logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 4

Nag-alala
Totoo pala talaga no?
Kahit saan ka mang lugar naroroon, may tao pa ring ayaw sa'yo.
Yun ay kung ayaw ka talaga nang taong 'yon...
Parang bale-wala na iyong nangyaring ilangan sa amin ni Boss Raff--kung 'yon nga ba ang tawag doon. Isang linggo naman ang lumipas. Ganun pa rin naman ang pakikitungo ni Boss sa amin.
Sa akin.
Normal naman na Boss-employee ang relasyon at nagagawa naman namin ang mga tungkulin sa Café.
Palaging may dalang ngiti at magaan ang pakikitungo sa amin ni Boss Raff. Maliban kay Rin.
Hindi ko alam pero palaging mainit ang dugo nito sa'kin. Kapag wala si Boss at kaming Staff lang ang naiiwan sa Café, paminsan-minsan nito akong tinatapunan nang masamang tingin.
Hindi naman nito ako sinasaktan ng pisikal. Tanging tingin niya lang ang parang nagbabanta.
Katulad na lang ngayon, natapos na nitong ilagay sa display ang mga cupcake. Ngunit bago pa man ito pumasok sa Kitchen ay tiningnan ako nito ng masama.
Napahinga na lang ako nang mahaba. Minsan kinukuwestiyon ko na ang sarili kung ano ang nagawa kong masama. Kung anong mali ang nakita nito.
Nakailang buntong-hininga na ako saka ko biglang naramdaman ang pagtapik sa akin ni Eron.
"You okay?" Biglang tanong niya. May hawak siyang dis-infectant, tray at basahan. Magliligpit na siguro siya nang mga pinagka-inan ng costumer.
Tumango ako. "Oo naman." Ngumiti ako sa kanya, kasiguruhan na ayos lang ako.
"You're thinking on something." Puna niya. "Is it about, Rin?"
Umiling na lang ako. Ayokong sa iba mapunta ang usapan, baka makasama pa.
Kaunti pa lang naman ang umaabot na costumer dahil maaga pa lang naman ngayon. Wala pa sina Aizen at Dan dahil may mga duty sila ngayon.
"I apologize on her behalf," biglang sabi niya na ikinagulat ko. Bakit siya nagso-sorry? "Pagpasensyahan mo na lang ang bawat tingin niya."
"Hindi naman kailangan magsorry---"
"Don't worry, Rin is just adjusting to it since you're new here." Hindi na ako nakapagsalita pa nang umalis na siya at nagligpit nang mga tasa sa table 8.
Nag-aadjust?
*****
Break time na namin ngayon. Sabay kaming kumakain ni Aizen ng lunch sa isang Karendirya na malapit lang sa Café. Kanina lang ring 10 am pumasok sa Café si Aizen kaya ngayon ay sabay kaming kumakain.
Wala ngayong duty sina Rin at Dan ngayon sa Café hanggang 5pm dahil magdedefense sila para sa kanilang Research. Mayroon pa namang ibinake na mga cakes at cupcake si Rin sa Ref kaya hindi kaagad mauubusan.
Pero kanina pa ako binabagabag ng isipan ko sa sinabi ni Eron. Nag-aadjust pa si Rin kasi bago pa ako?
"Hey!" Bahagya akong nagulat sa pagtapik ni Aizen.
"H-Ha?"
Nagpakawala siya nang marahas na hininga. Kunot-noo niya akong tiningnan. May laman pa nang pagkain ang bibig niya.
"Hindi mo na ginagalaw ang pagkain mo... you have a problem?"
Nagbaba ako nang tingin at tama nga siya, kaunti pa lang ang nababawasan sa pagkain ko. Gusto kong magtanong pero nag-aalinlangan ako. Pero, baka makaapekto sa trabaho ko ang mga ganitong isipin.
Nagsalubong ang ngipin ko, at nakailang pagpapalakas ng loob ang ginawa ko.
"May... tanong lang ako."
Nag-angat siya nang tingin habang nginunguya ang binili naming isang order nang bulalo.
"Hmm? Ano 'yon?"
"Gaano na kayo katagal magkatrabaho ni Rin?" Tumigil siya sa pagnguya at inisip nang mabuti ang tinanong ko.
"About 3 years?" Matagal na pala. "Why?"
Umiling lang ako at kiming ngumiti. Itutuloy ko pa ba? Wag na lang kaya? Ipagpapatuloy ko nalang ang pagkain ko at akmang susubo nang magsalita siya.
"Lysa... " Bigla siyang sumeryoso.
"Huh?"
"Is it all about Rin?"
Seryoso na talaga siya ngayon. Ang bilis naman niyang makahalata?
"H-Hindi naman---" pagtanggi ko pero hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.
"Psh! That's what I'm talking about." Tuluyan nang nagsalubong na ang kilay niya.
Agad naman ko namang sinabi na hindi ganoon iyon pero hindi pa rin nagbabago ang pagkakunot nang noo niya. Patuloy pa itong umiling-iling.
Dapat pala hindi na 'ko nagtanong. Nabad-trip pa sya tuloy.
"Aizen, sigurado namang hindi ganun 'yun."
Patuloy pa rin ang pagsasabi ko kay Aizen na baka ganun lang si Rin pero kahit na tapos na kaming maglunch at parehong nasa Dressing Room, hindi pa rin siya umiimik at nanatiling seryoso. Nagpapalit lang kami nang extra long-sleeve at apron.
Tumahimik na lang ako. Baka mas lalo pa siyang mabadtrip dahil sa'kin. Tsk. Bakit ba kasi ang bobo ko sa mga ganitong bagay?
Nakalimutan kong madali lang niyang mahulaan ang nakatagong salita sa bawat wikang sinasabi nang kung sino man ang makakaharap niya.
Naobserba ko lang ang mga iyon kahit ilang araw pa lang kaming magkaroommate at magkatrabaho.
Dapat pala sinarili ko na lang at hinayaan.
Kinuha ko ang nakasabit na apron sa locker ko. Habang sinusuot ko ay nagsalita na rin siya.
"I'm sorry... "
Napatigil ako sa pagbubuhol ng apron at napabaling nang tingin sa kanya.
Ilan na ba'ng tao ang humingi ng sorry sa'kin ngayong araw na 'to?
Nakayuko pa rin siya at malalim ang iniisip. Ang pagkakakilala kong kikay ngayon ay tila isang nakakatandang kapatid na maraming pinapasan na problema pero handa pa rin na tulungan ka kahit pagod na.
Bumaling siya sa akin. "I know it's not my right to say this to you but... "
Nag-aalinlangan pa siya. May nag-uudyok na gustong kong malaman. Subalit para na rin sa karapatan nilang manihimik at pribadong usapan...
"Huwag na... kapag talagang okay na, dun mo nalang sabihin. " Ngumiti ako sa kanya para malaman niyang kaya kong maghintay sa tamang panahon.
Hindi na ako nagtakang medyo nagulat siya sa sinabi ko. Mabuti na lang ay gumaan na ang itsura ng mukha niya.
"Thank you... I've appreciate it."
Kahit laking palaisipan pa rin sa akin kung bakit ganoon si Rin, sigurado naman na may dahilan.
****
Sabay kaming naglalakad ngayon ni Aizen pauwi ng apartment. Maaga kaming natapos, mga alas-otso pa lang nagsara na kami.
Si Dan ang may hawak nang duplicate key. Ngayong afternoon shift kasi hindi pumasok si Boss Raff dahil may conference meeting daw ito ayon rin kay Dan na nagmessage rin rito.
Nitong hapon ko lang nalaman nang sabihin sa akin ni Aizen na hindi lang basta Café owner si Boss Raff. Isa rin daw itong kilalang businessman at tagapagmana nang Nuevo Real Estate. Hindi lamang siya kilala dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa kilala ang pangalan niya.
Ngayon nga ay may ipinakita si Aizen sa akin na magazine kung saan isa si Boss Raff ang na-featured.
"Ang gwapo talaga ni Boss, if I didn't treat him like an older brother, baka kanina pa ako nangingisay sa kilig katulad nang mga ibang babaeng empleyado niya sa kompanya."
Napailing-iling niyang sabi. Natawa naman ako. Hindi naman ako manhid na babae, gwapo nga si Boss dito.
Pero mas gwapo siya sa personal.
Patuloy lang kaming naglalakad. "Bakit? Hindi mo naging crush si Boss Raff?"
Hindi ko alam bakit iyon ang natanong ko. Pero hindi naman masama ang crush 'di ba?
Tumigil kami sandali dahil nasa highway na kami. Hindi pa rin nag re-red light. Taas-kilay niya akong tiningnan nang masinsinan na para bang pinag-aaralan ako.
Unti-unting sumupil ang malokong ngiti niya.
"Oh, my...." pigil niya ang tawa at tinakpan ang bibig.
Hindi pa rin nito binibitawan ang tingin niya sa'kin.
May mali na naman ba akong sinabi?
"Crush mo si Boss?" Hindi niya napigilan ang sigaw niya.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Hindi ah!"
"Todo defense ka ah?" Todo pa rin ang ngiti niya.
"Hindi nga..."
"So, ibig mong sabihin para sa'yo hindi gwapo si Boss?" Tanong niya. Nanlaki naman ang mata niya.
Syempre sinabi kong, "syempre gwapo... eh---" tinakpan niya ng kamay ang bibig ko.
"So may crush ka nga?" Tanong niyang muli.
Inalis ko ang kamay niya at nakanguso naman akong nagsabi na, "Ako ang nagtanong eh, bakit sa'kin napunta?"
Malakas siyang tumawa sa sinabi ko. "Sorry... hahaha! It was fun to teased you a bit."
Napabuntong-hininga nalang ako. Pakiramdam ko ang init na nang mukha ko dahil sa mga pinagsasabi niya.
Nagred-light na rin sa wakas at tumawid na rin kami. Akala ko hindi na niya ako aasarin pero may pahabol pa pala.
"Okay lang na may crush ka, for your inspiration na rin... ayaw mo nun? Lagi mong nakikita..." pagkasabi niya nun ay agad siyang tumakbo papunta sa kabilang sidewalk.
"Aizen! Hindi nga eh... "
hinabol ko siya kahit alam kong mapula na ang mukha ko dahil sa hiya. Ang tindi rin niyang mang-asar.
Naabutan ko naman pero tumatawa pa rin siya at nang-aasar na sabi nang Ayieee!
Alam kong hindi naman masama ang magkaroon ng paghanga sa isang tao. Pagmamahal nga hindi kaya pigilan ang paghanga pa kaya?
Pero kung taong 'yon ay katulad ni Boss Raff, sa mata nang iba ay madali lang pero para sa akin, hindi.
Hindi naman kasi ako kasing tayog nang mga narating ni Boss Raff. 'Yung kailangan ko pang tumingala para makita ko pa ang taas niya.
Napakatayog...
Na siguradong hindi ko lang basta maaabot o nang kahit na sino. Parang mas lalo lang akong nalula sa sobrang tayog niya. Isa lamang akong nakipagsapalaran dito sa Maynila at nakilala lang niya, binigyan ng trabaho at ngayon ay isa pa lang mataas na tao ang nakilala ko.
Hindi lamang ako basta namamangha kundi naisip kong ang layo ko pa pala.
Kaya, bakit ko pa nanaising maramdaman ang isang bagay na mas lalong makakapagpahirap sa akin? Mas maganda nang wala at pigilan kaysa naman na lumala.
Walang gamot ang paghangang lumalala...
Tumigil na rin sa pang-aasar si Aizen. Hinayaan naman niya sa akin ang kopya niya nang Magazine kung saan featured si Boss Raff. Para maging maganda daw ang gabi ko.
Hindi na lang ako nagsalita. Naiiling ako habang nangingiti sa bawat sinasabi niya.
Paliko ko na kami sa dadaanan namin nang makita namin kalayuan si Rin na tila umiiwas sa isang lalaking kanina pa nakaharang sa daraanan niya. Wala ring mga sasakyan ang dumadaan ngayon kaya mahihirapan kaming humingi ng tulong.
Pareho kaming nagkatinginan ni Aizen. Lasing siguro ang lalaki na 'yon. Kita namin ang pangamba ni Rin.
"Miss, inom muna tayo... isang bote lang..." rinig namin na sabi ng lalaking may blonde na buhok.
Halata na dito na nakainom nga ito. Pero walang imik pa rin si Rin. Bakas sa mukha nito ang kaba at takot.
Patuloy pa rin ito sa pangungulit.
Maging kami ni Aizen ay nangangamba rin. Hanggang sa narinig namin sa lasenggo ang salitang 'sex' ay biglang napanting ang mga tenga namin. Hindi namin pwedeng iwan si Rin kaya kahit may takot ay sabay kaming sumugod sa kanila.
"Yaaahhh!!!" Pareho naming sigaw.
Nagulat naman si Rin sa amin. Hindi niya siguro inaasahan na nandito kami.
Ano kaya ang pumasok sa mga isipan namin na sumugod dito?
Gamit ang mga bag namin ay pinaghahampas-hampas namin ni Aizen ang lasenggo na ngayon ay umaaray na sa sakit.
"Take that! Chooo! Go away! You perv!" Rinig kong sabi ni Aizen habang sige pa rin ang hampas niya ng bag rito.
Pero mukhang wala lang ito sa lasing na lalaki. Kahit panay ang aray nito sa ginagawa namin ay nakaya nito kaming takutin gamit ang maliit na kutsilyong hawak niya.
Saan galing ang kutsilyo?!
Nanginginig na kami pero hindi namin ipinapakita.
"Rin..." agad akong tumungo sa kanya.
Kita ko sa kanya ang takot. Sino nga ba ang hindi? May hawak lang naman ang lalaking 'yon ng kutsilyo na pwedeng tumapos sa aming mga buhay.
Hindi ko pa natutupad ang mga pangarap ko!
Napaatras kami bigla nang iwinasiwas nito sa amin ang hawak na kutsilyo.
"Psh.. umalis kayo! May gagawin pa kami ng babaeng 'yan!"
Nalukot ang mukha ko sa sinabi nito.
"Ibalik niyo siya! Kundi, matitikman niyo 'to!" Mas itinutok pa niya sa amin ang kutsilyo.
Ano ba kasi ang ginagawa nang isang lasenggo dito? Dapat nga talagang may kasama ka para hindi mangyari ang ganito.
Hindi ko rin alam kung saan nang gagaling ang tapang ko pero sinubukan kong agawin ang kutsilyo.
Malakas kong sinipa ang kamay nito dahilan upang tumilapon sa malayo ang kutsilyo. Pero sa isang iglap ay naramdaman ko nalang na napaupo na ako habang sapo-sapo ko ang kanang pisngi.
"Lysa!" Rinig kong sabi ng dalawa pero hindi ko masyadong klaro dahil medyo nahilo ako mula sa pagkakasampal sa akin.
Hindi ko nga talaga kaya.. ang hina ko.
Medyo naririnig ko ang sigaw ng lalaki sa akin. Masama ang tingin nito at akmang sasampalin muli ako nang may isang kamay na pumigil dito.
"Not her."
Madiin ang pagkakasabi nang sinuman na iyon. Pero, unti-unting pumasok sa utak ko ang pamilyar na baritonong boses.
Parang biglang lumiwanag ang paningin ko. Hanggang sa napaawang na lang ang bibig ko at hindi makapaniwalang nandito siya.
"Boss..." mahinang untag ko.
"Boss Raff..." maging sina Aizen at Rin ay mukhang nabigla rin sa pagsulpot niya.
Bakas ngayon sa mukha ni Boss Raff ang galit. Nakakunot ang noo at naka-igting ang panga habang mahigpit ang pagkakahawak nito sa pulsuhan ng lalaking lasing.
"Sino ka? ah!" Hindi niya ito sinagot. Parang wala lang iyon sa kanya ang pagsinghal nito.
Walang anu-ano'y binitiwan niya ang lalaking lasing at malakas na sinuntok ito sa mukha. Lahat kami napasinghap sa ginawa niya. At ngayon ay nawalan ng malay-tao ang lasing.
Si Boss Raff ba talaga ang nasa harapan namin?
Daliang nilingon niya ako. Agad siyang lumuhod sa harapan ko upang magpantay ang mga mukha namin. Hawak ko pa rin ang kanang pisngi.
Tinanggal niya ang aking kamay at sinipat ito. Hindi ako makapaniwalang basta niya lang hinawakan ang mukha ko habang tinitingnan iyon ng maigi.
"You okay?" Wala sa sarili akong napatango.
Naduduling ako sa lapit ng mukha niya. Kita ko rin ang pawis niya. Mas nakikita ko ang aristokratikong kulay na mga abong mata niya. Mas nadepina ko ang hugis nang kanyang labi na mas mapula pa pala sa labi ko.
Ang kanina pang nakakunot na noo niya ay lalo pang kumunot. Nagsasalubong na rin maging ang kilay. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang bawat pag-alon ng adam's apple niya at ang pag-igting nang kanyang panga.
Ang perpekto nang pagkakagawa ng Nakatataas sa mukha niya maging ang pagkatao niya.
"He did this to you?" Nakatiim-bagang niyang sabi.
Marahan niyang hinawakan ang pisngi ko. Agad kong naramdaman ang hapdi.
Napapikit ako at alam kong nakita niya iyon.
Maya-maya ay may tumikhim. Kapwa kami parang binuhusan ng yelo. Natauhan naman si Boss Raff sa ginawa niya at dali-daling tumayo pero inalalayan rin naman akong makatayo.
Agad kong binawi ang braso ko at walang imik na tumingin kina Aizen at Rin na siguradong naguguluhan rin sa inakto ni Boss Raff.
Samantalang tumikhim rin si Boss Raff at nag-ayang ihahatid na lang kami.
Walang lumabas na salita sa pagitan namin. Alam kong may gustong itanong si Aizen at Rin pero hindi nila magawa kasi nandyan si Boss Raff na siyang nagmamaneho.
Ang awkward.
Parang gusto kong hukayin ang sarili ng buhay dahil sa pagtitig ko kay Boss Raff kanina. Ano ba ang nangyari sa'kin? Binilhan rin nila ako ng ice bag sa 7/11 para sa kanang pisngi ko nagkaroon ng pasa.
"Still hurting?" Akmang papasok na ako sa apartment nang magsalita siya.
Unang hinatid si Rin sa Boarding house nito at nagpasalamat rin sa kanya.
Nauna nang pumasok sa loob ng apartment si Aizen.
Ngayon ko lang napagtantong nakaformal attire siya pero wala na ang coat niya at medyo gusot na rin long-sleeve na suot. Nagmadali kaya siyang puntahan kami?
Nasa loob pa si Boss Raff ng kanyang sasakyan, sa Driver's seat at nakatingin sa akin.
Nag-aalangan akong umiling. "Hindi naman. Mawawala rin ito bukas."
Akala ko ay hindi na siya magsasalita pero natigilan ako sa salitang binitiwan niya.
"I actually don't know why I'm feeling this but please take care of yourself."
Parang nakalimutan kong huminga saglit. Pero bago pa niya paandarin ang makina at imaneho ang sasakyan. Dinig na dinig ko ang huling dalawang salita na siguradong magbibigay rason para hindi ako makatulog nang maayos mamaya.
"Nag-aalala ako."

Komentar Buku (178)

  • avatar
    InesRhian

    thank you for your help me

    19h

      0
  • avatar
    Angelica Beo

    180.00

    12d

      0
  • avatar
    Arochajamila Farrahmae

    Maganda ang story

    19d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru