logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter Three - Spring Crocus

My mind was on haywire. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko iyong mga naganap sa Eclipse and I swear, iba ang kabog ng puso ko dahil do'n sa lalaking naka-facemask. May part ata sa akin na umaasa na baka si Gabriel nga 'yon lalo't nakabalik na siya rito sa Sunny Ville.
Pero malamang sa malamang, mas malaki ang chance na nanaginip lang ako ng gising noong gabing 'yon. Gab was not the only guy in this world who owned a deep set of eyes. Isa pa baka nililinlang lang ako ng mga mata ko no'n dahil medyo nahihilo na rin ako. 
Kung sino man siya, salamat sa kanya dahil naturuan niya ng leksyon 'yong nambastos sa akin.
"Spongebob na naman 'yang pinapanuod mo. Lipat mo nga 'yan," sita ni Kuya Mike sa akin kaya napabalik ako sa wisyo ko.
Umupo ito sa tabi ko at pilit na inaagaw mula sa akin ang remote control ng t.v kahit anong paglayo ang gawin ko. Nakakainis naman itong si Kuya! Kanina pa ako rito sa sala at tahimik na nanunuod, tapos bigla siyang manggugulo.
Napasimangot na lang ako nang tuluyan na niyang maagaw ang remote at inilipat ang channel para makanuod ng balita—so Tito. Sana naman makapag-asawa na siya para lumipat na siya ng bahay at wala na akong kaagaw sa t.v namin.
Since wala naman na akong magawa dahil siya ang panganay, isinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya. Nakinuod na rin kahit labag man sa kalooban ko.
Naramdaman kong sinalat naman niya ang noo ko. "Mainit ka na naman, magpahinga ka nga ulit sa kwarto mo."
"Ayaw. Mainit do'n. Sira ang aircon. Dito na lang ako," paglalambing ko sabay higa sa kandungan niya.
"Pasaway kang pusa ka, kahit kailan!" aniya saka pinitik ang ilong ko.
"Aray ko naman!"
"Mahina lang naman 'yon. Ang arte."
"Ikaw kaya pitikin ko sa ilong diyan!" irap ko saka bumalik na lang ulit sa panunuod ng balita.
"Naka-bonet ka pa. Anong feeling mo winter?" pang-aasar pa nito nang mapuna ang suot-suot kong yellow na bonet.
Ang hilig talaga manira ng trip nito. Hindi ko na lang siya pinansin kaya nanahimik ito. Ilang sandali pa, na-bored na ako sa pinapanuod naming balita kaya nagsimula akong dumaldal na.
"Kuya," tawag ko sa atensyon niya. Niyuko naman ako nito na nakakunot ang noo. "Bumalik na si Gab sabi ni Danika. Anong gagawin ko kapag nagkasalubong kami sa daan? Maliit lang itong Sunny Ville, kaya hindi imposible na mangyari 'yon, 'di ba?"
"Kung hindi mo siya kayang harapin, umiwas ka na lang. Pero kung handa ka nang itama ang maling nagawa mo, ipaliwanag mo sa kanya ang lahat-lahat. May karapatan siyang malaman kung bakit ka humantong sa gano'ng desisyon. Tama na ang pagsisinungaling sa kanya at sa sarili mo, Kelly. I know you still love the guy," simpleng sagot niya bago ibalik ang mata sa telebisyon.
"But sometimes, kailangan nating magsinungaling, 'di ba? Kung sa ikabubuti naman nila ito."
Isa pa, tahimik na ang buhay ni Gab na wala ako. Ayoko na siyang guluhin pa. Because there are things are better left unsaid. Para saan pa kung malaman niya ang totoo? The damage has been done already.
"Hanggang kailan mo naman mapaninindigan 'yan?"
"Hanggang kaya ko. Kahit dalhin ko pa hanggang sa hukay 'to, huwag lang niyang malaman pa ang totoo," mahinang saad ko, pilit na nilalaban ang pagtulo ng luha ko.
Mukhang may nais pang sabihin si Kuya pero biglang tumunog ang door bell. Bumangon ako para umayos ng upo at sumandal sa sofa. Si Kuya ang lumabas para pagbuksan ng gate kung sino man ang dumating.
"Magandang tanghali mga kapuso! Kami ang sugod-bahay gang!"
Dali-dali akong napalingon ko likuran ko nang marinig ko ng malakas na boses na hawig ng boses ni Wally Bayola. Akala ko tunay na, fake pala. Si Jules lang pala 'yong dumating, kasama niya si Danika.
Magaling talaga mag-imitate ng boses itong si Jules. Isa 'yan sa mga talent niya. Iyan nga rin ang puhunan niya bilang isang DJ sa radyo, hindi lang halata sa itsura niya. Minsan kasi napagkakamalan itong gangster sa kanto dahil sa porma niyang mala-bad boy tapos marami pa siyang piercing sa tainga.
But don't judge a book by its cover. Jules was really a soft guy.
"Mangugulo na naman kayo rito, 'no? Bawal. May sakit si Kelly. Alis!" pabirong pagtataboy ni Kuya sa kanila pero hindi nagpatinag ang mga bisita namin.
"Kaya nga kami nandito, dinadalaw siya," ani Jules.
"Oo nga, Kuya Mike. Hindi mo kami pwedeng itaboy, no? May dala kaya kaming food." Inangat ni Danika ang bitbit niyang box ng pizza upang ipakita kay Kuya Mike. Si Jules naman, may bitbit na maliit na bilao ng sushi. "Nag-lunch na kayo?"
"Tamang-tama pala ang dating niyo. Gutom na ako. Tara sa dining area. Kainin na natin 'yan," magiliw na paanyaya ni Kuya kaya natawa 'yong dalawa.
Pagkain lang pala ang katapat nitong kuya ko.
Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo ko para sundan na sila patungo sa dining area.
"Mukha kang egg yolk," komento ni Danika nang lingunin ako at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
Doon ko lang napansin na kulay yellow nga ang lahat ng suot ko mula sa medyas, sa jogging pants, oversized kong t-shirt at yellow na bonet. Hindi naman masyadong halata na mahilig ako sa color yellow. The reason why I love Spongebob, too.
"Sunflower kaya ko," giit ko. Tama bang i-compare ako sa egg yolk?
"Hindi pa naliligo yan," sabat pa ni Kuya.
"Kaya pala. Ligo ka na muna Kels," gatong ni Jules sabay takip ng ilong.
"Oo nga. Ang baho mo na."
Sinamaan ko ng tingin si Jules at ang best friend kong mapang-asar saka itinuro ang pinto. "Lumayas kayo sa pamamahay ko."
"Bahay ko rin 'to at may permiso ko na mag-stay sila," pagtatanggol ni Kuya Mike sa dalawa dahil nasuhulan ng pagkain.
Nakakainis po sila.
***
Around 5 P.M nang magpasyang umuwi na sina Danika at Jules. Masyado silang nawili sa pagtambay sa bahay namin dahil nag-movie marathon kami. May dala kasing flashdrive si Jules na naglalaman ng mga bagong movie na dinownload niya at pinahiram niya ito sa akin.
Nakakatuwa talaga ang mag-boyfriend at mag-girlfriend na 'yon Sobrang naa-appreciate ko ang mga efforts nila para sa akin. Kapag hindi sila busy sa trabaho at buhay nila, they would spend all their time with me. Sa tagal naming magkakaibigan, never nila akong iniwan sa ere.
My brother invited them for dinner but they declined. May plano na pala silang mag-dinner with Jules parents at 7 in the evening. Mabuti pa sila, masaya ang relasyon nila.
After namin makapaghapunan ni Kuya, umakyat na 'ko sa kwarto at humiga sa malambot kong kama. I heaved a deep sigh while staring at the white ceiling of my room. Masyado pang maaga kaya kinuha ko muna ang cellphone ko sa bedside table para maglaro ng games.
Hindi ko na ito masyadong nagagamit. For games, text at tawag na lang talaga siya. Lumang model na rin ito ng smart phone. Hindi na ako bumili ng bago dahil gumagana pa naman nang maayos. Matibay.
Napangiti ako nang pagmasdan ko ang wallpaper. It was me and Gab. Nakayakap siya mula sa likuran ko habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko. Nakadikit naman ang labi ko sa kaliwang pisngi niya kaya malapad itong nakangiti. We looked so in love.
I wish I could travel back to the time where his heart was still beating for me. Where he would look at me with those captivating eyes and held me in his arms while whispering sweet nothings to my ear.
Pero hanggang isang malaking sana na lang ang lahat. It was all in the past now. Kahit anong gawin ko, hindi na ako makakabalik pa sa panahong 'yon. Siguro naka-move on na siya, samantalang ako, patuloy na nabubuhay sa nakaraan at binabalik-balikan ang masasayang alaala namin.
I could compare myself into a flower called spring crocus. Nabasa ko noon that spring crocus was the saddest flower kaya tinatawag din itong penitent's rose. It represents our heart or soul, the eternal part of our being, which blooms when someone we love forgives us.
Am I able to bloom into a beautiful flower again?
"Muning."
Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko kung saan nakasilip si Kuya Mike.
"Bakit?" tanong ko.
"Nothing. I'm just checking on you. Nakainom ka ba ng gamot?"
"Opo. Kanina pa."
"Good. Sige, pahinga ka na. Huwag na magpuyat," bilin nito bago isara ulit ang pinto ng kwarto ko.
***
Maaga akong gumising kinabukasan. Naging maayos na rin ang pakiramdam ko kaya naligo na ako at nagbihis. Dressed in my denim jumpsuit and white t-shirt sa panloob, bumaba na ako para makapag-breakfast. Pagdating ko sa dining area, nadatnan ko si Kuya na sumisimsim na ng kape.
"Saan ang punta mo?" nakakunot-noong tanong nito.
"Sa flower shop, malamang."
Sarado ang shop kahapon dahil nilalagnat ako at buong araw akong binantayan ni Kuya.
"Take a rest, sabi ni Mommy. Ako na lang muna ro'n. Papasok na rin naman si Kuya Dan."
"Okay na 'ko," giit ko.
"Huwag matigas ang ulo, please?"
"Ayokong maiwan sa bahay," I pouted.
"Sumunod ka na lang, Kelly."
"Sama na kasi ako. Kung nag-aalala kang mabibinat ako, uupo na lang ako doon, promise!" pangugulit ko.
Minsan nakakainis na rin kapag masyado nila kong bine-baby. Kulang na lang ikulong na nila ako sa tuktok ng tore upang hindi na makalabas.
"Tigas-tigas ng ulo mo. Kanino ka ba nagmana? Masunurin naman ako. Si mommy rin naman hindi matigas ang ulo."
"Baka kay Daddy?" Sumalangit nawa. Huwag mo kong multuhin dad.
"Baka nga," pagsang-ayon ni kuya.
Naalala ko kasi kapag ako ang nag-aalaga kay Daddy noong may sakit siya, pahirapan din bago ko siya mapainom ng mga gamot niya. Minsan nga nagsisinungaling pa siya sa akin na nakainom na siya kahit hindi naman. Pasaway din.
Sa kanya nga talaga ako nagmana.
***
Kuya drove his red Honda car, heading to our flower shop. I was sitting in the front seat while my head was bouncing to the song that was playing inside my his car. Sinabayan na rin ako ni Kuya pagdating sa chorus kaya para kaming nag-coconcert sa loob ng kotse niya. Kung may makakarinig lang sa amin, baka nabuhusan na kami ng malamig na tubig. Parehas pa naman kaming walang talent sa pagkanta.
Hindi na matapos-tapos ang masayang tawanan namin ni Kuya kahit nang makarating na kami sa shop. Pasado alas-otso pa lang ng umaga kaya mahaba pa ang oras namin para ayusin ang store. 9:00 a.m. kasi nagbubukas ang flower shop namin.
Habang nagwawalis ng sahig sa may lounge area, tumunog naman ang phone ni Kuya. Nagmamadali siyang sinagot ito.
"Hello? Yes, Mom. Nasa shop na ako. Si Kelly? Opo, nasa bahay lang  nagpapahinga. Sure, Mom. Sige po, ingat kayo diyan. Ako na po ang bahala dito. Bye, Mommy."
Sinulyapan agad ako ni Kuya nang matapos silang mag-usap ni Mommy at nakataas ang isang kilay nito.
"Bakit?" tanong ko.
"Hinahanap ka. Ang sabi ko nasa bahay ka lang. Lagot ka, kapag nagvideo-call 'yon," pananakot pa sa akin.
I shrugged. "Hindi 'yan."
But I was wrong. Nag-ring ang phone ko at tumatawag na nga si Mommy. Buti na lang simpleng tawag lang at hindi video call. Nagtatakbo ako papunta sa design room para hindi marinig ni mommy ang mga ingay ng sasakyan sa labas ng shop.
"Hello, Mommy?"
"Hello, Kelly my baby. Kamusta na pakiramdam mo? May lagnat ka pa?" nag-aalalang tanong niya.
"Okay na po, Mommy. Magaling na."
"Pauwi na 'ko next week, anong gusto mong pasalubong?"
"Mommy, umuwi ka lang okay na 'ko. I miss you so much po," paglalambing ko.
"I miss you too, bunso. Take care of yourself. Laging makikinig kay Kuya, ha? Huwag matigas ang ulo," bilin niya. Muntik na akong masamid.
"Okay, Mom. Ingat ka rin po. I love you."
"I love you too, baby. Sige na, baba ko na, ha. Tumawag lang talaga ko para i-check ka."
"Okay po."
The moment our call ended, bumalik na ako sa lounge area para ipagpatuloy ang pagwawalis. Si Kuya naman nasa counter at pangisi-ngisi sa akin habang nagpupunas. Nakakaasar.
***
Gaya ng ipinangako ko kay Kuya, wala akong ginawa sa shop kundi umupo at kumain lang habang pinapanuod siya na inaasikaso ang mga pumapasok na customer. Samantalang ako ay binibilang na lang kung nakakailang-buntong hininga na ako sa isang oras. Sumasakit na rin ang puwetan ko kauupo dahil ayaw niya talaga akong pakilusin.
"Alis na muna ko ulit, Kelly. Magdedeliver lang," paalam sa akin ni Kuya Danny. Nakakalimang delivery na siya ngayong araw, napakasipag talaga.
Forty one years old na ito at mag-isa na lang din niyang pinapalaki ang dalawang anak niyang babae. Sumakabilang bahay kasi ang asawa nito. Napakabait na tao ni Kuya Danny, kaya nga naawa ako sa kanya nang magloko ang asawa niya at iwan sila. Kaya ayan doble kayod din siya para mabigyan ng magandang buhay ang mga anak. Pagsara ng shop, may isa naman siyang part-time job. Halos wala na siyang pahinga.
"Ingat po sa pagmamaneho," paalala ko. Nginitian naman niya ko bago lumabas ng shop at sumakay na sa motorsiklo niya.
"Welcome to Kelly's Bloom! What can I do for you, ma'am?" masiglang bati ni Kuya nang pumasok sa shop ang isang may ka-edarang babae.
Nasa 60's na siguro ito pero sobrang fashionable pa rin. She's wearing a black sleeveless and khaki with fedora hat. Kaya lang mukha naman itong masungit dahil nakaarko ang manipis nitong kilay na parang isang guhit lang ng eyeliner. Hindi rin ata ito marunong ngumiti dahil blanko lang ang mukha nito.
Lumapit ito sa counter. "Hijo."
"Yes, ma'am?" attentive na sagot ni Kuya. He was flashing his most radiant smile.
Sapat na ang isang ngiti na 'yon para matunaw ang blankong mukha ng customer namin at napalitan ito ng isang maaliwalas na ekspresyon. Dapat pala maningil din ako kapag may nakakakita ng nakakasilaw na ngiti ng kuya ko. Mahal kaya ang ngiti niya.
"I'm going to my husband's grave. Can you give me a basket full of peonies?" the old lady smiled sweetly.
Nangiti naman pala.
"Sure, ma'am! Maupo muna kayo, just wait a minute po," magalang na paalam ni Kuya bago pumasok sa design room.
Habang naghihintay, nagtingin-tingin muna sa paligid 'yong customer. Ako naman ay naglaro na lang sa cellphone ko. Ilang sandali pa, lumabas na si Kuya sa design room na bitbit na 'yong isang basket ng peonies.
"Thank you." Hindi mawala ang ngiti sa labi ng customer nang iabot na sa kanya ni Kuya 'yong basket.
"You're welcome, ma'am. Come again," my brother replied.
"Sure, hijo. Babalik talaga ko rito. Ang gaganda ng mga bulaklak niyo," puri nito. "Anyway, pwede ko bang makuha ang number mo?"
"P-Po?"
"Your number. Pwede kong makuha?" the old woman repeated.
Napatingin sa akin si Kuya. Gusto kong tumawa nang malakas pero pinipigilan ko. Iba rin talaga ang charm ng kapatid ko.
Kumuha na lang si kuya ng business card at inabot ito sa customer. "Tawag na lang po kayo diyan ma'am if ever gusto niyong umorder sa amin. We will deliver it on the same day."
"Okay, hijo. Salamat." Magiliw na saad nito.
When the old woman finally left the shop, kumawala ang malalakas na tawa ko.
"Lakas talaga ng kamandag mo, Kuya...type ka ata..." nahihirapang sambit ko dahil hindi ko na mapigilan ang paghalakhak ng malakas.
Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Sige tawa pa. Sasabihin ko talaga kay Mommy na nandito ka at hindi mo siya sinunod," naiinis na banta niya.
Naitikom ko na lang ang bibig. Ang pikon naman.

Komentar Buku (10)

  • avatar
    Reynaldo Bacas

    Nice story

    21/07

      0
  • avatar
    Christian Tumarlas Ambat

    thank you

    15/05

      0
  • avatar
    YriarteLocilyn

    it was good

    05/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru