logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6: Hindi Normal

‘FISH! Bakit ang daming tao?’
Wind turned his back as he saw the people inside the dance hall. He couldn’t make the audition. His hands were shaking because of so nervous.
He’s with Tabitha earlier but they parted ways because she also has an audition to attend. He couldn’t imagine himself performing at the stage. Suddenly, a tear escaped from his eyes but he immediately wiped it.
Aalis na sana siya sa dance hall pero may pumigil sa braso niya. Kilala niya ang lalaking humawak sa kaniya. First runner up ito sa Mr. D.U. noong nakaraang taon. Hindi niya inasahang nakaharap niya si Stanley Ace Corpuz.
“You are Oxygen, right?”
Mabilis inagaw ni Wind ang braso mula sa lalaki. Akala niya ay may himalang dumikit sa kaniya pero mukhang nagkamali siya. Tinawag pa siya sa bansag sa kaniya ng mga schoolmate niya.
Gumuhit ang ngiwi sa mga labi ni Stanley. “Sorry… na-offend ba kita? Hindi ganoon ang intension ko. You’re name is Wind, right?”
Mabilis siyang tumango kaya agad naman itong ngumiti. “I know your condition and I am just proud that you had the courage to join here. So, ano? Tara na. Malapit nang mag-start.”
Umakbay si Stanley sa kaniya na labis niyang ikinagulat. Walang sinuman ang nagbigay sa kaniya ng atensiyong katulad kanina. Hindi siya nito inasar. Hindi siya nakatanggap ng panlalait.
Stanley was talkative. Wind just nodded in his stories. Because of his words, he found out that not all students inside the dance hall were there for the audition. Some were just moral support for Kurt Jasong Wong, the heartthrob of their campus.
Most of the girls admired Kurt. He’s a varsity player, rich, handsome and a chick magnet. Kurt was almost perfect unlike him that has a psychogenic mutism.
“Good afternoon, Knights! Magsisimula na ang audition natin para sa DU Dance Troupe Batch 2020. Give us your best shots, dancers!” panimula ng emcee ng program.
Their judges were the alumni of the dance troupe. There were thirty-five applicants. He’s the last while Stanley was second to the last.
‘I really hope that I can do this.’
“GO, SEXY KURT!”
“We love you, Kurt Jason!”
Wind couldn’t believe that the campus heartthrob had fan girls. He almost beat the line of being a celebrity. His eyes went again to the stage. There he saw that man, full of confidence and charm.
Even though he was just a high school student, he could say that Kurt danced sexily. His dance moves made girls shout even more. The audition turned out to be a concert of handsome and sexy Kurt Jasong Wong. He shaked his head when he saw how that bad boy on the dance floor winked at his fangirls.
Mas lalo tuloy akong kinabahan. Where are you, Witch? I need you here. I also need a moral support kahit galing lang sa’yo.
Si Tabitha ang humila sa kaniya para gawin ang bagay na matagal niya nang iniwasan. Nangako ang dalagang sasamahan siya at pipiliting makaabot para mapanood siya. Kahit makita niya lang ang babae habang sumasayaw siya, baka kayanin niya. Kapag kay Tabitha siya nakaharap, kaya niyang lumabas sa sinarado niyang pinto sa kanyang puso.
Ilang sandali pa ay si Stanley na ang sumayaw sa stage. Suwabe lang ang din ang sayaw nito parang sa kaniya. Kay Kurt lang talaga ang mahalay.
Sinipat niya tuloy ng tingin ang sarili. He just wore a v-neck white shirt and a ripped jeans with white sneakers. He didn’t remove his eyeglasses and his hair was still the same. Ano namang panama niya sa mga guwapo niyang kasama?
Ilang sandali pa ay natapos din si Stanley sa pagsayaw. Nang bumaba ito sa stage ay nakipag-high five ito sa kaniya. “Break a leg, Wind!”
‘What the fish?!’
Gumuhit ang kaba sa dibdib ni Wind nang makaakyat sa stage. Sumalubong sa kaniya ang bulungan ng mga manonood. Inilibot niya ang mga mata. Kahit si Tabitha lang ang makita niya, ayos na sa kaniya pero wala ang dalaga.
‘I hate you, Tabitha...’
Matagal na siyang nakatayo sa stage kaya siguro pinatugtog na ang music niya pero hindi siya gumalaw. Para siyang estatwa sa entablado. Mas lalo siyang hindi gumalaw nang lumakas ang bulungan sa paligid.
‘Tabitha, nasaan ka na ba? Please, I need you here. I can’t take this.’
Parang piniga ang puso niya at nanlamig ang mga kamay niya. Gusto niyang umiyak. Gusto niyang iluha ang kahinaan ng loob niya.
“Ano ba ’yan? Tatayo na lang ba siya riyan.”
“Ang lakas naman ng loob ng abnormal na iyan. ”
“Mahiya ka nga, Oxygen the Pipi!”
Hindi niya namalayang tumulo na ang mga luha niya. Hindi na sana siya sumubok pa. Maling umasa pa siya. Imposibleng magkatotoo ang dating pantasya niya.
Don’t be ambitious, Wind. This is the reality and this reality… slaps you really hard.
******
KANINA pang hindi mapakali si Tabitha. Gusto niya nang matapos ang audition niya para mapuntahan sa dance hall si Wind. Nangako pa naman siya sa binatang manonood siya.
“Miss Sy at Miss Valencia, akyat na po kayo sa stage. Kayo na po ang sunod,” anunsiyo ng facilitator ng audition.
‘Sa wakas, after 1000 years...’
Tabitha went to the stage. She raises her eyebrows when she saw Wind’s apple of the eye. Si Samara pala ang ka-eksena niya. Pinagmasdan niya ang mukha ng dalaga. Mukhang hindi ito nanganggat at pinong kumilos pero minsan, wala siyang tiwala sa mga ganoon. Kung sino pa kasi ang mahinhin sa paningin niya, iyon pa ang balimbing.
“Okay, ganito ang eksena ninyo, magkaribal kayo sa iisang lalaki. Bahala na kayo sa line ninyo. Adlib will be good. We just need to see how you deliver the character in your own way.”
Tumango naman silang dalawa. That’s easy for Tabitha. She could put her shoes in her character.
‘Basic!’
“Miss Valencia got the role of the woman who’s still in love with his ex-boyfriend. You’ll beg to Miss Sy, the current girlfriend. Nabasa ninyo naman ang script kaya alam ninyo rin ang dapat na kalabasan pero ayos lang kahit hindi nasunod ang mga batuhan ng linya,” dagdag na paliwanag pa ng facilitator.
Tabitha closed her eyes. After a while, a tear escaped from her eyes. If there’s something she’s proud of, it's that she's good at internalising her emotions. She didn’t know if that’s because of his anger management or her emotions were just not too deep.
“Ok, start na tayo, guys in five… four… three… two… one and action!”
Mabilis na lumuhod si Tabitha. Handa niyang ibaba ang pride para lang sa pag-arteng iyon. “Please, i-ibalik mo n-na siya sa akin. Parang a-awa mo na.”
Mabilis na itinaboy ni Samara ang mga kamay niyang nakahawak sa binti nito. “Get lost! You’re pathetic. Hindi pa ba pumapasok diyan sa kukote mong ako na ang mahal niya? So better back off!”
Hilam ang mga luhang tumayo siya at pinukpok ang dibdib niya. “I’m begging you. Please, give him back to me! Maayos akong nagmamakaawa sa’yo. Alam kong… mahal pa rin niya ako.”
“You’re desperate! Kawawa ka.” Mabilis nitong sinapo ang pisngi niya at gigil na hinawakan iyon.
Kumunot ang noo niya. Mukhang sanay manakit ang babaeng ito.
Mapang-asar na tumawa si Tabitha. Kailangang mapalabas niyang binawi niya na ang pride niyang tinapakan nito. “Ako pa talaga ang kawawa? Hindi ba dapat ay ikaw? Para kang asong nakakita lang ng buto sa daan, kinuha na!”
“How dare you?!”galit na sigaw ni Samara sa kaniya.
Nasa script na dapat siyang sampalin ni Samara pero siya ang sumampal sa dalaga. Ayaw niyang magalit sa araw na iyon lalo pa at may negative vibes siyang naramdaman sa babae. Kailangan niya munang maging mahinahon dahil kailangan siya ni Wind mamaya. Lihim siyang napangiwi nang makita ang gulat sa mukha ng dalaga.
“You have no right to slap my face. You dork!” kunwari’y galit niyang sigaw.
“And cut!” pagputol ng facilitator sa eksena.
‘Natapos din!’
Everyone clapped and gave their comments in the scene. She couldn’t help but to smile because they appreciated her acting skills. She was ardent on what she did so she felt content after the performance.
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Tabitha nang purihin siya ng facilitators sa twist na ginawa niya sa eksena. Kung alam lang ng mga ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang magpasampal, baka tinanggal na siya.
“We will post the result in the bulletin board. Congratulations, Miss Valencia and Miss Sy.”
“Thank you,” sabay nilang sabi ni Samara.
Tabitha faced Samara and offered a hand. “Congratulations!
Samara rolled her eyes. “Kapal…”
Kumunot ang noo niya. “Pardon?”
Samara blew a loud breath. “Ang bida-bida mo. I should have slapped you but you took away that chance for me. Wala sa scene ’yon.”
“Pero it has better outcome. Pinuri pa nga tayo—”
“You took my spotlight!” gigil na gigil na sigaw nito.
Mabuti na lang ay malapit na sila sa pintuan ng theater hall kaya walang nakarinig ng kanilang pagtatalo. Tinitigan niya ang dalaga. Tama ang hinala niya. Sa maamong mukha ay nakatayo ang babaeng masama ang ugali.
Mukhang mali ka yata ng nagustuhan, Wind.
“Let me tell you this. I am the star in the theater club. I always get the lead role I want. Huwag kang pahara-hara dahil hindi mo alam kung anong puwede kong gumawa.”
Ang ayaw niya sa lahat ay iyong “mas bitch” pa sa kaniya. Mali ito ng pinagbantaan. Maling nakipagtalo ito sa kaniya.
Nakaloloko siyang tumawa. “Itigil mo ang pagka-bitch mo sa akin dahil kaya kong higitan ’yang pagiging toxic ng ugali mo. Anong sabi mo kanina? Pinagbantaan mo ako? Well, ikaw ang huwag pahara-hara dahil hindi mo alam kung anong puwede kong magawa.”
Tabitha went out from the theater hall and blew a loud breath. That girl deserved that slap. She didn’t regret what she did in the scene earlier.
‘Double kill, Angry Bird!’
Lakad-takbo siyang pumunta sa dance hall. Hingal na hingal na siya dahil sa third floor pa iyon. Siguradong galit na sa kaniya si Wind.
Pagkarating sa dance hall, tumaas ang mga kilay niya sa dami ng mga tao. Hindi na nga niya makita kung sinong nag-perform sa stage. May tugtog pero mas lamang ang mga boses ng mga manonood.
“Ano ba ’yan? Tatayo na lang ba siya riyan.”
“Ang lakas naman ng loob ng abnormal na iyan. ”
“Mahiya ka nga, Oxygen the Pipi!”
Pagkarinig niya pa lang sa bansag ng mga estudyante, walang pagdalawang-isip na sumingit siya. Kailangan niyang pumunta sa bandang unahan para makita si Wind.
Parang piniga ang puso niya nang makita ang pagluha ng lalaki. Tama bang pinilit niya itong sumali? Hindi niya kayang tingnan ang binatang itinuring niyang bagong kaibigan. Dahil sa kondisyon nito, natakpan ng kahinaan nito ang mga bagay kung saan ito magaling.
Kinaway niya ang mga kamay niya at sumigaw pero hindi siya nito makita at marinig dahil sa dami ng tao. Dumako ang paningin niya sa mahabang lamesa ng mga judge. Mabilis siyang lumapit doon at hiniram ang microphone.
“Wind…”
Tabitha bit her lower lip when Wind looked at her. His eyes were red because of so much tears. His nose was red too.
“Wind, you’re… good at dancing. Show them what they don’t know about you. You’re a talented person. Don’t let your condition be a hindrance to you.”
Mabilis na pinahid ni Wind ang mga luha. Para itong bata sa stage. Tila piniga ang puso niya. Paano kaya ito namuhay na kakambal ang kondisyon nito?
Ibinaba niya ang mic at lumapit sa sound system. Pinakiusapan niyang patugtugin muli ang tugtog. Nasa intro na ang tugtog nang tumingin siya kay Wind. Sa kaniya lang nakatingin ang binata. Parang wala itong nakitang ibang tao kundi siya.
She waved her hand and gave him a smile with assurance. “Break a leg, Wind! I believe you can do this. Prove them that they’re wrong!”
“Bring it on!” lumingon siya sa lalaking nasa likod niya.
Napangiti siya nang sinundan iyon ng isa pang lalaking mukhang may lahing Chinese. Umalpas ang tawa sa kaniya nang nasundan pa iyon ng sigaw ng ilang manonood. Muli siyang tumingin kay Wind at mas lalong hinikayat itong gumalaw.
Ilang sandali pa ay gumanti si Wind ng ngiti sa kaniya. Nakakahiya man at masakit sa lalamunan. Siya ang unang tumili nang nagsimula itong gumalaw. Nang mga sandaling iyon niya lang ginamit ang pangmalakasang boses niya.
“Ang galing mo, Angry Bird!” pikit-matang tili niya pero naging tawa iyon nang masumpungan niya ang masayang mukha ni Wind na nakatingin sa kaniya.
She felt proud to herself. She made Wind enjoy his performance. Her heart melts when she saw that genuine smile.
Wind really was great at dancing. She mindlessly laughed again when she remembered his “baby shark” dance moves. The boy named Wind in front of her in that time was different from being a cute and shy type. What she saw was the man who was ardent.
‘Plus… I find him hot?’
Tabitha shaked her head. No way that Wind will be hot in her eyes. Which part is hot in that man whose only wearing a simple shirt and a simple ripped jeans?
“She’s good at dancing, right?”
Lumingon si Tabitha sa lalaking kumausap sa kaniya. “Yeah…”
Moreno ang lalaki pero mas mapusyaw ng kaunti ang kulay nito kumpara sa kaniya. Medyo matangkad ito sa kaniya at malapad pa ang mga balikat. Makapal ang mga kilay nito katulad ni Wind. Malaki ang mga mata pero akma pa rin sa mukha nito ang mga iyon. Matangos ang ilong at makapal ang pang-ibabang labi. Ang nakapukaw lang ng atensiyon niya ay ang baba nitong tila may bilog dahil sa kaunting umbok doon.
“I’m Stanley,” pakilala nito at inilahad ang kamay.
Tumaas ang mga kilay niya. “I’m… Tabitha.”
Hindi niya na ipinagdamot ang pangalan. Mukhang mabait naman ito. Isa pa, pinuri nito si Wind kaya in good terms sila ng binata.
Pagkatapos ng sayaw ni Wind, isa siya sa pinakamalakas ang palakpak. Sumipol pa siya para lang maipakita ang suporta. Mabuti na lang ay natuto siyang sumipol. Iyon kasi ang gawain niya para magtawag ng mga kasama kapag may camping dati sa bundok noong junior high school student pa lang siya.
“Grabe, ang galing!”
“Ang galing mong sumayaw, Oxygen!”
“Magaling sana pero pipi lang.”
Hindi talaga nawala ang mga kontrabida pero napangiti pa rin siya. Nakapag-perform na si Wind. She brought him out of his shell.
Nang makababa si Wind, diretso lang ang tingin sa kaniya. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Tabitha kahit seryoso ang mukha ni Wind. Itinaas niya ang kamay para makipag-high five pero pinigilan niya ang hininga nang mabilis siyang niyakap ng binata.
Hindi niya alam kung anong gagawin. Kung nagsasalita lang ito ay baka nagsalita na ito sa tuwa. Ang tanging ginawa nito ay tumalon habang yakap siya. Sa bawat oras ay mas lalong humigpit ang yakap nito at sa pagkakataong din iyon, alam niyang may hindi normal sa kaniya.
‘Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?’

Komentar Buku (7)

  • avatar
    Daishel Sadiwa

    😙🥰🥰😭😭

    06/05

      0
  • avatar
    runrun

    beautiful days a story

    06/04

      0
  • avatar
    PositarMary chastine

    try kotong basahin hehe:)

    18/04/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru