logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5

*-*-*-*-*-*-*
(v)
-----------------
"May gusto ka bang itanong na hindi mo naintindihan?"
Tanong ko habang nakatingin sa kaniya nang diretso. Nangalumbaba ito habang nakangiting nakatingin sa 'kin. Umiwas ako ng tingin at nagsimulang ayusin at iligpit ang mga gamit ko.
"Meron."
Aniya habang ang lawak ng ngiti. Hindi ko tuloy alam kung may natutunan ba 'to kahit kakarampot.
"Ano 'yon?"
Tumigil ako sa ginagawa at tiningnan siya nang seryoso.
"Ilang taon ka na?"
Nakipagsukatan ako ng tingin sa kaniya bago ibinaba ang tingin at napabuntong hininga.
"Seventeen."
Maikling sagot ko. Tiningnan ako nito mula taas hanggang baba animo'y sinusuri ako.
"Weh? Hindi halata."
Saad pa nito. Hindi na lang ako umimik pa. Tumingin ito sa relo niya at ganoon din ako. Mahaba pa naman ang oras bago matapos ang lunch time. Kaya siguro maaga kaming natapos ngayon ay dahil maaga siyang dumating at nakinig naman. Tingin ko ay may katiting ulit siyang natutunan. Note the sarcasm.
"Teka, aalis ka na ba agad? Hindi pa naman time eh."
Nakataas kilay nitong tanong sa 'kin.
"Bakit?"
"Anong 'bakit'?"
Nagsukatan kami ng tingin. Hindi ko rin alam kung anong gimik niya.
"Bakit?"
Tanong ko ulit. Tinaasan ko rin siya ng kilay kaya bahagya siyang natawa. Pinatong ang magkabilang siko sa mesa at nangalumbaba habang natatawang nakatitig sa'kin. Umiwas ako ng tingin.
"Hindi ka sanay sa eye contact?"
"Hindi."
Tipid na pag-amin ko. Bahagya namang may katotohanan. Naiilang kasi ako sa ibang tao, bukod kay Mama at Desi (na kapatid ko).
"Ganiyan ka ba talaga?"
"Alin?"
"Ganiyan. Isang tanong, isang sagot? Straight forward?"
Pang-uusisa pa nito. Nakatitig pa rin sa 'kin. Tumango lang ako at pinaglaruan ang kamay kong nakapatong sa hita ko.
"Ang tahimik mo talaga."
Saad pa nito. Bumuntong hininga siya bago nag-unat unat ng braso na lagi niyang ginagawa. Dumukot siya sa bulsa ng isang chewing gum at nginuya iyon. Napakurap ako nang mapansing nakatitig pala ako sa kaniya nang gawin niya 'yon.
"Teka, aalis ka na?"
Tanong niya na napatayo rin nang bigla akong tumayo at iniligpit ang mga gamit.
"Oo."
"Sabay na tayo."
Gaya kahapon at nung isang araw ay sabay kaming naglakad palabas ng library hanggang sa tapat ng Math garden. Tumigil ako saglit at ganoon din siya. Hindi ko alam kung bakit biglang ang weird ngayon.
"Bakit?"
Tanong ko nang mapansing nakatingin ito sa 'kin. Binuka nito ang bibig niya para sana magsalita pero agad siyang tumigil at tinikom ang bibig. Ngumiti siya sa 'kin bago kumaway.
Napakibit balikat na lang ako bago bumalik sa classroom.
-----------
"Class dismissed."
Agad nagsitayuan ang mga kaklase ko at nagkaniya-kaniyang ayos ng mga gamit. Ang mga babae ay sari-sariling kuha ng polbo at suklay. Napatingin ako sa katabi kong si Stella. Ganoon din siya, bahagya rin itong naglagay ng lip shiner.
Umiling-iling ako at tumayo na rin para maglinis para makauwi na rin. Sa totoo lang ay tinatamad akong maglinis pero hindi ko naman pwedeng pabayaan ang classroom namin at iwanan itong marumi. Hindi para sumipsip at magpabango sa guro, kundi dahil gawain ito dapat ng mga estudyante. Ang maglinis ng ikalawa nilang tahanan. Nakakawalang gana naman atang mag-aral kung marumi ang paligid.
Nang matapos ako sa pagwawalis at paglilinis katulong ang mga iilang responsableng kaklase, ay agad din akong umuwi.
Habang naglalakad sa corridor ay napatigil ako. Nagulat, pero hindi ko ito pinahalata. May dalawang kamay na nakatakip sa mga mata ko ngayon. Hindi ko kita kung sino ito pero amoy ko ang mabangong kamay nito at pabango.
"Hulaan mo kung sino ako."
Natatawang saad nito. Gusto ko tuloy mairap dahil halata naman kung sino siya. Si Ace.
"Kailangan ko nang umuwi."
Tinanggal nito ang kamay na nasa mata ko at hinarap ako. Ngayon ay naglalakad siya habang nakaharap sa 'kin at nakatalikod sa dinaraanan niya.
"KJ. Hindi ba dapat sabihin mo 'sino 'to'?"
Nakasimangot nitong tanong at bahagyang may tono.
"Bakit? Alam ko naman na ikaw 'yon."
Ang corny ng naisip niya kung inaakala niyang ganoon ang gagawin ko.
"Atleast dapat nagpanggap kang 'di mo alam kung sino 'yon."
Naihilamos niya ang kamay sa mukha. Tumigil siya kaya natigil din ako sa paglalakad. Dahil na rin nasa harap ko siya. Still blocking my way.
"Dadaan ako."
Seryosong sabi ko. Hindi pa rin siya gumagalaw. Napabuntong hininga ako saka humakbang pakanan pero sinundan niya lang ako kaya humakbang ako pakaliwa at ganoon din ulit ang ginawa niya.
Tiningnan ko siya nang seryoso.
"Bakit?"
Tanong nito na animo'y ginagaya ang tono ng pananalita ko.
"Dadaan ako."
Pag-uulit ko.
Napairap ako at siya naman ay natawa nang bahagya. Sa pagkakataong 'yon, sa kaliwa naman ako humakbang pero ginaya niya lang ako.
Sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa siya nang mahina at tinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko. Gumilid siya pero nakaharap pa rin naman sa 'kin.
"KJ talaga."
Bulong pa nito.
"May sinasabi ka?"
Tanong ko habang nakatingin sa kaniya.
"May narinig ka bang may sinabi ako?"
Balik tanong nito. Napairap na lang ako at hindi na siya pinansin. May sira yata sa utak ang isang 'to.
"Hunyo!"
Tawag pa nito. Nagbingi-bingihan ako at kunwaring hindi siya narinig.
Akala ko ay matiwasay na akong makakaalis pero hindi pa pala. Sa kamalas-malasan ay natalisod ako sa isang naka-usling bato. Dahil sa pagkabigla ay hindi ko na-balanse ang katawan. Tumilapon sa lupa ang mga librong hawak ko at ayon nga. Bumagsak ako sa sahig. Sa takot na marumihan ang uniporme ay naitukod ko ang magkabilang siko kasabay ng pagtumba ko.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Siguro ay dahil sa kahihiyan. Ramdam ko ang pag-init ng buong mukha ko, bukod pa ro'n ay ramdam ko rin ang paghapdi ng siko at tuhod ko. Malakas na tawanan ang bumalot sa buong paligid.
Napa-irap na lang ako. Wala naman akong ibang magagawa kung ganito sa Pilipinas. Nadapa ka na nga't lahat lahat ay magagawa ka pang pagtawanan.
Isa sa ikinainis ko ay ang nangingibabaw na tawa ng Ace na 'yon.
"Aish."
Tumayo ako, hindi iniinda ang sakit ng siko pati tuhod. Inayos ko ang suot na uniporme na bahagyang nagulo. Buti na lang at hindi narumihan, tiyak kasing pagagalitan ako ni Mama.
Akmang pupulutin ko na ang mga libro ko nang may pumulot din no'n. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang isang pamilyar na pigura ng lalaki.
Nakasabit sa leeg nito ang gray na headphone habang ang bag naman ay nakasukbit sa kaliwang balikat.
Saglit kaming nagkatinginan pero agad akong umiwas ng tingin at binaling ito sa paligid. Naka-move on na ang mga tao sa pagtawa at bumalik na sila sa kaniya-kaniyang gawain.
"Thank you."
Mahinang sambit ko nang iabot ng lalaki sa 'kin ang libro ko. Saglit niya itong binasa bago ako tiningnan.
"Ang dami niyan ah?"
Weird. 'Yon ang pumasok sa isip ko nang marinig ang boses niya. Halata ang pagka-bored sa boses nito. Mababa at lalaking lalaki kung pakikinggan.
"Ha? Ah oo."
Sagot ko na lang at umiwas ulit ng tingin. Nang ayos na ako at ang mga gamit ko ay hinarap ko siya. Inayos niya rin ang bag niyang bahagya nang nakababa ang strap.
"Una na 'ko, Miss."
Saad pa nito, nilagay niya sa magkabilang tenga ang headphone saka naglakad palabas ng gate.
"Thank you."
Napalingon ako sa gilid at nakita ko ang naglalakad na si Ace. Nang-aasar ang boses niyang ginaya pa ang pagsasalita ko kahit hindi niya naman magaya.
"Nakakatawa ka kanina ah."
Komento pa nito habang sinasabayan ako sa paglalakad. Umirap na lang ako at nanatiling diretso ang tingin sa daan.
Marami pa siyang sinasabi at binubulong. Kung gaano siya natawa at kung gaano raw ka-epic yung nangyari. Hindi ko na lang pinansin. Makakarma rin 'yan.
"Hahahaha. 'Wag mong sabihing na-guwapuhan ka sa lalaking 'yon?"
Malakas nitong tawa. Tinuro pa ako at napahawak siya sa tiyan niya na animo'y nakakatawa talaga.
Hindi ko tuloy alam kung may sayad siya sa utak o sadyang ganiyan siya ka-abnormal.
Nang marating namin ang terminal ay lumiko na siya. Magkasalungat kasi ang daan namin pauwi. Obviously.
"Mas gwapo naman ako ro'n."
Rinig ko pang pahabol nito. Tumawa lang siya at umiling-iling saka naglakad paalis.
"Yeah, whatever."
Naibulong ko na lang. Walang duda, tiyak na nakainom ng masamang gamot ang nanay niya nung ipinagbubuntis 'yon. Kaya siguro may saltik.

Komentar Buku (19)

  • avatar
    Ayiesha Abalde

    love it

    24/07

      0
  • avatar
    BatoMark

    nice

    09/07

      0
  • avatar
    RonquilloJessa

    good

    04/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru