logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER FIVE

||•Xandre's POV•||
"Xandre?" I've heard my mom's sweet voice on the phone. "Alam kong nasabihan ka na ng dad mo about our dinner tonight. I'm just trying to remind you again, ikaw pa na sobrang tigas ng ulo."
Napabuntong-hininga na lang ako at ibinaba na ang telepono. I really hate family dinner. Yung tipong hindi kami nagkakamustahan dahil puro business lang ang pinag-uusapan.
Six-thirty PM nang makapag-ayos na ako at tinungo ang aking sasakyan. Seven PM pa naman ang pinag-usapang oras kaya't naglibot-libot muna ako. Nang tumuntong ako ng kolehiyo ay doon na ako nagsimulang makihalubilo sa mga tao pero hindi ko ibinibigay sa kanila ang mga impormasyon tungkol sa pagkatao ko. Tanging ang alam lang nila ay ang pangalan kong Alex.
I want people to call me Alex because my family call me Xandre. Ganun lang.
Sa paglilibot-libot ay may nadaanan akong flower shop.
"CHENG'S FLOWER SHOP," basa ko rito. Hindi ko na tinangkang bumaba pa at dumiretso na ako sa hotel para sa family dinner.
Nang dumating ako ay kumpleto na silang lahat. As always, ako ang laging late. Nanlilisik na mata ang sinalubong sa akin ni dad. Alam kong minumura na niya ako sa isip niya dahil hindi niya iyon magawa ngayon, dahil may mga bisita kami. Pumwesto na ako at tahimik na umupo.
Tumikhim si dad at nagsimula nang magsalita.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," dad said. "We are all here tonight to announce Xandre and Kriesha's wedding," dugtong niya na ikinagulat ko. Mabilis kong nilingon si dad na ginawa din ni mom at ng dalawa kong ate na tila'y nagulat din sa sinabi nito.
"Ano'ng nakakagulat doon?" sambit nito at tumawa. "Bata pa lang ay balak na nating ipakasal sila sa isa't-isa and to think na pareho na silang nasa wastong gulang para magsimula ng sariling pamilya. You are already 27 Xandre and Kriesha's 26."
Nilingon ko si Kriesha at tila walang gulat sa mukha nito. All this time, nagpaplano na pala sila para sa kasal ko. Napahawak ako nang mahigpit sa hawak ko na baso.
"Bakit Xandre? Don't you like our daughter?" Mrs. Montilla said, Kriesha's mother. "She's gorgeous, smart, res-" napatigil siya sa pagsasalita dahil sa pagtawa ko.
Napatawa ako habang nakayuko at agad naman silang tiningnan. Naging seryoso ang mukha ko at isa-isa silang tiningnan.
"So, eto lang pala ang ipinunta ko dito?" at mabilis kong nilisan ang aking kinauupuan at lumabas. Rinig ko naman ang pagtawag sa akin ni dad pero hindi ko na ito pinansin at mabilis na nilisan ang hotel.
Mabilis kong tinungo ang isang lugar na makakatanggal ng sama ng loob ko.
Nang makarating ay agad kong narinig ang huni ng maalong dagat. Naramdaman ko rin ang lamig na simoy ng hangin kaya agad akong nagsuot ng coat. Umupo ako sa buhanginan at pumikit. NATURE.
Sa tuwing umiiyak ako noon, agad akong dinadala ng lola sa may tabing-dagat at doon napapawi ang aking iyak. Dahil wala na si lola ngayon, mag-isa na lang akong pumupunta dito. Ilang oras din akong nanatili dito kaya tumayo na ako para umalis. Paalis na ako nang mabilis mahagip ng mga mata ko ang isang babae sa di kalayuan. Nakayuko ito at tila'y humihikbi dahil tumataas-baba ang bahaging likod ng katawan nito. Parang hindi nito alintana ang lamig dahil naka t-shirt lang ito at jogging pants.
Mabilis kong tinungo ang pwesto nito habang mabilis na tumitibok ang puso ko. Napatigil ako at dinamdam ang pusong kanina pa nagwawala. I've never felt this feeling before. My heart beats like madly and crazy. Mabilis kong inilapag ang coat ko at mabilis na tinungo ang aking sasakyan.
What is this I'm feeling right now?
•••
||•Yana's POV•||
Nang makauwi ay agad nanghina ang mga tuhod ko at naupo ako sa sahig. Hindi ko inaakalang mangyayari sa akin ito. Wala akong kinuha. Wala akong ninakaw. Nagkakamali silang lahat. Hindi ako ganung klaseng tao. Bigla kong naalala ang nangyari kanina at humagulgol.
Gusto ko nang umiyak kanina pero hindi ko ginawa at dahil hindi ko magawa. Ni hindi man lang nila ako hinayaang magpaliwanag. Tinapos nila ang laban nang hindi pa ako nakakapagpaliwanag.
Itinigil ko na ang pag-iyak at nagbihis na. Simpleng t-shirt lang at jogging pants at tinungo ko na ang higaan, wala akong ganang kumain. Dalawang oras na ang nakalilipas pero hindi ko man lang maramdaman ang antok kaya agad akong bumangon.
Naglibot-libot ako sa labas para kahit papaano'y mabawasan ang sakit. Hindi ko alam kung nasaan na ako pero patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa narinig ko ang malakas na alon at naramdaman ang lamig na simoy ng hangin. Sa pagpapatuloy ko sa paglalakad ay tuluyan ko nang nakita ang malakas na along humahampas sa buhanginan. Mabilis akong naglakad palapit at umupo sa may buhanginan. Niyakap ko ang aking sarili nang maramdaman ang lamig.
Ilang minuto lang ay naaalala ko na naman ang nangyari at napahagulgol. Yumuko ako at umiyak, ni walang pakialam kung may makakita man sa akin o wala. Napagod na siguro ako kaya tumigil na ako at pinahid ang aking mga luha. Napabuntong-hininga, tumayo at pinagpagan ang mga buhanging kumapit sa aking jogging pants, lumingon na ako at napatigil. Isang bagay ang napansin ko sa buhanginan. Isang coat.
Nagtaka ako dahil wala naman ito kanina nang dumating ako. Lumingon-lingon ako sa paligid pero walang ibang tao maliban sa akin. Nilingon ko ulit ito at pinulot. Di maawat sa pagtibok ang puso ko na ikinagulantang ko. Never kong naramdaman ang bagay na ito at sa isang coat pa? Natatawa man ay sinuot ko ito at tuluyan nang umalis sa lugar at umuwi.
Kung sino ka man, maraming salamat.
•••
||•Xandre's POV•||
Nang makasakay na sa sasakyan, mabilis ko itong pinaharurot at tinungo ang isang bar na pagmamay-ari ng kaibigan ko. Siya lang ang nag-iisang taong naging kaibigan ko sa kolehiyo hanggang ngayon. Doon na ako pumasok sa VIP entrance at agad naman akong pinapasok. Kilala na rin kasi ako ng mga security guards dito.
Agad kong tinungo si Tristan.
"Xandre my friend," bungad na wika niya.
Nilingon ko ang mga tao sa likod niya na nakatingin sa aming dalawa. Agad ko siyang sinenyasan na huwag kami dito manatili na agad niya namang naintindihan.
Pumasok kami sa isang silid na inilaan niya para sa akin lang sa tuwing pumupunta ako rito.
"May problema?" tanong niya nang makapasok kami.
"A big problem," tugon ko.
Napabuntong-hininga siya. Sa tuwing sinsabi ko sa kaniya ang mga salitang "big problem" ibig sabihin ay si dad ang problema.
"Spill it," wika niya.
"My dad, he wants me to marry someone," panimula ko. "But this girl, I don't really like her, I don't really love her," dugtong ko.
"Rich's business. Ang ipakasal ang kanilang mga anak sa mga ka-partner nila sa negosyo kahit labag sa mga kalooban ng mga anak nila," wika niya. "For reputation, power and money."
"Exactly!" mabilis na tugon ko. "So, what do we do now?" tanong ko.
"Ano'ng we? Ikaw lang no wag mo akong dinadamay," sambit niya.
"So, what do I do now?"
"Well, dalawang bagay ang nasa isip ko ngayon," sabi niya. "It's either pumayag ka sa kasunduan ng mga pamilya niyo or maghanap ka ng babaeng pakakasalan mo muna pansamantala," dugtong niya.
"Maghahanap ng babaeng pakakasalan ko?" tanong sa isip ko. Tinapik ko ang balikat nito at mabilis akong lumabas ng silid, tinungo ang sasakyan at dumiretso na sa pag-uwi.

Komentar Buku (188)

  • avatar
    AMOREb

    Daming secrets dami ring regrets. Interesting Yung plot.

    14/07/2022

      0
  • avatar
    ZyidricJvarzov

    i highly recommend this story! keep writing author. (◍•ᴗ•◍)

    18/05/2022

      0
  • avatar
    Kêven Buag

    very good

    24/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru