logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6

Dorothy's Pov
"Dorothy Belle," napasinghap ako atsaka pa lang nabalik sa realidad nang marinig ko ang matinis na boses ni Patricia na kumakaway pa sa harapan ko, napakurap-kurap ko at napatingin sa paligid bago ko pa mapansin na nakalabas na ang iba pa naming mga kaklase para sa lunch break.
"Ilang araw ka ng ganiyan, wala sa sarili, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Valerie habang papalabas kaming tatlo sa classroom at papunta sa cafeteria para doon magtanghalian.
I smile weakly at her and shook my head.
"May iniisip lang ako," maikling tugon ko na tinanguan n'ya naman.
"Isang bottled water na lang po," sambit ko sa tindera at mabilis na iniabot sa kaniya ang sampung piso na siyang natira sa singkwenta pesos na baon ko kung bakit ba kasi ang daming kailangang bayaran sa classroom kanina.
"Ano 'yan?" Kunot-noong tanong ni Keanna nang makabalik na 'ko sa lamesa namin pagkatapos kong bilhin ang isang boteng tubig na magsisilbing tanghalian ko ngayong araw, okay lang 'yan Dorothy, kunware diet ka.
"Tubig," kaswal na sinabi ko at binuksan 'yon para inumin.
"Dorothy, alam namin na tubig 'yan pero, hello? Wala ka naman sa practice at hindi water break. Nasaan ang pagkain mo?" Pang-uusisa n'ya pa, napatungo na lang ako at mahigpit na napahawak sa bote ng mineral.
Sa mga ganitong pagkakataon talaga naisasampal sa 'kin ang katotohanan kung gaano kalayo ang antas nang pamumuhay namin sa isa't isa kahit ano pang pagpilit ko na h'wag 'yong isipin.
"Nevermind, bumili ka na lang pagkain mo tapos itabi mo na lang 'yong sukli para may allowance ka pa," anas ni Patricia saka iniabot sa 'kin ang limang-daang pisong papel.
"Kunin mo na friendship over tayo kapag hindi mo tinanggap," panunulsol ni Keanna na nagsisimula nang kumain.
Napatingin ako sa kanilang tatlo at isang ngiti lang ang ibinigay sa 'kin ni Val bago s'ya tumango.
"Ganito na lang, ibalik mo na lang sa 'kin 'tong 500 pesos kapag may pera ka na para hindi ka mahiya," Patricia blurted out as she handed me the said bill.
"S-salamat," I mumbled. 
"B-bayaran ko talaga 'to kapag nagkapera na 'ko," dagdag ko pa bago tumayo at naglakad pabalik sa counter para umorder ng simpleng value meal.
Ako lang ba o talagang parang biglang tumahimik ang buong cafeteria sa hindi malamang dahilan?
"Salamat po," sambit ko at kinuha na ang tray na iniabot ng babae sa 'kin ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang paglingon ko'y nasa likuran ko si Stan at gahibla na lang ang layo ng mga mukha namin.
Anong ginagawa n'ya dito?
Kung hindi ko pa ata narinig ang bulong-bulungan ng mga estudyante sa paligid ay hindi pa 'ko matatauhan.
As my senses finally find its way back to my system, I immediately look away and start to stride back in our table where Val, Pat and Keanna's staring seriously at me.
"Magkakilala kayo?" Seryosong tanong ni Patricia na pabalik-balik ang tingin sa 'kin at kay Stan na nakatayo pa rin malapit sa counter, pumipili pa ata s'ya nang oorderin.
"Ha?" Napayuko na lamang ako at mariing pumikit nang maramdaman ang pagtingin ng iba pang mga estudyante sa gawi namin dahil sa naging pagsigaw ko.
"H-hindi, hindi ko s'ya kilala," pagsisinungaling ko sa kanila.
Patricia nodded at me as if I have convinced her but Keanna didn't, she's still giving me that suspicious look.
"Really? It seems like you do know each other," komento nito.
Ang atensyon naming lahat ay napako sa kakapasok lang na babaeng kasama sina Aeious, Creed at Barrett.
Nang malampasan nilang apat ang mesa namin ay tsaka ko pa lamang napagtanto  na s'ya rin 'yong babaeng nakita kong kayakap ni Stan noong isang araw, 'yong girlfriend n'ya.
"Omg! Girlfriend n'ya ba 'yong girl?" Keanna asked curiously.
Muli akong napasulyap sa direksyon nila kung saan nakitang kong nakapulupot sa braso n'ya ang mga kamay ng babae habang masaya silang nag-uusap, sina Aeious, Creed at Barrette naman ay naka-upo na sa isang bakanteng lamesa at silya.
"Ewan? Hindi ba si Ate Harlene ang girlfriend ni Stan? Kasi di ba they're being clingy towards each other? They even kissed," ani ni Patricia na natigil na rin sa pagkain.
"Patricia naman, its been four years kahit naman gaano kaganda, talino at elegante si Ate Lene, still that's Constantine Montefiore tingin mo ba magsesettle talaga ang mga katulad n'ya sa isang babae lang sa buong buhay n'ya kung marami pa siyang pagpipilian? I bet that lucky girl with him right now is just one of the many girls he has," konklusyon pa ni Keanna.
Ewan ko ba pero parang bigla akong nakaramdam ng sakit dahil sa mga sinabi ni Keanna.
Kung si Ate Harlene na Ms. Perfect na sa mata ng nakararami ay hiniwalayan n'ya, pinapatunayan lang non kung gaano kaliit ang pag-asa ko sa kaniya, baka nga hindi lang maliit malamang ay wala talaga.
I walked out of the cafeteria with a heavy heart.
Masama ang panahon dito sa Santa Catalina dahil sa paparating na bagyo kaya naman pabugso-bugso ang pagbuhos ng ulan pero pakiramdam ko dinadamayan lang ako ng langit sa pag-iyak.
"Nasaan ba ang cafeteria dito?" Kunot-noong tanong ng isang lalaking may katangkaran rin, ngayon ko lang sila nakita kaya malamang dayo rin sila o baka mga transferee.
Maagap kong pinunasan ang mga luhang pumatak sa 'king pisnge nang mapagtantong papalapit sila sa direksyon ko.
"Krei, hindi ko alam. Bakit kaya hindi mo na lang tawagan si Tasmine? Sus, nagseselos ka lang naman kasi kasama n'ya si Stan," pang-aasar ng isa pang lalaki na mas magaan ang aura kaysa doon sa lalaking tinawag n'ya sa pangalang Krei.
"Uhm, pwede magtanong alam mo ba kung nasaan ang cafeteria? —,"
" S'yempre alam n'ya di mo ba nakikita nakasuot s'ya ng uniform ng school na'to —,"
"Maver shut up!" Naiilang na tinitigan ko sila atsaka ako tumango.
"Diretsohin n'yo lang 'yang hallway na 'yan tapos liko kayo sa kanan lakarin n'yo lang ulit 'yon tapos makikita n'yo na 'yong cafeteria," sambit ko.
Ang isang lalaking kasama nila ay nauna kaagad sa paglalakad matapos kong maibigay ang direksyon.
"Luthor nga pala, and this is Maverick," aniya atsaka naglahad ng kamay na nakangiti ko rin namang tinanggap.
"Dorothy," maikling pagpapakilala ko sa 'king sarili at pagkatapos non ay sumunod na rin sila sa nauna nilang kasamahan.
"Nakakainis talaga!" Mariin akong napapikit at wala nang nagawa kung 'di ang hubarin na lang black shoes ko dahil nababasa talaga 'to ng malakas na ulan.
Wala rin akong masakyang tricyle at malapit ng magalas-syete ng gabi kaya naman sinuong ko na ang malakas na ulan gamit ang pamilyar na itim na payong.
Napapangiwi na lang ako sa t'wing nakakatapak ako ng bato sa bako-bakong daan pauwi.
Marami na ring tubig 'yon kung kaya't hindi ko na halos makita kung saan ako tumatapak, malas!
"Ouch!" Mangiyak-ngiyak na napaupo na lang ako sa gilid ng kalsada nang maramdaman ko ang pagkasugat sa 'king paa dulot nang pagkakatapak ko sa matulis na bato.
Katulad nga ng hinala ko bumungad sa 'kin ang pagdudugo sa parteng 'yon ng aking talampakan.
Mabilis akong napasulyap sa 'king likuran dahil sa kulay dilaw na ilaw na akala ko'y nagmumula sa tricycle na paraan ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makita na si Stan ang lumabas sa kotse.
And for the nth time, like what would always happen whenever he's there, natameme ako at naiiyak na pinagmasdan kung paano n'ya hinubad ang suot niyang jacket at binuhat ako papasok sa sasakyan n'ya.
"May sugat ka," seryosong puna n'ya ng ang tingin n'ya ay mapunta sa 'king talampakan.
"O-okay lang, kaya ko naman," pagsisinungaling ko at baba sana ng kotse n'ya nang bigla na lang siyang magpakawala ng sunod-sunod at iba't ibang mura.
"Gagamutin mo na kita," maagap akong lumingon sa kaniya at umiling.
"H'wag na —,"
" Gagamutin nga kita," may pinalidad sa tonong sambit n'ya at bago pa man ako maka-alma pang muli'y binuhay n'ya na ang makina ng sasakyan at handa na siyang imaneho 'yon ulit nang makita ko ang itim na payong na naiwan sa kalsada.
"Sandali! 'Yong payong, kukunin ko 'yong payong," ambit ko na ikina-kunot noo n'ya.
"Dorothy, hayaan mo na 'yan kailangan ko nang gamutin 'yong sugat sa paa mo. That's just an umbrella."
Hindi n'ya naiintindihan!
"Kukunin ko 'yon, Stan, mahalaga sa 'kin 'yong payong na yon," sa' yo kasi galing 'yon.
I heard him heaved a sigh before he went out of his car to get that black umbrella.
Nang makabalik sa loob ay iniabot n'ya 'yon sa 'kin at iminaniobra n'ya na ang sasakyan.
Mahalaga sa 'kin 'to, dahil sa nakalipas na apat na taon ito lang ang  nagpapaalala sa 'kin na totoo ang lahat ng mga nangyari sa gabing 'yon, sa gabing nakita kita sa kauna-unahang pagkakataon.

Komentar Buku (50)

  • avatar
    Edjimar Paguntalan

    HahahahahaHHhHhaHhHHHahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahaabhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahaahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahhahahaha

    29d

      0
  • avatar
    Mary Buen Castle

    great story!

    16/07

      0
  • avatar
    Sean Symon Mendoza

    so butiful

    11/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru