logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

4

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako binigyan ni Silas ng isang punyal gayon alam nito at pinagbabawal na humawak ang babae nito.
Hawak ko ito ngayon at pinagmamasdan, iniisip kung anong pwede kung gawin ro'n at naisipan kung lagyan ng ukit ang karambit sa hawakan nito bilang tanda na ako na ang nagmamay-ari nito.
"Naveah!" rinig kung tawag ni Ina.
Kaya naman itinago ko ang punyal sa loob ng aking suot.
"Ano iyang tinago mo sa loob ng iyong damit, Naveah?"
"W-Wala ina, isa lamang iyong sulat galing sa kung sino." palusot kung sabi.
"Sumunod ka sa akin at tinatawag lahat ng dama sa bulwagan." sabi ni ina at nauna itong naglakad kaya naman sumunod na lamang ako.
Habang naglalakad ay napapansin ko na tahimik lang at walang kibo si inang naglalakad kaya naman sumabay ako sa paglalakad nito. Kitang kita sa mukha ni ina ang pag aalala.
"Ayos ka lang ba, Ina? Anong bumabagabag sa iyo?"
"Bilisan na naten sigurado akong naroon na lahat ng dama sa bulwagan." sabi nito na binilisan ang paglalakad.
Hindi ako nito matingnan ng deretso sa aking mga mata at nanginginig rin ito.
Ramdam ko ang tensyon at ang pangangamba ni Ina may kung anong hindi tama.
Nang makarating kami sa bulwagan ay naroon na lahat ng dama rinig na rinig ang mahihinang bulungan tumayo lang ng tuwid ang lahat at yumuko'd upang magbigay galang kay Haring Oscar at Silas nang ito ay dumating rin sa bulwagan.
Bawat sulok rin ng palasyo ay may kawal na nagbabantay kahit ang harden ay napalilibutan rin.
Umupo ang hari sa kanyang trono at nakatayo naman si Silas sa tabi ng kanyang ama. Nakasuot ito ng mahabang kapa at matikas na nakatayo.
Naririnig ko pa na magbulungan ang nasa likod ko na mukhang ka-edad ko lamang.
"Antikas n'yang tumayo at sobrang gwapo na mukha." rinig kung bulungan sa aking likod.
"Kung sino man ang pakakasalan n'ya ay talagang maswerte pero alam ko naman na ako 'yon." hindi ko alam kung maiinis ako sa aking naririnig o maiinis ako dahil maingay sila.
Mga ulikba! choz.
Ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa isang mensahero na s'yang nag sasaad ng anunsyo.
"Mga minamahal kung nasasakupan! Binabati ko kayo sa ngalan ng ating minamahal na Haring Oscar, narito ako upang ipahayag na kakailanganin ng palasyo ang inyong tulong. Sa isang pamilya ay kailangan ng isang lalaki upang makasama sa pakikidigma." doon ko lamang na napansin ang kaba ng bawat kasama namin.
"Maraming nasawi sa nakaraang digmaan kaya naman malaking tulong ito sa ating kaharian! Pinapaalala ang pag alis ng mga kalalakihan ay sa ikahuling araw ng Septyembre ng gabi." napagtanto ko lamang na iisa ang lalaki aming pamilya at si Ama lamang 'yon.
Ito pala ang pinangangambahan ni Ina ang pagsabak sa gyera ng mga kalalakihan na pwedeng masama si Ama.
Habang nakaupo sa harden ay iniisip ko pa rin ang anunsyo kanina kung magkakaroon ng digmaan at malalayo sa amin si Ama para ipaglaban ang kaharian sigurado akong hindi kakayanin ni Ina.
"Naveah." rinig kung may tumawag sakin kaya nilingon ko.
"Silas? Anong ginagawa mo rito? Hindi ba sinabi ng Hari na 'wag kang lalabas." ngumiti lang ito at inilapit nito ang kanyang kamay sa aking noo pinitik nito i'yon.
"Arayy!"
"Sasamahan mo ako sa bayan mamayang gabi para makita ang sayawan." napanganga nalang ako, ako na naman ang mag tatakas sa kanya?
Wala ba itong makita na makakasama sa kanya sa pag puslit rito sa palasyo bukod sa'kin?
"At bakit ko gagawin 'yon?" sarkastikong tanong ko.
Hindi ko na rin gustong masangkot sa kahit na anong gulo na dadalhin nitong si Silas.
"Dahil binigyan kita ng isang karambit?"
"Binigay mo i'yon ng walang hinihingeng kapalit noong una, bakit ngayon ay kailangan kung bayaran?" hindi ako dama na mag aalaga ng isip batang katulad n'ya.
Humarap ako sa kabilang parte ng harden kung saan matatanaw ang mga bulaklak na tulips at ang mataas na pader palabas ng kaharian.
Bakit ko nga ba ito tinulungan noon na makalabas? kung hindi ko lang sya tinulungan ay hindi sana ako nito ginugulo.
"Ikaw lang ang may alam ng daan na palabas rito na hindi nakikita ng kawal at nahuhuli kung sakali man na mahuli ay may kasama akong mapaparusahan." pumunta ito sa harapan ko habang sinasabi 'yon at nagpaawa.
"Mukha kang natatae."
"Sasamahan mo ako mamaya alas-syete ng gabi tayo aalis at babalik tayo ng saktong alas-dose." sabi nito.
"Pero—" naglakad na ito palayo.
Ibang iba sya sa mga kaedad n'ya isip bata itong si Silas, lahat ng gusto ay gustong makuha. Piste!
Nauna akong umuwi kay Ina dahil nag paalam ako na pupunta ako sa bayan para mapanood ang sayawan pumayag naman ito sinabi pang mag ingat ako.
Inayos ko ang aking buhok hinayaan ko lamang i'yon na bagsak at nagsuot ng isang mediaval at isang pares ng hikaw upang bumagay sa akin ang mga aking kasuotan. Hindi ako sana'y at hindi rin ako dumadalo sa mga ganitong pagtitipon dahil wala akong interest. Bago pa ako umalis sa palasyo ay itinuro pa sa'kin ni Ina kung paano gumamit ng polbos sa mukha. Nagsuot rin ako sandalyas para makompleto na ang aking kasuotan.
Tumayo ako sa harap ng salamin at tiningnan ang aking sarili. "Maayos na ito, hindi naman ako magsasayaw dahil hindi rin ako marunong."

Komentar Buku (38)

  • avatar
    Gnilbakhurt

    are you okey

    19d

      0
  • avatar
    KuzEysi

    amazing

    21/08

      0
  • avatar
    Carillo Papa

    maganda

    23/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru