logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 1

"Ha?! Since grade 7 natin kaklase 'yan?"
Halos lumuwa ang aking mata at malaglag ang aking panga sa nalaman. Iyong babaeng suplada at hindi namamansin, kaklase pala namin since grade 7! Akala ko nito lang dahil nito lang din namin nakakasalamuha!
Si Maria Ayessa. Maganda ngunit suplada! Nakikipagkaibigan ako pero ayaw akong pansinin! Napapaisip ako kung ano bang pinagkakaabalahan nito sa buhay? Kun'di sa school ay sa sakayan ko na lang siya nakikita palagi.
Ngumiwi si Lian sa akin at hinatak ang buhok ko. "Oo, tanga. At ang ingay mo! Sabihin pa niyan pinagchichismisan natin siya"
Nangalumbaba lamang ako at sumulyap muli kay Maria Ayessa na tahimik sa kaniyang upuan. Nakamasid sa harap o 'di kaya'y hawak ang cellphone.
Curious ako sa kaniya dahil last year, siya ang pinanglaban sa amin sa science quiz bee. Dapat din ako ay ang isasali sa poster making kung hindi lang binigyang privelage ang special section para lumaban.
Nakakainis talaga mga special class! Porket special ay sila lagi ang binibigyan ng pribilehiyo! Eh hindi naman ganoon katatalino at puro paarte lang!
Kahit kami ng mga kaklase ko, madalas mainis sa kanila dahil mga brat! Oo at maraming brat sa amin pero sa kanila, lahat na!
Pasalamat sila at section 1 kami, maganda dapat ang reputasyon namin.
"Leticia, sama ka?" Aya nila Kyla matapos ang klase.
"Saan?" Sabi ko at mabilis na iniligpit ang mga gamit. Nakakainis naman kasi mga kagrupo ko! Porket ako ang marunong magdrawing, sa akin na lahat pinagawa!
"Sine!
Ito nga lang ang mga nakakainis sa mga ito. Mga rich kid! Hindi ko naman inaaasahan na kapag naghighschool ako kailangan na rin maging magastos!
Nouveaunde University. Private school nga ito at dapat expected ko nang maraming ganito pero hindi naman kasi ako mayaman! Kung hindi lang ako nakakuha ng scholarship ay baka wala naman ako rito.
Hindi naman ako nagsisisi na mapunta rito dahil dream school ko ito. Elementary pa lang ako ay pinapangarap ko nang makapasok sa ganitong eskwelahan. Maganda ang uniform, nakaaircon ang classroom, at maraming gwapo!
Pabiro akong umirap. "Kakapal niyo ah. Kayo magsisine tapos ako itong napagod sa project natin!"
Humalakhak sila Kyla. "Kaya nga tara na at magsine na lang!"
Umiling ako at maarteng isinukbit ang bag. "I'm busy" sabi ko sa maarteng accent. Nagtawanan na lamang kami bago maghiwa-hiwalay ng landas.
Uwian na kaya nagkalat ang mga estudyante sa paligid. May mga kakilala akong nakakasabay o 'di kaya'y mga kinakawayan. Araw ng Huwebes kaya naman hindi na ako nag-abala pang maglibot o 'di kaya'y magtagal sa eskwelahan dahil tutulungan ko pa si Mama pag-uwi.
Sa hallway nang maaninag ko ang pamilyar na babae palabas ng gate ng values center. Si Maria Ayessa na tahimik na naglalakad at wala pakialam sa paligid. Hindi na ako nagtaka kung bakit lagi siyang dumadaan doon. Tahimik kasi at walang tao pero pwede namang dumaan.
Papunta siya sa gawi ko kaya naman nagtama ang tingin namin. Napansin niya siguro na sa kaniya ako nakatingin kaya tinaasan niya ako ng kilay. Napanguso ako at nauna na sa kaniyang maglakad.
Nagtricycle ako pauwi. Hindi naman matagal bago makaalis dahil may ilang estudyante rin akong nakasabay ngunit sa ibang school nga lang. Mga rich kid ang mga tao sa school ko kaya naman wala kang makikitang magcocommute papasok o pauwi. Kami lang yata ni Ayessa pero mukha namang hindi mahirap si Ayessa dahil sa kaniyang itsura at gamit.
Minsa'y nakita ko siyang naglabas ng ballpens at highlighters. Halos maiyak ako nang makita kung ano ang tatak ng gamit niya! Hindi ko alam ang tawag!
Hindi kaya anak siya ng isang matandang mayaman? Nakatago sa malayong lugar? Hindi ko pa siya nakikitang may magulang na kasama. Kapag family day o kaya'y recognition day ay walang pumupunta sa kaniya. Laging si Ma'am Eloisa ang sumasama sa kaniya.
"Ma!" Tawag ko pagkapasok ko sa aming bakuran.
Walang sumagot kaya naman napakunot noo ako. Tumungo ako sa bakod namin at nang makita ang aming kapitbahay ay tinawag ko ito.
"Aling Cita! Nakita niyo ba si Mama?" Tanong ko rito na ikinatigil naman niya ng paglilinis sa bakuran.
"Si Flor ba?" Gulo pa nitong tanong.
Natawa ako. Itong matandang talaga na ito. Halos dalawang dekada na kaming nakatira dito ay hindi niya pa rin kami kabisado.
"Oho"
"Ahh... sumama sa duluhan. Paani ni Mayor" anito.
Nagpasalamat naman ako rito at napailing nang pagkatalikod. Si Mama talaga! Porket ngayon ang day off niya sa trabaho ay magtatrabaho pa rin! Hindi rin naman siya mapigilan ni Papa dahil wala naman siyang laban sa kaniya.
Kaya naman dali-dali na akong nagbihis at nagsuot ng makapal na damit. Paniguradong mainit at makati dahil puro palay doon. Ayokong mangati noh! Sayang ang pagpapaputi ko kung magpapasunog lang din ako.
Suot din ang malaking subrero ay kinuha ko ang bike ko sa likod. Regalo pa sa akin ito ng pinsan kong si Kyro noong birthday ko. Sa totoo lang, sapilitan pa itong pagreregalo niya sa akin dahil binlack mail ko siya. Sinabi kong ipapakita ko kay Tito Jaime, ang papa niya, iyong picture niya noong gabing nagmake up kami sa kwarto ko.
Tinungo ko ang daan patungo sa duluhan. Syempre, ninamnam ko muna ang malamig na simoy ng hangin sa aming lugar. Maraming puno ng acacia at mahogany kaya malamig. Nakangiti pa ako habang marahan ang pagpidal sa aking bisekleto na akala mo'y nasa isang movie ako.
Ngunit pagkalabas sa aming lugar at patungo na sa duluhan ay napasinangot na ako. Ang init init! Dapat nga ay mapuno rin sa gilid ng daan para may pahingahan naman ang mga magsasaka. Puro palayan na ang nakikita ko pero naaaninag ko na mula sa aking tinatahak na daan ang aking patutunguhan.
Mga nagpapahinga na sila at mukhang hindi pa tapos ang ani dahil hindi pa sila nagliligpit. Tuwing ganito ang naaabutan kong senaryo nila mama at papa, lagi kong tinatatak sa isip na balang araw, maiaalis ko rin sila sa ganitong sitwasyon. Na balang araw, mabibigyan ko sila ng mas magandang buhay.
"Oh, ang inaanak ko!" Bati ni Ninong Jerry na akmang lalapit nang ilingan ko ito at asar na tinignan.
"Ninong, sa pasko ko kailangan ng yakap mo. Joke!" Pabiro kong sabi. Umiling lang ito sa aking at bumalik sa kaninang kinauupuan.
Nilapitan ko ngayon si Mama na nagpapaypay sa sarili. Mukhang hindi pa ako napapansin sa pagod kaya naman tumungo na ako sa harap nila ni Papa at nameywang.
"Day off mo tapos nagtatrabaho ka pa rin!" Pabiro kong pangangaral.
"Cia, hayaan mo na! Wala naman akong gagawin sa bahay..." si Mama na nanlalambing na ang boses.
I made a face. "E 'di makipagchismisan ka kay Aling Cita! Pagchismisan niyo 'yung babaero niyang anak"
Ngumiwi si Mama sa aking mungkahi. "Sa halos tatlong dekada kong paninirahan doon, kun'di ang asawa niyang babaero ang kinukwento ay ang anak niyang babaero rin. Hays..."
Nagsidating din ang ilan nilang kasama. Mga kapwa pagod at init na init. Ako naman itong umupo sa papag na inuupuan nila mama at pinagmamasdan sila.
"Ang sabi ni Mayor ay ang bibili raw ay mga Venganzara?"
"Venganzara?! Bigatin 'yan ah!"
"Si Mayor pa eh ang daming koneksyon niyan..."
Ang mga pagod nila kanina ay mga nawala sa ibinalita ng isa nilang kasama. Hindi pamilyar ang sinabing apelyido ngunit mukhang galing iyon sa mayamang angkan.
"Nako, eh sana lang talaga maayos kausap ang mga 'yan..." nagsalita si Papa, dahilan ng pagbaling sa kanila ng iba. Sinenyasan ito na manahimik dahil mukhang mali ang sinabi niya.
"Abay, Lucio! Dahan-dahan sa pagsasalita!" Ninong Jerry hissed.
Inosenteng tumaas ang kilay ni Papa. "Malay natin"
Napailing ang isang matandang nakasandal sa puno ng acacia sa harap namin. "Venganzara 'yan, Lucio. Ang alam ko ay ang kampo ng kapatid ni Theodora Venganzara"
"Mang Gaton, paano mo kilala ang mga 'yan?"
Natawa ang matanda. "Nagsilbi ako sa mga 'yan dati kaso umalis din ako. Katakot" anito at nailing.
Kumunot ang noo ko at nakiusyoso ngunit bago pa ako makalapit ay pinigilan ako ni Mama.
"Chismosa. Masama ang pakikinig sa usapan ng matatanda" anito sa akin na ikinanguso ko lamang at bumalik sa pwesto.
Alam ko naman na talagang mahirap kami pero hindi sa puntong wala na kaming makain. Ang nanay ko ay isang cook tapos mawawalan kami ng pangkain? Kalokohan!
Pero ang estado namin sa buhay, ibang-iba sa mga nakakasalamuha ko lalo na sa school. Gayonpaman, hindi ko ipinakitang hindi ko kayang makipagsabayan o kaya'y ibang-iba sa kanila. Hindi man sa materyal na bagay pero sa aking pakikitungo.
"Aiza, pakopya!" Maingat kong bulong sa kaklase nasa likod. Tahimik lang nitong ibinigay ang papel.
"Naks! Love you na" biro ko at kinindatan pa ito bago kopyahin ang ilan niyang sagot na wala pa ako.
Test namin ngayon at hindi ako nakapagreview! Syempre, hindi ako mag-isa dahil may mga tamad din akong kaklase na nakikikopya sa akin.
Kaya naman pagkatapos ng klase na iyon at nag-aasaran kami sa kung sino man ang makakakuha ng pinakamababa sa klase. Paniguradong hindi kami dahil pinakopya kami ni Aiza!
"'Yung sa enumeration ang nakakainis! Feeling ko kulang"
"Basta may naisagot! Wala naman kasi talaga akong naintindihan sa diniscuss kahapon..."
"Kopyahan pala ah..." biglang singit ni Lina sa aking usapan.
Ngumisi ako. "Mainggit ka, Lina"
Inirapan niya lang ako. "Try niyo kayang magreview. Mas masaya sa pakiramdam 'yung may naisasagot ka nang galing mismo sa sarili mo..."
Iisa lang kami ng reaksyon. Napangiwi kay Lina.
Lina darted her eyes on me. "Nagrereview ka naman dati, 'di ba? Nakikireview ka pa nga sa'kin"
Pakiramdam ko naman ay nahotseat ako. Hindi ako nakapagreview kahapon dahil tinulungan ko si Mama na magtinda ng meryenda kahapon. Mga simpleng kakanin na maibebente sa plaza dahil may pa-liga kagabi sa aming barangay.
I smiled sheepishly. "Nagdate kami ng boyfriend ko..."
Iyan ang lagi kong dahilan. Hindi ko na rin problema kung maniwala sila o hindi. Basta hindi lang nila malaman ang mga ginagawa ko tuwing tapos na ang klase. Baka maliitin pa nila ako.
Oo mababait sila pero hindi imposibleng ganunin nila ako. Tulad na nga ng sabi ko, karamihan sa kanila ay spoiled brat kaya hindi na bago kung mga manlait sila.
Tsaka, marami rin naman talagang nagkakagusto sa'kin! Sadyang hindi ko lang mga tipo dahil wala pa akong nakikitang seryoso sa akin. Gusto ko, 'pag nagkaboyfriend ako ay hindi ako iiyak o masasaktan!
Nang magtime na ng susunod naming subject ay nagsiayos kami agad ding mga nagulo nang mag-anunsyo si Lina na aattend daw ng meeting ang teacher namin.
"Walang lalabas!" Tili nitong matinid na tinawanan ko lang at nagmamadaling lumabas ng classroom.
Wala rin naman akong makakausap sa classroom na talagang kaibigan ko. Bale, kung sino lang masamahan ko ay doon ako pero hindi ako kasama sa circle of friends nila. Nakikibelong lang, gano'n.
Tahimik akong naglakad lakad sa paligid. Walang estudyanteng nagkalat dahil nga may klase pa. Tuwing may makakasalubong akong tagalinis o 'di kaya'y mga teacher ay tahimik lamang akong yuyuko at lalagpasan sila. Baka pabalikin pa ako sa classroom!
Tumungo ako sa library kahit hindi man kapanipaniwalang doon ang tungo ko. Hindi rin naman ang common na dahilan kung bakit ako pupunta doon. Hindi para magbasa o magresearch.
Pagkatapak pa lang sa pintuan ay tinanguan ko agad ang librarian at nagfill up sa log book. Dumiretso ako sa gawing dulo ng aming library kung saan naroon ang mga computer. Dahan-dahan akong sumilip at malaki ang ngisi nang makita ang isang kakilalang madalas kong nakakalaro.
"Diana!" Sigaw na bulong ko rito at lumapit. Ang dalawang nakatirintas niyang buhok ang nagpamukha sa kaniyang mukhang tanga.
"Ate Cake! Tara laro" bulong niya rin na ikingisi ko at inayos ang isang computer. Hinanap ko ang tinago kong folder kung saan naroon ang nilalaro namin at nilaunch iyon.
Barilan. Call of Duty. Ngayong taon lang talaga ako naadik sa laro na 'to dahil nakakatuwa naman pala talaga! Hindi ko rin naman magawang magpunta sa mga computer shop dahil may bayad at ma-lag ang mga computer! Dito sa school, may wifi na nga, maganda pa ang computer.
Lalo na sa computer room na MSI Aegis ang mga pc! Kung pwede ko lang iuwi at ibente ang mga iyon ay ginawa ko na. Kaso ayoko namang maging magnanakaw noh!
Dahil parehas kaming nakaheadphone ni Diana ay wala kaming ibang naririnig kundi ang aming nilalaro. Tutok na tutok din ako sa paglalaro dahil ako ang top frag. Akala ba nila porket bot skin lang ako ay bot frag na rin ako? Legendary na ako, aba!
Mahina akong napayes nang manalo kami. Halos dikit ang score dahil mula sa pagkakatambak ng score ay humabol ang mga kalaban. Talo pa rin!
Nginitian ko si Diana na nakalapit na sa akin at nakadungaw sa screen ko. "45 kills" mangha niyang turan na ikinangisi ko.
Sumandal siya sa upuan at ngumuso sa akin. "Feeling ko nagcacut ka talaga, ate" pabiro niyang akusa na ikinadila ko.
"Malakas lang talaga ako" mayabang kong turan. Mahina naman kaming nagtawanan ngunit mabilis siyang natigilan at nanlalaki ang mga mata sa aming gilid.
Sa kaba na baka ang librarian o teacher iyon ay nagkunwari akong may kinuha sa sahig. Mabilis na umakyat ang kaba sa akin at pagkataranta kaya naman nagtago pa ako nang bahagya sa ilalim ng mesa.
Ayokong magguidance! Mawawala ang scholarship ko kung sakali!
"M-my..."
Napaangat ako ng tingin kay Diana na nagniningning na ang mga mata na para bang nakakita siya ng paborito niyang pagkain.
"My Lomeo!!!" Tili niya at nagtatalon na umalis sa harap ko.
Mabilis naman akong tumayo at nauntog pa sa mesa. Ano ba 'yan! Ang sakit ah!
Hinimas ko ang ulo at dahan dahang lumabas sa ilalim ng mesa. Napatigil sa paghimas ng ulo nang makita si Diana at ang isang pamilyar na lalaki na pinagigitnaan ng isang mesa.
"My Lomeo! 'Wag mo naman ako katakutan! Ang pogi mo!" Si Diana na akala mo'y baliw na inaabot ito sa ibabaw ng mesa.
Napaawang ang labi ko nang makilala ang lalaking ngayon na mukhang takot na takot kay Diana. Nanlalaki ang mga mata at kulang na lang ay kumuha siya ng mga libro para ipanghambalos kay Diana nang matigil ito.
Lomeo Alfanta.
Nagtama ang tingin namin at halos magmakaawa siya sa akin. He even pursed his lips while trying to avoid Diana who's still chanting his name in a very lovely way.
Hindi ko alam ang gagawin. Nakakatawa ang nangyayari pero hindi ko magawang matawa. Mas nararamdaman ko ang pagkagulo dahil bakit niya kinakatakutan si Diana?
"What is going on here?" Ang masungit na boses ng librarian ang nakapagpatigil sa dalawa.
Napaatras naman ako at mabilis na pinatay ang mga computer. Sakto ring pag-angat ko ng tingin ay nakatingin din sa akin ang librarian. Ang masungit nitong tingin ay sinasabing nakita niya ang ginawa ko.
Nanginginig kong hinawakan ang bawat kamay at ipinagdasal na sana'y hindi ako maisama sa mapapagalitan. Dahil kung oo,
Lagot ako.

Komentar Buku (96)

  • avatar
    Chelse Monterde Jayme

    keep it going 😇

    9d

      0
  • avatar
    Rechelle Santa Maria

    Good

    23/08

      0
  • avatar
    Jems Arayas

    salamat

    20/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru