ko sa kaniya.
"U-Uwi na tayo?" pag-aanyaya ko sa kaniya. Ngumiti siya nang napakalapad sa 'kin at tumango.
"Tara. Tignan mo 'yang sarili mo, oh? Pulang-pula. Halika. Doon muna ako sa bahay mo hangga't 'di pa umuuwi ang mister ko. Sasamahan muna kita, okay?" sabi niya sa 'kin bago kami tumayo. Inalalayan niya ako sa paglalakad dahil ramdam na ramdam ko pa ang hilo ko.

Komentar Buku (189)

  • avatar
    Clark Meremilla

    ang jehehsjiwuwjwisuwhwnwoisnsjsskskos9eiejjeiw8eiiwheieuejeuejsjsisjejsjsisjsjsjisisjw8yg2nwosuwnsiejekosisjwkisjsksisnsiwusjeisjjsisusiusueusususuejsueusisjejsjejejeueuueueueueueueueusjejueieuejeieiiejekeijdjdusjsjsijekeushejeuneieuehwjjwuwjwuwueueuwjejeueiei8eiejwjeiejjeieisjejwosijejwieiwjejjeiwiwuejwiwiwiwjjejejejejeiiwjwjeiejsjsjsjjsjsjsjsjejueueueueueuwueueuwuuwuwuwuwuwuwuwuueueueueueuwueueiieieieieieisisiiejenjsjsjsususjsjejejejsjejsjeueueueieieueueiieieieueueueueueusjsksijejeiiejeisuejw

    19/08

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    wow

    16/08

      0
  • avatar
    Re Jean Floro

    When po ang next…🥰 ganda nito,when po yung soon ng book 2 po???

    15/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru