logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 7 Present Time

•• JEANE HALVERSON ••
NAGISING kami sa tahimik na kapaligiran, akala ko nga ay panaginip lang ang kahapon. But here we are. Staying at the restaurant kitchen.
It's the second day of being trapped here.
I'm a police officer, and right now I can't think a plan to survive. Kung gaano kagulo ang paligid ay ganon din kagulo ang utak ko.
" You okay? " Nilingon ko si Harm na mukhang hindi nakatulog. Bakas sa kanyang mukha ang puyat dahil sa nangingitim na ilalim ng mata.
" Bakit di ka natulog? "
Nakasandal siya sa ref na kasalukuyang nakaharang sa pinto.
" Hindi kasi tumigil ang zombie sa kakakalampag "
" Anong gagawin natin? "
Hindi kami pwedeng dumaan sa pinto dahil hindi namin kakayanin ang dami ng zombie sa labas.
" We need na makahanap ng exit point "
Tumayo ako para suriin ang paligid. Medyo malaki ang kitchen kaya naman nagkasya kami. Lagpas na 30 katao ang kasama namin ngayon.
Binuksan ko ang mga cabinet nagbabakasali pero puro pagkaen lang ang laman non.
" What are you doing? " nilingon ko ang nagtanong. Ito yung head chef ng Restaurant.
" Finding an exit point "
Sinundan ko ang itinuro niya. Pader iyon na kung hindi mo titignan mabuti ay di mo mapapansin na may pinto doon.
" Dinadaanan yan ng mga staff kung ayaw nila malate, mahihirapan nga lang makababa dahil gawa sa lubid ang hagdan "
" Great " iyon lang ang nasabi ko.
Nang magising ang lahat ay sinabi ko sa kanila ang plano.
" Kailangan natin dumaan dito para makalabas "
Napapikit ako ng mag ingay sila.
" Kung lalabas tayo ay paniguradong magagaya tayo sa kanila " komento ng isang matandang babae, may hawak itong batang babae.
" Hindi naman namin kayo pipilitin, sa mga gusto sumama sa amin ay maghanda na, at yung mga ayaw ay maiiwan dito. Its your choice " sabat ni Harm.
Gusto ko man sumama silang lahat para sakaling makaligtas ay ipinagkibit balikat ko nalang. Oo nga police ako. Dapat kong isalba ang kaya kong isalba. Pero sa ngayon mas kaonti ang kasama namin. Mas may ma-se-save kami.
" May mga tape ba kayo dito? " tanong ko.
" Meron " May binuksan na cabinet ang chef at inilabas lahat ng tape na naroon. Malalaki iyon at kulay dilaw. May mga tali rin siya na inilabas.
" Great, sa mga gustong sumama, lagyan niyo ng tape ang braso niyo at binti para sa dagdag proteksyon " anunsyo ko.
Kumuha ako ng isang tape. Mabuti nalang ay nakajacket, pants at running shoes ako. Hindi naman sa ineexpect ko na mangyayare ito. Nakasanayan nalang sa trabaho.
" Hindi ko nadala yung bag ko " reklamo ko kay Dane. Naupo kasi ito sa tabi ko at nagsimula rin na maglagay ng tali at tape sa braso at binti. But unlike me naka dress ito at heels.
" Mahihirapan ka sa suot mo " puna ko. Ngumiti lang siya at hindi na nagkomento pa.
" Pwede kaya tayo bumalik sa Airport? " tanong ko.
" Bakit? " tanong ni Harm na kasalukuyang inaayos ang sarili. May dala dala itong bagpack.
" Naroon kasi sa maleta iyong bag ko, may walkie-talkie don para macontact ko ang kasamahan ko at makahingi ng tulong "
" Maganda sanang plano yan, pero paano naman itong mga sasama sa atin? " tanong ni Harm.
" Hanapan nalang muna natin ng Car para makalayo sila dito. Then pupunta tayo sa Airport, malay mo naroon pa sila Shile " sabat ni Maui.
And that's the Plan. Sana lang ay safe kaming makapunta don.
**
•• CAIRON HILARRY ••
Sa Basement Parking Lot ko inihinto ang Van na minamaneho, dito na rin kami nagpalipas ng gabi. Binuksan lang namin ng kunti ang bintana ng sasakyan para may hangin na makapasok at hindi kami mamatay sa suffocation.
Napabangon ako sa kalampag sa tapat ng pintuan na kinauupuan ko. Napahawak pa ako sa aking dibdib sa sobrang gulat. Iyon na naman ang mga zombie. Parang nagising na naman sa pagkakahimlay. Kagabi naman ay para silang mga patay at hindi umaatake.
" Ayst, istorbo sa tulog " reklamo ni Bree.
" Baliw, wala tayo sa hotel, nasa gitna tayo ng Zombie Apocalypse " pambabara ni Jara.
" Huh? " tila natauhan si Bree at nagpalinga linga. Nalukot ang mukha nito ng mapagtanto ang kasalukuyang sitwasyon.
" Akala mo ba ay panaginip lang iyon? Sana nga " pagsingit ko.
Dahil hanggang ngayon ay nag aalala pa rin ako sa mga kaibigan namin.
Sana nga ay panaginip lang ang lahat.
**
•• ALDREN XYFOR ••
Nang magtakbuhan kami palabas ng bus ay agad kaming dumiretso sa malapit na bahay, kinakabahan at nanginginig man ay nilakasan ko ang aking loob upang hindi matakot ang mga kasama ko.
Nagtungo kami sa pinakamalapit na bahay na nakita namin. Nakalock iyon k3aya naman sinira namin ang lock at kaming pumasok.
" Ahhhhhhhhh " sigaw ng kasamahan namin kaya napahinto kami sa kinatatayuan namin.
May Zombie kasi sa loob at apat pa sila. Mabilis itong lumingon sa amin, ganon rin kabilis na sumugod sa amin. Napapikit nalang ako, handa ng mamatay o maging katulad nila.
* bang, bang, bang *
Umalingawngaw ang putok ng baril na ikinatili ng mga babaeng kasama namin. Pagdilat ko ay nagkalat sa sahig ang dugo. Sabog ang ulo ng mga iyon at nasa sahig na ang katawan. Dahilan para kumalampag ang pinto. Ang ingay ang sinusundan ng mga zombie. Iyon palang ang alam namin tungkol sa mga zombie. Hindi pa namin alam kung ano talaga ang kaya nilang gawin.
Nilagyan namin ng mga cabinet ang pinto upang hindi agad mabuksan. Sobrang lakas ng mga zombie dahil kumakalampag talaga ang pinto.
Medyo malaki ang bahay kaya nilibot namin iyon, after non ay wala kaming nakita kaya hinila namin ang mga zombie at inilagay sa banyo, inilock namin iyon.
May 2nd Floor ang bahay, nagsi akyatan na ang mga babae, kaming mga lalaki ang naiwan at chineck ang paligid..
Mukha namang hindi kami mapapasok dito.
Sana lang maging safe zone namin ito kahit panandalian lang.
Umakyat kami sa taas, isa lang ang kwarto pero master's bedroom. May banyo rin sa loob na ipinagpapasalamat ko, hindi ko ata kayang gamitin ang banyo sa baba kung nasaan iyong mga zombie.
Umupo ako sa Sahig at sumandal sa pinto.
" Ano ng gagawin natin " ang babae iyon na sumigaw.
" Dito lang tayo, may mga pagkaen naman siguro kayong dala diba? " tanong ko at isa isa silang tinignan. Sana lang meron.
" Wala akong dala "
" Biscuit at water lang "
" I have Snack "
" Pera lang ang dala ko "
" I have water only "
" Money Can Buy anything "
" May Cup noodles ako "
" I have nothing, because right now. Money is useless "
" I have Crackers "
" Teka nga, hindi ko pa kayo kilala, bukod kay kenneth " Naguguluhan ako sa kanila.
Ang kilala ko lang sa kanila is yung may hawak na baril na si Kenneth, isa siyang basketball player at Criminology ang course, Ako naman ay baseball player.
" Claire is My name " sabi ng babaeng maikli ang buhok, muka syang Chinese.
" Ako si Jessa, ito namin si Jessy twin ko " turo nya sa babaeng katabi nya, nakasandal ito sa balikat nya. Pareho silang maputi at mahaba ang buhok. Pero yung isa na nakasandal ay nakasalamin at naka Ponytail.
" Ako naman si Ynna, sorry if sumigaw ako kanina "
" Ayos lang yun, kahit ako natatakot din, ako nga pala si Jeena "
" Ako si Kenneth, ito naman si Joshua, George, Norman, at lahat kami Engineering Students. " turo nya sa mga katabi nya.
" Ako---
" Si Dren, Isang sikat na baseball player " sabay sabay nilang sabi na sinabayan ng mahinang tawa.
" Wag kana magtaka, sikat ka sa mga girls kaya alam namin pangalan mo, mas sikat ka pa kasi saming mga basketball player, MVP ba naman ng baseball eh " ani George,
Napangiwi nalang ako lalo na ng maghagikhikan ang mga babae.
" Anong gagawin natin if ever na maubusan tayo ng pagkaen? " tanong ni Jessy, siya yung nerdy nerdy pero famous dahil kahit nakasalamin.. maganda at sexy.
" No choice! kailangan natin lumabas at humanap ng bagong bahay na matutuluyan " sagot ni Kenneth.
" Nakakatakot, makakasurvive kaya tayo? " maarteng tanong ni Claire.
" Hindi ka mabubuhay kung mag iinarte ka, kailanagan lumaban para mabuhay. " sagot ni Norman,
Lumipas ang ilang oras na puro lang sila pag uusap habang ako naglalakbay ang isip.
Pano at sino ang nag imbento ng zombie?
Paano ba namin to malalagpasan?
Nay cure kaya katulad sa movie.
Sino sino nga ba ang makakasurvive samin.
Aaminin ko na nakakakaba, nakakanginig ng kalamnan. nakakatakot pero kung puro takot lang pano makaliligtas?
" Woi " agaw pansin sakin ni Joshua,
" okay ka lang ba? lalim ng iniisip mo "
" ah! oo, hindi lang ako makapaniwala "
" Bilang ikaw ang leader kailangan natin mag isip kung pano tayo makakasurvive "
Natulala ako..
Tama kailangan namin mag isip ng plano, pero paano kami gagalaw? kakayanin ba namin..
Puro tanong nalang ang nasa isip ko, wala akong maisip na kasagutan..
" Magpahinga na tayo, bukas na tayo mag isip ng plano " norman.
" Girls dun na kayo sa kama, kami dito nalang sa sahig " napakabait talaga nito ni kenneth pero lokoloko din minsan.. Tropa tropa kami niyan.
Mabait yan sa babae pero malakas mantrip sa lalaki. May baril siya dahil criminology ang course nya, nasabi ko na pala kanina.
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog, tahimik ang paligid.. Ni huni ng ibon hindi ko marinig, puro hangin lang ang nararamdaman ko.
Kamusta na kaya ang mga kasama namin sa bus. Nakaligtas kaya sila. Nasa safe na ba silang lugar.
Umupo ako, nakalagay ang dalawang braso sa tuhod saka pumikit, kailangan ko magpahinga para makapag isip.

Komentar Buku (108)

  • avatar
    Ma Guillerma Toñacao

    nakakalito sa una then na gets ko naman pero mas gusto ko yung story na sa part na nila ven at franz

    1d

      0
  • avatar
    Denril Young

    i like it

    19d

      0
  • avatar
    BermejoShontelle Rex

    it's good

    19d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru