logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Twenty Reasons To Unlove You

Twenty Reasons To Unlove You

Lilian Alexxis


Bab 1 One

Napatitig ako sa mga nagtataasang mga gusali habang binabaybay namin ang kahabaan ng EDSA patungong Channel 10.
Bata pa ako ay pangarap ko na ang maging artista. Kaya naman lagi akong sumasali sa lahat ng theater plays noon. Magaling ako umarte, sumayaw at kumanta. Maganda naman ako at tama lamang din ang height.
"Ma'am, nandito na po tayo."
Naputol ang pag-iisip ko at nilingon ang aking paligid.
"Kuya Mario, ite-text ko po kayo kapag tapos na ako."
"Sige po."
Narinig ko ang pagbukas ni Kuya Mario sa lock ng mga pinto at agad na bumukas ang pinto ng van.
"Good morning, Ma'am," pagbati ng guwardiya.
"Good morning po."
"Ma'am, sa Studio 1 po ang press conference," nakangiting saad ng guwardiya sa akin.
"Opo kuya, salamat," sabi ko at saka ibinalik ang isang ngiti sa kanya.
Binaybay ko ang daan patungong Studio 1. Nang marating ko ang malaking pinto ay bigla akong kinabahan. Kakayanin ko ba ang magsalita sa harap nila? Baka mahiya ako, pumihit ako patalikod at saka tiningnan ang aking relo, quarter to 10:00 am.
"Ms. Nickelle Atienza?" ani ng isang tinig ng babae mula sa aking likuran.
Inihanda ko ang aking signature smile at saka humarap. Isang babae na slim at fair skin ang nakangiti ngayon sa aking harapan.
"Yes, I am Nick Atienza."
"Hi Nick! I am Rikki!"
Napangiti ako. Si Rikki ang manager ng talent center ng Channel 10, ang pinakamalaking television network sa bansa.
"I've been waiting for you!"
Napalingon ako sa kanyang sinabi. Ngumiti lamang siya.
"Nick!"
Sabay naming nilingon ni Rikki ang pinanggagalingan ng pamilyar na boses.
"She's been looking for you," pabulong na sabi ni Rikki at saka ako iniwan doon.
"Na-traffic ka ba?"
"Hindi naman po," sagot ko rito at saka ako ngumiti.
"Nandiyan na sina Lloyd at Anna sa loob."
Nakaramdam ako ng kaba. Sila Lloyd Martinez at Anna Reyes ang pinakasikat na love team ngayon.
"Mag-interview ka na," seryosong sabi ng boss ko. "Sige na, dito lang muna ako sa mga amiga ko."
Ako ay baguhang Associate Editor ng Showbiz Mag at narito ako ngayon sa Channel 10 para mag-attend ng press conference para sa bagong teleserye na pagbibidahan nina Lloyd at Anna, ang Just the Two of Us.
Huminga ako ng malalim at saka pumasok sa loob ng Studio.
Nakita ko sina Lloyd at Anna na nakikipagkwentuhan sa iba pang members ng press. Nagtatawanan sila. Naglakad ako patungo sa kinaroroonan nila, ngunit bago ko pa marinig ang kanilang topic umakyat na ang emcee sa mini stage.
"Good morning! May we invite Lloyd and Anna on the stage together with Direk Joy Molina?"
Tumayo sina Lloyd at Anna at nagpunta sa harap habang nagpulasan ang mga press at naupo sa kanya-kanyang mga silya.
Naupo ako sa isang bakanteng tiffany chair. Inilabas ko ang aking cellphone at pinindot ang voice recorder.
Saktong patapos na ang presscon, nang mag-ring ang aking phone at lumabas ang pangalan ng aking boss sa screen.
"Hello, Nick. Tapos na ba ang press conference?"
"Katatapos po, ma'am," magalang kong saad.
"Nakakuha ka ba ng press kit?"
"Wala pa..."
"Kunin mo kay Rikki," mabilis na sabi ng boss ko. "Umalis na ako, may meeting pa ako sa kabilang network. Magkita na lang tayo mamaya sa office."
Bago pa ako makasagot ay ibinaba na niya ang kabilang linya.
Hinanap ng mga mata ko si Rikki na agad kong nakita na papalapit sa akin.
"Nick, here are the press kits, this one is for Tita Mitch and this one is for you," nakangiting sabi ni Rikki sabay abot ng dalawang paper bag.
"Thank you, Rikki," nakangiting tugon ko.
"Thank you for coming. And also, here is my business card, call me anytime kapag may gusto kayo i-feature sa mga alaga namin," dagdag pa nito.
"Thank you. Wala pa akong card kasi one week pa lang ako with Showbiz Mag. I will text you later para makuha mo number ko," paliwanag ko.
"It's okay, Nick," nakangiti pa ring sabi ni Rikki saka ito mabilis na bumeso sa akin at nagpaalam.
Naalala kong tawagan si Kuya Mario para sunduin ako sa lobby.
"Kuya, pasundo na po ako sa lobby."
"Ma'am, hindi po ba kayo tinawagan ni Sir Paul? Inutusan po ako sa Mandaluyong."
"Ganun po ba? Sige magta-taxi na lang po ako pabalik ng office."
"Sige po ma'am. Ingat po."
Napabuntong hininga ako. Wala man lang text ang Editor-in-Chief namin na inutusan n'ya si Kuya Mario.
Pagdating ko sa labas ng gate ng Channel 10 walang nakapilang taxi kaya naghintay ako sa pagbabakasaling may dumaan. Thirty minutes na pero wala pa ring bakanteng taxi ang dumaraan, masakit na ang legs ko sa suot kong stilettos.
Isang tao na lang ang alam kong puwedeng tumulong sa akin. I immediately swipe my phone to the right and it automatically dialled a number.
"Hello," rinig ko ang malalim na boses ni Chester at halatang kagigising lang.
"Chester, don't tell me ginising kita," hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa dahil 11 am na.
"Oo. Anong oras na... oh f*ck!"
"Yes, 11am na."
"Aabot naman siguro ako, sabay tayo maglunch," medyo masiglang sabi nito.
"Chester, nasa Channel 10 ako. Inutusan yung driver at wala ako masakyang taxi," paliwanag ko.
"Pumasok ka muna sa loob at maupo. Give me 15 minutes."
Gaya ng bilin ni Chester ay pumasok ako ulit sa Channel 10 at naupo sa mga gang chairs doon. Malapit lang ang condo ni Chester dito kaya alam kong makararating ito agad.
Nag-check ako ng Instagram at Twitter. Nai-tweet na ng opisina namin ang presscon ng Just the Two of Us. Nasa IG na rin. Nagpadala ako sa kanila kanina ng kaunting info at photos para siguradong hindi kami mahuhuli sa latest na showbiz chika.
Nakatanggap ako ng text kay Chester na nasa labas na siya kaya ibinalik ko sa shoulder bag ko ang aking phone at saka nagtungo sa labas ng gate.
Nasa mismong harap ng gate ang itim na Ford Everest nito. Agad naman s'yang bumaba, napakaguwapo niya sa suot na puting longsleeves na sakto lamang sa kanyang magandang katawan na pinarisan ng khaki pants, brown belt at brown leather shoes. Masarap ang mga ngiti niya na lumapit sa akin at kinuha ang dalawang paper bag na buhat ko.
"Tara!"
Sabay akbay niya sa balikat ko at iginiya ako patungo sa kanyang SUV. Binuksan niya ang pinto at tinulungan akong sumakay bago muling isinara ito.
Pinagmasdan ko siya habang naglalakad sa harap ng sasakyan patungo sa driver's seat. At saka ako napabuntong hininga. Nang buksan ni Chester ang pinto ay nagkunwari akong busy sa aking cellphone.
"Elle, seatbelt mo."
Agad kong hinila ang seatbelt at saka ini-lock sa kabilang side.
"Thank you, Chest!"
Ngumiti lamang si Chester sa akin at tahimik na nagmaneho.
Binabaybay namin ang kahabaan ng EDSA nang mag-ring ang kanyang cellphone na naka bluetooth sa speaker ng sasakyan. At agad niya itong sinagot.
"Hon, asan ka?" Yamot ang boses ng nasa kabilang linya.
"May meeting ako ng 1 pm sa office. Tulog ka pa kaya hindi na kita ginising," mahinahong sagot ni Chester.
Napahawak ako sa aking bibig sa pagkabigla habang nakatingin kay Chester. Hindi ko alam na sa unit niya natulog ang girlfriend niya. Nilingon niya ako ng mabilis at inilagay ang kanyang hintuturo sa kanyang labi upang sabihing huwag akong maingay.
"Tama bang iwan na lang ako basta, Chester? Nag-leave ako sa trabaho ko ngayon dahil anniversary natin, tapos ikaw pala may meeting?!"
"Tanya, I told you last week na busy ako ngayong week na ito dahil may bago kaming project. Hindi mo ba naiintindihan yun?" Medyo inis na ang tono nang pananalita ni Chester.
"Sorry, hon. Huwag ka na magalit pero sana man lang ginising mo ako at sabay muna tayo kumain," malambing na sagot ni Tanya.
"Wednesday ngayon may lunch out kami ni Elle," mahinahon na sagot ni Chester habang nakatingin lang sa kalsada.
"What?? Kapag si Elle hindi mo talaga puwede baliin ang schedule mo kahit Anniversary natin?" Pasigaw na sabi ni Tanya sa kabilang linya na umaalingawngaw ngayon sa loob ng sasakyan. Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Tanya, ever since naman ang tingin niya sa akin ay kaagaw niya kay Chester. Napahawak na lamang ako sa ulo ko habang inoobserbahan si Chester. Nakita ko ang pagkunoot ng noo nito at ang pagtigas ng kanyang panga.
"Tanya, nagmamaneho ako. Kumain ka na d'yan, may pagkain sa ref i-heat mo na lang sa microwave," madiin na sagot ni Chester.
"Hindi na! Uuwi na lang ako!" Pasigaw na sabi ni Tanya at saka naputol ang linya.
Tahimik pa ring nakatingin si Chester sa kalsada. Nasa itaas na kami ng flyover at tanaw na ang mga nagtataasang gusali sa Ortigas Center.
"Chester," mahina kong tawag sa kanya.
"Hmmm," sagot nito saka ako nilingon ng bahagya.
"I'm sorry," nahihiya kong sabi.
"Hindi mo kasalanan, Elle," malambing na sagot ni Chester.
"Kung hindi ako nagpasundo..."
"Mabuti nga tumawag ka, kung hindi lagot na naman ako kay Papa," pagputol ni Chester sa sasabihin ko.
"Kaya wala kang kasalanan, Elle," malambing na sabi ni Chester.
Tumahimik na lamang ako hanggang sa marating namin ang basement ng building nila.
"Kain muna tayo ng lunch," nakangiting sabi ni Chester.
"Okay."
Bumaba si Chester at pinagbuksan ako ng pinto. Kinuha niya ang dala kong paper bags at saka ako inalalayan bumaba.
"Okay lang ba sa food court na lang muna tayo kumain?"
"Oo naman. Kahit saan, okay ako."
"Basta kasama mo ako?" nakangiting sabi nito.
"Oo, Chester," nakangiting saad ko.
Pagkatapos kumain ay naglakad na lamang kami patungo sa building ng opisina namin. Magkalapit lang naman ito.
"Good luck sa meeting mo," nakangiti kong sabi.
"Mukhang su-swertehin ako ngayon," nakangiti nitong sabi sabay abot sa akin ng paperbags na dala ko.
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
"You are my four-leaf clover, Elle."
Isang tipid na ngiti ang ibinalik ko sa kanya, "Sige na. Aakyat na ako. Update mo ako ha?" Tatalikod na sana ako pero..
"Elle."
Nagtataka akong tumingin sa kanya. Lumapit ito at humalik sa aking pisngi.
"Para sure ang swerte ko," pabulong nitong sabi.
Hinampas ko siya sa balikat. "Umalis ka na nga! Ingat!"
Naglakad na ito palayo sa akin at saka kumaway ng marating ang kabilang side ng kalsada. Kumaway din ako at saka pumihit paakyat sa hagdan patungo sa entrance ng building.
Dire-diretso ako sa elevator at sakto naman na nagbukas ito. Pagpasok ko, pipindutin ko sana ang 28, ngunit naunahan ako ng isang lalaki. Napalingon ako sa kanya pero hindi ko siya kilala. Ibinalik ko ang tingin ko sa makintab na pinto ng elevator kung saan, kitang- kita ko na nakalingon sa akin ang lalaki.
Medyo mahaba ang buhok nito, matangos ang ilong, tama lamang ang kapal ng mga labi at katamtaman ang laki ng mga mata. Siguro nasa 5'10 ang height at tama lang din ang pangangatawan. Maayos din itong manamit, bagay sa maputi niyang balat ang suot na light blue longsleeves, black slacks na pinarisan ng black leather belt at black leather shoes.
Nahinto ako ng pagsipat sa kanya nang marinig ko ang kunwaring pag-ubo niya. Nagkatinginan kami sa reflection sa pinto at ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi. Nahuli niya ba akong sinisipat siya?
Buti na lamang ay narating na namin ang 28th floor kaya nauna na akong lumabas ng elevator na kunwari ay walang nangyari.
"Good afternoon, Lisa," bati ko sa receptionist.
"Good afternoon, Ms. Nick!"
Dumiretso ako sa opisina ng aking boss at iniabot sa kanyang sekretarya ang kanyang press kit. Pagdating ko sa aking work station agad kong sinimulang tipahin ang article tungkol sa presscon.
Bandang alas tres, kuntento na ako sa naisulat ko. I printed it and went to the office of the Editor-in-Chief.
Papasok na sana ako nang makita ko na may kausap siyang dalawang lalaki. Nakita niya ako sa pinto at sinenyasan na pumasok.
"Sir, ipapacheck ko lang po itong article ko," sabay lapag ng folder sa kanyang table.
"Basahin ko mamaya. Ah Nick, I want you to meet Mr. Marco De Guzman," sabay lingon nito sa lalaki sa kanyang kanan.
Nang humarap ako, nagulat ako. Siya yung lalaki na nakasabay ko sa elevator.

Komentar Buku (26)

  • avatar
    AsanionMaria

    sobrang ganda

    11d

      0
  • avatar
    スミス シニックス

    gghhhhh

    25/07

      0
  • avatar
    Nica Ramos

    ❤️❤️

    22/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru