logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 6

CHAPTER SIX
CHICO’S POV
KASALUKUYAN na kami ngayong nandirito sa pamamahay ng mag-asawang Marquez kasama ang mga magulang ni Bea. Humihingi rin ng update ang mga magulang ng iba pa naming kaibigan. Hindi tulad ng mga magulang ni Bea at Nickza ay hindi sila makakapunta. Hindi pa rin namin maiwaksi sa mga sarili namin ang takot at pangamba na kanina pa namin nararamdaman. Patuloy lang sa paghahanap ang mga awtoridad sa kinalalagyan nina Bea at ng mga kaibigan namin ngunit bigo silang matunton ito lalo pa't hindi maganda ang lagay ng panahon. May nagbabadyang bagyo sa lugar. Gusto ko sanang ako mismo ang hahanap sa kanila pero hindi pa kami pinayagan ng awtoridad.
        “Nasaan na kaya ang anak ko? Ang anak natin?” ramdam ko ang lungkot sa boses ng magulang ni Nickza. Nakita ko sa mga mata niya ang takot at ang pangungulila sa nag-iisa nilang anak. Maging ang mga magulang din ni Bea ay ganoon ang nadarama.
        "Don’t worry, Hon. Mahahanap din natin silang lahat. Maiuwi ko ng ligtas ang anak natin. I’ll promise” pagpapahinahon ni Mr. Marquez sa asawa niya.
        “Chico, may update ka na ba sa kinaroroonan ng anak ko?” tanong sa akin ni Tita Kris, mommy ni Bea. Malungkot ang boses nito na halatang nag-alala para kay Bea.
        “Wala pa po, Tita,  pero ‘wag po kayong mag-alala, sasabihan ko po kayo ‘pag may binigay ng update sa akin si Chief Santos patungkol kina Bea,” saad ko rito. Hindi na ito nag-atubili pang sumagot.
        “Salamat, Chico, kasi hindi mo pinapabayaan ang anak namin. Kahit na may hindi kayo pagkakaunawaan, nandito ka pa rin at handang tumulong sa paghahanap sa kanya,” ngayon ay si Tito Enrico naman ang nagsalita kaya roon ko naibaling ang pukos ko.
        “Wala po ‘yon, Tito. Saka gusto ko pong ipakita sa inyo na mahal ko po ang anak ninyo. Lahat gagawin ko po para mahanap ko siya at para ipakita sa inyo na karapat-dapat ako para kay Bea,” sagot ko kay Tito Enrico.
        “Salamat talaga ng marami sa ‘yo, Chico. Hindi namin alam kung ano pa ang gagawin kung wala ka ngayon dito" dugtong pa niya.
        “Masaya po akong tulungan kayo. Pasasalamat ko na rin po kasi pinagkakatiwalaan niyo po ako sa anak ninyo,” dagdag kong saad.
        Ngumisi lang sa akin si Tito kaya napangisi nalang din ako. Wala sa sariling itinuon ko ang paningin ko sa may kalangitan. Umaasang may maitutulong sa akin ang langit.         
                        
NICKZA’S POV
HABANG kumakain ako ay hindi ko mapigilan ang sarili na mag-isip sa lugar na ito. I feel like something strange going on here. Hindi ko lang maipaliwanag pero ramdam ko. Ramdam ko ang mga kakaibang nagaganap sa lugar na ‘to. Hindi ko rin maiwaksi sa isipan ko ‘yong lalaking sumalo sa akin kanina nang papahulog na sana ako sa hagdan. His beautiful brown eyes na parang nangungusap, ang matatangos niyang ilong, higit sa lahat ang malambot at mapula niyang labi. Ang sarap sigurong halikan niyon no?
        Nang matapos na ako sa pagkain ay pumaroon na ako sa kama. Hindi pa ako inaantok . Gusto ko munang maglibot-libot sa lugar kaso natatakot akong mawala ako sa laki ng lugar. Hindi ko pa masyadong kabisado ang pasikot-sikot dito. Ilang araw pa lamang akong nandirito kaya bago pa sa akin ang kapaligiran, maging ang buong lugar dito.
        Tumayo ako at bumuntonghiningang tinungo ang malaking bintana at pinagmasdan ang buwan. Kakaiba ang buwan nila rito dahil kulay pula ito. Singkulay ng dugo. Nang bahagya kong buksan ang bintana ay sumalubong sa akin ang malamig at kakaibang ihip ng hangin. Napayakap na lamang ako sa sarili nang maramdamang tumama ito sa balat ko. Muling binulabog ng isang malakas na alulong ang katahimikan ng buong lugar. Itong tunog na ito ang narinig ko kani-kanina lamang nang magtangka akong umalis.
        Hindi ito tinig ng isang pangkaraniwan na aso. May kakaiba sa tunog na iyon. Isang tunog na nakakapanindig balahibo.
        “Ah, Ma’am, okay lang po kayo? Mukhang ang lalim po ng iniisip niyo,” biglang bumalik sa reyalidad ang isip ko nang marinig kong may nagsalita sa ‘di kalayuan sa may pinto nitong kwarto ko. It’s Ysabel.
        “Yah, I’m okay. Don’t mind me. Na-miss ko lang ’yong mga magulang ko, pati na ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung nasaan sila. Kung okay ba sila. Kung nasa mabuting kalagayan ba sila, katulad ko,” malungkot kong salaysay.
        “ ‘Wag na po kayong mag-alala, Ma'am. I’m sure naman na nasa mabuti silang kalagayan kagaya mo. Magpahinga na lamang po kayo dahil malalim na ang gabi,” saad nito.
        “Sige. Salamat nga pala Ysabel ha kasi pinapagaan mo ang loob ko. Magpahinga ka na rin. Salamat ulit,” nakangiti kong usal.
       “Walang anuman po, Ma'am. Sige po, alis na po ako. Good night.” Yumuko ito bago umalis kaya tinanguan ko siya. Isinara ko na ang bintana at muling bumalik sa kama at nagpahinga na. Ipinikit ko na ang mga mata ko.                              
KINABUKASAN nagising ako dahil tumambad sa akin ang nakakasilaw na sinag ng araw. Dali-dali kong hinablot ang unan na nasa may pagitan ng mga hita ko at walang ano-anong itinakip ko iyon sa mukha ko. Sino ba kasing nagbukas ng bintana? Inis kong sabi sa isipan ko.
        “Are you just gonna lay down there or what?” Mabilis pa sa alas-kwatro akong napabangon nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Kinuskos ko muna ang mga mata ko, bago tinignan ang nagsalita at tama nga ako. Siya nga. Walang kaduda-duda.
        “Pasensya na po kayo,” nakayuko at nahihiyang tugon ko rito.
        “Remove the po. Hindi naman nagkakalayo ang edad natin sa isa’t-isa. You’re making me too old. By the way, magbihis ka na riyan at sumunod ka na putungong dining area,” wika nito sabay alis nang wala man lang paalam. Grabe siya, a.
        Tumayo na ako at kaagad na pumasok sa banyo at naghilamos. Himala at hindi na ako pinahatiran ng pagkain. Nang makapagbihis na ako ay lumabas na rin ako sa loob ng silid. Patay na. Nakalimutan ko nga palang itanong kung nasaan ang daan patungong kusina. Pa’no ako pupunta doon ngayon?
        Gaga ka talaga, Nickza. Nakakita ka lang ng gwapo naging ganyan ka na. Napasinghap nalang akong nagpalinga-linga sa paligid.
        Nasaan ba kasi banda ang dining area nila? Ba’t kasi ang laki ng lugar na ‘to?
       Nagsimula na akong maglakad. Lakad lang nang lakad kahit na ‘di ko alam kung saan ako patungo. Hindi ko na alam kung nasaang parte na ako ng kabahayan ngayon, basta ang tanging nakikita ko lang ay puro mga litrato na nakasabit sa may dingding. Medyo may kadiliman din ang bahaging 'to kaya mas minabuti kong magmadali sa paglalakad.
        Patuloy pa rin ako sa paghahanap sa dining area nang mapahinto ako sa may harap ng isang malaking pinto. Ngayon ko lamang nakita ito at dahil na rin sa kuryusidad ay sinubukan kong buksan iyon. Akmang bubuksan ko na sana ito nang makarinig ako ng isang malakas na pagsigaw kaya nataranta na ako. Wala sa sarili akong tumakbo ng mabilis nang bigla akong mabangga. Napahinto ako at the moment na tinignan ko kung sino ang nakabangga ko ay nanlaki ang mga mata ko Si kuya gwapo. My goodness!
        “What are you doing here? Kanina pa kita pinapahanap kay Ysabel. Ano bang ginagawa mo?” bulalas nito sa akin.
        “Hinahanap ko ang daan patungong dining,” panimula ko. “Nakalimutan ko kasing itanong sa ‘yo at pati na rin kay Ysabel ang daan,” dagdag ko pang saad.
        “Tara na. Sa susunod, ‘wag ka nang magtatangka pang pumunta pa sa lugar na ‘to. Understood?” may pagdidiin sa tono ng boses nito.
        Sasagot pa sana ako nang bigla niya akong hilain sa kamay kaya wala na akong nagawa pa kun'di ang sumunod nalang sa kanya.
        Napansin kong huminto na ito kaya napahinto na rin ako sa paglalakad. Agad na umagaw sa atensyon ko ang ganda at ang laki ng dining area. Kung ikukumpara mo sa ordinaryong dining, doble ang laki nito. Sobrang laki at ang ganda.
        “Ma’am, this way po,” magalang na wika ng isang babae. Mukhang kasamahan ito ni Ysabel dahil magkapareho sila ng suot na uniporme. Mga katulong siguro ito ni Kuya Gwapo. Tsk.
        Tumango lamang ako rito at kaagad na tinungo ang tinuro niyang upuan. Umupo na rin ako. Nakakahiya naman ‘to. Hindi ko pa sila kakilala lahat. Napahugot ako ng isang malalim na buntonghininga. Kasama ko ngayon dito si Kuya gwapo ta’s may tatlo pang lalaki at dalawang babae. Sino-sino kaya ang mga ‘to? Pilit akong ngumingiti kahit pa nahihiya ako.
        Nang matapos makapag-serve ng mga katulong nila ay nagsimula na rin kaming kumain lahat. Wala akong imik habang kumakain kami. Sana pala nagpahatid nalang ako ng pagkain kay Ysabel. Nakakahiya ‘to! Ano ba kasing nakain ng lalaking ‘to at naisipan niyang isama ako sa pagkain nila? Hindi ako nababagay rito.

Komentar Buku (193)

  • avatar
    Nosal Niljay

    500

    1d

      0
  • avatar
    Michael Magallon

    yes gusto kong mag laro para manalo at mag kapera para matolong ang aking pamilya

    11d

      0
  • avatar
    Aaron Mondigo Lopez

    Kasama ko Ngayon dito SI kuya sa labas ng ataing Bahay gayagya Siya na lumabs. kaya sinabi nag aking naji. ksjshsbbaa nsjhdbsbsbshhsbsbsbsbsbhs.bshshshshwuhsbsbbsbsbdbdhdhhdhdhdhdhdhhdhdhdhdhdhhdhdhshshhshshshshshhshshshshhshshshhshhdufxyfxyffutfyxfxfyyfxyfuxfydy😁🥱☹️🥱😁☹️fujfifftfuffhgcugufgucuffucyfyxfyfxxtddyyfxyfxfyxfyfyxfxyyxrrxyryxryxryxrcyfcytyffyxrycrycfycyrccryfycfyccfyfcycftfycycfdctfcycyrfcyytctcyyfcfcfyctfcfyctcffcyfycfctfftdxftxdttcdtcdfxfctftctcfctfyctcyrtccfyyfcyfyfftcrxxrdtcrxx

    21d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru