logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 2 IKALAWANG YUGTO

“Then, bakit hindi mo subukan lumayo muna? Kasi minsan kailangan rin nating lumayo hindi para kalimutan iyong taong mahal mo kundi para bigyang pahinga ang puso mo."
Napabangon ako mula sa pagkakahiga dahil hindi maalis-alis sa isip ko ang iminungkahi ni Troy sa akin. Subukan ko kaya no? Total useless naman lahat ng effort ko sa kanya kaso naghihinayang ako na sumuko mula elementarya hanggang ngayon si Ryan pa rin laman ng puso at isip ko.
Sa tingin ko nga nakaplano na iyong buhay ko para habulin ang pagmamahal ni Ryan. Oo, masakit iyong mga tanggi na ginagawa niya iyong mga efforts ko na kinakahiya niya. Lalo na sa harap ng mga kaibigan niya. Minsan nqiisip ko kinakahiya talaga ako ni Ryan, kunsabagay hindi naman kasi ako kasing talino niya. Isang hamak na average girl lang ako.
Kinabukasan inagahan kong pumunta sa paaralan. Hindi para abangan si Ryan kundi ang iwasan siya. Buo na kasi ang desisyon niya na layuan si Ryan. Nakakapagod kayang maghabol sa taong ni minsa’y hindi ko ginawang first priority.
Oo, matapus iyong intramurals namin ay napag-desisyonan ng mga guro na ipagpatuloy ang klase. Isa pa, kasalanan din naman kasi namin. Napagkasunduan kasi naming icelebrate ang intrams pero sa isang kondisyon at iyon ang ipagpatuloy ang klase.
Habang naglalakad patungong room ko ay hindi mawaglit sa isip ko ang mukha ni Ryan. Sabi na eh, iyong paglayo ko kay Ryan ay ako lang din naman iyong mahihirapan. Ako lang iyong masasaktan sa gagawin ko.
“Tol, nandito iyong number zero fan mo.” Sigaw ng kaibigan ni Ryan na nasa pintuan.
Magkatabi lang kasi ang room namin. Section A siya samantalang section B naman ako. Ang galing ko magdesisyon ano? Akala mo naman milya-milya ang layo ng room namin.
“Pakitanong kung ano iyong ibibigay niya sa akin para makain niyo.” Sigaw nito mula sa loob na sinabayan naman ng mga babae ng matitinis na tawa.
Nilingon ako ng lalaking nakangisi. “Oh, narinig mo naman iyong sabi niya di ba? Kaya kung may ibibigay ka ibigay mo na sa akin. Nga pala, ang sarap nung cookies na binigay mo nung isang araw ha?”
Napatigil ako saka kinagat ang ibabang labi ko. Oo napag-desisyonan kong layuan o iwasan si Ryan pero hindi ko maiwasang gawan siya ng pagkain. Nakasanayan ko na siguro kaya kahit ano ang pagpigil ko hindi ko magawa.
Kinuha ko iyong bag ko na nasa likod kung saan naroon ang dalawang supot ng pagkain. Bahala na si Batman kung pagtatawanan niya ako dahil sa pagkain ng desisyon ginawa ko pero hindi ko kayang panindigan. Sabi na eh, iyong pag-iwas ko ay gawa lang talaga ng iluminate.
Inilabas ko ang isang supot ng pagkain na nasa bag ko at handa ng ibigay pero may isang kamay ang kumuha nun at bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Troy.
“Good morning! Para sa akin ba ito?” nakangiting bati at tanong nito sa akin. “Tamang-tama hindi ako nakapag-agahan kanina. Na late kasi ako ng gising dahil sa kakaisip sa kanya.” Dugtong nito sabay kindat sa akin.
Hindi ko alam kung ano ire-reak dahil sa ginawa ni Troy pero nagpapasalamat ako kasi he save my decision. At ang laki ng utang na loob ko kay Troy.
Kinagat ko ang ibabang labi ko ulit saka tumango. “Ipapabigay ko sana iyan sa kanya para saiyo kasi nung tumingin ako sa loob ng room niyo hindi kita nakita.” Tumingin ako sa lalaking nakatingin lang sa amin na para bang dismayado sa nangyari. “Pasensya na sa abala, hindi mo na kailangan magpagod para iabot ito kay Troy.”
Pero ang totoo gusto ko lang makita ang reaction ni Ryan, kung may epekto ba iyong mga sinabi ko sa kanya. Ngunit, sama ng loob lang ang nadama ko kasi walang emosyong ipinakita si Ryan maliban sa ngiting ibinigay niya sa dalawang babae.
“Aw, your so sweet, my candy.” Ginulo ni Troy ang buhok ko saka itinaas ang supot ng pagkain na ibinigay ko sa kanya. “Don’t worry I will eat this, sayang naman ang luto mo at ang effort mo kung hindi ko ito uubusin, right?”
Kinuha nito ang kamay ko saka hinimas dahilan upang mapasinghap ang lalaking nasa harapan naming dalawa. Ako naman bigla akong nakadama nang init sa aking pisngi. Hindi ko inaasahang gagawin niya iyong pagkuha sa kamay ko. Nakakailang pala pero nakakakilig.
"Hindi ka ba nasugatan o napaso man lang?"
"Ha? Ah, hindi naman. Sanay naman na akong magluto. Iyan kasi ang paborito kong gawain." Naiilang kong sabi dito.
"Ganoon ba?"
Tumango ako sa sinabi niya kahit na naasiwa ako sa pakikitungo niya pero may pagpipilian pa ba ako?
“So, see you mamaya sa recess? Don’t worry libre kita mamaya, okay?” anito sabay pasok sa room.
Nang pumasok na ito ay nagpatuloy na ako sa paglalakad para makapunta na rin sa classroom na katabi lang sa room nila Ryan.
“Anyone? Do you have any idea what is pronoun?” tanong sa amin ng guro namin sa english ng walang may nag-pass na takdang-aralin sa kanya.
Nilingon ko ang ulo ko sa paligid at nakita kong kanda-diskarte para wag lang matawag ng guro. Naiiling na ibinalik ko sa harap ang tingin ko sakto namang nakatingin din pala sa akin si Maam Dinsay.
“Yes, Ms. Abarac?”
Napalunok ako saka tumayo hindi ko alam kung tama ba itong nasagap ko sa library kahapon. Nung vacant time kasi namin ay niyaya ko mga kaklase kong pumunta sa library pero hindi ako sinamahan kaya heto ako lang may assignment pero dahil hindi naman ako iyong tipong maglalaro ng madumi ay tinago ko na lang din iyong assignment ko.
“Pronoun is a word used in a place of one or more nouns. Also it refers to a noun (called its antecedent) that usually comes before pronoun.” Pagtatapos ko sabay upo sa desk ko.
Tumango-tango naman si Maam Dinsay. “Very good Ms. Abarac. Pronoun is used by one or more noun for example. Roberto feels that he can win the race. So, anyone who can elaborate what is pronoun and antecedent on a sentence?” pagpapatuloy nito sa klase.
Itinaas ko ang kamay ko para matapus na iyong klase. Total wala naman kasi maasahan sa mga kaklase ko. Ang alam lang naman kasi ng mga ito ay iyong recess. Well, hindi mo naman kasi sila masisi kung paborito ng mga ito ang recess. Isa pa, doon lang naman kasi nila maranasang makipaglapit sa mga crush nila.
“Another? Aba, si Ms. Abarac lang ba ang estudyante ko dito?” inis na sabi nito pero hindi pa rin natinag ang mga kaklase ko. Umiling ito saka ako itinuro ito. “Okay, ikaw na lang ulit mukhang pagod mga kasama natin dito sa room eh,”
“He is the pronoun and the Roberto is the antecedent.” Ani ko at kasabay nun ay ang pagtunog ng bell.

Komentar Buku (319)

  • avatar
    Mel Martinez Zerna

    nice story 😊

    2d

      0
  • avatar
    ト FAIRONIE

    good

    14d

      0
  • avatar
    Khloe Judea Gonzal

    good

    17d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru