logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 3: Mister Speechless Angry Bird

“I got you, Villafuerte!” Napatalon si Tabitha nang mabunot ang apelyido ni Wind.
Yumuko si Wind dahil sa hiya. Tumawa kasi ang mga kaklase nila. Masyadong hyper at weird si Tabitha kaya ayaw niyang kasama ito pero mapagbiro yata talaga ang tadhana. Ang pangalan niya pa ang nabunot nito. Ito tuloy ang partner niya sa reporting.
Mabilis na umupo si Tabitha sa upuan at pilit na kinuha ang kamay niya. Pinandilatan niya ang dalaga at sinarado ang palad. Inakala niyang sumuko na ito pero inilagay na lang nito ang maliit na papel sa bandang leeg niya. Nahulog tuloy iyon sa loob ng polo niya.
“Ang arte mo. Alam mo ba ’yon?” natatawang puna ni Tabitha sa kaniya.
“I’ll expect your reports, class. Good luck. Class, dismiss,” anunsiyo ng kanilang guro.
Nang makaalis ang teacher, agad tumayo si Wind para hindi na siya makulit ni Tabitha. Gusto niya na itong tanggalin sa sistema niya pero hindi nakatutulong ang laging pagdikit nito sa kaniya.
******
HINDI napigilan ni Tabitha ang pagkunot ng noo nang iwan siya ni Wind. Gusto niya lang namang maging kaibigan ang lalaki dahil mukhang magkakasundo sila pero ayaw sa kaniya ng binata. Hindi siya pinapansin nito at kahit anong pigil niya sa emosyong laging sumisira sa pagkatao niya, hindi niya magawa.
“Wind!”
She assumed that Wind could be her friend. That guy was mute and she believed that being friendly with him may help her to control her emotions. For someone like her that has anger management, less talk means less anger.
May mga kaibigan si Tabitha sa pinanggalingang school pero bilang lang sa daliri ang mga iyon. Nahihirapan siyang magtiwala lalo pa at hindi niya makontrol ang sarili niya kapag galit siya.
Mabuti na lang ay kilala talaga siya ng mga kaibigan niya. Her condition was the reason why she was kicked out from her previous school. She trusted her classmate but that was one of the biggest mistakes she made in her life.
Napagbintangan siyang nag-leak ng answer keys sa exam kaya nanganib noon ang pag-aaral niya. Sa sobrang galit niya, sinugod niya ang babae at parang wala sa sariling sinabunutan, kinalmot at kinaladkad ang babaeng itinuring niyang kaibigan pero kalaban pala ang turing sa kaniya.
Napatunayang hindi si Tabitha ang nagpakalat ng answer keys pero major offense ang ginawa niya kaya napatalsik siya ng mga board member ng school. Mabuti na lang talaga ay tinanggap siya ng D.U. kaya nakapag-aral pa siya. Isa pa, kaibigan ng daddy niya ang Dean kaya napakiusapan. Iyon nga lang, bantay ang lahat ng kilos niya.
She sighed as she looked at her hands. That’s true when she said to Agatha that she can destroy people. Because of her anger management, she could hurt people. No one stayed beside her because she’s a monster.
Sabi ng daddy ni Tabitha, masiyahin siyang tao at alam niya iyon sa sarili niya. Hindi niya lang talaga makontrol ang galit niya. Hindi niya alam kung anong gagawin para kumalma sa mga ganoong sitwasyon.
“DITO ka nakatira sa village na ’to? Dito rin kami nakatira. Kalilipat lamang namin!” masayang anunsiyo ni Tabitha at mas binilisan pa ang pagbibisikleta para matapatan si Wind.
Simpleng tumingin sa kaniya si Wind at nairita siya nang makitang mukha itong walang pakialam. Huminga siya nang malalim para hindi ito masigawan. Hindi na lang siya nagsalita. Hindi rin naman ito nagsalita. Paano niya magiging kaibigan ang binata kung lagi niya na lang itong masisigawan?
Ilang sandali pa ay huminto sila sa harap ng malaking itim na gate. Nadaraanan niya iyon pero hindi niya pinagtuunan ng pansin. Isa pa, bagong lipat lang din siya sa village. Ngayong alam niya na ang bahay ni Wind, mukhang lagi siyang magiging tambay doon.
“Bahay mo?” tanong niya kay Wind at inakbayan pero napunta lang sa ere ang braso niya. “Ang sungit mo, Mister Speechless.”
Natawa siya nang maintindihan ang sinenyas nito. “You mean let’s go? May improvement ako? Sabi na nga ba, e. Magkakaintindihan tayong dalawa kahit ganyan ka.”
Tumalikod ito sa kaniya pero sa halip na mairita, mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti. Nahuli niyang ngumiti si Wind at parang malaking achievement na iyon. Agad siyang sumunod at binati ang guard ng bahay.
Sumalubong sa kaniya ang malawak na garden na puno ng iba’t-ibang bulaklak at ang ganda pa ng arrangement ng mga paso. Pinagmasdan niya naman ang malaking mansyon. Krema at puti ang kulay at moderno ang disenyo kaya naman napasinghap siya nang makapasok sa loob. Para siyang nasa mayamang mansyon ng mga mayayamang tao noong panahon ng Kastila sa Pilipinas. Gusto niya tuloy makita ang bawat silid. Daig niya pa ang nasa tourist spot ng makasaysayang lugar.
“Wind, do you have a swimming pool here?” wala sa sariling tanong ni Tabitha at hinila pa ang laylayan ng coat nito.
“Of course. Do you want to swim, young lady?”
Tinakpan ni Tabitha ang bibig nang makita ang isang babaeng nasa forties at kamukhang-kamukha ni Wind ang ginang. Hindi niya alam kung anong gagawin. Sa dami ng puwedeng itanong, iyon pa ang napili niya. May pool naman sa mansyon nila. Baka akalain pa ng mga itong gusto niyang makiligo.
Kinuha ni Tabitha ang kamay ng ginang at mabilis na nagmano. Hindi niya naman iyon gawain pero ginawa niya pa rin para maligtas ang sarili sa kahihiyan. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi pero napawi iyon nang makita ang pagkagulat sa dalawa.
Ang mommy ni Wind ang unang nakabawi at niyakap siya. “Ang galang mo naman. I like you. I was just shock because you vow and mano to me. Iba na kasi ang mga kabataan ngayon.”
Peke siyang tumawa at binitinan ang bag ni Wind na nakasabit sa likod nito. Nanlaki ang mga mata ng binata pero pinandilatan niya ito. Gusto niyang tirisin ang binata dahil sa pagkapahiya.
“Dalagang Pilipina, yeah po kasi ako, Tita…”
Tumawa ang ginang at hinila siya papuntang dining area. “I’m Venus but just call me Mommy.”
Parang hinaplos ang puso ni Tabitha. Matagal na panahon na rin simula nang may tinawag siyang mommy. Sabik tuloy siya sa kalinga ng isang ina.
“Gusto ninyo po akong maging anak?” pabirong tanong niya at sinundan ng tawa.
Umiling si Tita Venus at pinaupo siya sa harap ng mahabang dining table. “Gusto kita para sa anak ko.”
Bigla siyang napatayo pero muling napaupo nang pinaupo ulit siya ni Tita Venus. Gusto niyang maging kaibigan si Wind pero hindi naman umabot sa puntong maging boyfriend. Umusbong tuloy ang kaba niya.
‘Hala! Is that you, Angry Bird?’
Napatingin si Tabitha sa binata. Gigil na sumenyas si Wind sa nanay nito. Salubong na salubong pa ang kilay kaya hindi niya naiwasang tumawa. Naalala niya sa mukha nito ang paborito niyang cartoon noong bata siya.
Pinagmasdan niya ang mukha ng binata. May hitsura naman ito. Makakapal ang mga kilay nito, malamlam ang mga mata at kahit may salamin ito sa mga mata, hindi pa rin iyon nakaligtas sa paningin niya. Pati ang nunal nito sa sentido nito ay hindi rin nakaligtas sa kaniyang mapanuring mga mata.
Katamtaman lang ang tangos ng ilong ni Wind at makapal ang pang-ibabang labi na talaga namang natural ang pagkapula. Kapag ngumiti ito o hindi kaya ay iritado, lumalabas ang mga dimple nito. Maputi nga lang ang balat nito hindi katulad sa kaniyang morena. Ayaw niya na sa mga mestizo dahil mahilig mang-ghost ang mga lalaking mestizo. Nang magtama ang tingin nilang dalawa, umirap si Wind. Gumuhit na naman ang iritasiyon sa dibdib niya.
‘I will learn sign language in order for me to understand you, Angry Bird.’
“Tita Venus, ano pong sabi ni Wind?” tanong niya sa ginang.
Tumaas ang kilay ng mommy ni Wind at bahagyang tumawa. “Crush ka raw ng anak ko.”
Mabilis siyang tumingin kay Wind at agad itong umiling. Niyugyog pa nito ang ina na parang gustong bawiin ang sinabi. Sa halip na mailang, natawa na lang din siya.
“Yeah!”
******
DINAIG pa ni Wind ang batang inagawan ng candy. Napatingin siya sa katabing pool ngunit ilang sandali pa ay bumalik ang atensiyon niya sa laptop niya. Hindi siya mapakali kaya bumaling ang paningin niya kay Tabitha na abala sa pagkain ng cinammon rolls na dala ng kaniyang ina. Seryosong nagbabasa ito ng lesson.
Hindi mapigilan ni Wind ang kaniyang ina sa pagsabi ng kung ano-anong walang kabuluhang bagay kay Tabitha. Gusto niya tuloy malaman kung anong iniisip ng dalagang nasa harap niya. Baka isipin nitong may crush talaga siya rito gayong si Samara ang gusto niya. Sumulat siya sa kaniyang notebook na nasa mesa at inusog papunta sa dalaga.
“To make things clear to you, I don’t have feelings for you. I don’t like you.” Umangat ang paningin sa kaniya ni Tabitha pagkatapos basahin iyon. “Alam ko naman ’yon. Ni hindi ko nga rin naisip na naging crush kita, gusto pa kaya?”
Umayos si Wind ng upo at nagsalubong ang mga kilay niya. Mabuti iyong nagkakaintindihan sila pero nagpanting ang mga tainga niya sa narinig. Hindi dapat siya nairita sa sinabi nito pero bakit iyon ang naramdaman niya? Parang ayaw tanggapin ng mga tainga niya ang sinabi nitong kahit crush ay wala itong naramdaman sa kaniya.
Sumenyas si Wind sa dalaga. “Bakit mo ako kinukulit palagi? Ano bang gusto mo?”
Nanlaki ang mga mata ni Wind nang tinapat ni Tabitha ang dulo ng tinidor na hawak sa kaniyang bibig. Napalunok siya nang ibaba iyon ng dalaga at nagpatuloy sa pagkain. Mas abnormal pa yata ang babae kumpara sa kaniya.
Inabot nito ang papel at ballpen sa kaniya. “Don’t use your sign language with me now that I don’t know anything about that. Write what you want to say about me for the meantime. Hobby ko naman ang pagbabasa.”
Wind just shook his head and continued doing his report. He couldn’t ride her weird tactics. Her weirdness sent shivers down to his spine. Just what the fish is wrong with me?
Patapos na si Wind sa report nang lumapit sa kaniya si Sunshine. Her little sister kissed her cheeks and slightly hugged him.
“What can I do for you, Sunshine?” he signed.
“You promised to me. You’ll teach me how to dance baby shark!”
Tumingin siya kay Tabitha at ngumiti lang ito.
“Teach her. I won’t mind. Just stay here para kapag may tanong ako, masagot mo.” She waved to his sister and smiled at her. “Hi, Sunshine. I am Ate Tabitha. Wow! Your name sounds great. Your cute smile is like sunshine.”
Sunshine gave Tabitha a piece of lollipop. “You can call me Sun, Ate Tabitha. Thank you for being kind to my Kuya Wind. My Kuya Wind’s friend is my friend too.”
Napuno ng saya ang puso ni Wind. Napaka-inosente ng pagkasabi ng bata pero tagos iyon sa puso niya. Suwerte siyang nagkaroon pa siya ng kapatid.
Bumaling siya kay Tabitha. Hindi niya inasahang malapit ito sa bata. Para sa isang babaeng mabilis magalit, wala sa mukha nito ang magpaamo sa isang bata.
Sumulat siya sa sticky note at hindi niya naiwasang mahinang tumawa. Ang galing mong mang-uto ng bata!
Binuhat niya ang kapatid at mabilis na idinikit ang sticky note sa noo ng dalaga. Biglang napawi ang ngiti nito kaya mabilis siyang tumalikod.
Inayos niya na ang speaker nang may bumato sa kaniya at sapol iyon sa ulo. Nakita niya sa damuhan ang sticky note na gusot na. Magkasalubong ang mga kilay na lumingon siya sa dalaga. Nakakuyom ang mga kamao nito at parang nagtimpi lang na sigawan siya. Tumingin ito sa bata at umawang ang bibig niya nang inilabas nito ang dila para inisin siya.
Muling bumalik sa pag-ayos ng speaker si Wind. Sa halip na mainis, umalpas ang mahinang tawa sa bibig niya at napailing pa.
‘Ang ganda niya kapag naiinis at walang magawa.’
Pinatugtog ni Wind ang song na baby shark sa phone niya nang ma-connect na niya sa speaker ang tugtog sa cellphone niya.
He taught Sunshine some basic steps he knew in that nursery rhyme. He enjoyed being with her sister. Her smile made him smile too.
Dancing was his hobby when he was a kid but he stopped because of his condition. He couldn’t perform on the stage anymore. His confidence vanished as well as his ability to speak.
One time, there’s a culminating activity in the campus, Wind wished that he’s one of the members of the dance troupe. He sometimes hoped that he could be popular and not just a nobody.
Patapos na siya sa pagtuturo nang makirinig siya ng malakas na pagtawa. Agad siyang lumapit kay Tabitha at mariing tiningnan ang dalaga. Tawa pa rin ito nang tawa at may paghawak pa ito sa tiyan.
“You’re so cute, Mister. Speechless Angry. Bird!” palaging may prenong usal nito.
Nag-init ang mga pisngi ni Wind nang marinig ang tawag sa kaniya ng dalaga. Patakbo siyang pumasok ng bahay at nagkulong sa kuwarto. Hindi siya sanay na may malapit sa kaniyang ibang tao at kung ituring siya ay normal. Nanibago siya sa damdaming iyon. Kahit ilang ulit niyang itanggi sa sarili, alam niyang nagdulot ang dalaga ng kasiyahan sa dibdib niya.
‘But still, I’m embarrassed!’
Humiga si Wind sa kama at ginulo ang buhok. Bigla siyang bumangon nang may naisip. Hindi dapat siya magpaapekto. Mas lalo lang siyang iinisin ng dalaga. Ang pinakamagandang pang-aasar ay manahimik. Napangiwi siya. ‘Matagal na talaga akong tahimik. Hindi effective ’yon.’

Komentar Buku (7)

  • avatar
    Daishel Sadiwa

    😙🥰🥰😭😭

    06/05

      0
  • avatar
    runrun

    beautiful days a story

    06/04

      0
  • avatar
    PositarMary chastine

    try kotong basahin hehe:)

    18/04/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru