logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 4

Friendly ba si Lomeo? O nanghaharot? Kasi kahit anong dahilan, kinikilig ako!
Umawang ang labi ko at natutop din dahil hindi ko alam ang sasabihin ko! Hindi ko ginagamit sa mga papel ko ang aking second name or kahit saan dahil ang corny!
Naalala ko noong tinanong ko kay Mama kung bakit Cake ang aking second name. Aniya'y pinalihi niya raw kasi ako sa cake noong pinagbubuntis niya!
Kahit na ba! Pwede namang something sweet na lang ang second name ko, 'di ba? Like Precious? Candy? Ayana?
Kaya bakit pa "Cake"?
"B-basta add mo na lang ako!" Pagmamataray ko at iniwas ang tingin.
Mabilis din akong tumungo sa sofa kanina para makuha ang aking bag pero hindi ko inaasahan ang pagsunod sa akin ni Lomeo!
"Add kita?" Sarkastiko niyang sabi tsaka inabot na rin ang kaniyang bag. Umangat ang sulok ng labi niya at umangat ang dalawang kilay sa paraan na nang-u-uyam. "Hindi ako nagf-first move, Cake" aniya at nauna nang lumabas ng Arts Room.
Naiwan namang nakabuka ang aking labi sa kaniyang inasta. Ano raw?! Ang kapal ah! Sabi ko lang ay i-add niya ako! Ang arte rin talaga nito!
Wala talagang sinisino ang kamalditahan sa mayayaman. Mapababae o lalaki, mga maldita't maldito!
Nakalapit ko naman si Maria Ayessa kahit na maldita 'to. Tahimik at hindi man lang nakikipagkwentuhan sa akin!
May kasabihan pa naman na opposite attracts. Kaya ba kami nagkakalapit ni Ayessa? Yuck naman. Hindi ko naman siya gusto!
Pero hindi naman marunong magbasa ng pagkatao si Ayessa. Judgemental oo pero ang madalas kong pagpapanggap kasama siya ay kinakagat naman niya.
Gusto ko lang kasi talaga ng may kausap! Eh dahil magkaibigan na kami, gusto ko naman kaming magkwentuhan kaso hindi naman siya matopic! Ni hindi nga rin yata 'to chismosa.
Kaya kailangan ko pang i-bring up si Lomeo tuwing mag-u-usap kami. Hindi naman talaga pagpapanggap ang pagkagusto ko kay Lomeo dahil totoo rin naman iyon nang slight.
At ang lakas pa nitong mang-asar! Ramdam na ramdam ko kaya ang kakaibang tingin sa akin ni Lomeo noong inasar ako ni Ayessa noong nasa bench kami kanina!
Hindi pa niya kasi ako in-a-add! Ako na nga ang nag-add sa kaniya sa Facebook kaso hindi man lang niya in-accept!
Kasama ko ngayon si Lomeo sa backseat ng sasakyan ng pinsan niya na kakilala ni Ayessa. Halos yakap-yakap ko na ang pinto dahil alam kong may ideya na siyang crush ko siya. Kung hindi ba naman malakas mang-asar si Ayessa!
Patungo kami kina Randell o kung kanino mang bahay sa limang nakikita ko ngayon ang aming papasukan.
Hindi pala 'to bahay. Mansyon!
Kaya naman kahit na manghang-mangha sa kalakihan at pagsusumigaw ng karangyaan nang makapasok kami sa isang bahay ay nagpanggap na lamang akong sanay na sa ganitong mga bahay. Baka kasi magmukha akong ignorante!
Sobrang laki ng tanggapan. Nagniningning ang malaking chandelier na malapit sa hagdan na engrande rin. Maliwanag at welcoming ang ambiance ng paligid. Pakiramdam ko'y kapag lumayo ako kay Ayessa ay maliligaw ako!
At noong tumungo na kami sa sala kung saan naririnig ang nag-e-echong boses ng kalalakihan ay natigilan pa ako sa laki ng tv na kanilang pinapanooran.
Ano bang mga yaman ang mayroon ang mga 'to?! Hindi ko mareach! Para bang sanay na sanay na talaga sila sa ganitong karangyaan! Samantalang ako, hindi ko mafeel at home dahil hindi naman ganito ang aking home!
Bumungad sa amin ang dalawang lalaki at 'yung batang babae nauna na sa amin na ngayo'y tahimik na nakaupo sa single sofa. Ang isang lalaki ay busy sa panonood at hindi napansin ang aming pagdating samantalang ang isa nama'y nagliwanag agad ang mukha at hinahaplos ang buhok na lumapit sa amin.
"Miss, single ka?" Malandi ngunit nanunuya nitong turan na ikinagulat ko.
Hindi naman sa first time kong makatanggap ng ganito pero ang gwapo kasi nito masyado! Baka bigla ko na lang 'tong sagutin kaso nakakatakot din dahil baka may girlfriend! Sa paglalandi lang nito, paniguradong maraming babaeng naghahabol dito.
Pabiro namang binawi ng lalaki ang kaniyang sinabi at pinaupo na kami. Pinalo niya pa ang lalaking nakahilata sa malaking sofa na mabilis na umayos ng upo. Ngumiti ito sa amin at binati pa kami.
Nakatabi ko ito kaya naman sobra na ang pagkakasara ng aking tuhod para naman hindi ako mukhang laki sa hirap. Diretso pa ang aking likod at pakiramdam ko'y tinataga na iyon.
May dumating pa ulit na isang lalaki. Kasama na ni Lomeo at isa rin itong perpekto ang mukha! Para akong nakakita ng isang imaheng pininta ng Diyos.
Ano ba itong bahay na ito? Pugad ng mga mababango't gwapong tao? May pagkakahawig pa sila sa favorite KPOP group ko!
Malaki pa ang ngisi nitong kasama ni Lomeo nang makalapit sa amin. Bubbly at bibo. Nakakagulat nga lang dahil ang friendly niya at kinamayan pa ako noong magpakilala!
Naging komportable na rin naman ako sa ingay nila lalo na noong nakausap ko itong isang lalaki. Larry ang pangalan at ito yata ang pinakamabait at pinakapalangiting lalaking nakilala ko!
"Namumula na ang loko..." Si Larry na natatawa na rin sa pang-aasar ng mga pinsan nila kay Lomi tungkol sa kaniyang ginawa sa rampa niya kanina.
Maypa-babygirl pang nalalaman si Lomeo. Kinilig ako pero ang corny niya.
"Eto pa! Sabi ni Lomi sa'kin..." Si Annie na inasar ng tawa si Lomi na ngayo'y nagwawala na sa bisig ni Clane, ang lalaking humarot sa akin kanina.
"Kinilig daw siya sa kapartner niya!" Anunsyo ni Annie na ikinahalakhak ng mga pinsan niyang lalaking nakaabang sa kaniya.
Natigil ako sa pag-inom at sakto pa ang paglingon ni Ayessa sa akin. Medyo nahurt ako kasi syempre, crush ko si Lomi! Pero nang maalalang wala rin naman siyang chance kay Clea dahil may boyfriend na iyon ay natuloy na rin ang pag-inom ko at nagkibit-balikat sa pang-aasar ni Ayessa.
Nabalik naman ako sa pakikipag-usap kay Larry nang magbukas ulit ako ng bagong topic. Madali kasi itong makausap! Para bang alam niya ang lahat ng bagay at nakakaya niyang pakisamahan ang mga bida ko.
"Hindi naman talaga malalim ang pagkakagusto ko. Crush lang! Si Lomi nga, crush ko eh" bulong ko sa huling sinabi at humagikgik.
Nailing si Larry at natawa. "Wala namang masama, 'di ba? Hindi naman taken" aniya na ikinasang-ayon ko.
"Mas okay kayang maging single. Kasi kapag single, pwede kang magkagusto sa marami! Pero kapag taken ka, dapat sa isa lang" sabi ko at napangiwi sa huling sinabi.
May bagong dating at mukhang parehas pang wala sa mood. Para ko kasing nakita ang pagdilim ng paligid noong dumating sila. Para nilang nabahiran ng katahimikan at kadiliman ang kasiyahin kanina rito.
Ang isang lalaki ay sobrang puti sa puntong muntik ko na siyang hindi makita. Para kasi siyang nagblend-in sa mga pader! Tapos ang isa naman ay babaeng masungit na ang mukha at halos mukhang pinagsakluban ng langit at lupa sa sobrang pagkasimangot.
Napansin ko ang mahaba at wavy niyang buhok na nakahalf ponytail. Nang mapunta naman sa kaniyang mukha ang aking titig ay para akong may napagtanto.
Kapatid ba ito ni Annie? May pagkakahawig sila pero masungit tignan itong kadarating kumpara kay Annie na mukhang baby na palangiti.
Nahagip ko pa ang pagdaplis ng matulis nitong mata sa akin. Kinilabutan ako.
"Kaibigan ko 'yon! Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo 'yon?!" Bulyaw nito sa lalaking kasama niya.
I flinched. Napansin ko rin ang kaparehong reaksyon ni Lomi na katabi na si Annie. Kapwa mga tahimik na nakatitig sa nag-aaway ngayon.
Kalauna'y naghiwalay ang magkaaway. Umupo 'yung babae sa tabi ni Ayessa at 'yung lalaki naman ay humilata sa kaninang pwesto ni Clane.
Grabe naman magalit 'tong isa! Nakakatakot.
Dahil naintriga ako, tinanong ko kay Larry kung bakit gano'n ang nangyari.
"Si Ashy 'tong babae at si Crane 'yung lalaki. Ganyan lang 'yang dalawang 'yan. Parehas kasing mga snob at masusungit." Anito at nagkibit-balikat na para bang wala lang sa kaniya ang naging sagutan ng dalawa.
Unti-unting umingay ang magpipinsan. Akala ko, sagad na silang pito. Ang dami na nila kung tutuusin pero may isa pang dumating.
At hindi ako nagsisising dumating ito dahil pakiramdam ko'y nakita ko na talaga ang true love ko.
SOBRANG GWAPO!!!
Nakapangtrabaho pa ito at sobrang gwapo talaga. Mukha siyang prinsipe na nababagay lamang sa isang prinsesa.
Bakit kaya hindi na lang din Princess ang second name ko? Para naman malapit na rin ako sa pagiging prinsesa at maibagay sa kaniya!
"Oh, may bisita pala tayo. Feel at home" pansin nito sa akin at kung nakatayo lang ako ay paniguradong hihimatayin ako pero patungo sa kaniya para masapo niya ako.
Nagtanghalian kami at mabuti na lang at matanda ang nagluto! Akala ko ang uulamin namin ay 'yung mga mala-pang-restaurant na handa eh. Minudo, ham, at sinigang ang hinaing pagkain kaya naman normal lang akong nakakain.
May nagdabog at mabilis na natapos. Halos hindi tuloy mailunok ang kinakain ko dahil sa gulantang sa nangyari.
Lumapit ako kay Larry na nasa tabing upuan ko. "Akala ko ba wala nang away?" Bulong ko rito.
Pinandilatan niya ako ng mata. "May sinabi ako?"
Umawang ang labi ko at napanguso kalaunan. Nahagip pa ng mata ko si Lomi na tahimik na nakikipagbulungan kay Art.
Mukhang hindi sanay si Annie na may nag-aaway sa kanila kaya naman nanghingi pa ito ng tulong kay Ayessa para magkaayos ang hindi magkasundo. Ramdam na ramdam ko ang alangan ni Ayessa siguro'y hindi siya marunong mangcomfort.
Halata naman sa kaniya eh. Para siyang kalalabas lang sa mundo at marami pang hindi alam sa paligid. Kayang mamuhay mag-isa oo, pero ang pakikisama o pakikipagkapwa-tao? Baka strange na para sa kaniya iyon.
Si Ayessa ang naging usapan namin ni Larry nang makabalik sa sala pagkatapos kumain. Hindi ko alam na kakilala pala talaga nila si Ayessa! Akala ko'y nakalapit lang nila dahil kay Randell pero naging kababata pala nila ito sa probinsya ng kanilang lolo't lola.
"Friendly si Maye no'n. Close pa nga sila ni Lomi kaso biglang umalis sila Maye. Sabi ng Lola niya, nagbakasyon lang sa kanila at nag-aral pero inuwi rin ng magulang." Kwento ni Larry.
Lalo akong nakyuryoso. Close sila ni Lomi? Bakit parang hindi man lang sila magkakilala kung magpansinan?
"Close sila ni Lomi?" Ulit ko.
Tumango si Larry at sumandal sa sofa. "Kaso nung umalis si Maye, nalungkot si Lomi. Pwera kasi sa amin, si Maye lang ang naging kalapit ni Lomi. Kapag kasi kasama ni Maye si Lomi, walang lumalapit sa kaniyang ibang babae..."
Eh? "Bakit?" Lalo akong naintriga.
Mahiyain pala itong si Lomeo? Mukhang hindi!
"Maraming nagkakagusto kay Lomi dahil cute siya noong bata pa kami. Kaso itong si Lomi, nangrereject kaya ayun, inaasar siya ng mga nirereject niya na hanggang sa ngayon, wala pang babaeng nakakalapit 'yan pwera sa pinsan nila Shan" pagkwekwento niya na ikinamangha ko na talaga.
So, hindi pala siya friendly? Bakit gano'n na lang siya kung makalapit sa akin? Hala! Baka naman gusto ako ni Lomi?
Ayokong mag-assume. Masakit pa namang umasa! Wala naman akong panghahawakan pa.
Hindi ko namalayan ang oras at inabot pala kami ng hapon kakausap! Nakalimutan ko pang magpaalam kay Mama!
Pero ayos lang naman. Hindi pa naman gabi.
Ihahatid na raw kami ni Randell. Nagpaalam na rin kami sa mga tao roon at sasama pa sana sina Lomi at Art kung hindi lang sila hinila pabalik ni Kuya Gab.
I smirked at Lomi when he saw me. He glared at me kaya naman binelatan ko lang ito at nagpigil ng tawang sumunod kina Ayessa at Randell.
Pagkapasok ko sa backseat ay sumulyap pa ako sa dalawang kasama ko. Nakakapanibago dahil hindi sila nagpapatayan ng tingin ngayon.
Ganoon na lang din ang gulat ko nang bumukas ang pinto at pumasok ang nagmamadaling si Lomi. Malawak ang ngisi at mukhang kagagaling sa halakhak. Hindi agad ako nakagalaw dahil nakasiksik siya sa akin at nang magtama ang tingin namin ay kapwa kami nanlaki ang mga mata.
Bakit ba sumama pa itong maarteng 'to?
Kapwa kami ngayon magkalayong-magkalayo. Parehas na nasa dulo ng bawat upuan at tahimik. Ramdam ko rin kasi ang mata ni Ayessa sa rear mirror kaya iniiwasan kong salubungin iyon.
Nang maaninag ang gate ng apartment ni Ayessa ay naghanda na rin akong umalis. Hindi ko kayang makadikit si Lomi! Oo at mabango siya pero baka bigla ko siyang salakayan at iuwi na lang sa amin!
Naunang lumabas ang dalawa kaya naman bago pa ako lumabas sa sasakyan ay bahagya akong lumapit kay Lomi para kulitin ito nang huling beses sa aking friend request.
"Accept mo na ako!" Bulong ko rito at kinurot ang pisngi.
Nanlalaki naman ang mata nitong tumingin sa akin at nagmamadaling binuksan ang pinto. Kumunot ang noo ko at ngumuso.
Nakakatakot ba 'yung ginawa ko?
Sumunod na lamang ako sa kaniya at lumabas na rin. Sumama muna kay Ayessa sa kaniyang apartment para kulitin itong si Lomi na i-accept na ako.
Chismosa rin talaga itong si Ayessa kapag tungkol sa na crush ko ang usapan. Gustong-gusto akong inaasar pero hinahayaan ko na lang. Kaysa naman hindi kami magkausap! Pinagbibigyan ko na lang siya dahil baka mapanis din kasi ang laway niya dahil hindi naman siya palasalita.
Sinearch ko ang account ni Lomi sa Facebook para tignan kung in-accept na niya ako. Napasimangot naman ako nang makitang hindi pa!
Tinignan ko ang kaniyang friends at nakitang kakaunti lang din ang mayroon siya! 205 lang ang friends niya pero ang followers niya, 7k!
Nagscroll pa ako sa feed niya at napapangiwi dahil puro memes lang ang laman no'n.
"Wala ba 'tong matinong post..." I muttered as I scroll more. Sumuko naman na ako dahil wala talaga akong makitang pictures niya o matinong post.
Hindi na ako makapaghintay na i-accept niya kaya naman minessage ko na siya. Sana lang ay makita niya kahit alam kong sa message requests lang 'to mapupunta.
Me:
BEH IACCEPT MO NAMAN AKO
Ilang segundo lang ay halos mapatalon ako nang i-seen niya iyon tsaka sandaling nagtipa.
You can now call each other and see information such as Active Status and when you've read messages.
Lomeo E. Alfanta
bat ba
Attitude rin talaga ng isang 'to!
Me:
Para makapagchat tau hehehe joke
Nagseen siya at hinintay ko ang reply niya pero wala! Seener pa ang maarte!
Nagpaalam na rin naman ako kay Ayessa na uuwi na pagkatapos maghintay pa ng ilang minuto sa reply ni Lomi. Damot sa chat! Chat lang eh...
Malaki na rin ang naging ambag ni Ayessa sa aming pagkakaibigan. Minsa'y napapakopya pa ako kapag may quiz or activity. Mabait naman pala siya sa sagot basta'y lalambingin mo lang. Lol.
Ngayon ay TLE na namin at ako ang leader ng group namin. Sabi nga, ang leader ang nagli-lead o nagdadala sa kaniyang mga kasama sa tagumpay.
Pero bakit mas marunong pa sila sa akin?
Ang arte ng gusto nilang ilutong itlog. Hindi ba pwedeng sunny side up na lang o kaya nilagang itlog. Ang dami pang kaartehan na gusto! May pa-cherry tomatoes pang nalalaman eh kasing asim lang din naman iyon ng kamatis.
Nawawala rin minsan sa isip ko na mayayaman nga pala itong mga kasama ko.
Uwian at sabay-sabay na kaming pumunta sa grocery store para macheck ang aming mga ingredients na bibilhin. Kailangan din kasi muna naming gumawa ng expenses report dahil kasama iyon sa ig-grade sa amin.
"Dozen of egg ba?" Si Sam na ngayo'y tumitingin na sa hilera ng mga itlog.
Napakunot ang noo ko habang tinitignan ang mga presyo noon. Isang itlog, kinse pesos?
Itlog ba 'yan ng BTS?
Lalong kumunot ang noo ko nang magsitango ang mga kasamahan ko. Magrereklamo pa sana ako nang pumili na sila ng pampalasang gagamitin. Naiirita na ako sa kagustuhang pigilan sila sa pagpili pero hindi ko magawa dahil mga nangunguna sila.
"This one," si Shane at pinakita ang isang nakamaliit na boteng pampalasa.
Buong taon ba kami magluluto? Isang araw lang iyon at isang itlog!
Pumili ako ng isang nakapack lang at ipinakita iyon sa kanila. "Ito oh, mas mura!"
Kita ko ang alangan nila. "Ito na lang, Leticia" si Shane na ipinakita muli ang kaniyang hawak kanina.
"Quality ang titignan, Leticia, hindi ang presyo" si Ayessa.
Unti-unti akong nainis sa kanilang mga pagtanggi sa aking suhestyon. Ginawa pa nila akong leader kung ayaw rin naman nilang makinig?
"Mas mura naman 'to at itlog lang 'yan! Iisa lang ang laman niyan!" Pamimilit ko dahil kung hindi magbabago ang pipiliin namin ay mamumulubi ako sa gagastusin!
"Quality, Leticia. Quality" ulit ni Ayessa sa paraan na akala mo'y hindi ko alam ang aking pinaglalaban.
Quality?! Wala bang quality ang mura?!
Unti-unti nang uminit ang dugo ko dahil sa pagmamatigas nila. "Bakit niyo pa ako ginawang leader kung ayaw niyong makinig?!" Hindi ko maiwasang magtaas ng boses.
Nakakainis kasi! Nags-suggest ako ng mas makapagpagpadali at mas makapagpapamura ng aming mga gastusin pero ayaw nila makinig!
Kitang-kita ko ang hiya sa mukha nila nang mapatingin sa amin ang mga tao. Wala na akong pakialam sa iba basta mailaban ko ang gusto ko. Hindi naman kami mapapasama sa desisyon ko!
Mukhang naoffend sa aking sinabi si Sam "Dapat nga mas alam mo ang bibilhin, 'di ba? This is better than that, Leticia" diin niya sa huling sinabi at tinignan ang aking hawak na pampalasa.
Halos malukot ko ang aking hawak na pampalasa sa inis sa kaniyang sinabi. Aba't pinagtutulungan pa nga ako!
Palibhasa kasi, mga mayayaman! Wala silang pakialam sa paggastos dahil hindi naman sila nawawalan ng pera!
Hindi nila iniinda ang presyo dahil kaya naman nilang bayaran kahit magkano pa iyon!
Eh paano ako? Hindi naman ako kasing yaman nila!
"E 'di kayo na kasi mayaman!" Inis kong turan sa kanila tsaka iniwan sila sa aisle na iyon.
Gusto ko nang umalis. I can't stand them! Para ba nilang ginagawa pang kabobohan ang aking suhestyon at saloobin. Na para bang ang bobo ko para ibigay sa kanila ang opinyon ko.
Ito ang isa sa kinaiinisan ko sa mga mayayaman. Iniisip nila na ka-level nila ang lahat ng tao. Na ang mga kaya nila, kaya rin ng mga mas mabababa sa kanila.
They think that their world is everyone's world. Na kung kaya nilang bilhin ang isang bagay, kaya na rin ng mahihirap.
Hindi na nawala ang sama ng loob ko sa kanila nang sundan pa nila ako. Lalo na noong malaman ko ang kabuoang presyo!
Tangina, magluluto lang ng itlog, aabutin ng isang libo?
Pakiramdam ko'y sasabog na ako sa init ng ulo na dinagdagan pa ni Ayessa.
"Huwag kang mag-alala, ako na ang magbabayad ng sa'yo"
'Yan! Sa tingin niya ba, nagpapaawa ako sa kanila? Na sila na ang sumagot ng pangangailangan ko sa pag-aaral?
Hindi ko na napigilan ang sarili kong singhalan siya at masabihan na mayabang. Sobrang init na talaga ng ulo ko dahil pakiramdam ko'y inapakan na nila ang pagkatao ko. Inapakan na nila ang karapatan kong sumalungat sa kagustuhan nila.
Sinisi ko sila dahil dapat lang! Sila ang nagpupumilit ng mga mamahaling kasangkapan sa iluluto namin. Ayaw nilang makinig sa akin! Kaya dapat lang na sisihin ko sila at iparamdam na maling-mali sila.

Komentar Buku (96)

  • avatar
    Chelse Monterde Jayme

    keep it going 😇

    8d

      0
  • avatar
    Rechelle Santa Maria

    Good

    23/08

      0
  • avatar
    Jems Arayas

    salamat

    20/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru