logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

SIX

MARIING kagat-kagat ni Riri ang mga labi habang tinitingnan mula sa rearview mirror ang papaliit na pigura ni Johnny. Agad din siyang kinonsensya sa immature na inasta kaya’t sinabihan niya si Mang Bonoy na balikan ang binata. Madali namang nakahanap ng malilikuan ang driver kaya’t wala pa halos limang minuto’y nasa tapat na ulit sila ni Johnny.
“You’re too bloody childish and spoiled, Dorinda Marie! Nagtataka ka pa kung bakit mas gusto kong kasama si Karla o ang ibang babae kaysa sa iyo?!” ang galit na galit na tungayaw ni Johnny nang buksan ang backseat door.
“Johnny, I’m—”
“What?! Sorry?! Bloody hell, I’ve heard that a million times before! Save it, Dorinda Marie!” angil nito bago malakas na ibinagsak pasara ang pinto at binuksan ang pinto sa passenger’s side, doon ito umupo.
Sa kalmado ngunit walang kasinlamig na tinig ay inutusan nito si Mang Bonoy na ibaba ito sa pinakamalapit na mall, doon na lang daw ito magbu-book ng Grab. Mas gusto nitong magrenta ng sasakyan pauwi kaysa makasabay siya pabalik ng Montagu.
Sinubukan ni Riri na muling kausapin ang binata subalit ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Parang wala itong narinig. Nang bumaba ito sa mall na nadaanan nila ay kay Mang Bonoy lang ito nagpaalam saka umalis.
“Minsan, iha, may mga bagay na hindi puwedeng gawing biro at mga aksyon na kahit anong galit mo’y hindi mabuting bigyang laya. Sa mga pabugso-bugsong desisyon madalas nakakapanakit ng kapwa at sarili ang tao,” ang marahang wika ng usually ay tahimik at hindi kumikibong si Mang Bonoy habang kapwa nila tinatanaw na maksakay ng bus si Johnny.
“Alam ko po. Pero ayoko lang mawala siya sa akin,” hikbi niya na ikinagulat niya. Dahil hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Kailanman kahit noong bata pa siya ay hindi siya naging iyakin o maramdamin. Sabi nga ng Mom niya ay nasasabi lang nito kung kailan siya may dinaramdam kapag tumigil na siya sa pagtawa o ‘di kaya’y nagagalit na siya. Hindi daw niya dinaraan sa iyak ang mga bagay na nakapagpapalungkot o nakakasakit sa kanya, mas madalas daw na ipinapakita niya iyon kapag nagagalit siya na para bang ayaw niyang makita ng iba ang kahinaan niya kaya’t imbes umatungal ng iyak ay nilalabanan niya iyong anumang nakasakit sa kanya.
Subalit ngayon ay lumuluha siya. Ano ang ibig sabihin niyon?
“Riri?” ang nag-aalalang untag ni Mang Bonoy na napansin na din ang mga luha sa mata niya.
“Er, napuwing lang po ako, Mang Bonoy. Sige po, tara na po,” aniyang mabilis pinunasan ang mga pisngi.

“GOOD morning, Ma’am Riri!” masiglang bati kay Riri ng guard sa building ng main office ng WinFoods Food Manufacturing Company na pag-aari ng pamilya ni Johnny.
Ilang beses na siyang nakapunta rito noon. Kaya kilala siya ng halos lahat ng mga empleyado doon magmula sa janitor hanggang sa mga iba’t ibang general managers. And everytime she goes there ay hindi pupuwedeng hindi niya babatiin ang lahat ng naging kaibigan at kakilala doon. Sabi nga ni Ninong David, daig niya pa ang popularity nito sa loob ng kompanya nito dahil dulo pa lang ng anino niya’y kilala na ng mga tagaroon.
“Good morning, Manong Eloy!” ganting kaway niya sa matandang guard na nakapwesto sa front door ng opisina. “Lalo tayong gumagwapo ngayon ah! Swerte talaga ni Aling Perla!” aniya tukoy ang asawa nitong na-meet na niya din nang bisitahin niya ito sa bahay nito nang magkasakit ito nung isang taon.
“Sasabihin ko iyan sa kanya!” natatawang anitong napahimas sa medyo numinipis nang buhok.
“Tutuloy na po ako ha?” aniyang inginuso ang elevator na kabubukas lang.
And since everybody knew her, bago pa siya makarating sa fifth floor kung nasaan ang office nina Ninong David at Ninang Dita ay alam na ng dalawa na naroon siya kahit na hindi naman niya sinabing pupunta siya doon ngayon. Sana lang hindi pa alam ni Johnny dahil suppose to be ay surprise ang pagbisita niya doon para hindi na siya nito maiwasan na siyang ginagawa nito for the past two days.
“Para ba sa amin ang cake na iyan, Riri?” nakangiting nguso ni Ninong David sa bitbit niyang box nang puntahan niya ito sa opisina nito matapos daanan si Ninang Dita na nasa gitna ng isang meeting with her sales people. And since Johnny is one of Ninang Dita’s people, minabuti na muna niyang tumambay sa office ni Ninong David habang naghihintay.
“Sorry, Ninong David, but this is my last peace offering to your very stubborn son. Kapag hindi niya pa rin ako pinansin after this, I swear, ipapa-kidnap ko na siya, at ang ransom ay batiin na niya ako!” she grimaced as she sat down on the gray leather sofa in the middle of his office.
“Patience, Riri, mana kasi sa akin ang binata kong iyon, matigas ang ulo at sobrang pakipot,” natatawang advice nito. “Pero mapapasagot mo din siya. And the sooner the better dahil sabik na kami ng Ninang Dita mo na magkaroon ng apo.”
Siya naman ang napahalakhak.
“Ninong David, I’ll only be eighteen next month! Masyado pa pong bata iyon para pakasalan ko si Johnny! And besides I want to have my own career first before I settle down. Hindi ako nagtitiis, nagtitiyaga at nagpapakahirap mag-aral for nothing. Once I’m a successful anchor woman at my favorite news program, saka ko na pag-iisipan ang kasal,” protesta niya.
Natawa si Ninong David. “Hmm…kunsabagay. So at what age do you think you’ll be ready then?”
“Twenty-one!” walang pag-aalinlangang tugon niya. Nagkatinginan sila at kapwa natawa. Para namang ganoon lang kabilis magaganap ang lahat ng mga plano niya. In truth, she doesn’t plan to get married until she’s at least twenty-six or twenty-seven.
“Yes, I think that’s the right age. Though I doubt very much if your mom or Ravin would agree. For all they seem to be in agreement that Johnny should be your future groom, bunso ka pa rin nila at tiyak mahihirapan silang pakawalan ka when the right time comes,” makahulugan na pahayag nito.
Sumasang-ayon na tumango siya. Just then the door opened after a series of knocks to reveal Ninang Dita’s secretary.
“The meeting’s finished, Miss Riri, and Mrs. Winter asked me to call you right away. Mukhang natunugan yata ni Sir Johnny na nandito ka kaya nagmamadaling bumalik sa cubicle niya,” wika Mrs. Suarez.
“Tatakasan na naman niya ako?! We’ll see about that!” determinadong sambit niya bago mabilis na nagpaalam sa naaaliw na si Ninong David at lumabas ng opisina nito.
Halos liparin niya ang opisina na kinaroroonan ng cubicle ni Johnny. Kahit anak ito ng big bosses ng kompanya, normal na cubicle lang din ang desk nito sa loob ng sales department na pinamamahalaan ni Ninang Dita. And thankfully naabutan pa niya ito na kausap pa ang isang katrabaho na nakatayo sa katabing cubicle nito.
“Hi, Bea!” masiglang bati niya sa katrabaho nito. Gumanti naman ng pagbati ang babae pero halatang nagpipigil ng pagtawa sa bigong pagbuntong-hininga ni Johnny.
“Are you going out, Johnny?”
“Kanina, oo, pero nandito ka na rin eh. Ano pang silbing takasan kita?” pagak na tugon nito nang pabagsak na naupo sa swivel chair nito.
“Ang sakit mo namang magsalita. Dinalhan pa nga kita ng favorite mong dulce de leche cake eh,” nakalabing aniyang hindi itinago ang sakit na naramdaman sa sinabi nito.
It’s the first time na tumagal ng dalawang araw ang hindi nila pagkakasundo dahil usually madali naman nitong napapatawad ang mga kasalanan niya rito. Pero dahil nga sa mataktikang pag-iwas nito sa kanya, hindi agad sila nagkabati. At sa ekspresyon nito kaninang pagkakita sa kanya’y tila balak pa nitong patagalin ng husto ang gap sa pagitan nila.
Parang hindi man lang ito nabahala na magkaaway sila. Ni hindi nga rin yata siya nito na-miss gayong siya’y handa nang magmakaawa dito para lang tigilan na nito ang pag-iwas sa kanya. Miss na miss na kasi niya ito. Pinagsalikop nito ang mga kamay sa likod ng ulo at pinagmasdan siya sa blangkong mga mata.
“Know what, Riri; the problem with you is you expect a little sorry coupled with a little bribe could erase all the trouble you’ve created,” anito.
Napakagat-labi siya, nagtataka sa iniaakto nito. Parang higit pa sa pang-iiwan niya dito nung isang araw ang tinutukoy nitong kasalanan niya.
“Isn’t that enough? Tell me kung ano pa ang dapat kong gawin para magkabati na tayo, Johnny. Ayoko nang magalit ka sa akin ng tulad nito. Pangako, hindi ko na iyon uulitin. Please, bati na tayo?” pakiusap niya.
Bumuntong-hininga ito at umiling-iling.
“Until when, Riri? Until may mahanap ka na namang new trick para galitin ko?”
“No! I swear, Riri’s honor, Johnny,” she made an x sign on her chest using her right little finger. It was a ritual they used to do when they were kids. Johnny’s honor, Riri’s honor. Katumbas iyon ng pangakong hindi maaaring mapako para sa kanilang dalawa.
“Alright. No more tricks? Any kind of tricks, agreed?”
“Agreed!” sunod-sunod na tango niya.
“Good. Now, dalhin mo dito ‘yang cake na yan at nang malantakan na,” mwestra nitong lumapit siya.
Wholeheartedly naman niya itong sinunod. Inilapag niya sa mesa nito ang cake. Pagkuwan ay iniyakap niya ang dalawang braso sa leeg nito.
“Riri! Nasasakal ako!” natatawang protesta nito pero hindi naman siya pinabitiw sa pagkakayakap dito. Imbes ay gumanti din ito ng bear hug at tinanggap lang ang mga butterfly kisses na inulan niya sa mukha nito. “I missed you too, sweetheart, but could you please stop? Pinagtatawanan na tayo ng mga kasamahan ko.”
“That’s okey. Inggit lang sila,” pilyang aniya pero nagkasya na sa pagkandong dito habang binubuksan nito ang box ng cake na dala niya. They were in that position nang sabihin ni Bea na dumating na iyong hinihintay ni Johnny na new applicant para sa iniwanang secretarial position ng nag-maternal leave na dating secretary ng ina nito. Si Johnny raw kasi ang inutusan ng in anito na mag-interview sa aplikante. Pinatayo siya ni Johnny mula sa kandungan nito at tumayo ito para salubungin ang applicant na naroon na pala sa likod lang ni Bea.
And when she saw who the new applicant was, parang gustong umusok ng tainga niya. It was the same girl na dahilan ng pag-aaway nila ni Johnny. Si Karla. At base sa nakita niyang gulat at dismaya nito, hindi rin ito natutuwang makita siya doon.
“Sabi ng staff na nakasalubong ko ay kasama mo daw ang girlfriend mo. Sorry, naistorbo ko kayo. Puwede naman akong maghintay,” anitong tinapunan siya ng kiming tingin.
“Oh, that’s alright. Sige lang, mag-usap lang kayo. I’ll just wait for Johnny here,” aniyang ikinaway pa ang mga kamay rito as she sat down on Johnny’s chair.
Arko ang kilay na binigyan siya ng nagbababalang tingin ni Johnny. Tinugon naman niya iyon ng inosenteng ngiti bago tinungo ang mga papeles na nasa desk ni Johnny. Kahit wala siyang naiintindihan doon, pagtitiyagaan na lang niya iyon kaysa umalis at iwan si Johnny sa kamay ng Karla na ito. Nakikita niya mula sa sulok ng mga mata niya ang pagsenyas sa kanya ni Johnny pero pinili niyang ignorahin ito.
“Let’s go the conference room, Karla.”
“That’s good! We can eat this cake there too. I mean after your interview of course,” tango niya na tumayo at sumunod rin sa dalawa.
Dinig niya ang kaakibat na exasperation sa pagbuntung-hininga ni Johnny pero hindi na siya nito kinontra. Pormal ang tinig nito as he started to interview Karla while Riri kept herself busy by scrolling through her Instagram.
Hindi naman matagal ang interview ni Johnny kay Karla dahil temporary position lang ang ibibigay ng ina nito sa dalagang halata namang for formality’s sake na lang ang pagpunta doon. Three months lang ang itatagal nito doon pero pakiramdam niya’y isang buong taong magsasama ng solo sa liblib na lugar ang mga ito sa sobrang excitement na nasa tono ni Karla. But then again kahit sino namang babae ang mabigyan ng pagkakataong makatrabaho ng malapitan si Johnny ay talagang matutuwa. She knows she would be. Araw-araw, oras-oras at minu-minuto niyang makakasama ang lalaking iniibig. That’s wonderful indeed. Mag-apply na lang rin kaya siya dito sa kompanya ng binata? Sayang at Masscom ang napili niyang kurso at hindi secretarial or any other business course that would put her in a closer proximity to Johnny even at the workplace.
“Riri? Hey, Riri? Are you still there?” tukso ni Johnny sa kanya nang yukuin siya nito. Mukhang kanina pa siya nito kinakausap at nilapitan pero hindi niya namalayan.
“Huh?”
“Sabi ko, tara na. Lunch muna tayo. Pero ayaw mo yatang sumama eh, kami na lang ni Karla,” anitong nakangisi. Ngising lumapad nang manlaki ang mga mata niya sa huling sinabi nito at simangutan niya ito.
“Of course I’d come!” maliksing tayo niya. Ikinawit niya ang braso sa braso nito, noticing how Karla’s eyes centered on their linked arms. Kaswal na kinamusta niya ito at ang pamilya nito habang nagbibigay ng last minute instructions si Johnny kay Nadia.
“Okey lang sila,” tipid na sagot nito.
“That’s good. And hey, wag ninyong kalimutang pumunta sa debut ko ha. Miss ko na rin si Miles saka si Aling Melba. Magtatampo ako kapag hindi kayo um-attend,” bukal sa loob niya ang imbitasyon dito dahil kahit hindi niya ito kasundo, malapit naman siya sa kapatid nito at sa nanay nito. Tumango lang ito.
“Okey, let’s go, ladies,” yaya ni Johnny na iniabot ang isang braso kay Karla kaya napagitnaan nila ito ng dalaga. And she’s quite certain na may smugness and triumph sa tingin at ngiting ibinigay sa kanya ni Karla habang lumalakad sila patungo sa elevator.
“Oh, shoot!” pitik ni Johnny sa daliri na tila biglang may naalala.” May nakalimutan akong sabihin kay Bea. Wait for me here,” anito bago sila iniwan ni Karla sa tapat ng elevator.
“Ang bilis ng panahon, ‘no? Dati neneng–nene ka pa na mahilig bumuntot sa amin nina Johnny noon pero ngayon magde-debut ka na. Malamang engrande ang celebration ng debut mo. Ang swerte mo talaga. Nakakainggit!” nakangiti si Karla nang sabihin iyon pero nababakas niya sa mga mata nito ang parehong panunuyang gamit nito sa tuwing silang dalawa lang ang magkausap.
Kahit noong bata pa siya, lagi nitong sinasabi na ang swerte daw niya at naiinggit ito sa kanya tapos saka aagawin ang laruang pinaglalaruan niya dahil anito ay hindi naman daw niya iyon kailangan kasi marami naman siya niyon. Kapag nagagalit naman siya’t babawiin iyon mula rito, bigla na lang itong iiyak na para bang siya ang unang nang-away dito.
Johnny would always scold her and take Karla’s side kaya lalo siyang nagagalit sa babae. She didn’t dare accuse the other girl of trying to take away her toy dahil nung unang beses niyang ginawa iyon, calling Karla a thief, sinampal siya ng Mom niya at kahit sina Ninang Dita ay nagalit sa kanya. Hindi daw siya dapat nagsasabi niyon. Na dapat daw nagsi-share siya ng mga laruan niya lalo pa’t hindi kayang bumili ng mga katulad ng laruan niya sina Karla. Only her Ate Shaniah believed her. Nakita rin kasi ng ate niya ang kamalditahan ni Karla. Kaya sa halip na mabaligtad na naman siya at maakusahan na nang-aaway, niyayaya na lang siya ng ate niya na umuwi sila kapag naroon kina Ninang Dita sina Karla.
From then on, she disliked Karla. Whenever she’s around ito ang pinagpupukulan niya ng mga kalokohan niya dahil sa murang isip niya’y naikatwiran niyang kung siya pa rin naman ang lalabas na masama tuwing nag-aaway sila, mabuti na yung may valid na dahilan. And it was so easy doing tricks against Karla dahil sobrang duwag nito, marami itong kinatatakutan at napakadaling paiyakin.
Konting langgam nga lang nagtatatalon na ito sa takot at mag-iiyak. Pero marunong din itong gumanti. At kadalasan ang mga pagganti nito ay talagang ikinapapahamak niya. Minsan pa nga’y muntik na niyang ikalunod dahil itinulak siya nito sa pool sa bahay nina Johnny gayong hindi pa siya marunong lumangoy noon at malalim ang tubig. Sa huli, napalabas pa nitong siya pa mismo ang may ideyang tumalon doon kaya nasermunan siya ng mga magulang niya at ni Johnny.
“Oo nga eh. Ang swerte-swerte ko, ‘no?! Bakit kaya hindi lahat ng tao kasin-swerte ko?!” matamis na ngiti niya bilang tugon rito.
Mukhang kahit ngayon ay dala nito ang insecurity and envy nito sa agwat ng pamumuhay nila. And it grates on her nerves that even up to now, Karla still manages to fool everyone what a sweet, shy and kind girl she is gayong tila nag-iiba ang kulay nito kapag kaharap siya.
”Siguro naman darating din ‘yung araw para sa ibang taong ‘yon. Sila naman ang suswertehin at ikaw ang mamalasin. Bilog daw kasi ang mundo eh, ‘di ba?” puno ng kahulugang anito na may parehong pekeng ngiti sa mga labi.
Kunway nagulat na itinakip niya sa bibig ang isang kamay.
“You mean, hindi mo pa pala alam hanggang ngayon na bilog ang mundo?! Ang alam ko, gradeschool pa lang itinuturo na iyon ah,” arte niyang tila nagugulumihanan sa iniisip na ka-ignorantehan nito.
“Nakakatuwa ka talaga, Riri. Iniisip ko lang kung hanggang kailan ka magiging ganyan kayabang? Makakaya mo pa kayang magbiro ng ganyan kapag nawala na nang tuluyan sa iyo si Johnny?” arko ang kilay na tuya nito. “Dahil ngayon pa lang tinitiyak ko na sa iyong sa akin siya mapupunta!”
Ilang segundo siyang hindi naka-react. Tama ba ang narinig niya? Karla was deliberately trying to seduce Johnny? Nakadama siya ng kaba at takot sa dibdib. Tandang-tanda pa niya ang pagkakaroon ngcrush ni Johnny sa babae noon.
“We’ll just have to see, don’t we?” kunway hindi apektado ng ihinayag nitong ngiti niya rito.
But inside, she’s quaking with some unknown fear dahil alam niyang kahit ngayon pa lang ay may edge na ito para maakit si Johnny. And the thought of losing him scares her especially to the likes of a manipulative bitch like Karla.

Komentar Buku (6)

  • avatar
    Yanni J'vs

    iLike the story

    05/05/2023

      0
  • avatar
    CoronelGrace

    The story was very interesting, yung tipong di muna mapigilang Di mag basa para malaman mo ang next na mangyayare😍❤️❤️

    03/04/2022

      0
  • avatar
    Gibanjoshua

    nice

    03/04/2022

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru