logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 2

CHAPTER TWO
NICKZA’S POV  
KASALUKUYAN kami ngayong nasa biyahe papunta sa lugar na kung saan kami mananatili, when I suddenly feel something strange. The skies are now turning into black as if there's a rain to come. Nagsimula na akong mabahala. Mahigpit na pinaalala ng PAG-ASA na may mga pag-ulang mangyayari ngayon pero ipinagsawalang bahala na lamang namin iyon ng mga kaibigan ko.
        “Ah guys, bumalik nalang kaya tayo,” nababahalang sambit ko sa kanilang lahat. Nagsitinginan sila sa akin.
        “Ano bang pinagsasabi mo riyan. Ang layo na natin. We can't go back, Nickza,” Fiona answered.
        “But—” may sasabihin pa sana ako nang biglang sumingit si Chanly.
        “No but’s, Nickza. Napagkasunduan na nating lahat ito. We all agreed about this trip,” bulalas nito pero hindi ko talaga magawang makampante. Para bang may mangyayari na hindi maganda.
        “Papa’no kung mangyari ‘yong sinasabi sa balita?” kinakabahan kong tanong. Hindi ko mapakiwari ang nararamdaman ko. I’m so nervous.
        “Don’t think of it too much, Nickza. Hindi naman sila siguradong uulan o may mangyayaring storm surge ‘di ba? Babala lang nila ‘yon,” Bea proclaimed.
        “Iyon na nga, e. Binalaan na nga nila ang mga tao na ‘wag nang magtangka pang umalis dahil hindi maganda ang lagay ng panahon. They already warned us but we didn’t listen to them. What if something’s bad would happen to us?” hindi ko mapigilan ang pagsasalita sapagkat alam kong may mali rin kami, ako.
        “Nickza, just stop thinking about it, okay? Walang mangyayaring masama sa atin. Trust me,” pagpapakalma sa akin ni Kira.
        Hindi na lamang ako nagsalita pang muli at pinakalma ko nalang ang sarili ko. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko. Gustuhin ko mang ‘wag nang ituloy ang trip na ‘to, hindi ko magawa dahil ‘yon ang gusto ng mga kaibigan ko. Ayoko namang mag-away pa kaming lahat nang dahil lang dito. I love them that's why wala na akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon.
        Makalipas lang ang isang oras, isang kulog at pagkidlat ang narinig at napansin naming lahat. Mas lalo pang dumilim ang kalangitan na animo’y anumang oras ay uulan na. Napansin kong binalewala lamang iyon ng mga kaibigan ko kaya tumahimik nalang ako, pero sa kaloob-looban ko ay may namumuong pangamba at takot sa mga nangyayari.
       “Nickza, are you okay? Is there something wrong?” pagbasag ni Bea sa naging katahimikan ko.
        Napukos ang atensiyon ko sa kanya at nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo na tila ba alalang-alala siya sa akin.
        “I’m okay, Bea. Don’t mind me,” I lied. Hindi kasi ako mapakali sa panahon ngayon pero 'tong mga kaibigan ko, parang wala lang pakialam.
        “Are you sure?” ulit niyang tanong kaya napabuntonghininga nalang akong tumingin sa baba kung saan nakikita ko ang buong karagatan.
        “Yeah, I’m okay.” Humawak ako sa aking dibdib nang iusal ko iyon.
        Umidlip nalang muna ako saglit habang sila naman ay panay ang pag-uusap.
        Isang malakas na pagkulog ang nagpagising sa akin. Natanaw ko ang malalakas na pagkidlat sa labas at mas lalo pang dumilim ang kalangitan. Nakita ko ang pagkabahala sa mga mukha ng mga kaibigan.
        “See? I told you. We should go back,” wika ko.
        “Hindi na puwede. Mahihirapan na tayong bumalik pa,” anas naman ni Benedict na siyang ikinabahala ko nang husto.
        “What should we do now? Ayoko pang mamatay. Jusmiyo!” natatarantang usal ni Chanly.
        “Walang mamamatay, okay?” pagpapakalma ko sa kanya na halos maiyak na sa takot.
        “We need to find a safe area kung saan puwede tayong maka-landing, Ma'am. Hindi na kaya ng helicopter ang lakas ng hangin,” pagpapaliwanag naman ng Piloto sa amin.
        “Saan tayo makakahanap? It’s too dark in here. At saka masyadong mahangin at maulan pa, Kuya.” Yumakap pa si Fiona sa katabing si Benedict.
        “Sa lagay na ito, mukhang mahirap na talaga, Ma'am. Hindi rin natin puwedeng paliparin ang helicopter na ito sa mataas na bahagi dahil lalo lang tayong liliparin ng hangin,” sagot ni Kuya Colson.       
        “I need to call dad right now. Kailangan nating humingi ng tulong.” Kinuha ko kaagad ang cellphone ko pero mas lalo lang akong nabahala nang makitang wala itong signal.
        “Walang signal dito. Pa’no tayo hihingi ng tulong ngayon,” nag-aalala kong saad. Oh gosh, this is bad! Really, really, bad!
        “Guys, ayoko pang mamatay. Ayokong may mapahamak ni isa sa atin. Ano nang gagawin natin?” I can hear Kira's voice shaking. We're in danger and I don’t know how we can escape in this kind of situation. If not, then we’re dead.
        “Walang mangyayari sa ‘tin. Kaya natin ‘tong lahat. Sa halos limang taon ba naman nating pagsasama, lahat nakakaya natin basta magkakasama lang tayo. We can fix this, guys. Malalagpasan natin ‘tong lahat nang walang napapahamak sa atin,” sambit ni Benedict habang pinapakalma ang kanina pa umiiyak na si Kira.
        “G-Guys. . . guys. Look at that!” nauutal na sabi ni Bea.
        May itinuro pa siya habang itinanong ang, “What’s that?”
        Napatingin kaming lahat sa may labas at nakita namin ang isang ipo-ipo na paparating sa direksiyon namin. Muli akong kinabahan at mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko na tila nakikipagkarerahan sa pagtakbo. Napatingin ako sa Piloto.
        “Kuya, ano nang gagawin mo? There’s  a big hurricane coming in our direction. We need to avoid it before it’s too late or else lahat tayo mamamatay. Ano nang plano mo?” kinakabahang sambit ko kay Kuya Colson.
       “Sinusubukan ko pong iilag, Ma’am, pero mahihirapan po ako dahil masyadong malakas ang bugso ng hangin. Hindi ko magawang igalaw ang manibela,” sagot niya.
        Magsasalita pa sana ako nang bigla na lang nawala sa kontrol ang sinasakyan naming helicopter. Isang kidlat ang tumama rito kaya nagpaikot-ikot na ito ngayon. Hindi na namin napigilan ang mga sarili namin at napakapit nalang kami nang mahigpit sa inuupuan habang napapatili sa takot na nararamdaman. Panay ang pag-iyak ko at ng iba pa, habang si Benedict naman ay panay ang pagpapakalma sa aming lahat.
       “Oh God, help us. I don’t wanna die!” umiiyak na pagkakasabi ni Kira.
       “Natatakot na ako. Mamamatay na ba tayong lahat? Is this the end of our lives?” dugtong pa ni Fiona.
        “Shh. . . ‘Wag na kayong umiyak. Don’t panic, guys. We can do this together,” rinig ko ang boses ni Benedict.
        “But how, Benedict? Papaano tayo makakaalis pa sa lugar na ito. Papalapit na nang papalapit sa atin ang ipo-ipo. The moment na pumunta ‘yan sa atin, mawawasak ‘tong sasakyan natin, at kasama tayong lahat.” I think Chanly is a little bit pissed right now.
        “Sana pala nakinig nalang tayo sa sinabi ni Nickza. Edi sana hindi ito nangyayari sa atin ngayon,” ani pa ni Bea na walang humpay sa pag-iyak.
        “It’s too late for that. What we need to do for now is to stay calm—” hindi pa man tapos sa pagsasalita si Benedict ay sumingit na ako.
        “Calm? How can we possibly do that? Can’t you see? Nasa bingit na tayo ng kamatayan tapos sasabihin mong stay calm?!” may pagtataray sa boses kong reklamo. Hindi kami nagkalingunan dahil sa suot lang naming headsets kami nagsasalita.
        “We’re out of control!” bigla ay sambit ni Kuya Colson. “Hindi ko na makontrol ang helicopter. Malaki ang naging pinsala ng kidlat na tumama sa helicopter natin. Anumang oras, maaari na itong sumabog. Kailangan na nating makaalis at makalabas dito dahil kung hindi lahat tayo sasamang sasabog dito,” dagdag pa nito na siyang dahilan upang mag-panic kaming lahat.
       “Ano nang gagawin natin? Hindi rin tayo puwedeng basta nalang tumalon diyan sa dagat dahil maaari rin natin iyong ikapahamak,” I nervously stated.
        Naguguluhan na ako ngayon sa mga nangyayari. Hindi ko na alam ang gagawin pa namin. Kahit saan kami pupunta may panganib pa ring nagbabadya. Malakas na ang ulan sa labas at pati ang ihip ng hangin ay mas tumindi pa. May mga pagkulog ding nagaganap at palakas nang palakas ang mga kidlat. Pansin ko ang pag-usok ng likuran nitong sinasakyan naming helicopter kaya mas lalo pa akong natakot. Ano mang oras maaari na ‘tong lamunin ng apoy ang kabuuan ng sasakyang ‘to.
        Lumipas ang mga ilang segundo ay ganoon pa rin ang sitwasyon namin. Hindi pa rin humuhupa ang malakas na ulan, ang hangin at maging ang kalat-kalat na pagkidlat. Muli kong kinuha ang cellphone ko at ganoon pa rin ang lagay nito. Wala pa ring signal at malapit na rin itong ma-low-bat. Wala pa ring tigil sa pag-iyak ang mga kaibigan ko. Lahat kami ay natatakot na sa sitwasyon naming lahat ngayon. Ayokong sa ganitong kalagayan pa magtatapos ang pagkakaibigan at mga buhay namin. Hindi sa ganitong paraan.
        “Kung ito na ang magiging katapusan nating lahat, tandaan niyong mahal na mahal ko kayo. Kayo lang ang nagparamdam sa akin nang ganitong klaseng kaligayahan. Nang dahil sa inyo, naramdaman kong may kasama ako. Na may karamay ako at mga kasangga sa anumang hamon ng buhay,” pag-e-emote ni Kira.
       “ ‘Wag ka ngang magsalita nang ganyan, Kira,” saway ko sa kanya. “Hindi pa ito ang magiging katapusan natin. ‘Di ba magse-celebrate pa tayo ng annivesary nating lahat? ‘Di ba aabot pa tayo ng fifteen years and counting? Walang mangyayari. Malalagpasan din natin ‘to,” pagpapalakas ng loob ko sa kanya at sa iba ko pang mga kaibigan.
        Akmang maghawak-hawak kamay na sana kaming lahat nang biglang may bumangga sa sinasakyan namin. Nagsimula na naman kaming mag-panic nang tuluyan nang nakalapit sa direksyon namin ang isang malaking ipo-ipo na handa nang lamunin ang sasakyan namin, nanalangin na lamang ako at ipinikit ang aking mga mata. Tuluyan na ngang nilamon ng ipo-ipo ang helicopter namin. Walang tigil sa pagsigaw at pag-iyak kaming lahat. Ilang saglit lang ang nakakalipas ay nilipad na kami ng ipo-ipo. Tumilapon kaming lahat at bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay, isang malakas na pagsabog ang narinig ko at dahan-dahan nang kinain ng kadiliman ang paningin ko at ang buong paligid.

Komentar Buku (193)

  • avatar
    Nosal Niljay

    500

    2d

      0
  • avatar
    Michael Magallon

    yes gusto kong mag laro para manalo at mag kapera para matolong ang aking pamilya

    11d

      0
  • avatar
    Aaron Mondigo Lopez

    Kasama ko Ngayon dito SI kuya sa labas ng ataing Bahay gayagya Siya na lumabs. kaya sinabi nag aking naji. ksjshsbbaa nsjhdbsbsbshhsbsbsbsbsbhs.bshshshshwuhsbsbbsbsbdbdhdhhdhdhdhdhdhhdhdhdhdhdhhdhdhshshhshshshshshhshshshshhshshshhshhdufxyfxyffutfyxfxfyyfxyfuxfydy😁🥱☹️🥱😁☹️fujfifftfuffhgcugufgucuffucyfyxfyfxxtddyyfxyfxfyxfyfyxfxyyxrrxyryxryxryxrcyfcytyffyxrycrycfycyrccryfycfyccfyfcycftfycycfdctfcycyrfcyytctcyyfcfcfyctfcfyctcffcyfycfctfftdxftxdttcdtcdfxfctftctcfctfyctcyrtccfyyfcyfyfftcrxxrdtcrxx

    22d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru