logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 1

"Do you think this would work? Alam natin pareho—"
"Manahimik ka. This is the only way. "
Naalimpungatan ako dahil sa ingay. Narinig kong may kausap si Mommy na lalaki. Hindi ako dumilat o gumalaw dahil may parte sa akin na gustong marinig ang pinag-uusapan nila. Simula nang dumating ako dito, marami na akong tanong. But Mommy won't say a thing. She's hiding something away from me.
"Umalis ka na bago pa siya magising. "
Wala na akong ibang narinig pagkatapos niyan maliban sa pagsarado ng pinto. I opened my eyes and saw Mommy watching me. Ngumiti siya nang makitang gising na ako.
"I told you not to stress yourself, Rein. " Hinawakan niya ang mukha ko at inalis ang mga takas na hibla ng buhok. Sometimes, I do wonder, what's with her behavior towards me? Ito ba talaga ang totoong siya? Noong nakaang araw, nahuli ko siyang pinapagalitan ang mga katulong. She was so furious. Ibang-iba sa kung paano niya ako itrato.
"I-I'm sorry again, My."
"I'm worried. Please take care of yourself, okay? "
I nodded silently. Maayos na ang pakiramdam ko ngayon keysa kanina. Bumangon ako at sumandal sa headboard.
"Aalis ako mamaya. Kung magutom ka man o kailangan mo ng tulong, nandyan lang sila Beth. Tawagin mo—"
"S-Sa bayan ka ba pupunta, My? Can I come? I'm okay now. " Hinawakan ko ang kamay niya. I heard may programa sa bayan. Gusto kong makita iyon. Maaga pa naman at masyado na akong nabo-bored dito sa bahay.
"Rein, alam mo naman diba—"
"I swear, I'm okay now. Wala na kasi akong magawa dito, My. " I pleaded. Totoong maayos na ang pakiramdam ko. Nakainom na ako ng gamot kanina, paniguradong hindi na muli sasakit ang ulo ko.
"Okay. Change your clothes. Maghihintay ako sa labas. "
I smiled at her. Isinarado niya ang pintuan kaya tumayo na ako upang maghanap ng masusuot. I found a white off-shoulder chiffon dress. Umabot hanggang binti ko ang hem ng dress, pero ayos lang dahil nagustuhan ko naman. Tiningnan ko ang sarili sa malapit na full-length mirror. My smile faded.
Why can't I recognize myself?
Sa halip na mag-isip ng kung ano, lumabas na ako. Mommy was waiting for me inside her car. Dumiretso na ako doon at sumakay.
"May mga programang magaganap sa bayan mamaya, " she started. Inutusan niya ang driver na paandarin ang sasakyan. Nasa front seat siya habang nasa back seat naman ako.
"Maraming tao kaya huwag kang lumayo sa akin. It's better if you stay beside me all the times. Kapag sumakit—"
"Naka-inom na ako ng gamot kanina, My. Kaya maayos na ang pakiramdam ko at manonood lang naman ako My, hindi ako sasali. " I countered.
She sighed and nodded. Umayos siya ng upo, ganun 'din ako. My eyes started to wander outside, I was amazed by the breathtaking beauty of this small town. Binuksan ko ang bintana at hindi mapigilang ngumiti, ngayon lang ako nakalabas ng bahay, hindi ko alam na sobrang ganda pala dito sa labas. This town is surrounded with trees, mountains and colorful flowers. Sobrang gandang tingnan. Lahat ng mga taong nadadaanan namin, napansin ko ang pagyuko nila. I don't know what's that for. But maybe, to show some respect.
How sad it is to think that I can't remember all of this. Even if I force myself to remember, nothing happens. Sumasakit lang ang ulo ko.
"Makakadaan ba tayo sa sentro? " napabaling ako kay Mommy dahil sa tanong na iyon.
"Hindi na siguro, maam. Nagsimula na ang parada kanina kaya paniguradong marami ng mga tao doon ngayon, mahihirapan na tayong dumaan. "
"Okay. Ibaba mo na lang kami dito. Maglalakad na lang kami papuntang sentro. "
Itinabi ng driver ang sasakyan sa gilid. Inalis ko ang seatbelt at sumunod kay Mommy sa labas. Ngayon ko lang napansin na marami na pa lang tao. May namataan akong mga bata sa malapit na namimigay ng bulaklak.
"Rein, let's go. "
Lumapit ako kay Mommy at sumabay sa paglalakad. Kadalasan sa mga nakakasalubong namin ay may mga suot na maskara at ang iba may mga bulaklak sa ulo nila. A little boy approached me and handed me a cute flower crown. Tinaggap ko iyon at nginitian ang batang lalaki. Namula siya at nagmadaling bumalik sa pwesto niya kanina. I chuckled. Cute.
"Isuot mo, Rein. Bagay 'yan sayo, " Mommy said. Napansin kong may bulaklak na sa ulo niya. Sinikop ko ang buhok ko at itinali. Naka-messy bun na ito ngayon, pagkatapos ay inilagay ko ang flower crown sa ulo.
We continued walking. Suddenly, I noticed a man, not far from us, taking pictures. Nakamaskara siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. But, I bet he's handsome. May hawak siyang camera at kinukuhanan niya ng mga litrato ang mga taong dumadaan, pati na 'rin ang mga bata sa gilid. Nakatitig lang ako sa ginagawa niya hanggang sa biglang magtagpo ang mga tingin namin. I was shocked, so was he. He stilled for a moment. Para siyang napako sa kinatatayuan at nanatili lang ang tingin sa akin. Nang makalagpas na kami, doon lang yata siya natauhan, ibinaba niya ang camera at sinundan ako ng tingin. I saw how the kid who gave me the flower crown earlier teased him. Nakisali na 'rin ang ibang mga bata sa pang-aasar. Mahina akong natawa. Hindi ko na ulit siya binalingan ng tingin dahil nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"My, why are they wearing a mask? " hindi ko na napigilang magtanong.
"A symbolism that they're not from here. Lahat ng nakamaskara, hindi sila taga dito. Kada taon, nagkakaroon ng annual thanksgiving ang bayan natin, ang tanging araw kung saan nakakapasok ang mga taga-labas dito. But, they need to wear a mask in order for them to interact with us. Bawal nila itong hubarin o ipakita ang mukha nila sa atin. "
Napa-isip ako sa sinabi niya. Bakit bawal nilang ipakita ang mga mukha nila sa amin? Paano ba sila naiiba sa amin?

Komentar Buku (77)

  • avatar
    PermejoJoshua

    hsjdjjdjfj

    03/08

      0
  • avatar
    Rayyan A Manalocon

    ganda

    03/08

      0
  • avatar
    SandiaRizLea

    super ganda

    25/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru