logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

"Dexter! Bumaba ka diyan!" Inis kung singhal sa kaniya.
Jusko, hindi ko alam ang gagawin sa kapatid ko na 'to! Sakit siya sa ulo! Akala ko pa naman ay mag-titino siya sa araw na 'to. Nakakahiya, lahat ng students ay naka-tingin sa kaniya!
Sinisita na rin siya ng mga guro, at dahil nga matigas ang ulo niya ay hindi siya nakinig. Patuloy pa rin siya sa pag-kanta.
Gusto ba niya na si Tito na mismo ang susuway sa kaniya? Paniguradong mapipingot na naman ang tainga niya! Katulad kahapon.
Ang Tito namin ang principal ng paaralan na ito. Pag-mamayari 'din nila kaya dito na siya nag-trabaho.
"Dexter."
Napalingon ako sa nag-salita. Napakagat labi nalang ako ng malaman kung sino iyon.
Patay.
Nandito na si Tito. Salubong ang kilay at masama ang tingin kay Dexter. Umakyat siya sa stage at mabilis na piningot ang taing niya.
Nabitawan ni Dexter ang dalang gitara.
"Arayy! T-tito, m-masakit! Aray!" Daing niya.
"Sinabihan na kita na bawal mag-patugtug sa oras ng klase!" Galit na sigaw niya at hila-hila ang tainga ni Dexter papunta sa Principal Office.
Napatampal nalang ako sa noo. Matatawag na naman si Mommy! Papagalitan niya na naman kam--
Si Dexter lang pala, wala kaya ako'ng alam sa kalokohan niya. Pumasok na ako sa room namin. Bumalik na ang mga kaklase ko sa sarili nilang pwesto. Ganun 'din ang ginawa ko.
Maya't-maya lang ay pumasok si Tito sa room namin kaya tumigil sa pag-discuss si Miss Alza at agad na bumati sa kaniya.
Binati rin namin siya. Tumango lang si Tito at tumingin sa'kin. Matalim ang tingin niya kaya kinabahan ako.
May ginawa ba ako na mali?
Nginitian ko nalang siya para mawala ang kaba ko.
"Hi there my poging Tito!" Bati ko.
"Isa ka pa, Alice."
Kingina! Kingina! Kingina! Ito na nga ba ang sinasabi ko! Bakit pakiramdam ko tungkol sa ginawa ni Dexter kanina kaya siya pumunta dito?
Inunana ko na siya.
"Wala ako'ng alam diyan Tito!"
"Inutusan mo raw siya."
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Ako? Bakit ako? Hindi ko 'yun inutos kay Dexter!
Aba't talagang! Ginagalit niya ako! Sasakalin ko siya!
"Hindi ko 'yun ginawa!"
"Ate, huwag ka ng mag-sinungaling. I-tanong mo pa kay Kuya Lux!"
A-ano? Bakit niya kilala si Lux? Napatingin ako kay Lux at kita kung naka-ngisi siya. Pinlano ba nila 'to?!
Pinag-tutulungan ako!
Wala ako'ng alam sa mga sinasabi nila! Hindi ako ang pumatay! Hindi! Wala ako'ng kasalanan!
Leche! Napatampal nalang ako sa sarili kung ulo dahil sa kabaliwan ko. Ano'ng pinatay? Gago, Alice! Punyeta, dinamay pa nila ako rito. Wala nga ako'ng alam. Ano ba ang trip nila at pinagbintangan ako?
Hindi ko inutusan si Dexter na gawin ang bagay na iyon. Tsaka, hello? Hindi ko magagawa iyon dahil unang-una palang ay binabantayan ko ang mga kilos niya, kung nakikinig ba siya sa klase, kung nag-ditch ba siya sa mga klase, kung pinag-tit-tripan niya ba ang mga student dito.
Matalim kung tinignan si Lux na ngayon ay nag-pipigil ng tawa. Sayang-saya siya sa plano nilang dalawa ni Dexter. Nang-gi-gigil ako sa kaniya! Tumayo ako at sinakal siya sa leeg. Nanlaki ang mga mata nilang lahat. Ang ilan sa kanila ay inaawat ako. Pero hindi ko sila pinansin dahil galit na galit ako kay Lux.
Hinawakan niya ang kamay ko na nasa leeg niya at pilit iyong inaalis. Dahil nga galit ako, mahigpit ang pag-kaka hawaka ko doon kaya sa huli ay hindi niya naalis.
"Walanghiya ka!"
"A-ano b-ba." Utal-utal na sabi niya.
Nahihirapan na siyang huminga pero ako natinig. Wala ako'ng pakialam sa kaniya. Galit ako sa kaniya.
"Sabihin mo kay Tito na hindi ako ang may gawa nun! Sabihin mo!" Galit kung sabi.
Mas lalong nag-iinit ang mukha ko dahil nagawa niya pa ako'ng irapan. Aba! Sumusubra na siya ha! Unang pag-kikita palang namin pero't heto siya! Binubwesit niya na kaagad ang buhay ko!
"I-ikaw naman talaga!"
Pinapagalit niya talaga ako ng husto! Hindi na siya nakakatuwa! Pangit ang mukha niya kaya hindi ako natutuwa! Pangit ang ugali niya, pangit ang pangalan niya, pangit ang dami-- ah basta! Pangit ang lahat sa kaniya!
"Ano'ng ako?! Hindi ako ang nag-utos kay Dexter! Bakit ko siya uutusan ng ganun kung alam ko naman na papagalitan siya?! Mabait ako'ng kapatid, hindi ako gagawa ng bagay para lang mapahamak siya!"
Pero ang loko ay hindi natinag sa sinabi ko. Hindi niya sinabi ang totoo kaya mas lalo ko pa siyang sinakal. Hindi naman mahigpit, kaunti lang. Hindi ko na hinigpitan dahil baka ito pa ang ikamatay niya. This time, hindi ko na talaga masasabi na hindi ako ay may gawa dahil maraming nakakita sa ginawa ko. Baka sa kulungan ang bagsak ko, ayaw ko pa naman doon dahil maraming mapapangit na nilalang. Bawal ako dahil maganda ako, pwedeng-pwede pa si Lux dahil pangit siya. Belong siya sa kulungan.
"Ikaw naman talaga! Bitawan mo ako! Sisipain  kita." Nanlilisik ang mata niya ng tignan ako.
Tumawa ako ng mapakla.
"Sisipain? Paano naman ha? Hawak ko ang buhay mo!"
Ay, ano ba 'yan. Tunog kriminal ako. Bahala na! Basta hindi ko siya papakawalan hangga't hindi niya sinasabi kay Tito ang totoo. Bigla nalang may bumatok sa akin dahilan para mabitawan ko ang leeg ni Lux.
"Tumigil ka na, Alice!" Masama ang tingin sa akin ni Tito.
Tumatawa si Dexter sa tabi niya. Sayang-saya talaga silang dalawa sa kagagohang ginawa sa akin!
"Hindi ko talaga 'yun ginawa Tito! Maniwala ka!" Sabi ko sa kaniya.
Napahawak siya sa kaniyang noo at bahagya iyong minasahe. Para bang ako ang dahilan ng pag-ka stress niya. Hmp, e sa hindi naman talaga ako ang may gawa nun! Ano ang magagawa nila kung hindi ako aamin? Atsaka, ano naman ang aaminin ko e hindi nga ako ang gumawa!
Inosente si ako huhuhu.
"Nagsisinungaling po siya." Napalingon ako sa kaniya at akmang sasakalin ng may humila sa akin!
Si Miss Alza. Sinenyasan niya ako na tumahimik muna kaya tinikom ko ang aking bibig. Matalim pa 'din ang tingin na binagay ko kay Lux. Ganun rin kay Dexter. Kung hindi ko lang siya kapatid baka kanina ko pa siya sinuntok. E'di ayun, sa hospital ang bagsak niya.
"Mister Sullivan, sabihin mo ang totoo dahil sumasakit ang ulo ko sa inyong dalawa!" Sigaw sa kaniya ng Tito ko.
"Nag-sasabi po ako ng totoo, siya po talaga ang nag-utos kay Dexter." Magalang niya pang sabi.
Lumapit ako sa kaniya at tinadyakan ang ari niya. Ayun, wasak ang itlog niya. Mukhang ako pa ata ang dahilan ng pagiging baog niya. Mukhang?! Ay hindi! Sinadya ko talaga 'yun para tumahimik siya! Bahala na kung hindi siya mag-ka-anak sa hinaharap. Wala ako'ng pakialam!
Nagulat ang mga kaklase ko dahil sa ginawa ko. Napanganga silang lahat, maski si Miss Alza, Tito at Dexter. Pansin ko pa na ang iba kung mga kaklase na lalaki ay humawak sa bandang gitna ng katawan nila.
Natawa ako ng kaunti dahil kita ko ang takot sa mga mukha nila.
"A-ah." Daing niya habang ang kaniyang kamay ay nasa ari niya.
"Alice." Matigas na tawag sa akin ni Tito. .
Naku, lagot! Mayayari ako dito!
"Hindi ko talaga ginawa ang bagay na 'yun Mister President!"
Piste!
"Naniwala na ako, pero hija, hindi mo kailangan tadyakan ang jun-jun niya. B-baka hindi na mag-karoon ng anak si Mister Sullivan."
Umirap lang ako. Pakialam ba nila kung hindi mag-ka-anak ang Sullivan na iyan? Nakakainis, prino-problema pa e hindi naman sila ang magiging asawa.
"Mag-linis kayo sa garden ng grade 7 simula bukas, iyan ang parusa ko sa inyong dalawa."
Napanganga ako. Hindi naman tama 'yan, wala nga ako'ng kinalama doon e. Pinagbintangan lang nila ako! Bwesit talaga oh.
"Tito, akala ko ba naniniwala ka sa'kin?"
"Naniniwala nga, bakit?"
"Iyon maman pala e. Bakit kasama pa ako? Wala nga ako'ng alam diyan!"
Masama ulit ang tingin sa akin ni Tito kaya napatahimik ulit ako. Okay, sabi ko nga gagawin ko na. Tumango ako at padabog na umupo. Bahala na nga! Hindi ako mag-lilinis sa garden na 'yun. Umalis na silang dalawa sa room namin, ang mga kaklase ko naman ay bumalik na sa mga pwesto nila. Ganun 'din si Miss Alza.
"Alice and Lux. Sundin niyo ang utos ng Principal. Hindi naman gaano iyon kadumi kaya't tiyak na madali kayong matapos." Sabi sa amin ni Miss.
Wala sa sariling tumango ako. Ngumiti siya sa amin at bumalik na sa pag-tuturo. Tinuon ko nalang ang buo kung atensiyon sa tinuro ni Miss kaysa awayin ang katabi ko.
"Humanda ka sa akin mamaya." May pag-babanta ang boses niya.
Inirapan ko siya. Hindi ako takot sa kaniya 'no. Kung may gagawin man siya sa akin na masaya ay susuntukin ko siya. Nagawa ko ngang tadyakan ang ari niya suntukin pa kaya?
-
Nag-lakad na ako ngayon papunta sa canteen. At dahil nga wala ako'ng kaibigan ay ako lang ang mag-isang nag-lakad. Si Bea sana, kaya nga lang ay  pumunta muna siya sandali sa bahay nila dahil nakalimutan niya ang phone niya. Kaya ang ending, mag-isa ako'ng nag-lakad patungo sa canteen.
Paano ako mag-karoon ng kaibigan dito? Ayos lang sa'kin kahit pangit basta mabait lang at hindi plastic. Kaysa sa iba diyan, may kaibigan nga pero plastic naman.
Habang nag-lalakad ako papunta sa canteen namin ay may biglang humila sa akin. Muntik pa ako'ng mapasigaw pero itong tao na ito ay kamag-anak at ni flash. Mabilis niyang natakpan ang bibig ko kaya hindi ako naka-sigaw.
Sinubukan kung pumiglas pero hindi ko nagawa dahil maghigpit ang pag-ka-kahawak niya sa bewang ko. Sino naman 'to? Ano ang kailangan niya sa akin? Gagahasain niya ba ako?
"Ihanda mo na ang sarili mo, Alice."
Tumaas ang mga balahibo ko dahil sa malamig na boses niya. Bwesit 'to! May nalalaman-laman pang ganito! Kingina niya! Tinulak ko siya ng malakas kaya nabitawan niya ako. Tumama ang ulo niya sa pader kaya ilang beses siyang nag-mura.
"Ano ha?! Ano ang gagawin mo sa'kin?" Matapang kung tanong sa kaniya kahit na kinakabahan ako.
Punyeta! Ano ba ang gagawin niya sa akin?
Dumaing siya habang naka-hawak sa ulo niya. Masama ang tingin niya sa akin kaya napa-atras ako. Hindi ako takot sa kaniya pero hindi ko alam kung bakit bigla-bigla nalang ako'ng kinabahan. Lapit siya ng lapit kaya atras naman ako ng atras. Hanggang sa tumama ang katawan ko sa pader. Napalinga-Linga ako sa paligid para manghingi ng tulong kung sakaling may dumaan.
Kaso nga lang ay ni isang anino ng tao ay hindi dumaan sa pwesto namin. Nginisihan niya ako at inilagay ang kaniyang kamay sa gilid ng ulo ko. Deritso niya ako'ng tinigan sa mata, napa-iwas ako ng tingin dahil hindi ako komportable sa mga titig niya. May kakaiba ako'ng nararamdaman sa mga titig niya.
Napapikit ako ng mariin ng hawiin niya ang buhok na humaharang sa mukha ko. Lumapit ang mukha niya sa leeg ko, ramdam na ramdam ko ang kaniyang hininga na tumatama sa bandang tainga ko. Bahagya ko siyang tinulak pero hindi siya natinig kaya tumahimik nalang ako.
Hihintayin ko nalang ang gagawin niya sa'kin tsaka ako kikilos.
"Kung may balak kang gawin sa'kin, 'wag mo ng ituloy at baka maulit na naman ang nangyari kanina." Matigas kung sabi. Gusto ko ng umalis dito. Ayaw na ayaw ko ang presensiya niya!
"Tatadyakan mo ulit ako?"
"Oo! Kaya kung ako sa'yo pakawalan mo na ako." Utos ko.
"Hindi ko magagawa ang inuutos mo."
Anak ng.. Bakit?
Huminga ako ng malilim at dahan-dahang tumingin sa maamo niyang mukha. Parang anghel ang mukha niya kung tutuusin pero... Iyon nga lang, demonyo siya. Pangit ang ugali. Hindi siya bagay maging anghel. Baka i-balik 'din siya kaagad sa impyerno kapag nag-kataon.
"Sabihin mo na ang kailangan mo sa'kin ng maka-alis ako dito!" Inis kung singhal sa kaniya.
"I want you."
H-ha?
'I want you.'
'I want you.'
'I want you.'
Sumama ang pakiramdam ko sa sinabi niya kaya wala pa sabi-sabing sinuntok ko siya sa mukha.
Ayun, nalaygyan ko ng make-up ang mata niya.
Dasurb.

Komentar Buku (46)

  • avatar
    k******4@xasems.com

    Haterstolovers is my favorite trope! ❤️

    12/04/2022

      0
  • avatar
    Yuan Jabasa

    Your story is cool, I love it!

    30/11/2024

      0
  • avatar
    lialuna

    maganda sha ate kuh kaso nasan yung kasunod😭😭😭

    12/07/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru