logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 3

Gusto ko mang maglaho sa kahihiyan, hindi ko magagawa dahil alam kong imposible! Pero kaya naman kaya akong itago sa baha ng ulan?
Ewan ko ba at hinimatay ako kanina! Umuulan pa at mukha akong itik na nabasa. Hindi naman sana ako napagod sa pagtitinda namin ni Mama kagabi sa plaza lalo na't wala pa namang okasyon.
Naramdaman ko ang bahagyang pagkirot ng puson ko. Inilandas ko ang kamay roon at marahang hinilot; nakatagilid pa ring nakahiga sa sofa ni Maria Ayessa.
Huli kong naalala bago akong himatayin sa harap ni Maria Ayessa ay sumakit ang puson ko. Hindi rin naman sana ako gutom pero baka magkakaroon ako. Regular pa naman ako at nagkaroon pa lang ako last week.
Pumikit ako at nagpanggap na tulog muli nang maaninag si Ayessa na pababa ng hagdan at mukhang nagbihis na. Pinakiramdaman ko ang galaw niya. Nasa harap ko na siya at muntik pa akong mapaigtad nang hawakan niya ang leeg ko.
"Hay nako," Rinig kong irita niyang sabi bago ko marinig ang pagbukas niya ng pinto at lumabas.
Masama ang pakiramdam ko. Siguro'y dahil sa lagnat ko ngayon at pagkahimatay kanina.
Kagabi, noong naghahanda kami ng ititinda ni Mama ay madalas ang pag-ubo niya. Sinabing dahil lang sa pabago-bagong panahon pero hindi ako kumbinsido.
Mas nag-aalala ako sa kalagayan ni Mama. Si Papa kasi, malakas-lakas pa at wala namang bisyo iyon. Si Mama kasi, masyadong pinapagod ang sarili kahit hindi naman kami ganoon talagang naghihirap.
"Ay tigilan mo ako, Ciacia! Hindi kita isasama ngayon at wala kang makikitang pogi!" Pagbabanta ni Mama nang binanggit ko sa kaniya na ipacheck-up ko siya gamit ang ipon kong pera.
Wala sa sarili akong napangiti sa gitna ng sakit ng katawan. Mahal na mahal ko si Mama at hindi ko alam kung anong gagawin kapag wala siya.
Ipinahinga ko naman ang sarili ko. Pumasok si Ayessa at mukhang may kasamang matandang babae dahil na rin sa rinig kong pag-uusap nila. Hindi ko gaanong napagtuunan ng pansin ang kanilang pinag-uusapan dahil unti-unti akong hinatak ng antok.
Nagising ako at halos ibaon ko ang sarili sa sofa dahil sa tingin na iginagawad sa akin ni Maria Ayessa. Para niya kasi akong hinuhusgahan dahil sa nangyari sa akin. Nagpasalamat na lang din ako sa kaniyang hinandang lunas sa aking lagnat. Mabait naman pala siya kahit maldita. Siguro'y siya rin ang huling nakakita sa akin bago himatayin?
Ninanamnam ko pa ang sarap ng soup na kinain kanina nang matigil ako sa paglilibot ng mata sa apartment ni Ayessa nang mahagip ko ang isang lalaki. 
Busy siya sa pakikipaglaro sa isang aso. Hindi ko kilala kaya naman tinanong ko kay Ayessa kung sino at sinabing tumulong ito sa akin para madala dito sa kaniyang apartment.
Dapat na ba akong kabahan dahil hindi ko naman kilala itong mga kasama ko?
Hindi ko kilala ang mga kasama ko! At anong oras na ba?! Mabilis kong hinanap ang orasan sa pader at halos lumuwa ang aking mga mata nang makitang mag-a-alas otso na! 
Dali-dali naman akong nagpahatid na lang sa kanilang dalawa. Hindi ako mapakali sa loob ng sasakyan dahil iniisip ko sila Mama. Baka ipabarangay na ako ng mga iyon! Hindi ko na lang din pinansin ang halos magpatayan ng tingin na si Ayessa at Randell.
At tama nga ako dahil pagkababa na pagkababa ko ng sasakyan ay sinalubong ako ni Mama na nasa bakuran din namin. 
"Sorry, Ma, at nag-alala ka. May bagong kaibigan lang..." napapikit ako sa kasinungaling sinabi. 
Patuloy ang paghaplos ni Mama sa aking ulo at paulit-ulit na tanong din kung may masakit ba sa akin. Humiwalay ako kay Mama at binalingan ang mga taong naghatid sa akin. Ngunit nanatali ang aking mga mata kay Maria Ayessa na nakatitig sa akin at sa aking ina.
She's looking at us as if she's feeling what I'm feeling from a meter far. Hindi ko alam pero nakikita ko ang pagsilip ng kalungkutan sa kaniyang kalmado at malditang mga mata. 
Lumunok ako para makapagpasalamat na. "Salamat ulit, A-ayessa. Pasensya sa abala" sabi ko at ngumiti nang maliit sa kaniya. 
Napunta sa akin ang titig ni Ayessa. Pasimple naman ulit akong lumunok dahil iba na ang lamlam ng kaniyang mga mata ngayon. Sinulyapan ko ang lalaking nasa tabi niya at nakitang nakatitig ito sa kaniya.
"Bakit? Ano ba ang ginawa mo sa kanila, anak?" si Mama na nagtanong pa.
Binalik ko ang tingin kay Ayessa at kinausap ito gamit ang mga mata. Bahagya pa akong umiling para maintindihan niya ang gusto kong pasabi. Kapag nalaman ni Mama na nahimatay ako, ipapatingin ako nito sa ospital! Gastos pa!
Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa idinahilan ni Ayessa. Madali naman pala siyang makasundo! Akala ko ay ilalaglag niya ako eh!
Natuwa ako kay Ayessa dahil mukha naman siyang matinong kaibigan. Pero minsang nagpapapansin sa aking isipan ang kaniyang pagtitig sa akin noon. Ang lungkot ng mga mata niya at para bang pinipigilan niya pang ipakita ang nararamdaman niya. 
Kaya napaisip ako nung gabing iyon bago matulog. Mag-isa si Ayessa sa kaniyang apartment. Pero may matanda kanina! Kaso bakit naman hindi niya kasama sa kaniyang apartment?
Hindi kaya wala na siyang magulang at mag-isa na lang na naninirahan?
Kawawa naman siya, kung ganoon. At nakakayanan niya? Ako nga, hindi lang maisama ni Mama sa pamamalengke ay halos umiyak na ako para lang pasamahin niya eh!
Kaya naman naging palaisipan sa akin ang kalagayan ni Maria Ayessa. Isa na rin na gusto kong bumawi sa kaniyang ginawang tulong sa akin. Tsaka, ganito naman talaga ang mayayaman! Mga maldita. Siguro rin kasi ay siya lang ang hindi ko pa nakakasalamuha sa aming magkakaklase kaya medyo nasusungitan pa ako.
At mukhang tadhana pa talaga ang gusto kaming paglapitin! Naging kagrupo ko pa siya sa subject namin. Gagawa kami ng sarili naming drawing or painting. Either Expressionism or Impressionism art. Dahil ako na ang marunong sa aming dalawa, ako na ang naglead sa amin.
Tsaka, Si Ayessa na ang nagprovide ng gamit! Mga bago pa! Ang yaman din talaga nito. May nakatago ba 'tong mga gold bars?
Patapos na ako sa sketching ng magiging project namin at sinulyapan ko si Maria Ayessa na katabi ko. Nakapangalumbaba siya sa kaniyang mesa at inaantok na nanonood sa aking ginagawa. Mukha naman pala siyang anghel kapag kalmado lang ang mukha! Lagi kasi siyang seryoso kaya lalong nagmamaldita ang itsura.
Kaya naman nang magdismiss ang klase ay umoo ako sa kaniya na sa kaniyang apartment ituloy ang aming ginagawa. Mabilis lang namin matatapos 'to lalo na't ganado rin akong gumawa dahil ang ganda ng mga materials na ginagamit ko. 
Tahimik kong pinagmamasdan si Ayessa sa aming mga sunod na klase. Lalo na ngayong TLE na namin. Natawa ako sa kaniyang ipinahayag na may gagawin kami kaya hindi makakagawa ng report namin eh ang tagal pa no'n! Na agad ko ring binawi dahil pinatay na naman niya ako sa kaniyang tingin.
"Alam mo, para bang puro bago ang estudyante dito sa school kasi bawat labas ko ng classroom, iba-ibang pogi nakikita ko" pakikipag-usap ko sa kaniya habang nakahawak sa parehas na dulo ng aking bag.
Nakangiti kong sinasalubong ng tingin ang mga kakilalang schoolmates. Naglalakad na kami ni Ayessa ngayon kasama ang mga estudyanteng nagkalat na rin dahil uwian na. Nilingon ko si Ayessa na tahimik lang na nakatingin sa harap at walang pakialam sa mga taong tumitingin sa kaniya.
Pasimple naman akong lumapit at binunggo ang kaniyang balikat. Nilingon niya ako at nagtanggal ng nakapasak sa kaniyang tainga. Sumimangot ako at umiling na lang. May kasama siyang tao tapos nagsosolo na naman sa kaniyang sariling mundo!
Tumungo kami doon sa bilihan ng takoyaki. Nanlibre pa ang Ayessa! Galante rin talaga 'to eh. Akala ko kuripot tulad ko.
May malapit na pamilyar na lalaki sa aming gilid at nanlaki ang aking mata nang makita na ang lalaki iyon na tumulong sa akin noon. Nakita ko ang tahimik na pakikipagsungit ni Ayessa sa lalaki. Hindi ko maiwasang mamula sa pagngisi nito kay Ayessa tsaka bumati sa akin.
"Uh, Hello" medyo napasaya ko pang bati at lumapit kay Ayessa na mataray nang nakahalukipkip.
Nagpigil ako ng ngiting sinulyapan si Ayessa. Gusto kaya ni Ayessa 'to? Pahard to get pa! Pataray-taray pa!
Hindi ko na isinaboses ang aking nasa isipan dahil baka ako ang ipaluto ni Ayessa dito sa nagtitinda.
"So... you're best friends now?" Si Randell nang kunin ang inabot sa kaniya ng matandang tindero. 
Napanguso ako at tumango. Ang sarap naman pakinggan na may best friend ako! Nanlilibre pa.
Pero dahil baka isipin ni Ayessa na assuming ako, babawasan ko na lang. 
"Uh, friends lang--"
"No"
Napakurap ako at tinignan si Ayessa. Ramdam na ramdam ko ang kahihiyan sa katawan at iniwas na lang ang tingin. Siyang-siya pa ako dahil naisip ko nang magbestfriend kami tapos kahit friend lang ay hindi pala!
Ang sungit din talaga sa relasyon nitong si Maria Ayessa.
Gusto pang makisabay sa amin ni Randell dahil magpapatulong din daw ito sa kaniyang project sa arts. Ako naman na mabait at gusto rin na bumawi sa kaniya, pinilit ko pa si Ayessa na isama siya dahil sinungit-sungitan na naman niya ito! 
Pinaglihi ba si Maria Ayessa sa sama ng loob? O galit siya sa lalaki? Grabe na lang kung ganoon! Hindi ba siya kinilikilig sa kaniya... e ang gwapo na nga nito! At mukhang interesado pa sa kaniya.
Tsaka iniisip ko pa lang na kami lang ni Ayessa ang magkasama mamaya sa apartment ay para na akong kinukuhanan ng kaluluwa sa sobrang tahimik.
At dumoble pa sa aking inaaasahan noong kasama na namin si Randell!
Hindi ako sanay nang walang kausap kapag gumagawa! Pakiramdam ko kasi, sobrang laking responsibilidad ng ginagawa ko kapag sobrang tahimik. Pero no use pa rin talaga ang pakikipag-usap! 
Nagpatugtog na lang ako ng KPOP. Iyong favorite ko pang "Ma City" ng BTS ang una kaya naman napapasabay pa ako rito. Sinulyapan ko ang dalawang tahimik na ginagawa ang test daw ng pinsan ni Randell. Si Ayessa na walang imik at dire-diretso lang sa pagsasagot samantalang si Randell ay tahimik na nagmamasid sa kaniya. 
Nagscrunch ang ilong ko at naiiling na tinapos ang aking ginagawa. Tinuloy na lang ang pagsabay sa kanta dahil mukhang wala namang pakialam ang dalawa sa akin. Feeling ko tuloy others ako!
Kaya naman pagkauwi ay mabilis kong hinanap si Mama para makapagrant. Hindi ako mapapakali kapag hindi ako nakapagsabi kay Mama ng nangyayari sa buhay ko!
"Ma, as in! Ang tahimik nila tapos lagi pang nagsusungitan. Akala ko mababaliw ako kanina sa sobrang tahimik!" hinilot ko ang sintido at napapikit pa habang inaalala ang kanina.
Si Mama naman ay natawa lang at patuloy na tinitignan ang project namin ni Ayessa. Malaki na ang ngisi nang tumingin ulit sa akin. "Ang galing-galing mo pa rin! Magbenta ka kaya ng mga gawa mo?" 
Nameywang ako at huminga nang malalim habang kagat ang labi. I-benta ko ang mga gawa ko? Hindi pa sumagi sa isipan ko iyon dahil gusto lang talagang mag-express ng naiisip ko. Tsaka, kapag wala akong ginagawa, lagi kong tinitignan ang mga gawa ko kaya parang ayoko rin i-benta.
"Hmm... ayoko, Ma. Gusto ko sa akin lang ang mga gawa ko" sabi ko at ngumiti.
Tumango naman si Mama bilang pagsang-ayon sa aking sinabi. 
Monday noong pasahan ng aming gawa. Hindi ko naman inasahang mapipili pang most unique ang aming gawa! At dahil wala namang ambag si Ayessa at ako lang talaga ang gumawa, ako na lang ulit ang sumama sa aming teacher para dalhin ang aming gawa sa Arts Room ng aming school. 
Malaki ang hatak sa aming grades kapag napipiling pagdisplay ang aming mga project sa Arts Room. Madalas kasi na dito pumupunta ang mga bumibisita sa school at nagbibigay parangal sa mga estudyante.
"Dito ka muna, nak. Puntahan ko lang ang nakuha sa ibang section" si Ma'am MAPEH bago ako iwan sa loob ng Arts Room.
Iniwan ko naman sa sofa ang aming gawa at nagsimulang maglakad-lakad para pagmasdan ang mga proyektong nakadisplay. May mga nakalagay sa isang square na salamin at nakaindicate ang pangalan, section, at taon ng mag-aaral na gumawa noon. Nalipat naman na ako sa tapat ng mga paintings na nasa pader na. Hawak ko na rin ang aking kamay sa aking likod dahil baka makatabig pa ako ng mga babasagin dito.
Nakuha ng atensyon ko ang isang painting ng isang babae. Tumayo ako sa harap nito at pinagmasdan ang painting. Maikli ang buhok nito at nagliliwanag ang kaanghelan ng kaniyang itsura dahil nakaputi pa na dress. Kalmadong nakangiti ang labi at bahagyang mapupungay ang pamilyar na bilog ng mga mata. Ilang segundo pa akong napatitig dito.
Pamilyar ang babae. Para bang nakita ko na ito noon at nanunuot siya sa dulo ng aking isipan. 
Bumaba ang tingin ko sa pangalan ng painting at sa kung kanino man ito.
"Angel of a Mother" 
At sa ilalim nito ay nakasulat ang...
Prince Lomeo E. Alfanta?
Teka, Kay Lomeo ito? 
"Maganda ba?"
"Ang ganda ko!" tili ko at mabilis na nilingon ang nagsalitang lalaki sa aking tabi. Napapikit ako at huminga nang malalim. Nakahawak na rin ako sa aking puso na malakas pa rin ang pagkabog.
Nakakainis naman 'to!
Natawa naman ito sa aking naging reaksyon at inilabas ang kaniyang magandang ngiti. Hindi ko mapatahimik ang nagwawala kong puso sa gulat sa kaniyang pagsulpot dahil nadagdagan pa ang pagkabog ng dibdib ko sa ganda ng ngiti niya!
Joke lang pala. Gwapo niya!!! Sobra!!!
"OA mo naman magulat" aniya habang pinapanood pa rin akong humihinga nang malalim.
Lumunok ako at sinimangutan siya. Namulsa siya sa aking harap at tumingkad-tingkad na gumagalaw ang katawan. His lips is pursed cutely that made his cute cheeks protrude. 
"H-hindi naman kasi kita napansin!" mahina kong sabi.
He smiled cutely sanhi ng paglabas ng kaniyang dimples? May dimples siya?
He then looked at the painting that I was looking at earlier. Napatingin na rin ako at inalala ang tanong niya kanina.
"Maganda ang gawa mo. Ang ganda rin niya" sabi ko at nilingon siya.
Nanatili siyang nakatitig doon na may maliit na ngiti. Napatitig ako kay Lomeo. Ang kaniyang matangos na ilong ang kapansin-pansin isama pa ang matulis nitong panga. Ang kilay na maganda ang kurba na bumagay sa kaniyang mga mata na namumungay na.
He looks innocent but sexy too.
"Gawa ko 'to nung mother's day last year." aniya nang makalipas ang ilang segundo. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin nang lingunin niya ako. 
I hummed in reply. Sinilip ko ang sofang inuupuan kanina at nakitang may katabi nang painting ang aking gawa. Lumapit ako roon at naramdaman naman ang pagsunod ni Lomeo. 
Hindi ko maiwasang manlaki ng mata nang makita ang kaniyang gawa. Halos magkahawig ang aming gawa pero hindi iyon agad mapapansin dahil na rin iba ang vibes ng kay Lomeo. Pero ako, unang tingin ko pa lang, may pagkakahawig iyon!
Saka ko pa lang narealize na siya iyong isang napili sa ibang section. Kinuha ko ang aking gawa at ganoon na rin si Lomeo na nakatingin sa aking gawa. Nakatingin din ako sa kaniyang gawa at ganoon na lamang ang pagsabay ng pag-angat ng tingin namin sa isa't isa.
Pakiramdam ko'y biglang pinana ni Kupido ang aking puso at nakita ko na ang forever ko!
"Magkahawig..." bulong niya at nanliit pa ang mga mata. 
Nilingon ko ang aking gawa at nagulat sa kaniyang sinabi. Napansin din niya! At baka naman isipin niya, ginaya ko ang kaniya? Hindi ko nga siya kilala!
"H-hindi ako nanggaya ah! Hindi ko nga alam kung bakit hawig..." pagtatanggol ko agad sa maaari niyang akusa sa akin.
Tinaasan niya ako ng isang kilay. "May sinabi ba ako?" mataray niyang turan!
Tinaliman ko lang ito ng tingin at naputol din dahil pumasok si Ma'am MAPEH. Nakangiti naman niya kaming binati at ganoon din kami.
"Ang ganda ng gawa niyo! Magkaibigan ba kayo?" 
Nagkatinginan kami ni Lomeo na kapwa nakatayo. Mabilis kaming umiling at binalingan ulit si Ma'am.
Nangingiting kyuryoso si Ma'am MAPEH at tumagilid pa ang ulo. "Weh? Bakit mukhang kambal ang gawa niyo?" anito.
Napakurap ako at kunot-noong tinignan ulit ang akin at ang kay Lomeo. Napansin din nila ang pagkakahawig? 
"Hindi po namin alam?" sabi ko at nilingon si Ma'am MAPEH na tumango-tango na lang at hinayaan na ang kaguluhang nangyayari sa aming isipan.
Pumasok din ang ilang mga staff ng school na mukhang ilalagay sa isang frame ang aming gawa. Nagdrill na rin ng pagsasabitan ng aming gawa. Tahimik naman akong nakaupo sa sofa. Ganoon din si Lomeo na hawak na ang cellphone at naglalaro.
Napatitig ulit ako kay Lomeo at hindi maiwasang mapangiti tuwing mangingiti rin ito. Crush ko na siya. Ang gwapo! 
Kaya naman pasimple kong inilabas ang aking phone at pasimple itong pinicturan. Kagat-labi naman akong napangiti at itinago ang phone pagkatapos siyang picturan nang hindi nahuhuli. Pangwallpaper din 'to!
Nang matapos ang ginagawa ng mga staff ay tumungo kami sa harap ng aming mga painting. Magkatabi ito at kapwa mukha ngang magkakambal!
Nangingibabaw ang kulay na yellow, green, blue, at pink sa aking gawa. Makikita ang namumutawing imahe ng aking gawa. Isang babaeng may hawak na bulaklak ngunit ang bulaklak na hawak ay isang araw kung saan ang mga sinag nito ang nangingibabaw. Ang kay Lomeo naman ay kabaliktaran ng kaliwanagan ng akin. Nangingibabaw ang kulay na itim, madilim na pula, asul, at purple. Ang lalaking aking nakikita ay may kawak na itim na tali kung saan nakadugtong sa nasa ibabang kulay purple na katulad din ng itsura ng aking araw. 
Kumunot lalo ang noo dahil mukha talagang itinadhanang magkasama ang painting namin. Kapwa man magkaiba ang dating ng aming gawa, nagcocomplement naman sila sa isa't isa.
"Ang ganda kapag magkasama" komento ko. 
Kita ko sa gilid ng aking mata ang pagtango-tango ni Lomeo at kinuhanan ng litrato ang aming mga obra. Gagawin ko rin sana iyon kaso nang makita ang cellphone ni Lomeo ay nahiya ako bigla. Latest na Iphone pa ang gamit niya! Iyong tatlo ang camera!
Pero gusto ko rin picturan!
Kaya naman lumapit ako kay Lomeo at kinalabit siya. Laki mata niya akong nilingon para tanongin kung bakit.
"Send mo sa'kin 'yang picture."
Tumaas ang dalawa niyang kilay at nakita ko pa ang pagsipsip ng kaniyang pisngi dahil sa paghupa nito. "Facebook?" He asked cutely that even his head tilted.
Tumango ako at kinagat ang labi. "Leticia Miravalles" banggit ko sa aking facebook account.
Mabagal siyang tumango habang nakatitig sa akin. Lumibot naman ang mata ko sa paligid dahil naconscious ako bigla sa titig niya!
"May second name ka, 'di ba?" Bigla niyang tanong na ikinagulantang ko.
"Leticia Cake A. Miravalles" dahan-dahan niyang sabi habang nakaturo sa ilalim ng painting namin ni Ayessa at unti-unting namutawi ang ngisi sa labi.

Komentar Buku (96)

  • avatar
    Chelse Monterde Jayme

    keep it going 😇

    8d

      0
  • avatar
    Rechelle Santa Maria

    Good

    23/08

      0
  • avatar
    Jems Arayas

    salamat

    20/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru