logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7: Good and Bad Times

Hindi mapalis ang ngiti ni Wind. Para pa rin siyang nakalutang sa sayang naramdaman. Nayakap niya tuloy sa tuwa si Tabitha.
Nawala si Wind sa malalim na pag-iisip nang biglang nagpreno si Tabitha. Aksidente niya tuloy nahawakan ang baywang nito. Nang mapagtanto niya ang posisyon nila sa scooter. Agad siyang dumistansiyang para bang napaso.
“Stop smiling like an idiot. Nakita kita sa side mirror ng scooter ko. Mukha kang killer clown.” May bahid ng iritasiyon sa tinig ng dalaga at pinaandar muli ang scooter nito.
‘What’s with the fishing killer clown?!’
Wind glared at her. Their eyes met at the side mirror. There, he saw how irritated Tabitha’s face was.
Inihinto ni Tabitha ang scooter at bahagyang bumaling sa kaniya. “Ang creepy mo!”
He closed his eyes because of that shout but suddenly, he couldn’t help but laugh. He enjoyed her reaction.
Mahinang hinampas ni Tabitha ang ulo niyang may helmet. Sa mga ganoong pagkakataon ay inis na siya pero patuloy pa rin siyang tumawa. Nasiyahan siya sa mabilis na pag-init ng ulo ng dalaga.
Muling pinaandar ni Tabitha ang scooter. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa mansiyon niya. Mabilis siyang bumaba at binigay ang helmet sa dalaga. Pabalang namang kinuha nito iyon kaya natawa na naman si Wind.
“Dapat ay lalaki ang naghatid, Angry Bird. Hindi ka man lang nahiya sa akin. Ako pa ang naghatid sa’yo.”
Wind immediately reached his cellphone from his pocket to type. Mas nauna lang talaga ang bahay namin, Bruha!
She gave him a death glare. “You keep calling me Bruha! Wala ka man lang utang na loob. Did you know that I ran from the first floor to the third floor just to watch your performance?”
Pigil-ngiti siyang nag-type bago ipabasa sa dalaga. “Thank you! Masaya ka na, Bruha?”
Mabilis na nasapo ni Wind ang buhok niya nang bahagya siyang sabunutan ni Tabitha. “Napipilitan ka ba?!”
‘Sadistang bruha!’
He typed again. “Bakit ba ang bilis mong magalit? Lower your pitch. Hindi ka ba napapaos?”
Tabitha rolled her eyes. “Sa tahimik mo ba naman, ayos lang na ganitong kalakas ang boses ko para hindi boring. Isa pa, may… anger management ako.”
Natigilan si Wind nang makita ang lungkot sa mukha ni Tabitha. Pareho lang pala sila. Pareho silang may kondisyong nilalabanan. Mahirap pakisamahan ang taong palaging galit pero kay Tabitha, parang ayos lang sa kaniyang saktan at sigawan siya palagi.
Mapakla itong tumawa. “Natakot ka, ’no? Sabihin mo lang… kung iiwas ka. Ako na ang lalayo.”
Mabilis siyang umiling at nag-type muli. “You accept me without considering my condition. You deserve to be accepted too. You taught me how to respect and give chance to myself. You should also give that to yourself, Bruha. Thank you now that you brought me out of the shell. Sasamahan kita basta huwag ka lang maging sadista. Ayos na sa aking sigawan mo ako pero huwag ka namang manakit.”
Kinagat ni Tabitha ang pang-ibabang labi at mariin siyang tiningnan. Ilang sandali pa ay gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. “Okay, sorry… and thank you. Friends na ba?”
“You made me special so let’s be friends. In good times or bad times, I’ll be by your side forever more. That’s a promise. We are friends now so I will give you my trust,” he signed.
Kumunot ang noo ng dalaga. “Ano bang gusto mong iparating? Hindi ko naiintindihan ang usapan ng mga alien. Just type it so I can read it.”
Ngumuso si Wind at mabilis na tumalikod. Hiyang-hiya siyang sabihin iyon kaya sinenyas niya na lang. Mas magandang galitin niya muna ang babaeng daig pa ang dragong nagbuga ng apoy.
“Angry Bird!”
Looks like you’re the Angry Bird, Tabitha.
Wind laughed as he went inside their garden. He was sure that Tabitha will not be peaceful in her sleep. Sometimes, he didn’t like sign language as his medium in communication but when it comes to that girl, he felt like he has more power than her.
Paakyat na siya sa papuntang kuwarto nang makatanggap ng mensahe mula kay Bruhang Tabitha.
ANGRY BIRD, TUMINGIN KA SA LABAS NG BINTANA MO KAPAG HINDI KA TUMINGIN, AABANGAN KITA LAGI SA LABAS NG GATE NINYO PARA BUGBUGIN.
Natawa na naman si Wind nang mabasa ang mensahe. Talagang lahat ay malalaking letra. Akala yata ng dalaga ay hindi niya nakita iyon. Ramdam na ramdam niya ang iritasiyon sa mensahe pa lamang nito.
Dali-dali siyang umakyat at pumasok ng kuwarto. Hinawi niya ang kurtina at nakita niya ang dalaga sa labas. Nakatayo ang babae roon pero hindi niya maaninag ang mukha dahil sa layo.
Suddenly, his phone rang. Bruhang Tabitha is calling…
He didn’t take off his gaze to his new friend. He smiled when he heard her voice full of happiness. That sweet voice melts his heart.
“Kung hindi ko pa tinanong ang tutor ko sa sign language, hindi ko pa malalaman.”
Tutor of what?
“Sana… tumango ka na lang. Pinahirapan mo pa ako. Nag-walk out ka pa,” dagdag pa ng dalaga.
Mahigpit ang naging hawak niya sa kurtina. Sobrang saya ang lumukob sa dibdib niya. Tuluyan niya nang hinayaang mapalapit sa kaniya ang dalaga.
“Angry Bird? I’ll promise too that I will be your friend no matter what. I will also be by your side… forever. Baka may mga pagkakataong magkaaway tayo kasi hindi mo ako maintindihan pero… gusto kong malaman mong hindi kita susukuan. Ayos lang na tahimik ang mundo ko kapag ikaw ang kasama ko. Ako ang sisigaw para sa’yo simula ngayon. Ako ang magiging… boses mo kapag may umapi sa’yo.”
Wind took off his eye glasses. A tear escaped from his eyes. For a man like him, he believed that he should not be transparent in his feelings. He should be strong but he knew that he was not brave. He was weak all his life but Tabitha gave him a reason to fight and prove something. For the first time, he was with a person who he could call a real and concerned friend.
‘Thank you, Tabitha!’
Ilang sandali pa ay ibinaba na ni Tabitha ang tawag. He let out a short laugh when Tabitha is gone. That feeling was refreshing for him. Pikit-matang ibinagsak niya ang katawan sa kama pero nagmulat agad siya nang tumunog ang ringtone ng cellphone niya.
He smiled when he saw Tabitha’s message but he suddenly frowned when he read the content.
ANGRY BIRD, HINDI PORQUE, FRIEND KITA AY MAGIGING MABAIT AKO SA’YO! MATULOG KA AGAD, UNGGOY! PAIYAK-IYAK KA PA D’YAN. ANG ARTE MO. SABAY TAYO BUKAS AT KAPAG IKAW, HINDI KO NAKITA SA LABAS NG GATE NINYO SA PAGDAAN KO, MAGIGING TOASTED ANGRY BIRD KA!
Ibinagsak niya ang cellphone sa kama at mahinang tumawa. ‘What’s wrong with that fishing Miss Caps lock Bruha?’
******
It feels good to have a friend. That was Wind’s first time to have a real friend. Tabitha’s smile seemed to caress his heart. She opened his eyes from another part of the world he had never seen before.
But that feeling immediately vanished. Wind thought that Tabitha might be affected when their schoolmates discovered that a loser like him was a friend of her. He didn’t want anyone to laugh at her because of him. Iyong unang beses pa nga lang silang nasumpungang magkasama ay pinahiya na agad ni Agatha ang dalaga.
“Angry Bird, bakit ka ba nang-iiwan?”
Dapat ay sabay sila ng dalaga sa pagpasok. Nang madatnan niya ito sa labas ng gate nila ay nilukob ng saya ang kaniyang dibdib pero agad niyang pinutol iyon. Maling ginawa niyang kaibigan ang babae dahil nakahihiya siyang kasama.
Iniwan na lang basta ni Wind si Tabitha. Ni paglingon ay hindi niya ginawa dahil sa takot na bumigay siya. Baka mawala agad ang plano niyang paglayo, isang ngiti pa lang ng dalaga.
Ilang sandali pa ay nakarating sila sa parking lot ng campus. Hindi niya pa rin pinansin si Tabitha. Natigilan siya sa pag-lock ng bisikleta nang maramdaman niya ang pagdadabog nito sa likuran niya.
‘I’m… sorry, Tabitha.’
“May problema ba tayo, Wind? Akala ko ba… magkaibigan na tayo? Hindi mo ako pinapansin!”
Wind blew a silent breath. He faced Tabitha but immediately avoided her stare. That stare was intense and he couldn’t take it. He reached his cellphone from his pocket and typed the words that’ll definitely give daggers to her.
“Don’t talk to me. Para kang asong habol nang habol. Ang kulit mo at napaka-ingay pa. I just told you that I want you to be my friend because I couldn’t take it anymore. But then, I realized that I couldn’t be your friend. I don’t like you. May anger management ka pa. Siguradong sasaktan mo lang ako palagi. Ayaw kong masaktan dahil buong buhay ko ay iyon na lang ang naramdaman ko. Hindi ako tanga para idagdag ka pa.”
It was as if his heart was pounding when he saw the sadness draw in her eyes. He wanted to tweak himself in extreme annoyance. He wanted to take back what he had said earlier. He just wanted a friend but he didn’t want to be selfish.
Humigpit ang hawak niya sa kaniyang cellphone nang makita ang reaksiyon ni Tabitha habang binabasa ang sinusulat niya. He saw the pain in her eyes. He closed his eyes and sighed to calm down.
He hid his cellphone and turned his back. I’m sorry.
“Bakit ka... ganyan?”
Natigilan siya sa paglalakad nang marinig ang boses ng dalaga. Garalgal ang tinig nito pero ramdam niya rin ang pinigil nitong galit. Tumingala siya at muling huminga nang malalim. Hinarap niya ang dalaga at hindi niya inasahan ang sunod nitong ginawa.
Binato siya ni Tabitha ng notebook at tumama iyon sa noo niya. Mabilis pang lumapit sa kaniya at tinapakan ang kaliwa niyang paa. “Huwag kang makalapit-lapit sa akin, Wind. Kung ayaw mo sa akin, ayaw ko rin sa’yo!”
Naiwan siya sa parking lot na sapo ang noo at paa. Nakalimutan niya yatang nananakit ang dalaga kapag galit. Ayos na siyang sigawan siya pero mukhang napasobra yata ang mga sinabi niya kaya iba ang level ng galit nito.
Tinanaw niya ang likod ng babaeng papalayo sa kaniya. He wanted to chase that girl and apologize but maybe it’s better for her to stay away from him.
“Even if you don’t know, Tabitha. In my heart, you are the one I consider my special friend.”

Komentar Buku (7)

  • avatar
    Daishel Sadiwa

    😙🥰🥰😭😭

    06/05

      0
  • avatar
    runrun

    beautiful days a story

    06/04

      0
  • avatar
    PositarMary chastine

    try kotong basahin hehe:)

    18/04/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru