logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Casa Mia

Casa Mia

itssheinny


Prologue

I entered a room where will be doing my interview. I looked around before I could even sit. There's a camera and two chairs. The white color of the walls here filled my eyes. Hindi bagay sa ayos ko. Ang effort ko pa man din magayos kanina.

I wore a cross-over draped Bardot mesh dress that hugged my body and exposed my curves. I also wore my stilettos. "Are you ready?" The woman in her mid-30s asked. "Yes, I am." As I answered her question, the cameraman started to do a recording. "Tell us your name and your age, darling." I just nodded and do what she said.

"Sheena Camille Alameda, 24 years old." I smiled while looking at the camera. And for some reason, I'm kinda nervous. Because I know that this interview is all about him. I said last week that I'm ready to have this kind of interview but now that I'm here, I guess I'm still not yet ready for this. I just can't. "So tell us about him." I can't help but roll my eyes because of what the woman said. I was about to talk but there were no words coming out of my mouth. Napako ang tingin ko sa sahig at doon ko napagtanto na hindi talaga ako handa para dito. Nasabi ko lang dati na handa na ako dahil nasa isip ko na kaya ko na. Pero sa totoo lang, hindi pa talaga.

Ilang taon na ang lumipas pero bakit ganito pa rin? Nevermind. I need this for myself, I guess. Maybe it will help me to move forward. Though naka move forward naman na ako kaya lang parang hindi pa sapat yun. Kasi kada matutulala ako sa isang tabi siya at siya pa rin ang naalala ko. "Can we take a break for a while. I'm sorry." Tumayo ako and then my bestfriend came with a bottled of water for me to drink. "Sure. Take your time Miss Alameda and we just need to ask this one because we're curious about him. Don't worry, marami pa kaming tatanungin sayo. Hindi naman tayo magfo-focus sa kaniya."

I need to breathe. I need to get some fresh air. Siguro nabigla lang ako. I didn't expect that. Sabi kasi ang buong interview ay tungkol sa akin, sa buhay ko at sa kung ano na ang ginagawa ko ngayon. Nakakapagtaka lang na parang hindi sila sumunod sa kung anong pinagusapan namin noong nakaraan. "Are you sure about this? I'm worried about you, I don't think you can-" pinutol ko ang sasabihin niya. "It's fine Pat. I need to do this for myself and for my soul. I just need to take a break. Nakakagulat lang talaga kasi na nandito na ako sa ganitong sitwasyon." Inayos ni Patricia ang buhok ko at pinapaypayan pa ako gamit ng kamay niya.

I really thought that he won't be part of this project pero parang nagfocus ang mga gumawa ng questions na ito sa lalaking iyon which I found kinda annoying. "If you say so, then let's just finish this para wala ng problem. Don't hesitate to tell me if you don't want to do this anymore, okay?" I nodded and came back to my sit and did what the woman said.

"So as I said a while ago, can you tell us about your relationship with him. Or should I say, tell us about him?" I took a deep breath and smiled. I know any moment from now I will cry so hard but at least after all this years, maikukwento ko na ang tungkol sa akin at ang tungkol sa kaniya kung saan para sa akin ay espesyal ang storyang ito.

"So there's this guy I found interesting." panimula ko. Sa paninimula kong iyon nakaramdam ako kahit papano ng saya. Parang kagaya lang ng dati ang pakiramdam. Yung tipong sa bawat paglabas ng mga salita sa bibig ko ay kinikilig na talaga ako at nandoon talaga yung katagang 'inlove' once na siya na ang pinagusapan. Napaiwas ako ng tingin sa camera at nanatiling nakangiti. Pero sa kabilang banda nakaramdam ako ng kaba at ang longging ko for him. Years had passed but the agony of missing him and the agony of pain is still here. "He likes it when I'm talking bullshit." I chuckled when I remembered those good old days.

"When I overshare my opinions and beliefs and even when he doesn't understand some of the things I say. I like it when he acts cute, when he acts tough and when he's teasing me. I can say that we like the same things, though sometimes we like the same things too much that may lead into small fights." Muli kong binalik ang tingin ko sa camera and I'm still smiling. "But the thing is, we are more compatible than we ever thought we were." Habang nagkukwento ako, flashbacks of our memories together came in my mind.

"Tao po! Gusto ko pong makita yung mukhang ipis." Napasimangot ako ng marinig ang isang pamilyar na boses at pamilyar na panlalait. At tuluyan na ngang nagpakita ang lalaking mapanlait. Kalalaking tao laitero. Agad siyang nakatanggap ng isang masamang tingin mula sa akin. "What are you doing here? Wala akong panahon sa mga paganiyan mo." pagsusungit ko. Agad rin akong nagtalukbong ng kumot at pinilit ang sarili na matulog.

"Sungit!" Inalis ko ang nakatakip sa akin na kumot para makita ang kapangitan niya.

"Welcome back sa kulungan pre!" Para sa aming dalawa ang ospital ay isang kulungan. Nakagawian na naming tawaging kulungan ang ospital. At sa akin yun nagsimula. Kulungan kasi nga ganoon ang pakiramdam kapag nandito ako sa ospital, hindi ako makalabas dahil sa kondisyon ko. "Alis na pre, kung mang-aasar ka lang naman. Tsk." Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko at pinakialaman ang lanesa sa gilid ng hospital bed.

"Oh akala ko bang matakaw ka? Bakit hindi mo 'to inubos? Uminom ka na ba ng gamot mo?" Katapos niyang tignan ang pinagkainan ko kinuha niya ang isang lalagyan kung saan nakalagay ang mga gamot na dapat kong inumin.

"Syempre naman, hindi. Anong aasahan mo sa akin?" He shooked his head and smiled a little bit. I think I know kung saan na ito mapupunta. "Ah kawawa! Hindi marunong lumunok ng gamot!" Sinamaan ko siya ng tingin dahil nakuha niya pa akong asarin. Hilig niya talagang mang-asar. "Ayoko uminom niyan. Kadiri!" Pinakita ko pa sa kaniya na talagang nandidiri ako sa gamot na hawak niya. 12 years old palang talaga ako, pahirapan na kapag umiinom ako ng gamit. Naiinis na nga sa akin si Mama kapag pinapainom niya ako ng gamot dahil sa huli ay niluluwa ko lang ito at sinusuka. Capsule at tablets lang talaga ang nahihirapan akong inumin.
Sabi naman ni Dad, huwag daw akong matakot uminom ng gamot dahil maliit lang daw naman yun. Kung para sa kaniya maliit, sa akin hindi. Ewan ko ba bakit hirap na hirap na akong uminom ng gamot magmula dati pa. Mas gusto kong uminom ng gamot kapag syrup. Pero ngayon, wala ng epekto ang syrup dahil nga 16 na ako. "Aish! Ako na magpapainom sayo." Inis niya akong tinignan at nilapag sa kama ang gamot ko. Napangiti ako sa ginawa niya. Siya lang kasi ang may kayang gawin na painumin ako ng gamot. Hindi ko alam kung bakit pero kapag siya ang nagsasalita, nakikig lang ako at sinusunod ko siya. Minsan nga ay niloloko ko siya na baka mamaya kaya ganoon ay dahil siya ang totoo kong ama.

"Hoy tanda! Nood tayong concert o kaya naman punta tayo ng San Fernando Pampanga. Sa ano Sky Ranch!" Masama niya akong tinignan at nagpatuloy sa paglalaro ng games sa phone niya. "Magtigil ka nga! Busy ako tsaka nagtitipid ako no." Tinignan ko lang ang galaw niya, ni hindi niya nga ako tinapunan ng tingin. Nakakainis talaga 'tong kausap eh.

"Hindi ka naman gagastos, libre ko lahat!"

"Ayaw."
"Bilis na! Minsan lang naman!" pangungumbinsi ko ulit sa kaniya. Binitawan niya ang phone niya, mukhang tapos na siyang maglaro. Buti naman kung ganoon. Tumingin siya sa akin at sinenyasan ako na lumapit sa kaniya. "Ayaw kong pinaggagastusan mo ako." seryoso niyang saad. He used to say that thing. Ayaw niyang siya ang nalilibre at mas lalong ayaw niya na nililibre ko siya. Hindi naman siya kuripot. Pero kapag magkakayayaan na aalis kami o kakain man lang sa labas. Gusto niya share kami pakagi sa bayad. Ayaw niyang hindi kami share sa bill.

"Pre, gusto ko sa birthday ko may mahabang-mahaba kang birthday message sa akin ah." Sinimangutan ko lang siya habang nagsasabi siya ng mga gusto niya. "Alam mo? Ang pangit ng gusto mo! Papagurin mo pa 'ko!" Natawa siya sa naging reaksyon ko.

"Dali na! Yun gusto ko eh. Ikaw nga ang dami mong gusto tapos hindi naman kita pinagbabawalan sa mga yun."

"Oo na, oo na. Pasalamat ka malakas ka sa akin." Hinawakan niya ang braso ko at inihiga ang ulo sa balikat ko. "Yiieee, love you pre!" Tuwang tuwa pa siyang nakahiga sa balikat ko kaya inalis ko ito kaagad. "Mandiri ka nga sa sinasabi mo. Kadiri ka! Baka may makarinig sayo!" Tumingin-tingin pa ako sa paligid. Mabuti na lang at kami lang ang nandito sa garden dito sa bahay namin.

"Luh! OA mo pre. Sweet kaya yun."

"Sweet ba yun? Ang cringe pakinggan lalo na kapag sayo nanggaling!" Sa araw-araw naming pagsasama, unti-unti kong nare-realized na nakakasawa rin pala itsura ng pangit na 'to. At nakakainis din pagmumukha niya. Mukha siyang ewan!

"Hoy! Alam kong nilalait mo ako, ganiyan ka makatingin eh!" Pinitik niya ang noo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Masakit yun! "Kaysa naman sayo na harap-harapan kung manlait! Dapat patalikod ka manlait! Bastos bibig mo eh!" Tinaas baba niya ang kilay niya at ngumiti ng pagkalaki-laki. Parang alam ko na nasa isip nito ah. "Ahh duwende! Mukha kang ipis tapos heght mo pang duwende!" Tinuro niya ang mukha ko habang tumatawa. "Eh ikaw? Mukha kang siopao! Mukha kang tinubuan ng siopao sa magkabilang pisngi!" Akala niya siguro pagdating sa mga laitan ay papatalo ako? Hindi ah! Never!

"Masakit ka naman magsalita!" Umarte ito na parang sinaktan ko siya physically. Tsk. Ang pangit ng style niya! Sa dami ba naman kasi ng ibibigay na kaibigan sa mundo, bakit yung lalaking ito pa? Sana man lang yung maayos-ayos. Mukha naman siyang maayos eh, pero mukha lang. Hindi takaga siya matino.

"Cute mo pre!" Sa katagang iyon, parang hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung isang biro lang yan o totoong compliment talaga. Lihim tuloy akong napapangiti. Pero kahit na nangaasar lang siya sa sinabi niyang yun, ganoon pa rin ang pakiramdam. Naginit ang pisngi ko at nanlamig ang kamay ko. Pasimple kong sinampal ang sarili ko dahil baka mamaya makita ako nito na nagrereact sa sinabi niya. Mas lalo niya akong aasarin.

Mabilis akong pumunta sa bahay nila dahil ni hindi siya dumalaw sa bahay namin samantalang magkalapit lang naman kami ng bahay.

"Pre, si Mama at Daddy mukhang maghihiwalay na." Ni hindi ako tumingin sa mukha niyang napakapangit, umupo lang ako sa tabi niya. "Sus! Ikaw naman, magasawa yun malamang may mga hindi sila pagkakaintindihan pero hindi naman sila mapupunta sa hiwalayan. Hayaan mo ipagdadasal ko na lang ikaw tsaka family mo." Binitawan niya ang lapis at papel na hawak niya kanina tsaka niya 'ko inakbayan. "Ngumiti ka nga!" dagdag pa niya. Tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya sa akin at hinila siya patayo para yakapin.

"Sweet mo yata ngayon ah! Bago yan ah," sabi niya pa habang magkayakap kaming dalawa. Hindi ko alam pero kakaiba talaga ang pakiramdam kapag kasama ko siya at kapag nakakausap ko siya. Parang may something na hindi ko maintindihan. Pero isa lang ang alam ko ngayon.
He's just part of everything I've been through. And thanks to him, because I know I won't get this far, I won't give myself time to realize. He’s the guy who changed me for the better.

Komentar Buku (8)

  • avatar
    MillanoPatrick

    that's good

    18/07

      0
  • avatar
    Carl Justin Penaso

    Good story

    27/05

      0
  • avatar
    LimbagoLyster

    nice stories thank you for the author of this stories

    23/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru