logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 2 Two

Lunes. Tahimik akong nagbabasa ng mga latest na showbiz chismis ng biglang...
"Nick!!!"
Nagulat ako sa sigaw ni Sir Paul. Napatayo ako sa aking upuan at napatingin sa kanyang opisina.
"Nick, puntahan mo," pabulong na sabi ni Layla.
Anong kasalanan ko? Bakit siya galit? Inisip ko lahat ng assignment ko for the past week at hindi ko mawari kung saan ako nagkamali.
Pagdating ko sa pinto ng kanyang opisina ay dahan-dahan ako sumilip sa nakabukas na pinto, "Sir?"
Dinampot nito ang isang tabloid sa kanyang table at padabog na inilapag, "Nabasa mo ba ito? Bakit wala 'yan sa isinulat mong article?" Ramdam ko ang inis sa bawat binibitawang salita ni Sir Paul.
Lumapit ako upang makita ang pinapakita niya. Lloyd Martinez tinanong si Anna Reyes kung puwede siyang manligaw.
Binasa ko pa ang laman ng showbiz column.
"Sinabi daw niya 'yan sa harap ng showbiz press noong presscon ng Just the Two of Us!" Madiin na sabi ni Sir Paul.
Napalunok ako at napatingin sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin dahil wala akong narinig. Sigurado akong wala dahil ni-record ko ang buong press conference.
"Umalis ka sa harapan ko! Paano tayo na-scoopan eh pinag-attend kita, Nick?" Disappointed n'yang sabi. "Alis!!!"
Napatayo ako sa muling pagsigaw ni Sir Paul, napayuko ako at ang nasabi ko na lang, "Sorry po."
Malalaki ang hakbang ko palabas ng opisina niya. Pag-angat ng ulo ko ay nakita ko ang mga kaopisina namin na nakatayo lahat at nakatingin sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin. Ramdam ko ang init sa buo kong mukha at hindi ko napigilan ang mga luha ko sa pagpatak. Nakahihiya. Rinig ng buong opisina ang sigaw ni Sir Paul sa akin.
Dali-dali ang paghakbang ko palabas ng opisina namin, hindi ko alam kung saan ako magtatago. Ang alam ko lamang ay napakabigat ng dibdib ko. Nakita ko ang fire exit at dinala ako ng mga paa ko doon. Naupo ako sa hagdan at iniiyak ang lahat.
Siguro pinagtatawanan ako ng mga kaopisina ko, siguro naisip nila na hindi ko talaga deserve ang posisyon na ito. Pagpasok ko pa lang sa kumpanyang ito ay kinukwestyon na ng ilan na bakit ako ang napiling maging Associate Editor. Dahil daw 22 years old lang ako at first time ko magtrabaho sa isang magazine.
"Nandiyan ka pala."
Napalingon ako nang bahagya sa boses ng isang lalaki. Hindi ko napansin na bumukas ang pinto ng fire exit.
"Kanina ka pa nila hinahanap," sambit nito at saka naupo sa tabi ko.
"Hindi ko alam paano babalik doon. Nakahihiya," mahina kong sagot.
"Nick, normal lang naman sa work ang napagagalitan," malumanay nitong sabi.
Hindi ko magawang lingunin nang husto ang lalaki. Alam kong mugto na ang mga mata ko at siguradong pulang-pula na ang ilong ko. Baka pagtawanan niya lang ako.
"Tama na 'yang iyak mo. Punasan mo na 'yang mga luha mo," sabay abot nito ng kanyang panyo.
Tiningnan ko lang ang panyong iniaabot nya sa akin. Nahihiya ako na kunin ito.
"Malinis yan at mabango, baka sabihin mo..."
Agad kong kinuha ang panyo sa kamay n'ya, baka masabihan pa ako na maarte.
"Thank you...," natahimik ako, ano na nga ba ang pangalan niya?
"Marco. I am Marco De Guzman," sabay lahad nito ng kanyang kamay para makipagkamay.
Inabot ko ang kanyang kamay, "Thank you ulit, Marco."
"Hindi ba dapat ang sagot mo ay nice meeting you, Marco?" nakangiti niyang sabi. Doon ko lang napansin ang dalawang malalalim na dimples sa kanyang magkabilang pisngi at ang pantay-pantay niyang mapuputing ngipin.
Hindi ko alam kung bakit pero biglang nag-init ang aking mga pisngi. Siguro mukha na naman akong kamatis. Ngumiti na lamang ako at ibinalik ang tingin sa wall ng fire exit.
"Halika, may pupuntahan tayo!"
Biglang yaya ni Marco. Tumayo ito at hinila ang kaliwa kong kamay kaya wala ako nagawa kundi ang tumayo na din. Bumaba kami sa sumunod na floor at saka pumasok sa 27th floor. Hawak niya pa rin ang kamay ko at hila-hila niya ako sa elevator, pinindot nya ang ground floor. Lumabas kami ng building. Malalaki ang hakbang ni Marco na pilit kong pinapantayan, hawak n'ya pa rin ang aking kamay at maya't maya ang lingon sa akin at nakangiti dahil medyo nahuhuli ako.
Pumasok kami sa Mini Stop at saka dumiretso sa counter.
"Dalawang Vanilla Sundae Cone."
Lumapit ako sa tabi ni Marco at pabulong kong sinabi, "Wala akong dalang pera, Marco."
Lumingon siya sa akin at saka kumindat, "My treat!"
Muli kong naramdaman ang pag-init ng aking mga pisngi. Marahil ay nakita ni Marco ang pamumula ko dahil napangiti ito.
Narinig namin ang hagikgikan ng dalawang babaeng crew sa counter kaya sabay kaming napalingon.
"Thirty- two pesos po lahat," mapanukso pa rin ang ngiti ng cashier.
Binitawan ni Marco ang kamay ko at saka dinukot ang kanyang wallet sa bulsa at nag-abot ng fifty pesos. Pakiramdam ko ay parang biglang may kulang nang bitawan ni Marco ang kamay ko.
Matapos magbayad ay iniabot ng isang cashier ang dalawang sundae sa amin. At saka kami naupo sa isang bakanteng table na pandalawahan.
"Life is like a cone of ice cream, you have to lick it, savor it and enjoy it before it melts," napatingin ako kay Marco sa sinabi nito.
Ngumiti ito ng matamis, "Kainin mo na ang ice cream mo bago pa matunaw."
Naiilang akong kumain sa harap ni Marco, hindi naman ako sanay na may kasabay kumain na ibang lalaki lalo na ngayon ko lang naman s'ya nakausap. Ang awkward sa pakiramdam na dinidilaan ko yung sundae sa harap ng isang lalaki na ngayon ko lang nakausap. Ibinaling ko ang atensyon ko sa labas at pinagmamasdan ang mga taong dumaraan.
"Everything will be fine," Napalingon ako kay Marco sa kanyang sinabi. Nakangiti na naman ito sa akin at muling lumitaw ang malalalim niyang mga biloy.
Isang tipid na ngiti lamang ang isinagot ko at saka ko muling ibinaling ang aking atensyon sa kinakain kong ice cream. Napalingon ako sa aking wristwatch at nanlaki ang aking mga mata.
"Eleven o'clock na??"
Bigla akong napatayo, "Marco, balik na tayo sa office baka hinahanap na ako."
"Sige."
Paglagpas namin sa reception area, nilingon ko si Marco.
"Marco, Salamat!"
"Wala yun. Sige na, baka hinahanap ka na." Iyon lang at pumasok na sya sa kaliwang wing ng opisina namin kung nasaan ang Advertising Department, habang ako ay lumiko sa right wing sa Publishing Department.
Ang Global Publishing, Entertainment and Advertising Corporation (GPEAC) ay may tatlong negosyo, ang advertising and marketing at publishing. Si Marco ay Art Director sa Advertising Department.
Pagbalik ko sa opisina ay tahimik ang lahat. Pero bago pa ako makaupo ay tumayo si Layla, "Nick, sabi ni Ma'am Mitch puntahan mo daw siya sa office n'ya pagbalik mo."
Tumango ako, "Salamat, Layla."
Mabilis kong sinilip ang hitsura ko sa maliit na salamin sa aking drawer, nagsuklay ako ng mabilis at naglagay ng lip gloss.
Pagdating ko sa opisina ni Ma'am Mitch ay agad akong pinapasok ng kanyang sekretarya. At isinara nitong muli ang pinto.
"Ma'am."
"Maupo ka, Nick," mahinahon nitong sabi.
Umupo ako sa upuan sa harap ng kanyang mesa.
"Alam mo ba ang dahilan kung bakit ka nasigawan ni Paul?" tanong nito na parang isang ina na ipinapa-realize kung ano ang nagawa kong mali.
"Opo. Pero sure po ako ma'am na wala ang info na 'yun during the press conference kasi nagrecord ako at nagreview habang nagsusulat ng article," nakayuko at magalang kong sagot.
"Alam ko."
Napaangat ako ng ulo at napatingin sa kanya, "po?"
"Sinabi ni Lloyd yun sa media bago ang press conference," nakakunot noo nitong sabi.
"Magre-request na lang po ako kay Ms. Rikki na mainterview ko si Lloyd about sa sinabi niyang iyon, ma'am."
"No need. Nasa Bacolod na sila at mag-i-start na ang taping. You will fly tomorrow and cover. Hanggang Friday ka doon. Make sure makakuha ka ng magagandang stories at pictures. This is exclusive to us, Nick," kunot noo nitong sabi.
"Okay po. Naiintindihan ko po," iyon na lamang ang naisagot ko sa lakas ng kaba na nararamdaman ko.
"Ibibigay sa iyo ni Jenny ang plane ticket mo at allowance for the whole week. Huwag ka mag-alala, sa mismong hotel kung saan naka-billet ang lahat ng cast ka din mag-i- stay. Rikki will be there to help you," bilin pa nito.
Na-relieve ako nang malaman ko na naroon si Rikki, at least may kilala ako, "Thank you po, ma'am."
Tumayo na ako at akmang bubuksan na ang pinto nang...
"Nick.."
Muli kong nilingon si Ma'am Mitch, "po."
"I hired you because you have all the qualities that I am looking for an Associate Editor. Prove them wrong," saka ito ngumiti.
Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabing iyon ng aking boss, "Yes ma'am. Salamat po sa tiwala."
Tumango lamang s'ya kaya tumalikod na ako at lumabas ng kanyang opisina.
Pagbalik ko ng opisina ay nakabibingi ang katahimikan ng lahat, tila nakikiramdam sila. Tahimik akong naupo sa aking cubicle at nagsimulang magresearch tungkol sa pupuntahang lugar. Kahit kasama ko si Rikki, hindi ako puwedeng umasa sa kanya.
Bago mag-uwian ay nag-ring ang telepono sa aking table.
"Hello good afternoon, Nick Atienza on the line, how may I help you?"
"Ms. Nick, si Jenny lang ito. Puntahan mo ako dito sa office," mahinhin na sabi ni Jenny at saka ibinaba ang phone.
Agad akong tumayo at nagpunta sa kanya.
"Ms. Nick, heto ang plane ticket mo at allowance, paki-pirmahan na lang itong voucher. Bilin din ni Ma'am Mitch na i-update mo s'ya everyday sa kung anu-ano ang makikita mo roon," mahinhin pa rin ang pagsasalita ni Jenny.
"Sige po."
First flight ang biyahe ko patungong Bacolod. Halos wala akong tulog dahil kailangan ay nasa airport na ako ng alas kuwatro ng madaling-araw. Nagsuot lang ako ng high waist light denim pants, black crop top blouse at white cardigan, na pinarisan ko ng white Air Max at itim kong belt bag. Nagbook ako ng Grab Car at muling chineck kung lahat ba ng kailangan ko ay nasa luggage na.
Pagdating ko ng NAIA Terminal 2 ay agad akong dumiretso sa departure area. Mabilis na ang aking pag-check in dahil nag web check-in na ako kanina. Sa tuwing ba-byahe ako ng eroplano, pinakaayaw ko talaga sa lahat ay ang dinaraanan na security checks dahil kailangan ko magtanggal ng sapatos.
Makaraan ang halos isa't kalahating oras na byahe sa eroplano ay matiwasay akong nakarating sa Silay Airport. Mula doon ay sumakay ako ng taxi patungong hotel. Pagdating ko ng hotel at nang mai-akyat ko sa aking kuwarto ang dala kong bagahe, agad akong nagtext kay Rikki na nasa hotel na ako.
Agad naman itong sumagot, "Great! We are here at the hotel's resto, having breakfast. We will wait for you!"
Naghilamos ako ng mabilis at naglagay ng kaunting makeup at saka bumaba.
Sa restaurant, nagulat ako na naroon din pala sina Lloyd at Anna at nakita kong sweet na sweet ang dalawa habang kumakain. Kasama nila sa mesa si Rikki na agad akong kinawayan nang makita ako.
Ngumiti ako at lumapit sa kanila.
"Hi! How was your flight?" nakangiting bati nito.
"Okay naman," nakangiti kong sagot.
"Lloyd, Anna," pagtawag ni Rikki sa dalawa na nakangiting lumingon sa amin. "I want you to meet Nick Atienza, Associate Editor of Showbiz Mag."
"Hello po!" sabay na sagot ng dalawa at saka tumayo at magiliw na bumeso sa akin.
"She will feature the first few days of the taping," paliwanag ni Rikki.
Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha ng dalawang artista, at sabay ulit na sumagot "Thank you po!"
Sumabay akong kumain sa kanila at inalam kay Rikki ang schedule. After lunch pa ang unang taping at gaganapin iyon sa San Sebastian Cathedral.
Umakyat muna ako para magpahinga, nagtext ako kay Mommy nang mangyayari sa araw ko at nagtext din ako kay Ma'am Mitch.
Nag-alarm ako ng 11am at umidlip sandali para makabawi ng lakas dahil sigurado ako na mahaba pa ang araw kong iyon.

Komentar Buku (26)

  • avatar
    AsanionMaria

    sobrang ganda

    11d

      0
  • avatar
    スミス シニックス

    gghhhhh

    25/07

      0
  • avatar
    Nica Ramos

    ❤️❤️

    22/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru