logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5: Bruhang Tabitha

“You look like a lovesick fool, Angry Bird,” natatawang puna ni Tabitha kay Wind habang tinatahak nila ang daan papunta sa tent ng theater club.
Wind rolled his eyes and smiled again. He couldn’t stop himself being happy now that the girl he likes filled his mind. He will go to the theater club and it means that he’ll see Samara. That special girl loves acting and performing.
He typed. “I just want to smile. Bruha ka talaga!”
Kumunot ang noo ni Tabitha nang mabasa iyon. “Bakit bruha ang tawag mo sa akin?”
Mabilis siyang nag-type. “Hindi lang ikaw ang may karapatang tumawag sa akin ng kung ano-ano. Stop calling me Angry Bird then I’ll stop calling you Witch.”
Nabasa naman agad iyon ni Tabitha dahil nakadikit ito sa kaniya at inabangan talaga ang bawat letrang lumabas sa cellphone niya. Nang humarap siya rito, sinundot-sundot nito ang mga makakapal niyang kilay.
“Angry Bird suits you very well considering this thick eyebrows of yours, Wind. Lalo na kapag galit ka?” Pabirong huminga ito nang malalim. “Ack… Ack… ang lumalabas sa bibig ko.”
He couldn’t help but to pinched Tabitha’s cheeks. The girl was persistent annoying him. He laughed when her forehead creased. He thought that she will get mad again but the next thing he knew, he was staring at her.
Parang may bumundol sa dibdib niya. Nakangiti pa rin ang dalaga sa kaniya at mas lalong nagwala ang puso niya dahil doon. Mabilis niyang binitiwan ang dalaga at tumalikod. Sinapo niya ang dibdib.
‘Ano ’tong nararamdaman ko?’ Wind gasped when Tabitha reached his hand.
“Let’s go. Samahan mo na akong magpa-register sa theater club.” Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito.
Bahagyang nilipad ng hangin ang mahabang buhok ni Taibitha at hindi alam ni Wind kung bakit umusbong ang kagustuhan niyang hawiin iyon. Itinaas niya ang kamay pero bago pa niya mahawakan ang mukha ng dalaga, agad na siyang hinila nito para maglakad.
He sighed. ‘I can’t fight this feeling.’
Nang makarating sa tent, iniwan siya ni Tabitha sa harap. Tahimik lang siyang naghintay nang makita niya si Samara kasama ang mga kaibigan nito. Lumapit siya nang bahagya para mapansin siya ng dalaga.
“Samara, Oxygen the Pipi is here,” imporma ng isa nitong kaibigang babae kay Samara na sinundan ng iba pang kasama sa grupo.
Napayuko si Wind. Mali sigurong nagpapansin pa siya. Mali sigurong lumapit siya.
“Girls, stop,” suway ni Samara sa mga ito.
Samara approached him. “Sorry for their behavior.”
He just nodded. He couldn’t help but smile. Samara acknowledged his presence and that was enough for him.
“By the way, I just want to invite you to my upcoming birthday party. I’ll just send you the invitation,” paanyaya ng dalaga sa kaniya.
Wind quickly nodded. He knew her birthday. Actually, he already prepared his gift for her. He also planned how he would confess his feelings. He just hoped that everything would be great according to his plan.
“Good. See you around, then. Bye!”
Nakangiting kumaway si Wind. Tinanaw niya ang papalayong si Samara. Nawala lang ang atensiyon niya sa dalaga nang akbayan siya ni Tabitha.
‘Ito na namang bruhang ’to.’
“You like that girl, don’t you?” nakangiting tanong sa kaniya ni Tabitha.
Wala sa sariling tumango si Wind. Hindi niya kayang itanggi iyon. Halata naman kasi sa kaniyang kilos.
“Niligawan mo?” tanong nitong muli.
Mabilis siyang nag-type sa cellphone niya. “Bawal ang chismosa!”
Pabalang nitong kinuha ang cellphone niya. Hindi niya alam kung bakit pa iyon kinuha ng dalaga gayong nabasa na naman nito ang gusto niyang sabihin.
Aagawin sana ni Wind kay Tabitha ang cellphone niya nang biglang ngumanga ito at akma siyang kagatin.
“Sige, kakagatin kita.”
‘Disgusting...’
Agad siyang lumayo dahil sa banta nito. Natawa pa siya nang makita ang laway nito. Hindi man lang nahiya sa kaniya.
Kinutingting ni Tabitha ang cellphone ni Wind. Nilabas nito ang sariling cellphone at may tinawagan. Pagkaraan ng ilang sandali, ibinigay ulit nito iyon sa kaniya.
“Bye, Angry Bird. Kitakits na lang sa room.” Kumindat pa ito kaya umawang ang bibig niya.
‘Nakasusuka...’
Nang makaalis na sa harap ni Wind si Tabitha, naglakad na siya papuntang cafeteria. Gusto niyang bumili ng frappé. Nabitin siya dahil sa babae. Kinalikot niya at tiningnan kung maayos pa ang kondisyon ng cellphone niya.
Nagsalubong ang mga kilay niya pero bigla na lang siyang natawa nang makita ang number at pangalan ni Tabitha sa cellphone niya.
‘Pretty Tabitha...’
Tinanggal ni Wind ang salamin at kinusot ang mga mata. Nang maalala ang mukha ni Tabitha, umalpas na naman ang tawa sa bibig niya. Masyadong mataas ang self-confidence ng dalaga. Mas maganda siguro kung bawasan niya iyon kahit kaunti lang. Pinalitan niya ang pangalan ni Tabitha sa cellphone niya at tinago iyon sa bulsa.
Bruhang Tabitha
******
Poink, poink, poink ang tunog na gumising sa diwa ni Wind nang umagang iyon. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at dumapa sa kama niya. Hinila pa siya ng antok at ayaw niyang bumangon dahil ang alam niya’y walang pasok.
“Wake up, sleepyhead! This is your day. Audition na mamaya.” Mas lalong lumakas ang tunog at paulit-ulit pa iyon.
‘What the fish?’
“Angry Bird, wake up!”
Sino ba ang Angry Bird na iyon?!
Bigla siyang dumilat. Pinakiramdaman niya muna ang paligid bago bumangon. Hindi na nag-ingay ang taong sumigaw kanina. Ilang sandali pa ay bumalikwas siya mula sa pagkadapa. Hindi siya nagkamali sa naisip. Nasa harap niya sa Tabitha at may nakapaskil na ngiti rito. Nakasuot ito ng white shirt at black high waisted jeans.
“Good morning, Angry Bird! Ang hirap mong gisingin.” Ibinaba nito ang kawali at sandok na hawak.
Kaya pala masakit sa tainga ang umaga niya. Nasa silid niya ang babae. Sino kaya ang nagpapasok sa dalaga? Tiyak na ang mommy niya iyon.
Kinuha niya ang MacBook at gigil na nagsulat doon. “This is invasion of my privacy! You ruined my peaceful sleep! Get out of my room!”
Sa halip na sundin ang gusto niya, pagbagsak itong humiga sa paanan ng kama niya. “I asked Tita Venus about you. Sinabi niya namang tulog ka kaya pinapasok niya ako sa kuwarto.
Nagsulat ulit si Wind. “Bakit ka ba kasi nandito?”
“Hello? Today is your audition, remember? Bago ka magalit sa akin, maligo ka muna. Look at yourself. Parang pugad ng ibon ang buhok mo at may panis na laway ka pa talaga.”
Wind simply touched his cheek and hair. He closed his eyes when he realized that Tabitha was right.
Tumayo ang dalaga at bababa na sana pero bigla itong humarap sa kaniya. “By the way, ang… gwapo mo pala kapag walang salamin.”
Mabuti na lang ay bumaba na ang dalaga. Baka nakita pa nito ang reaksiyon niya. Para siyang nakalutang. Hindi niya alam kung dahil sa bagong gising lang siya o dulot lang talaga ng sinabi sa kaniya ni Tabitha.
‘Now, I guess this is the sign… of my love. Curious about the look in your eyes. I’ve never felt this way before… and now I’ve realized that I love you…’
Wind immediately grabbed his cellphone to stop the alarm when he heard Tabitha’s annoying laugh. He looked down in his mini basketball court. There he saw the beautiful girl with the face that was full of laughter.
“Seriously? A love song alarm? I didn’t know you have a clingy side.”
‘Stupid fishing alarm!’
Mabilis siyang bumaba at pumasok sa banyo. Malakas niyang sinarado ang pinto. Hanggang sa loob, narinig niya pa rin ang tawa ng dalaga.
“Are you mad at me? Huwag ka nang magdabog diyan. Now, I guess this is the sign…”
Mabilis niyang binuksan ang shower at itinapat ang sarili kahit may damit pa siya. Ang lakas ng loob ng babaeng iyong asarin siya sa mismong pamamahay niya. Talagang kinanta pa ang alarm niya.
‘Bruhang nilalang talaga!’
When he’s done with his morning rituals, he went down to the living area. There’s no one in that area so he proceeded to the kitchen. There he saw his family except his daddy eating breakfast. His daddy is always busy with work and an early bird in their company.
He has no classes but there will be auditions later for the admission of performing clubs. That day should be his rest day but Tabitha didn’t let him.
When Wind saw his mother, he kissed her on her cheek. “Good morning, Mommy,” he signed.
“Hi, baby! Eat your breakfast na!” masiglang paanyaya ng ina niya.
He looked around but he didn’t see Tabitha. Nasaan na iyong bruha na iyon? Pinababa niya ako ’tapos siya ang wala.
“Sinong hinahanap mo, Kuya Wind?” tanong sa kaniya ni Sunshine.
“Kung hinahanap mo si Tabitha, umalis na siya. Nagpaalam lang naman siya sa aking gigisingin ka raw niya kasi nga may audition ka raw sa dance club. Why didn't you tell me that you’ll join to that club?”
“Tabitha pushed me to register,” he signed.
Suminghap si Venus. “Bakit parang nalulungkot ka? Are you disappointed because Tabitha leave without saying goodbye? Sabi na nga ba, you have something for her.” May bahid ng panunudyo sa tinig ng kaniyang ina.
Gigil na sumenyas si Wind sa Mommy niya. “I don’t feel anything for her. You know who I really like, Mommy.”
Tumaas ang mga kilay ni Venus at tumawa. “Okay, baby. I’ll believe your in denial feelings but remember this, tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Proven and tested ko na ’yan.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. Wala siya sa in denial stage dahil wala naman siyang dapat i-deny. Ang nanay niya lang ang hilig gumawa ng issue sa kanila ni Tabitha.
After Wind ate his breakfast, he went to the rooftop of their mansion. He chose to practice there because that’s the peaceful part; good to practice his dance.
He used a bubbly song for his dance. He thought that he should dance moderately because it’s just an audition. He didn’t want to be the center of attention. He sighed as nervous crossed his chest.
‘Pahamak talaga ang bruhang iyon.’
Nang makababa si Wind, napatalon siya sa gulat nang madatnan si Tabitha sa dining table na kumakain. Tiningnan niya ang wall clock. Lunch na pala at hindi man lang niya namalayan. Masyado siyang nag-enjoy sa practice niya.
“Hi, Angry Bird! Tagal mo naman mag-practice. Ikaw, ha? Ayaw-ayaw ka pa... pero todo effort naman mag-practice!” tukso ng dalaga sa kaniya.
“Ang takaw mo talaga!” pagsenyas niya sa dalaga.
Kumunot ang noo ni Tabitha. “What’s that?”
“Eat well daw,” pagligaw ng mommy niya sa sinabi niya.
Napaigtad si Wind nang sundutin ng kaniyang ina ang kaniyang tagiliran. Minsan ay alam niya na kung saan siya sa nagmana. Mana siya sa kaniyang inang mahilig hindi magsabi ng totoo.
Inilapag ni Venus ang ibang putahe sa lamesa. “Kumain ka nang marami, Tabitha.”
“Thank you, Tita Venus.” Bumaling ang paningin ng dalaga sa kaniya. “Kumain ka na, Wind. Sabay na tayong pumunta sa campus.”
Umupo na lang si Wind at sinaluhan ang dalaga sa pagkain. Pagkatapos mananghalian, agad silang lumabas. Sasakay na sana siya sa bisikleta niya nang hinila ni Tabitha ang laylayan ng shirt niya. Salubong ang mga kilay na bumaling siya rito.
Inginuso ni Tabitha ang pink nitong scooter. “Diyan tayo sasakay.”
Mabilis siyang umiling. Tinanggal niya ang lock ng bisikleta niya. Hinding-hindi siya sasabay sa dalaga lalo pa at kulay pink iyon. Ilang sandali pa ay may helmet na sumuot sa ulo niya. Mabilis siyang tumayo at humarap sa dalaga. Ang lapit ng mukha nito sa kaniya at ang puso niya, parang lumundag na naman.
“You look cute with my pink helmet!” nakangiting turan nito at ini-lock iyon sa baba niya.
She holds his wrist. “Let’s go, Angry Bird.”
Wind parted his lips because of her touch. It seems like the girl entered his heart. He must be careful of her now that she has an effect on him.

Komentar Buku (7)

  • avatar
    Daishel Sadiwa

    😙🥰🥰😭😭

    06/05

      0
  • avatar
    runrun

    beautiful days a story

    06/04

      0
  • avatar
    PositarMary chastine

    try kotong basahin hehe:)

    18/04/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru